You are on page 1of 219

Status: In love.

By: AyaAgorilla

Monday morning. Ugh. Tumingin ako sa orasan ko. Gosh! 7:30 am. Late na ko sa school! Bumangon na ko para maligo, kumain at pumasok sa school. Nakakainis naman. Ba't ba kasi late nag alarm yung clock ko?! Sumakay na ko sa LRT. Grabe, pati ba naman dito minamalas ako? Wala na nga maupuan, ang baho pa nung katabi ko. Shiz. Goodvibes, please? 8:15 am. Okay. Late na talaga ko. 8:00 kasi start ng klase namin. Unfortunately, hindi ako umabot. Nagmamadali na ko papasok sa school namin when I accidentally bump into a guy. Unti unti ko syang tinignan. I didn't expect na yung makaka bangga ko, sobrang gwapo. "Sorry.." sabi ko sakanya. Tinanggal nya yung shades nya then inayos yung black jacket nya. Shoot. Ang gwapo talaga. Looking at his hazel-nut-brown eyes, perfect nose, with matching redish thin lips. Gosh. Sinalo na nya lahat ng kagwapuhan sa mundo. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" He shouted. Napakunot noo ko. Ano ba yan. Gwapo nga, badboy naman. Tss. "Nagsorry na nga ko diba? Bingi ka ba?" I replied. Inirapan nya ko then sinuot nya ulit yung shades nya. Nakooooo! Ang kapal ng mukhang walk-out-an ako. Tss. BV! Walang magagawa ang pakiki pag away ko dito. Tumingin akos a watch ko. 8:30 am Waaah! Late na ko! Kelangan ko na pumasok. By the way, my name is SHANE. Shane Carlos. Well, I'm just a simple girl having a life time crush to him. Crush ko na sya since grade school. At hanggang ngayon, hanggang tingin parin ako sakanya. Psh. Kelan ko akay sya makakausap? Magiging akin kaya sya? Meet, the boy of my dreams... DWAYNE SANTOS. He's one of the popular and handsome and hottest and richest and LAHAT NA! Here in our school. Many girls will get crazy just by hearing his name.. Haay. Ang hirap abutin noh? But.. who knows? :))))

Pumasok na ko sa classroom. Buti naman wala sa mood mag sermon teacher namin. Dapat lang. Sa dinami dami ng kamalasan ko, wag na nyang dagdagan. I sat beside my girl-bestfriend. GWEN REYES. Hmm. we're just the same. But she's really pretty and kind. No doubts.

"Ba't late ka nanaman?" Gwen whispered. I gave her a deep sigh. Inexplain ko sakanya lahat ng nangyari. And she just nod. Wow. How nice. First subject, MATH. Ugh. I really hate math. Always gives me headache. I turned to my left and saw Dwayne. Yes. For the first time, classmate ko na din sya. Ugh. Ba't nung nagsabog ng kagwapuhan, sinalo nya lahat? Nakatingin lang ako sakanya. Bagay sa kanya hairstyle nya ngayon. Hot bangs, korean style hair. Lahat talaga matutunaw pag tinignan ka ng deep brown eyes nya. Tapos ang haba pa ng eyelashes nya. Pati skin. Definitely. Sobrang smooth. Kahit isang mark, wala. Haaay. Hanggang tingin na lang ba talaga ko? Suddenly, I felt different. Biglang tumahimik. I came back to reality and found everyone looking at me. Aww. Kanina pa pala ko tinatawag ng teacher. Shiz. Mapapahiya ako nito kay Dwayne eh. Banamanyan. :( "If you're not giving focus to this class then you're free to leave, Ms. Carlos." Mrs. Sanches said while pointing at the door. I bit my lips then lowered my head. I felt embarrased. REALLY embarassed. Ugh. Ang malas ko talaga ngayon!

Tumingin ako kay Dwayne. Sigurado ko nakita nya ko napahiya. Tsh. I look at his face and ---- wait. Is he-- Is he looking at me?!! Crap. Luamaki lalo yung mata ko when I saw him SMILING AT ME. Is this true?!

The guy I liked for so many years,

SMILED at me for the first time?

Kill me now. :''''>

I change my direction and look at Gwen.She moves closer to me and whisper "Wag ka magpahalata. Namumula ka." Ha? Ako? Namumula? Grabe naman...

LUNCH BREAK. Gwen came rushing towards me. She relly looks weird. "Nakita ko yun. Nginitian ka nya, diba?" she said with a grin on her face.

"Ha? E-ewan ko." I felt awkward. "Sus. Wag mo na i-deny! Halata naman eh. Tignan mo, namumula ka pa din hanggang ngayon." Gwen said while pointing at my face. LOL. I really can't hide secrets to her. Ang sarap pala sa feling. Pag yung crush mo, nakita mong naka tingin sayo. Pero mas masarap yung feeling na, tinignan ka na nga nya, may kasamang ngiti pa. Yung ngiti na nakakapagpabaliw ng mga babae. :)

"Ang tagal mo na din tinatago yung feelings mo sakanya. Don't you think it's time to let him know?" What?! Is she saying saying that I will confess to Dwayne? HELL NO!

"No. I won't confess. Gwen, kilala mo ko. Hindi ko kaya yun." I said.

UWIAN NA. Sawakas. I went straight home kasi may pupuntahan pa si Gwen. Since wala akong magawa.. I open my facebook account. Scroll... Scroll.. Scroll.. Stop. I stared at the monitor and read Dwayne's status. " You look pretty today. You deserve a smile."

Ohmy~ Is this.. Is this for me? NO. Maybe I'm just assuming too much. Hindi lang naman ako pwede nyang ngitian diba? Tsh. Whatever. --------------

I went to school early. Buti naman hindi na ko late. Ba't kaya? Bigla ko nalang kasi naramdaman na gusto ko na agad pumasok. Dahil kaya sa nangyari kahapon? HAHA. Ganun na ba ka powerful yung smile na yun?

The class started. Same faces. Same discussion. Ugh. Change, please?

Tinignan ko ulit si Dwayne. Gosh. He's effin hot. Swear. The way he bit his lower lip makes me smile. Then suddenly.. "Class. I want you to meet.." may i-aanounce ata si Mrs. Sanchez. "..your new classmate. DREW HERNANDEZ."

Lumaki yung mata ko. It's him! The handsome-bad-boy. Ugh. Classmate? Why?! -.-

The girls started to go wild. Damn. Another school hearthrob. "You may seat beside Ms. Carlos." Mrs Sanchez said while pointing at me, Like seriously?! hate it.

Naglakad na si Drew papunta sa tabi ko. Malas naman talaga oh. Tinignan ko sya ng masama. Then he just look at me and smile.

