Welcome to Scribd. Sign in or start your free trial to enjoy unlimited e-books, audiobooks & documents.Find out more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Preliminary Theses 102

Preliminary Theses 102

Ratings: (0)|Views: 183|Likes:
Published by Eugene

More info:

Published by: Eugene on Mar 15, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/25/2013

pdf

text

original

 
1.
Sa isang talakayan na talinhaga ang nakasangkot, magagamit angkatagang ‘tao’ sa paraang
equivocum.
Sa talakayang konsepto naman,magagamit ang konseptong ‘tao’ ay magagamit bilang
univocum.
Sapagbigkas sa tao bilang nagmemeron, dapat
analogum
ang pagbigkas.
Maaring magamit ang katagang ‘tao’ sa tatlong pamamaraan, depende kung saan itogagamitin. Sa unang paraan, magagamit ang katagang ‘tao’ bilang konsepto. Halimbawa,ang salitang tao ay ginagamit bilang konsepto. Mahirap isakonsepto ang tao dahil dinabibigyan ng katarungan ang yaman ng kanyang pagmemeron. Ang tawag sapagsasakonsepto ay
univocum
(Latin ng ‘isang tinig’), na kung saan isang tinuturo angtinuturo ng panturo (kataga). Ito ay pinakaakmang gamitin sa pagsasakonsepto. Ito angkadalasang nangyayari sa atin kung nagmamadali at may pagkukulang sa pagmamasid.Maari ding masabi na sa katamaran natin nagagamit natin ang tao bilang univocum at dina tingnan aang kayamanan ng tao bilang nagmemeron.Pangalawa, magagamit ang nasabing kataga sa mga talinhaga. Halimbawa, kung sabihinkong ‘may tao sa bahay namin, sina nanay, tatay, atbp.’ at sabihin ko ring ‘Huwag niyongpapasukin yung taong nasa labas. Mukha siyang kahina-hinala’, nagkaroon na ngdalawang nais sabihin ang katagang ‘tao’. Nais sabihin ng una ang aking mga magulang,mga tong kakilala ko at nais naming sabihin ng pangalawa ang taong di ko kakilala. Sadalawang halimbawa, mapapansin na may pagkaparehas ang dalawa, na parehas nagamitang katagang ‘tao’ na ang tanging nagbubuklod sa kanila, ngunit mayroon din silangpagkakaiba, ang kanilang pagkagamit/nais ipahiwatig. Ito ang hiwaga ng talinhaga, na sailalim ng
equivocum
(Latin ng ‘kaparis ang tinig’). Kung gagamitin ito sa usapin ng tao,mainam siya bilang talinhaga, ngunit, tulad ng sa univocum, di pa rin nabibigyan ng sapatna katarungan ang pagpapakita ng meron sa paggamit nito, pero mas ayos ito kumparasa univocum, dahil higit sa isa ang kayang ituro.Panghuli ngunit di pinakalugi, nagagamit ang katagang ‘tao’ bilang nagmemeron. DItonabibigyan ng katarungan ang yaman ng pagpapakita ng meron. Ito ay madalas nakikitasa bungang isip, isang paagbabad ulit ng konsepto sa kalawakan sa karagatan ng meronupang lumago. Sa pagmemeron ng tao, hindi siya nakukulong dahil ito ay tumutubo,gumagalaw, maaring magbago. Sa pagmemeron ng tao, mainam at nararapat lamang nagamitin dito ang
analogum
(mula sa
analogiya
ng Griyego)
.
Sa analogum, ang tao ayhinuhuli sa kanyang kabuuan ng tao sabay hinahayaang tumubo sa kanyang kabuuan. Saanalogum, may hangganan at bakod ang tao ngunit di kasing-tibay ng bakod sa univocumat ng equivocum, dahil may puwang na linalaan ang analogum sa tao upang ito ay lumagopa. Sa analogum, may mahigit isang bagay na pinagtatambis.
2.Ang meron ay paksa ng mga paksa. Sa pagbigkas sa meron ay nagaganapang analogia ng mga analogia. Diyan tayo matatauhan na ang malay taoay mulat at tumutungo sa buong meron.
Ano ba ang paksa? Ito ang pagkakaparehang nagbubuklod sa mga bagay na mistulangmagkaiba, ito ang prinsipyong pangkatipunan na gumagawa ng mga sistema, atbp. nanagpapangkat at nagbubuklod. Halimbawa, ang paksa sa pitong libro ng
Harry Potter 
ayang patuloy na paglalaban ng mabuti laban sa masama, sa katauhan nila Harry at niVoldemort. Marami pang halimbawa na kung saan may paksang nagbubuklod, nagtitiponng mga kasangkot na kaisipan. Sa mga paksang makikita natin sa buhay na isangkatipunan ng maraming paksa, may isang dambuhalang paksa na kumukubawbaw (Filipinofor ‘to envelop something underneath/within’) sa lahat ng maaring maisip na paksa, angpaksa ng mga paksa; at ang paksang ito ay ang
meron
. Lahat ng bagay na makita natin,mahawakan, maramdaman, o maisip, lahat ng ito ay naguumapaw sa kanilangpagmemeron, na lahat ng bagay ay meron, isipin mo man o hindi. Sa pagbigkas nito,nasasabi na rin natin ang analohiya ng mga analohiya, dahil nakikita nating sabaymagkaparis at di magkaparis na meron ng mga bagay, sa pamamgitan ng kanilang bilangmeron at sa kanilang pagmemeron.
 
