You are on page 1of 5

BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN UNANG MARKAHAN IKAAPAT NA LINGGO I.

. PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa Susuriing Genre Halimbawang akda : : : Pagsusuri sa Akda Ayon sa Teoryang Istraktura ng akda Nobela Luha ng Buwaya (buod) Ni Amado V. Hernandez Nakateyp na buod ng novela, mga larawan Pagkilala sa nobela batay sa istruktura nito Mapanuring paghuhusga Pagiging maayos at lohikal

Mga Kagamitan : Kasanayang Pampanitikan : Kasanayang Pampag-iisip : Halagang Pangkatauhan : II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapaglalahad ng mga pansariling karanasang kaugnay sa mga karanasang nakapaloob sa akda. B. Layuning Pampagtalakay B.1 Pagsusuring Panglingwistika Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga piling pahiwatig pahayag na ginamit sa akda. B.2 Pagsusuring Pangnilalaman Naiisa-isa ang mga kaisipan/ideyang nakapaloob sa akda na nagpapahayag ng pagkakaisa o pakikiisa. B.3 Pagsusuring Pampanitikan Nasusuri ang novela batay sa istrukturang pakikipagkapwa-akda. C. Nabibigyang reaksyon ang damdaming inihatid ng novela. D. Nakalilikha ng isang akda batay sa isang tiyak na anyo.

III.

PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW 1. Mga Panimulang Gawain 1.1 Pagganyak 1.1.1 Pagpaparinig ng isinateyp na usapan ng mga manggagawa at kapitalista. Habang nakikinig ay ipakikita ang ibat ibang larawan o senaryo ng mga nagwewelga. - pagbibigay ng reaksyon ang mga mag-aaral 1.1.2 Pagpaparinig sa awit ng Inang Laya. WELGA. Pagpapaugnay sa awit at sa isa sa mga larawan. 1.2 Paglalahad A. Pagpapakahulugan sa pamagat. LUHA NG BUWAYA ( pangkatan) Pangkat 1 at 2: Mga pumapasok na larawan sa isip kapag naririnig ang pamagat Pangkat 3 at 4 : Pagpapaguhit ng isang tiyak na larawan Pangkat 5 at 6: Pagbubuo ng mga pasalitang kaisipan B. Pagbabahaginan sa klase ng kinalabasan ng pangkatang gawain C. Pagpaparinig sa nakateyp na buod ng novela

BUOD NG LUHA NG BUWAYA (Amando V. Hernandez) Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni 63

Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena. Nang ipaghanda sa bahay asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantalay nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong. Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw. Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong. Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyon at naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. 64

Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata. Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan. BUOD NG MGA IBONG MANDARAGIT (1969) Amando V. Hernandez i Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun. asisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel. Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito. Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila. Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan. Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P. Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pagibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri. Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly. Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo. D. Pagbubuod

65

E. F. H. I.

Pangkat 1 at 2: Pag-iisa-isa ng mga makatotohanang pangyayari at pag-uugnay nito sa sariling karanasan Pangkat 3 at 4: Pag-iisa-isa ng mga makatotohanang pangyayari at pag-uugnay nito sa mga karanasang nangyayari sa paligid ( sa ibang tao) Pangkat 5 at 6: Pag-iisa-isa sa mga makatotohanang pangyayari at pag-uugnay nito sa mga pangyayari sa bansa Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat sa nabuong buod ng pinagusapan. Pagbibigay ng feedback ng mga nakikinig. Pagbibigay ng feedback ng guro sa mga narinig Pagbubuo ng sintesis

PAGSUSURI SA AKDA IKALAWANG ARAW Pangkatang Gawain 1. Pangungusap na pagbubuod sa akdang sinusuri 2. Pangkatang Pagsusuri Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika Pagpapapili ng mga piling kaisipan/ideya sa binasang buod ng novela. Pagkilatis sa mga kaisipan/ideya kung may katotohanan o sariling opinyon lamang. Pangkat 3 at 4: Pagsusuring Pangnilalaman Pag-iisa-isa ng mga ideya/kaisipang nakapaloob sa akda na nagpapahayag ng pagkakaisa at pakikiisa. Pagpapatunay na ang mga ideya/kaisipan ay nagpapahayag ng pagkakaisa/pakikiisa. Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan Pagbibigay/paglilista ng mga akdang may pagkakahawig dahilan sa prinsipyo ng pakikipagkapwa-akda batay sa mga nabasa na Paglalahad ng mga pangyayari sa novela na walang kaugnayan dito. Pagkilala sa dalawang mahahalagang tauhan ng novela na may magkasalungat na kaisipan/ideya. Pagpapapili ng ginamit na matatalinghagang pahayag, mga tayutay, salitang nagpapahayag ng simbolo at imahe. 3. Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat sa nabuong buod ng pinag-usapan. 4. Pagbibigay ng feedback ng mga nakikinig. 5. Pagbubuo ng sintesis IV. EVALWASYON IKATLONG ARAW 1. Muling pagpaparinig ng nakateyp na buod ng novelang sinusuri 2. Pangkatang Pagsusuri Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot Maikling pagsasatao ng ilang kalagayang panlipunan na pabibigyang interpretasyon batay sa damdaming inihahatid. Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing

66

Pagpapabasa ng isang pangbuod na nobelang pinamagatang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez at paghahambing ang istruktura ng dalawang akdang binasa. Pangkat 5 at 6: Pagpapakita ng Pagtataya Pagbabahaginan tungkol sa naging epekto ng binasang buod ng novela Luha ng Buwaya sa sarili. Pagtatala ng mga pagbabagong kaisipan at pandamin naganap matapos matalakay ang 3. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon. 4. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig. 5. Pagbibigay ng guro ng feedback tungkol sa naganap na pagbabahagi 6. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay V. A. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN IKAAPAT NA ARAW Paglikha 1. Pagbabahaginan ng aktwal na karanasan 1.1 Dalawang pelikulang magkapareho. Paano magkapareho? 1.2 Ano ang nadama matapos mapanood ang dalawang pelikula? 2. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig 2.1 Pareho din ba ng karanasan? 3. Pagpapasulat ng reaksyon sa dalawang nabasang kwento o napanood na pelikula, telenobela sa TV na halos magkapareho ng istruktura: 3.1 Aral 3.2 Tauhan 3.3 Pangyayari 3.4 Reaksyon sa pagkakapareho 3.5 3 talataan lamang 4. Pagpapabasa ng ilang pasimula 5. Pagbibigay ng feedback ng guro sa binasang pasimula. 6. Pagpapatuloy sa pamagat bilang gawaing-bahay

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT IKALIMANG ARAW Pagpapahalaga sa Isinulat 1. Muling pagpaparinig sa nakateyp na buod ng novela habang nakikinig ay ipababasa nang tahimik ang isinulat na reaksyon. 2. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano ang nadama habang isinusulat ang reaksyon. Bakit? 3. Papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng isang kamag-aral na babasa sa kanyang reaksyon. Magpapalitan ng pagbibigay ng puna ang magkapartner. 4. Pagbabahagiin ang ilang mag-aaral tungkol sa naging palitan ng puna. 5. Pagbibigay ng guro ng feedback sa narinig. 6. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa istruktura ng nobela.. VI. Takdang Gawain VII. Pagbubuo ng clippings ng buod ng nobela sa istrukturang pakikipagkapwa-akda

67

You might also like