"Masyado naman yata akong gwapo para itabi sayo." I knew it. He will be my greatest enemy.

"Whatever!" I rolled my eyes then change direction.

I look at Dwayne. Ang gwapooo. Hindi nakakasawang tignan. Hihi. I was enterrupted when someone pulled my hair. Geez. That Drew!

"What do you want?!!" Sinigawan ko sya. Kabadtrip! Nakatingin lahat ng tao sakin. "Sorry..." Sabay yuko ng ulo. Nakakahiya. Ugh. This Drew is really annoying.

Tumingin ako kay Drew with an angry expression. He just smirked. Seriously, this guy is pissing me off.

"Ang ingay mo." He said the roll his eyes. Psh. Kung di ka lang talaga gwapoooo!!!!

Habang nakapila kami ni Gwen sa canteen, nakita ko si Dwayne. Nakaupo sya kasama nung mga kaibigan nya. Tumingin sya sakin.

Wait--- eto nanaman. Kikiligin na ba ko? Tinawag ako ni Gwen. Kami na pala yung bibili. "Ano sayo?" Gwen asked. "Drinks nalang." I answered since busog pa naman ako... kakasilay. :)

Umalis na kami sa pila. Hawak ko yung drinks na nasa cup. When someone bumped on me. Heck! Natapunan pa ko! Ugh. "Ano b---" Tinignan ko sya. "Ikaw nanaman? Hindi mo ba talaga ko titigilan?!" Ugh. Drew again. "Sinabi ko naman sayo diba? Tumingin ka sa dinadaanan mo." He roll his eyes then leave. So devil!

Pinunasan ko yung damit ko pero pinag titinginan pa din ako ng mga tao. Nagulat ako. Biglang may lumapit sakin. Pinunasan nya ng panyo yung damit ko then tinanong kung..

"Okay ka lang?"

Natulala lang ako.

Tulala.

Tulala.

Dwayne Santos. The school hearthrob was infront of me, playing the role of my KNIGHT-IN-SHINING-ARMOR.

"Okay ka lang?" He asked again.

As I came back to reality.. "O-okay lang.." Pinunasan ko ulit yung damit ko. "Gusto mo bili nalang ako ng bagong uniform?" Gosh. Sya na talaga. "H-ha? Wag na. Salamat." Okay. Nabubulol na ko. Kaya ko pa ba? Namumula na ko masyado eh. "Sige." He waved then walk away.

And me? Standing here, perfectly speechless. Hindi ako makagalaw. Then suddenly I heard a voice.

"Sayo na muna yung panyo ko.... SHANE." Drew said while smiling at me. Shane?! Alam nya pangalan ko? Grabe. Kinikilig na talaga ko. :'''>

ROOM. "Shane!" tinawag ako ni Gwen. Ano ba yan. Ngayon lang nagpakita 'to. Buti nalang may Knight ako. :''>

"Oh, bakit?" I asked. "Yung lalaking bumangga sayo kanina. Si Drew? Parehas pala sila ni Dwayne." Parehas? HELL NO! Sobrang magka iba kaya. "..mayaman, gwapo, popular.. and based on my observation, magkaibigan sila." Magkaibigan?! But.. how come?! They're so.. Ugh.

Umuwi na ko agad dahil sa nangyari. I washed my body then opened my facebook account. Gusto ko maglagay ng status kaso, wala ko maisip. Sa dami ng nangyari ngayon, ano kaya? Napatingin ako sa panyo na binigay sakin ni Dwayne. Now I know.

I smiled.

" Knight-in-shining-armor. "

After that, naisip kong tignan profile ni Dwayne. Ang cute ng Profile Picture nya.. NO. Ang gwapo pala. :))) Binasa ko yung status nya...

" Being her Knight-in-shining-armor makes my day. "

Gosh. Totoo na 'to. ako talaga to eh. I can feel it. Ako ba? Ewan. Basta ako, masaya ko. Pero pano kaya kung mag confess na ko? Okay lang kaya? Kaya ko ba?

Pumasok na ko sa school. Pagpunta ko sa room, nagulat ako. Ang daming tao. Tch. Kaya naman pala. Magkasama si Drew at Dwayne. Pati yung mga kaibigan nilang gwapo. Matatanggap ko pa kung sila Dwayne lang yung pinagkakaguluhan eh. Pero si Drew? Tsh. Like seriously?!

Umupo na ko sa upuan ko. From my seat, I can see Drew, Dwayne, Carl, and Zeph. So sila ang F4 ng school. Actually, hindi ko alam na magkaibigan si Dwayne at Drew. Sino ba naman mag aakala na yung napakabait na si Dwayne, magkakaron ng kaibigan na napaka demonyo. Tss.

Oo nga pala. Carl and Zeph. Kaibigan din ni Dwayne. Well, sikat din sila. Obvious naman. They both have the looks. And you can say that they really got the charisma.

"There's only one way to get close to Dwayne." Gwen said.

Bigla bigla nalang 'to sumusulpot. Tsk. Ayoko ng iniisip nya. Pero, I really want to be close to Dwayne.

"Kelangan mo maging kaibigan ang isa sa mga kaibigan nya.." Gwen added. Kaibigan? Tsk. Ano pa nga ba magagaw ako? I want him so badly. So, I have to choose between Carl, Zeph, and.... No. Not Drew. Over my dead body!

Break time. I saw Carl walking alone. Yes. Chance ko na 'to. Lalapitan ko na sana sya nang bigalang may lumapit sa kanyang mga lalaki. Mga bad boy image. They look like.. Ohmy. They're going to fight!!!

Carl, cross. Next on the list, Zeph. My last option. Sana naman this time mag work na.

Nakita ko si Zeph nakaupo sa canteen. I was about to approach him when there's a group of girls came to him. He put his arm around two girls and kiss them on the cheek. A total playboy. Ugh. I'm not safe.

Ano ba 'to. Mga kaibigan ba talaga ni Dwayne 'to? Tss. What will I do? Carl, a war maker. Zeph, a total player. Sigh. Why am I so unlucky?

I turn around and was shocked. Tch. I saw Dwayne with Drew. The hell, Dwayne. Stay away from that monster!

Habang nasa classroom kami, lumapit sakin si Drew. Amp. Sigurado ako, mambwisit nanaman 'to. Haaay.

"Ano?!" sabi ko sakanya. Harsh ko. "Sungit mo naman." He replied. God, please. Ilayo nyo si Drew sakin.

Nakatingin lang sya sakin. Seriously, what does he want? "Pwede ba..." I face him. Nakakainis talaga. "Kilala ko kung sino gusto mo." He smirked. Tsk. Gwapo na sana. Teka.. "A-ano bang sinasabi mo? Tigilan mo ko." He giggled. "Knight-in-shining-armor? Tss. Ang corny mo." The eff! Pano nya nalaman? Stalker ko ba 'to? Bakit ba lagi nalang ako minamalas. Ugh.