3.Sa wastong pagbigkas sa tao, matatauhan ako na hindi meron akongsarili, kundi ang meron ko ay sarili. Hawig diyan ang pagbigkas sa meron-ito (be-ing) na nagpapakita sa paggaganito-ng-meron (being X).
Sa pagmemeron ko, hindi meron akong sarili (my being) ngunit ang meron ko ay sarili(being myself), na ako ay nagmemeron at napapatunayan na ako ay nagmemeron sapamamagitan ng aking sarili, na sa bawat galaw ko ay nagmemeron ako at naipapakita koang pagmemeron ko sa pamamagitan ng mga ginagawa ko. Na kahit magkaiba man angpaggaganito ko sa ganitong sandali, at magiiba ang paggaganito ko sa susunod na sandali,manantili pa rin na ako ay ako.
4.Lilinaw ang kalalian ng analogia kapag binibigkas ko ang Meron na Meronbilang Lumalang na nagpapameron sa lahat ng linalang. Kaya’t bibigkasinko naman ang linalang bilang namamahagi sa Lumalang, sa Meron naMeron, ayon sa angkop na pagmemeron.
In English, Theory of Participation, na nakikibahagi tayo sa pagmemeron ng Meron mismo.Sa pamamagitan ng pamamahagi natin sa Meron mismo, nagiging magkaparehas tayodahil meron din tayo. Ngunit, tandaan din na di natin kapantay ang Meron mismo, kunggayon ay isa itong malaking kabalintunaan, dahil kung gayon, di na antin kailangan anglumalang, ngunit tayo ay nilalang lamang at may hangganan, di tulad ng lumalang nawalang hanggan. Kung titingnan ulit ang pamamahagi natin sa Meron mismo,maliliwanagan tayong isa pala itong analohiya, na sa ating pakikitungo sa Meron msimo,may pagkaparehas tayo at pagkakaiba sa Meron mismo.
5.Ang purong matematika ay sistema ng purong abstraksyo na may apat napag-aaninag sa meron, ngunit hindi pa rin sistema ng meron.
Purong matematika
1
ay ginagamit sa agham at gumagamit ito ng mga konsepto. Ito ayumaaninag sa meron dahil hinuhugot nito ang kanyang pagiging mula sa mganagmemeron na bagay at inaayos ayon sa mga axioma. Hal. Nagmumula ang mga bilangna di binibilang sa pagbilang/pagtipon ng mga merong magkakaparehas ayon sa panigninng tao, katulad ng labing anim na mga estudyante, sampung wheelchair, atbp. Ngunit itoay aninag lamang ng meron dahil kahit humuhugot siya ng pagiging mula sa meron, ito aynananatili lamang sa nibel ng pagiging konsepto lamang, dahil hinihiwaaly nito ang sarilisa meron upang di maikulong sa meron. Inaaninagan nito ang meron sa apat na paraan.Ito ay isang abstraksyo dahil may tinitingnan at di tinitingnang aspeto ng meron.Sinasakonsepto ang meron at inaalis ang kapasidad ng meron upang umusbong, atnanatiling tingnan ang isang aspeto nito. Hal. Pagbibilang ng mga estudyante sa klase(1,2,3,4... vs. 1,1,1,1...).1. Ang pagbigkas ng meron, kapag ginaganap ng tao, ay masiglang pag-oo sa meron atmahigpit na pagtantanggi sa anumang mistulang meron ngunit hindi. (By saying thatsomething is, you affirm its existence and its mode.) Sa matematika, pag gumagamit ngkonseptong matematikal, sa mismong paggamit na iyon, napapatunayan natin ang meronna pinaghuhugutan ng matematikal na konsepto. Dahil kung sa wala humuhugot angkonsepto, iika-ika ito/ hindi matatag. Sa pagooo sa matematika, ginagawa ito sakapanatagan ng sistema, sa meron, para sa iyong pagiging parte ng kabuuan ng meron.2. Ang meron ay parang ‘inuutusan’ ang tao, may ‘dapat’. (meron as something extrinsic,imposing man to see it even if man doesn’t want to) /ang mga axioma sa matemeatika aydapat sundin dahil kung di man ito sundin, lilihis sa sistemang matematikal ang disumusunod sa mga axioma. Kahit di mo man sundin, sa huli’t huli ay susundin mo rin.
1
Humuhugot mula sa sistema: isang katipunan ng mga konseptong magkakaugnay na kinakabitayon sa mga axioma (mga bagay na totoo at sigurado). Ang purong matematika ay bilang nawalang binibilang, atbp. May mga pambubuklod silang reglamento/axioma. Sumunod sa axioma
magkakaroon ng kahulugan ang ginagawa.
 
