Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
panitikan

panitikan

Ratings: (0)|Views: 449 |Likes:
Published by Jessa Fosgate

More info:

Published by: Jessa Fosgate on Mar 10, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as ODT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/30/2013

pdf

text

original

 
Maikling Kwento:(amerikano)Walang Panginoon
Deogracias A. RosarioNang Makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan san g mahabanghintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo.Isinisiksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturoay ipinapasak sa mga butas ng kanyang taynga.Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan angmalungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ngsimbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahit saan siya magsiksik, kahit nasaan siya magtungo, kahit anong gawin niyang pagpapasak sa kanyangtaynga, ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ngbatingaw.“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’ydinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting ngkamapana.“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang inasa paniwalang-paniwalang hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.“Ngunit. Marcos…” ang baling uli ng matandang babae sa anak. “Bakitayaw mong ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya’y nagpapagunita sa mga tao nadapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasakabilang buhay. Lalo ka na, Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’yang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid panganay, ikatlo’y ang kapatid mongbunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas na marahan atmadalang ng matandang babae.Si Marcos ay hindi kumibo. Samanatalang pinangangaralan siya ngkanyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapiki’t kaya’t nanlalabo pa’t
 
walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manliliksiik at mag-aapoy.Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali’t sa kanyangsarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, maynagsasalita.“Dahil din sa kanila, lalung-lao na kay Anita, ayaw kong marinig angmalungkot na tunog ng batingaw,” ang kanyang sinasabi ni Marcos sa sarili.Kinakagat niya ang kanyang hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata saina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin.Akala ng ina’y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sawari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng pusongito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka’t hindi panatagalang namamatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong,mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcosang lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupuyaging matuto sapamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang magingisang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdamandin ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayongdagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Itoay kanyang ibig na libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana’ymabunutan siya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o,baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,” angsabi ng ina. “Walang pagsalang masasayahan ka ronn.”“Si inang naman,” ang naibubulaslas na lamang ni Marcos. Iyan nalamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang ina kung gaano angpait para sa kanya ng pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ngmatanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.“Kung nalalaman lamang ni inang ang lahat,” ang nasasabi niya uli sa
 
kanayang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa maytapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita,“disi’y hindi ako itataboy sa kasayahan.”Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagana yaon ang malakinilang kapalaran sapagka’t mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nangisang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utos nghukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan, at sinasamsam niDon Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.“Inang, matalom ba ang itak ko?” ang unang naitanong ng anak sa inamatapos matunghayan ang utos ng hukuman.“Anak ko!” ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabaykapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamangdalawa ang nabubuhay sa daigdig?”Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag sa kalooban ng binata. Gayonman, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan,ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasayasayan ngkanilang lupang sinasaka.Ang sabi’y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturanglupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at wlang sino mamn angnakikialam sa ano mang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais otubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa nasinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, angpamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upangtangkilikin ang kanilang katwiran at kaarapatan. Sa wakas ay napilit silangmamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isangtaon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagalay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->