"So? Wala kang pakialam." I said to him coldly. "I know your plan, Shane." He smiled. Plan? What plan? What a stalker.

"Gusto mo mapalapit sa kanya?" He smirked. Ugh. So bad boy. "I can help you." Hmm. Totoo ba to? Ba't parang nagbabago 'to?

"Talaga?" I smiled at him. For the first time. Tapos naging serious ulit yung mukha nya. "Tch. In one condition." I know it. Once a devil, always a devil. "Ano?" I asked curiously. "Be my assistant." He said. Is he serious??? Why did he need an assisitant?! AMP. So mean.

I stop for a while. Papayag ba ko? Gagawin ko ba? Tsk. Ang malas ko talaga!!!

"It's okay if you don't want. Ikaw din, madaming naghahabol kay Dwayne." He move closer to me. "Baka maunahan k--" "Oo na!" I shouted. Gosh. What did I just say? Bat ako pumayag?! Ugh. "Sabi mo yan. Walang bawian." He do that hot smile again. Then move away. Alam nya talaga kung pano ko galitin. My life's a hell. :(((

"What???!!" Gwen said like an actress in dramas. "Bakit ka pumayag???" Actually hindi ko din alam. "Ikaw naman may sabi nito diba?" "Oo nga. Pero I didn't ask you to be his slave. You fool!" Okay. Ako nanaman.

I pack my things for the dismissal. Palabas na sana ko nang biglang may humila sa bag ko. "San ka pupunta?" That devil again. "Uuwi na bakit?" I answered. "Sino may sabi? I'm your master. Don't you remember? You will do whatever I want. You're MINE now." He smirked.

"you're MINE now." paulit ulit lang yun sa utak ko. Ugh. Kadiri talaga. This guy. Sagn impyerno ba to galing?

Nilagay ko na mga books ko sa locker. Hindi ko alam kung san kami pupunta nitong Drew na to. Pero wala ako magawa. F!

Nag stop yung car na sinasakyan namin. We arrive at the coffee shop. Seriously, ano naman gagawin namin dito? Heck. Bumaba na ko sa sasakyan. Nauna syang pumasok sa loob. Wow. What a gentleman! Well, ano pa nga ba maaasahan ko sa devil? Tss.

** DREW'S POV **

We drive all the way to the coffee shop. With me, is this girl named Shane. She's pretty. Really pretty. Hindi ka magsasawa tignan yung mukha nya. Yung mukha na parang galing sa langit? Para syang anghel. Yung lips nya, sobrang perfect. Tsss. Sobra nyang perfect.

Pero unfortunately, hindi ako yung gusto nya. Yung kaibigan ko, si Dwayne. Bakit kasi yun pa? Parehas naman kaming gwapo. Teka, mas gwapo pala ko. Tsk. Nakakainis. Pero okay lang. Atleast ngayon lagi ko na sya makakasama. 'coz from now on, she's my assistant. Hah! Galing ko. Pumasok na kami. Hindi ko na sya hinintay. Baka kasi pag sinabayan ko 'to maglakad, hindi ko mapigilan sarili ko. ;)

"Hey." I greeted Carl, Zeph, and.. Dwayne. Tumingin ako kay Shane. Ang hinhin talaga nya. "Guys, remember Shane? classmate natin." They all look at Shane. Dwayne, baka naman matunaw na si Shane. Tigilan mo nga yan. -."Hi!" Carl and Zeph both said to Shane. "Hello." Shane replied with her angelic smile.

Tss. Di naman sya ngumigiti ng ganyan sakin ah. Wait. Sinabi kong maganda sya pero wala akong gusto sa kanya, okay? Basta, wala... ( nga ba? )

** Shane's POV **

Nag-"Hi" sakin si Carl and Zeph. Tsk. Bat di man lang ako pinapansin ni Dwayne? Pero kung maka tingin, parang kulang nalang kainin ako eh. LOL. Nakakainis naman. Umupo nalang ako sa tabi ni Drew. Ugh. No choice. So ganto pwesto namin:

Dwayne Ako

Carl

Zeph

Drew

Nakatingin lang sakin si Dwayne. Kanina pa to ah. Titignan lang ba nya ko? Di ba nya ko kakausapin? Tsss. Um-order na kami. Tigiisa kaming frappe. At dahil favorite ko yung triple berry mocha frappe, yun yung inorder ko. Sarap kaya nun. :> Ay. Pareho pala kami ng inorder ni Dwayne. :'''> Favorite din kaya nya yun? Ininom ko na yung akin. Grabe, The best!!! =))))

"Dwayne. Ang lamig dito, palit tayo." Gosh. Eto na ba yun? Drew. Thank you. :> "Ha? Sige." Tumayo si Dwayne sa upuan nya then lumipat sa tabi ko. Geez. Dream come true. Pwede na ba 'kong mamatay? Jk. Grabe di ko na kaya to. So ganito na yung bagong pwesto namin. :''>

Drew

Carl

Zeph

Ako Dwayne

"Gusto mong carbonara?" Tinanong ako ni Dwayne. And now he's asking me... This really is heaven. "H-ha? Busog pa kasi ko eh." I replied with my innocent smile. "Ah. Sige" He then smiled at me. That smile again. Ugh. Stop it. You're making me blush.

*cough* inubo yata si Drew. Ano bayan, panira ng moment. "Oo nga pala, assistant ko." Drew pointed at me then smirked. Kelangan pa ba talaga nya sabihin yun? Ugh. "Assistant? For what?" Carl asked. Zeph and Dwayne look at me curiously. Psssh. Dreeeeeew! So mean. Bakit kelangan mo lagi sirain araw ko?

"Meron kasi kaming deal. Basta. Samin nalang yun." Drew explained. Aba, marunong pala 'to magtago ng secrets eh. "Ah. Shane. May kasabay ka ba umuwi?" Gusto mo sabay na tayo?" Zeph asked. No. No way. He's a total player. I was about to answer when someone talk. "Wag na." Drew and Dwayne said.

Ha? Ang gulo. B'a't ganun sila?

Tumingin ako kay Drew and Dwayne. Then nagkatinginan sila. Drew. Ano ba. Dapat kaya tinutulungan mo ko kay Dwayne! What a freak.

"Sakin sya sasabay. Assistant ko sya, remember?" Drew broke the silence. Ugh. Bakit sayo? Tsss.

"Ah. Sige. Oo nga pala. By the way, nice meeting you, Shane. Alis na ko." Dwayne smiled at me then wave to Carl and Zeph. Sayang naman. Pero okay lang. Nakatabi ko naman sya. FOR THE FIRST TIME.