3.Ang taong nanunuod lamang sa meron, ang taong nag-aamin nga na ‘talagang ganitoang nangyayari’, ngunit, hindi tinutuapd, hindi isinasagawa ang ipinapanawagan sa kanyang meron, ay hindi talagang bumibigkas ng meron, hindi nabubuhay sa katotohanan.Kaianangang tumalima sa mga axioma, kung hindi ay hindi makikita ang kaayusan ngsistemang matematikal.4. Meron bang anino sa matematika ang hindi matapus-tapos na pagtatanong na siyangbuhay ng metapisika? Sapagkat napakasiksik at dinamiko ng kayamana ng meron, atnapakalimitado ng kakayahan ng isip at kalooban ng tao, lahat ng lahat ng pagbigkas ngmeron ay palaging sabay na pagtaka.Ang pagaaninag na ito ay di pa rin sistema ng meron dahil may sinusukat sa meron, at sasipnayan (math) walng sinusukat. Kahit hawig ang matematika sa meron, di pa rin siyahawig sa meron mismo. Di siya hawig dahil hindi siya tumatalima sa meron ng buo, dahilmay mga aspeto siyang iniiwan. Kung naging matematika man ang sistema, may mgaibang sistema pang umiiral na at di naman kumpleto na sistema ang matematika.
6.
Kapag ginagamit ang matematika sa pagsukat, may paghihiwalay sameron (pagbilang na walang binibilang, bilang halimbawa) sabaypagtalima sa meron. Sa agham ay palaging sinasabayan ng pagsusukatang pagmasid sa mga nadarama, ayon sa prinsipyong
sozein ta phainomena
(Grk.: “iligtas ang nagpapakita” bilang paggalang sakabuoan ng napapakitang meron, na iwasang di pansinin ang ilan sa mgadetalye. best seen against reductionism/conceptualcompartmentalisation)
.
Ito ay sabay pagtalima at pagkalas sa meron. Pagtalima dahil sa paghugot nito sa meron,at pagtanggap sa kabuoan nito. Ito ay sabay pagkalas dahil may mga detalye na dipinapansin. Ito ay mas pinapakita sa abstrakso na nangyayari sa pagbibilang. Dapat ito aysabay dahil kung sobrang pagtalima, kung halimbawa, di nating mabibilang ang tatlongtao bilang ganun, at kung sobrang paglayo naman, mapapanganib tayo na lumalayo ngmasyado sa meron. Sa agham, ang mga axioma ay hinuhugot mula sa mga nadarama(perceptibles) at dapat masukat ang nadamang ito ayon sa mga axiomang hahawak ditosa karanasang ito, sa gayon matitipon sa ilalim ng axioma. Sozein ta pahinomena aynangyayari sa dalawang nibel:a.Panatiliing buo ang napagmasdan o naramdamang data ukol sa nagpapakita.Na dapat galangin ang kabuoan ng data sa kahit anong teoriya.b.Hanapin at antabayanan ang kung ano pa ang di napagmasdan. Paggalang angpag-abang at pagkabukas sa darating pa, dahil hinahayaang tumubo ang kungano ang mangyayari pa.
7.Hindi nagdudulot ng replika ng meron ang agham: ukol sa pagtumbas ngsukat ng meron, ukol sa larawan na kasama ang matematika, ukol sapagsasama ng a at b. Kaya’t magagamit ang talinhaga ng labmat at ngrelos na nakasara.
Agham ay sukat na may sinusukat, hinuhugot sa data. Ngunit, di kayang gawan ngreplika ng meron ang agham dahil sa agham, kumakapit ito sa isang konseptuwal nadaigdig, gumagamit ng sukat na walang sinusukat, atbp. Dahil sa abstraksyo din nakinakapitan ng agham, di niyang kayang gawin ang isang replika ng meron dahil sakakulangan ng sistema ng agham kumpara sa meron. Isang halimbawa ay saheometriya, na kung saan ang mga hugis na hinuhugot sa totoong mga bagay ayinaalis at linalagay sa isang teoretikal na patag. Kahit may pagtalima sa meron angginawa, lumihis pa rin siya sa meron, kaya ang kinopyang hugis ay di na katulad ngtotoong hugis. (re: sozein ta pahinomena).

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->