"Ano ka ba! Dapat kay Dwayne mo na ko pinasabay!" sabi ko kay Drew habang nasa kotse kami.

"Hoy. baka nakakalimutan mo, assistant kita?!"

"At baka nakakalimutan mo na tutulungan mo ko mapalapit kay Dwayne??? I replied.

"Excuse me. Ms. Carlos. Anong tawag mo dun sa pag sama ko sayo dito? Sa pag tabi sayo ni Dwayne? Wala ka pa nga nagagawa sakin eh. Tch."

Grabe sya. Ano bang nakain nya? Ang drama nya ah. Tss.

"Okay fine. Whatever." I said while putting the seatbelt. After ilang minutes, nag stop kami sa tapat ng bahay nya.

"Ano to? Ba't tayo nandito?" I asked.

"Diba sabi ko assistant? Hindi interviewer?" Lumabas sya sa kotse. Napaka yabang talaga nun. Ugh. Pumasok na kami sa bahay nya. ANG LAKI. Grabe. Tama nga sila. Mayaman si Drew. Pero O.A naman sa laki to. Akala ko hotel eh.Tsss.

"Anong ginagawa mo dyan? Ikuha mo ko ng tubig dun." He pointed at the kitchen. Ugh. Ano ko utusan? F! Napaka.

Pumunta na ko sa may kitchen. Kumuha ng baso then nilagyan ko ng tubig. Papunta na ko sa may sala pero nakita ko si Drew na nakahiga. Natutulog ata. Grabe, pinakuha pa nya 'ko ng tubig, matutulog lang pala. Tsss.

Lumapit ako sa kanya. Hmmm. Gwapo naman kasi talaga sya eh. Habang tulog sya, grabe. Ang perfect nya.

"Kung lagi syang ganyan, pwede naman akong mainlove sakanya eh." I whispered.

Tumalikod na ko sa kanya.

"Talaga?" Shemay. Gising pala sya! Ugh.

Hindi ko napansin. Niloloko lang pala ko. Errr. Nagulat ako sakanya.

"H-ha? Bakit?" I pretend like I didn't say anything.

"Ikaw ah. Delikado pala ko pag kasama kita. Baka mamaya kung ano gawin mo sakin." He smiled. Ugh. Handsome.

"Excuse me! No way! Hindi ikaw yung tipo ko no! Over my dead body." Nakakadiri talaga sya.

"Wag ka na nga mag deny! Narinig kita kanina." Shiz. Hindi ko na dapat sinabi yun eh. Nakakainis naman!

"Ayoko na. Pagod na ko.. Uuwi na ko." I insisted. Nakaka bwisit talaga yun.

"Sige. Paki lock nalang yung pinto." Tumayo sya tapos pumunta sa kwarto nya.

Napaka talaga! Akala naman nya maiinlove ako sa kanya, Asa pa sya! Sa ugali nya, sino bang magkakamaling mainlove sa kanya? Gross.

Teka. Kanina pa ko naglalakad dito ah. Where the heck is the door? Grabe. Naligaw pa ko. Ano ba naman kasi klaseng bahay to?!

Anong oras na. Totoo na 'to. Naliligaw na talaga ko. Shiz. Di ko pa naman dala cellphone ko. Ano ba yan. Pagod na ko. Tapos inaantok pa ko.

** DREW'S POV **

Nakakainis talaga yung Shane na yun! Narinig ko naman talaga sya eh. Ba't kelangan pa nya i-deny? Tsss.

"Kung lagi syang ganyan, pwede naman ako mainlove sa kanya eh.." totoo yun diba?

Pinikit ko yung mata ko nung sinabi nya yun. Tapos tumalikod sya. Ewan ko ba. Di ko mapigilang ngumiti.

Pumasok na ko sa kwarto ko para maligo. Lumabas na yata sya. Tch. Makalabas kaya yun? Tapos na ko maligo. Binuksan ko agad yung laptop ko para mag sign in sa facebook.

Teka. Parang walang status ngayon yung babaeng yun ah. Imposible. Hindi pa rin sya nakakauwi? Gabi na ah. San nanaman ba pumunta yun?

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Dumaan ako sa may sala.

Teka.

Si Shane.

Hindi pa umuuwi 'tong babaeng to. Sabi na eh. Di sya makakalabas. Ts.

Lumapit ako sa kanya. Kahit natutulog ang ganda pa rin nya.

I bit my lower lip. Para talaga syang anghel. Lumapit ako sa mukha nya. Di ko mapigilan..

tumingin ako sa lips nya. Sht. Bat ang bilis ng tibok ng puso ko?!

I was about to kiss her..

when

"Dwayne. I love you." She's sleeptalking.

Nice. Kahit sa pagtulog, Dwayne parin nasa isip nya.

Ano ba Shane? Bulag ka ba? Nandito naman ako ah.

Nainis ako. Nabato ko tuloy sya ng unan.

"Araaaay!!!" Nagising sya.

"Ano ba? Hindi mo ba nakikita natutulog ako!!!" Sakit sa tenga. bwst. Eh ako ba, nakiita mo?

"So? Bat dito ka natutulog?!" I replied. Kunyari galit ako. Ipamukha ba naman sakin eh. Psh.

"Kasalanan ko ba na hindi ako makalabas dito? Asan na ba kasi yung pintuan na yan?! Gusto ko nang umuwi!" Galit na sya.

Wag ka na umuwi. Dito ka nalang muna, please?

"Pintuan lang di mo pa mahanap. Tch. Bahala ka na nga dyan." Iniiwanan ko sya sa sofa. Pumunta ko sa kitchen para kumuha ng tubig. HAHA. Sana di sya makalabas.

"Pauwiin mo na ko please?"biglang may nagsalita sa likod ko.

Tsk. Ayaw nya talaga ko kasama. Nakakainis. Inubos ko yung tubig ko tapos bumalik ako sa sala. "Bahala ka sa buhay mo. Dumiretso ka dyan, kaliwa tapos kanan. Alis!" Nakita ko syang nagmamadali. Tsh. Sabik na sabik iwan ako. Amp.

Papunta na sya sa pintuan. Pabalik na din sana ko sa kwarto ko. Biglang may nagsalita sa likod ko. " Salamat nga pala, Drew" Napangiti ako. Tumingin ako sa likod pero kunyari galit. Nakita ko syang naka ngiti. Pucha. Nakaka inlove.

** SHANE'S POV **

Nakauwi na ko sa bahay. Naligo tas nagbihis. As usual, binuksan ko yung account ko. Hmm. Status? Ano ba?

"You are my sweetest downfall."

Wala kasi ako maisip eh. Maya maya, may 2 notifications.

*Dwayne Santos likes your status* *Drew Hernandez likes your status*

Like seriously?! Dwayne? L-likes my status? Gawd! But, wait. Drew? Kelan ko pa sya naging friend?

*Drew Hernandez commented on your status*

"...I loved you first." Ano bang problema nito? Seryoso? Si Drew ba talaga yan? Tss. Gulooo!

*Dwayne Santos commented on your status*

"Your hair was long when we first met."

Gaaaash! It's true. He knew it. Mahaba pa yung buhok ko nung una kaming nagkita. :'''> Mababaliw na ko sa pinag gagawa nila eh. Ano ba talaga nangyayari? Like seriously.

Habang naglalaro ako, biglang nag ring yung phone ko.

"Hello?"

"Shane!" *Gwen on the other line*

"Oh bakit?" "Anong bakit? Pumunta ka sa profile mo. Tignan mo yung likes nung comment nila Drew at Dwayne. 46 and 56 likes. Teh, ano bang meron?"

Naguluhan ako. Pumunta ako sa wall ko to see what Gwen's talking about.

And--- gosh. It's true.

"So tingin ko may love triangle na dito." I heard Gwen giggled.

"Ha? Tigilan mo nga ako. Alam mo naman na since grade school, si Dwayne lang mahal ko noh." Tss. Right.

Then after some talks, she hang up. Ano nga ba meron? Pumunta ako sa wall ni Drew. Tinitignan ko yung mga photos nya. Hmmm. Grabe, isang picture lang, 100+ likes na. Grabe ah. Sya na.

Pero akalain mo yun....

GWAPO din pala 'tong devil na to. Tss. Sayang talaga.

Teka, ba't ko ba iniisip yun? Erase. Erase. Erase.

-----Pagpasok ko sa classroom, nakasalubong ko si Dwayne. Aww. Ang gwapo nya. Naka vest pa. Freakin Hot! Tinignan nya ko ng matagal.. Teka, natutunaw ako. :''>

"Goodmorning." Dwayne greeted me with his hot smile. Nakakatulala. Anong sasabihin ko? Hindi ko alam.

"G-goodmorning." I replied idiotly.

Pumunta na ko sa upuan ko. Tulala pa din. Yumuko ako then I covered my face. Hindi ko talaga mapigilan. Napapangiti ako ng sobra.

DREAM COME TRUE!

Then, may kumalabit sa likod ko.

Sino ba--- I saw that devil again. Ugh. Not now, please? He look at me. And do that heart-melting-smile.

"Goodmorning." He said. Teka. Ginagaya ba nya si Dwayne? Ugh. So childish.

Inirapan ko siya. Parang ewan lang. Tumingin ulit ako sa kanya. Biglang serious face sya. Aba, marunong din pala tong mag tampo? Tsk. Childish devil.

"Hoy." He called me in his calm deep voice. Mukha syang seryoso.

"Bakit?!" Ang sama ng tingin ko sa kanya.

"May sasabihin ako sayo." He really looks serious. So weird.

"Shane. I ---" bigalng naputol yung sinabi nya because of...

"Shane?" Si Dwayne. Tinawag nya ko. : """">

** DREW'S POV ** Umuwi na nga si Shane after nya mag "thank you". Ang saya sa feeling, dre.

Nginitian nya ko. Sa unang pagkakataon. :)

Nakita ko syang online. Buti naman naka uwi na sya. Alam kaya nyang palagi kong tinitignan profile nya? Tsk. Syempre hindi.

Naglalaro ako nang bigla syang nag status.

"You are my sweetest downfall."

Tch. Para kay Dwayne nanaman yan, sigurado.

Hindi. Akin dapat yan.

Na like ko yung status nya. Fck. Mali. Pano to?

Buti nalang online din si Dwayne. Teka, nilike nya yung status ni Shane? Bakit? Pano? Tsk. Pustahan, kikiligin nanaman yung babaeng yun.

"..I loved you first." nag comment ako.

Kulang kasi yung lyrics eh. Pero yung totoo, mahal ko talaga sya. Matagal na. Bago pa sya magustuhan ni Dwayne.

Teka. AMP. Nag comment din pala si Dwayne. Bwisit naman. Panira. Moment namin yun, dre! Kainis.

--Kinabukasan, maaga 'ko pumasok sa school. Di ko alam, ganun ba ko naapektuhan sa ngiti nya? Nababading na tuloy ako.

Nakita ko sya papasok sa classroom. Pupuntahan ko na sana sya. Kaso naunahan ako ni Dwayne mag goodmorning sa kanya.

Teka, ba't kinikilig ka? Nginitian ka lang, nagkakaganyan ka na.

Ba't ako? Ilang beses na kita nginitian ah?

Ba't di man lang kita nakitang kinilig? Badtrip!

Umupo na siya sa upuan nya. Nilapitan ko sya. Binati ko din sya ng goodmorning. Yung may kasamang KILLER SMILE. Takte.

Dahil sakanya, nagiging corny ako!

Inirapan lang nya ko. WTF.

Unang beses kong ginawa yun sa babae tapos ganun lang? AMP. Bwisit. Ayoko na. Suko na ko. AAMIN NA KO.

"Hoy." Eto na talaga. Wala nang atrasan. Tumingin sya sakin.

"Shane. I ---" sasabihin ko na sana.

Kaso biglang sumingit si Dwayne. BWISIT.

Nag smile si Shane kay Dwayne. Shane, pwede bang sakin mo nalang ibigay yang ngiti na yan?

"Ah. Invite sana kitang mag lunch mamaya. Okay lang?" Tinanong nya si Shane. Tch. Oo nga pala. Sinabihan ko sya tungkol dun. Tss. Kainis.

Namula si Shane. Kitang kita ko yun.

"Sige ba." She smiled.

"Talaga? Salamat." tapos nag ngitian lang sila.

Kainis. Sa harap ko pa.

Pag alis ni Dwayne..

"Ikaw ba may plano nito?" Nakatingin si Shane sakin habang naka ngiti. Wag ka nga kiligin dyan!

"Oo. ba't may angal ka?!" I said coldly.

"Wala. Thank you." Nginitian nya ko. Ayan nanaman. Lagi nalang nawawala galit ko pag ginagawa nya yun.

"He. Ewan ko sayo." Tumalikod ako sa kanya.

Ayoko na.

Masyado na kong naiinlove sa kanya.

** Shane's POV **

Lunch break.

Di ako sinamahan ni Gwen sa canteen. Of course, ayaw nyang masira yung moment "daw" namin ni Dwayne.

Naghintay ako sa may table na malapit sa door ng canteen. Ang tagal nya dumating. Grabe, nagugutom na ko. Kanina pa kaya ako nag hihintay dito. Asan na kaya yun?

Malapit na mag time. Gutom na talaga ko. Dadating pa ba yun? I started to frown. Hindi ko na kaya. Sakit ng tyan ko. Tumungo ako ng biglang may tumabi sakin..

Unti unti ko tinaas ulo ko para makita sya.

Dumating pa sya. Tss. Tinignan ko yung tumabi sakin.

Wait. ----

"Drew?" Nagulat ako. Akala ko pa naman si Dwayne.

"Anong ginagawa mo dito? Asan si Dwayne?" Tinanong ko sya.

"Ewan ko." Mukha syang seryoso.

"Oh!" Inabot nya sakin yung food na dala nya.

"Kainin mo na yan. Di na dadating yun. Ginugutom mo lang sarili mo." Then nag change sya ng direction.

Teka. Ba't parang bumait naman ata to ngayon? Ano nakain nito? Mabait din pala 'to minsan eh. Nagugutom na talaga ko. Kakainin ko ba?

"Kumain ka sabi eh." He's scary sometimes, you know. Kinuha ko yung pagkain then kinain ko na. Tama nga si Drew. Ginugutom ko lang sarili ko.

Busog na ko. Halos maubos ko yung pagkain, Grabe. Gutom na gutom ako kanina eh.

"Drew.." tumingin sya skin. "Thank you." I said. Hindi ako sanay mag thank you. Lalo na sa kanya.

But.. he deserves it.

Hindi sya sumagot. Inirapan nya lang ako then tumayo at umalis. Ang laki talaga ng problema ng taong yun. Haaay. Kahit kelan talaga!

Nag ring na yung bell. Then pumasok ako sa room. Umupo na ko sa upuan ko then lumapit sakin si Gwen. "Anong nangyari?" She said while smiling. "Wala." I rest my head on my table. Tsk. Ba't ganun? Bakit di nya ko pinuntahan?

"ANONG WALA?" Tsk. Ang hirap i-kwento.

Sasabihin ko na sana kaso biglang pumasok sila Dwayne.

Nakatingin lang ako sakanya. Gusto ko syang kausapin. Gusto ko tanungin kung bakit di sya nakapunta.

Gusto ko.. Gusto ko malaman yung dahilan.

Umupo na sila sa chair nila. Tsk. Nag kwentuhan lang sila. Di man lang talaga nya ko pinapansin?

I sigh. I felt weak. Feeling ko tuloy pinaasa lang nya ko.

I rest my head on my table. Tsss. Di man lang talaga nya ko kinausap. Nakakainis. I slowly raise my head. And from my table, I saw one red rose. with note.

"I'm sorry. Forgive me."

Walang name. Gosh. Is this from Dwayne? :"'''> Kinuha ko yung rose. Napangiti tuloy ako. Tumingin ako sa paligid ko. But ther's no sign of anyone who left the rose. Yan. Nawala tuloy galit ko. Ang sweet naman kasi eh. :''>

Nakita ko si Drew. Umupo sa tabi ko. Tumingin sya sakin. Pinakita ko yung rose then nag smile ako sa kanya.

Tumingin sya sa rose the inirapan nya,

Anong problema nun?! He's really weird. Tumingin ako kay Dwayne. Gawd. Naka tingin sya sakin. Ang gwapo. Eff! Umiwas ako ng tingin. Napatingin tuloy ako kay Drew. Ang sama pa din ng tingin nya. Seriously. PMS talaga sya.

** DREW'S POV **

Lunch break. Ayoko talaga ng oras na 'to. Tss. Ba't kasi kelangan pa nila mag lunch? Corny lang eh. Psh. Wala akong magawa. Sigurado, kinikilig nanaman ngayon yung babaeng yun.

Ilang minuto na ang lumipas. Tsk. Di ko na kaya. Pupuntahan ko na talaga sya. SILA.

Pagdating ko sa canteen, ang daming tao. Sumabay pa yung mga babaeng nakikipag siksikan sakin. Psh.

Kay Shane lang ako. Layuan nyo nga ko.

Nakita ko si Shane. Nakaupo. Ba't wala pa si Dwayne? Anong oras na. Tsk. Sira ulo talaga yun. Nagugutom na si Shane. Asan na ba yun?

Di ko na matiis na makita syang ganun.

Pumila ako para bumili ng pagkain.

Alam ba nyang unang beses kong bumili dito? Nakakahiya. Tch.

Inabot ko na yung bayad sa tindera. Nakangiti lang sya sakin.

"Sige, libre na lang." Ayos. Iba na talaga pag gwapo. :)

Pinuntahan ko si Shane sa table. Naka tungo sya. Lagot talaga sakin yang Dwayne na yan.

Umupo ako sa tabi nya. Butterflies. Naramdaman ko bigla.

Tinaas nya yung ulo nya.

"Drew?" Nagulat sya. Tch. Akala nya siguro si Dwayne. Tss.

"Anong ginagvawa mo dito? Asan si Dwayne?"

Nakakainis. Ako na nga yung nasa harapan nya, si Dwayne parin yung hinahanap nya. Binigay ko na sakanya yung pagkain. Ang tagal nga lang bago nya kainin. Tch.

Kung sakin ka, hinding hindi kita papabayaan. Ang tanga ni Dwayne. Sobra.

Tapos na syang kumain. Buti naman busog na sya. May energy na ulit syang mang away. Tumingin sya sakin.

"Drew..." may sasabihin ata to. O baka mang aaway.

"Thank you." Hindi ko sanay marinig yun galing kay Shane.

Pero, I feel her sincerity. Lalo syang gumaganda eh. Hindi ako sumagot. Ang hirap i-explain. Yung feeling na kinikilig ka? Nakakabading. Potek.

Tumayo ako tapos iniwanan ko sya. Baka mapahiya pa ko sa kanya. Kung ano pa masabi ko.

Nag ring na yung bell. Pumasok ako sa room. Wala pa masyadong tao. Napatingin ako sa desk ni Shane. Sigurado ako, malungkot yun ngayon. Si Dwayne kasi. Psh.

Bumili ako ng red rose. Sigurado ako magugustuhan nya yun. Favorite nya yun eh. Nilagyan ko na din ng note.

"Sorry. Forgive me." para kay Dwayne. Tsk. Ang tanga ko. Shet.

Pumasok na sya sa room. Lumabas ako para hindi nya mahalata.

Nakita ko sya sa upuan nya. Malungkot. Psh. Kasalanan mo to Dwayne.

Pinapasaya ko tapos ikaw yung dahilan ng pagiging malungkot nya. Unfair, pare.

Nakita ko din sila Dwayne kaya sumabay na ko papasok. Pag pasok ko sa room, nakita ko si Shane, naka tingin lang kay Dwayne.

Psh. Sakin na lang kase!

Hindi sya pinansin ni Dwayne. Bwisit. Lalo tuloy nalungkot si Shane.

Sawakas, nakita na din ni Shane yung rose. Nilagay ko sa desk nya yun nung naka tungo sya.

Kinuha nya yung rose.

Finally, I saw her smile. My angel smiled.

** Shane's POV **

Uwian. As usual, I pack my things up. Palabas na ko ng pintuan. Then bigla akong hinarang ni Dwayne.

"Shane.. Look, I'm sorry." Sabi nya with his sincere face. Sorry? Ok na diba? Rose palang nya, ayos na. Ba't pa sya mag so-sorry ulit?

"Okay na. Thank you nga pala sa rose." I smiled at him.

"Rose?" biglag nagbago yung expression ng mukha nya. Teka, ano to?

"Y-yung rose na binigay mo sakin. Yung may note?" I'm expecting him to say yes.

Magsasalita na sana sya nung bigalang inakbayan sya ni Drew.

"Yung rose, diba? Ikaw talaga napaka makaka limutin mo." Tinignan sya ni Dwayne. "H-ha? A-Oo." He smiled. forced smile?

Nginitian ko siya then lumabas na ko sa room. Hinabol ako ni Drew.

"Hoy!" Lumingon ako. "..sabay tayo!" sabi nya sakin.

Hindi ko alam. Pero for the fist time, I didn't feel like rejecting his offer. Ang saya ko kasi ngayon. Gusto ko lang sya makasama. Teka. Bakit nga ba?

Sumakay ako sa sasakyan nya. Ako naman sumunod lang. Ayokong makipag away ngayon. Masyado akong masaya para maki pag away. Habang nag ddrive siya, napa tingin ako sa kanya.

"Drew." Tumingin sya sakin. "Thank you ulit." Then I smiled at him.

"Tss. Wag ka nga mag pa cute dyan. Di bagay." Sabi nya. I pout.

Wala talaga ko sa mood makipag away. Ang gwapo kasi nya mag drive. Lalo na pag nasisinagan sya ng araw, ang gwapo talaga. (Paulit ulit lang, teh?!)

Nagstop kami sa bahay nya. Pumasok na din kami. Wala daw parents nya eh. Mga maids lang nandun. Tss. Hindi na ko maliligaw dito. Kabisado ko na!

Pumunta ko sa kwarto nya. Ang cold naman nun. Wala ako magawa. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nya.

"Drew." kumatok ulit ako. "Drew." walang sumasagot. Ano kayang nangyari dun? Hinawakan ko yung door knob tapos binuksan ko.

From the door, nakita ko syang naka higa sa kama nya. Lumapit ako sa kanya.

"Drew, may problema ba?" Hindi parin sya sumasagot. Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya. Natutulog na yata eh.

Habang papalapit yung mukha ko, pinagmasadan ko yung mukha nya,

Sabi naman sa inyo eh. Nakaka inlove sya pag tulog. Sana nga lang, lagi nalang syang tulog.

I stare at his long eye lashes, perfect nose, and... his red thin lips.

Shemay. Nakaka attract. Baka di ko pa mapigilan sarili ko. Kaya dapat lumayo na ko.

I was about to turn around when........

he pushes me closer to him.

And accidentally,

our lips met.

Shoooccckksss! This can't be. I kissed him! No. I accidentally kissed him!

The eff! No way. my first kiss is a devil. My days are over. Nagulat ako. Lumayo ako sa kanya.

"ANONG GINAGAWA MO?!!!" I shout at him.

He's still faking his sleep. Ugh.

Nakakaloko na talaga to! Hindi na talaga ko lalapit pag natutulog sya. Dangerous.

Nainis ako. Tinignan ko sya. Di pa din sya nag sasalita.

Then, he smiled.

That super-hot-smile. Ugh. Di ko alam gagawin ko.

Lumabas ako sa kwarto nya.

Then sinarado ko ng malakas yung pinto.

Lumabas na ko sa bahay nya, then nag commute pauwi.

** DREW'S POV **

Pagdating namin sa bahay, diretso agad ako sa kwarto ko. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Humiga ako sa kama. Ano kayang ginagawa ni Shane sa labas? Nakatulog na ko. Bigla ko narinig boses ni Shane. Ayoko buksan yung pinto. Para naman lapitan nya ko. Binukasn nya yung pintuan tapos lumapit sakin.

Ang tagal nyang naka titig sakin. Naiinlove na siguro 'to. Papalapit sya ng papalapit. Shane. Ano ba. Ilayo mo nga yang mukha mo. Pag ako di nakapag pigil---

Palayo na yung mukha nya. Hindi ko alam gagawin ko kaya nahila ko sya papalapit sakin. And... yes. I kissed her. :'> I finally kissed my angel :)

** Shane's POV **

Nakauwi na ko. Grabe talaga. Napaka devil nung lalaking yun! Akala ko pa naman bumait na sya. Hmf! "Nak, kakain na!" my mom shouted. "Opo." I replied. Haaay. Nakaka gutom syang isipin. Bahala na nga sya!!! Hindi tuloy ako makakain ng ayos. Naaalala ko kasi yung nangyari. at sa twing naaalala ko yun, nawawalan talaga 'ko ng gana!

Pumunta nalang ako sa sala para manuod ng TV. Ugh. Nakak stress. Napaka walang manners nya talagaaaa! Nilipat ko yung cahnnel. Until I found my favorite korea-novela. Lagi ko pinapanuod 'to kasi nakaka kilig. :''> Pero biglang nagbago yung scene. Yung scene na hinalikan nung lalaki yung babae... Napatigil ako. Biglang nag flash back yung nangyari.

Waaaa! Nakaka diri talaga! Ba't kasi naiisip ko pa yun eh. Eeew. "Oh, ba't namumula ka dyan?" my mom asked. "H-ha? Hindi naman ah! Tsk." Tumayo ako then pumunta sa kwarto. Nakakainis. Ba't ba ko nagkakaganto? Psh. -----

Pumasok na ko ng maaga. Di ko alam, kung bakit. Parang hinihila ako nung paa ko papunta dito. Hindi dina ko makatulog ng maayos kagabi. Tsss. Start na ng klase. Nakita ko si Dwayne. Nginitian nya ko. I smiled back. Yan, kumpleto na naman araw ko. :') Pero parang may mali. weird. Bakit parang di ko yata nakita si Drew ngayon? Kaya pala walang nang aaway sakin. Kaya pala tahimik buhay ko eh. Kaya pala... Haaay. BUTI NAMAN.

Tumingin ako--- ay hindi. Napatingin ako sa upuan ni Drew. Ba't kaya di yun pumasok ngayon? Di naman yun na absent ng walang dahilan.. Ano ba to? Ba't ba ko nag aalala? Dapat nga magpa salamat pa ko dahil wala yun eh. Pero kahit ganun yun, mabait din naman sakin kahit papano. Psh. Okay. I admit. I miss him. I KINDA miss him.

Umuwi na agad ako sa bahay. Wala naman kasi masyadong gagawin. Wala din si Drew. I mean-- wala yung master ko.

Binuksan ko yung facebook account ko. As usual, I have to post my status. "Incomplete."

Teka--- ano yun? Ba't ganun yung status ko? Ano bang iniisip ko? No. Hindi 'to tungkol kay Drew. Never. Hindi ako maiinlove sa isang DEVIL! Biglang nag vibrate yung cellphone ko. Baka si Dre--- teka. Erase. Ba't ko iniisip yun? Tinignan ko yung message. Si Gwen lang pala. I sighed then put my phone down. Ba't kaya di nagpaparamdam yun? Tsk. I went back to my account. Nakita ko si Drew na online. Teka. Online naman sya ah. So, wala syang sakit? I-caht ko kaya? Wag na. Baka sabihin nya namimiss ko sya. Gross.

Minutes passed. Di pa din sya nag paparamdam. Sobra na yun ah! Ano bang meron sakanya? Tss. -----Pumasok na ko sa room. I saw Dwayne sitting on his chair with Carl and Zeph. Fine. Wala pa din si Drew. Teka..... Hindi ko sya iniintay, okay? Umupo na ko sa upuan ko. Kinausap ako ni Gwen hanggang mag bell. Tss. Wala padin yung demonyo na yun. Ano ba naman kase! Nag start na yung lecture. Nahulog yung pen ko so kelangan kong yumuko para kunin sa ilalim ng table ko. Kaso biglang kinuha ni Dwayne yung ballpen at binigay sakin. Tinignan ko yung pen ko then yung mukha nya. He smiled at me. I smiled back. The heck, why does my heart never felt like before? I can't feel butterflies anymore. Why?

Nakatingin lang ako kay Dwayne. When I heard my classmates whispering and giggling. Yung tipong kinikilig? Tumingin ako sa may pintuan. My heart started to beat fast. Then I felt butterflies in my stomach. Ugh. This feeling. I was a bit shocked when I saw Drew coming towards me.

Hindi ako maka galaw. Ewan ko ba, pinagpapawisan pa ko. Eh malamig naman? Weird. Umupo sya sa upuan nya. I can't take my eyes off of him. Ba't ba ko nagkaka ganito? D naman ako ganto dati eh. Hindi pa din nya ko pinapansin. Ni tignan ga ako, di magawa eh. Ano ba yan. Kausapin mo kaya ako, diba?

Lunchbreak. Nag alisan na yung iba ko'ng classmate. Paalis na din si Drew. "Drew!" tumayo ako para pigilan sya. Pero hindi parin sya tumitigil. Sinundan ko sya sa labas. "Drew ano ba?!" Hinawakan ko yung braso nya. "Bakit ba?! He looks irritated. "Ano bang problema mo?" Gustong gusto ko talaga malaman. "Bakit?" Nakakainis na ah. Nilapit nya yung mukha nya sakin. "....namiss mo ko?" Ugh. Nagpa cute pa sya. Tsss.

"A-anong namiss? Hindi noh. Asa ka pa." Kinabahan tuloy ako. He looks serious again. "Hindi pala eh." then inirapan nya ko. Tumalikod na sya sakin. "Oo na! Namiss kita. Okay na?!" I shouted.

Hinihintay ko syang sumagot. Habang naka talikod sya, nakatingin lang ako sa kanya. Ang tagal nya sumagot. Pinag titinginan na tuloy kami ng mga tao.

Humarap sya sakin. Then, he smiled. Natulala ako sa ngiti nya. Pati din pala yun, na miss ko na.

Lumapit sya sakin.

"Isang araw lang ako nawala, nagkakaganyan ka na." papalapit ng papalapit yung mukha nya. "Don't tell me... nahuhulog ka na sakin?" He smirked.

Ugh. Dapat talaga hindi ko na sinabi yun. Ang yabang nanaman nya! Pero, teka. Tama sya. Ano nga bang nangyayari sakin?

"H-hindi no! Ewan ko sayo." Tinulak ko sya palayo. He smiled again.

"Okay lang yan. Nagpa miss lang talaga 'ko. Hindi ko naman akalain na sobrang effective sayo." He touched my nose then winked.

"Pwede ba?! Wag ka nga mayabang dyan!" I rolled my eyes. Ang gwapo parin nya. Psh.

Then I must admit. I'm addicted to this devil. Totoo kaya? Am I falling for this devil? "Pero alam mo kung ano yung namiss ko?" He smiled then touched his lips. "May naalala kasi ako eh. Meron daw babaeng pumasok sa kwarto ko. Tapos habang natutulog ako, hinalik---" "Stop!" I shouted. Ba't ba kelangan pa nya ipaalala yun? Ugh. Kainis naman! Sana hindi nalang sya pumasok eh

He looked at me then smiled. Stop it. You're making me blush. "Hindi ko ginawa yun! Ikaw ang humila sakin kaya nahali--" Sht. Hindi ko masabi. "Kaya...?" He raised his eyebrow. "Kaya kita nahal--" Hindi ko talaga kaya. "Basta! Bahala ka dyan!" I walked away para di na mapag usapan pa yun. Nakakahiya kaya!!

Medyo malayo na ko sakanya. I stop. Nag flash back sakin yung nangyari. Napahawak ako sa lips ko. "Masamang kiligin mag-sa." Nagulat ako.

Sinundan pala'ko ng demonyong 'to. "Hindi ako kinikilig, okay?" I change direction. Then I don't know why... I smiled.

-----

Uwian. Masyado akong mabait kaya maaga ako'ng umuwi. And since hindi ko na kailangan pumunta pa sa bahay nila Drew para lang pagsilbihan sya.

I opened my facebook account. Status. Ano ba'ng ilalagay ko? Hmm...

" I'm falling even more inlove with you. "

Di ko alam. Narinig ko kasi kanina yan sa may bookstore kaya na-LSS ako... No more meaning. I click Drew Hernandez's name. There, I saw his picture again. Ugh. Handsome alert. >.<

Pagpunta ko sa wall nya.. ba't ganun? Ang daming nag popost na girls. Sample: " Hi Drew. You're so gwapo talaga. "

" You know, I really love you. :'''> "

"Drew. marry me, please? "

Grabe na mga tama ng babae ngayon. Tsssk. Buti naman di pinapansin ni Drew. HAHA! ako lang papansinin nun no. Step aside! :)

May nakita pa 'kong wall post. I saw her DP.

She's pretty. Really pretty. " Hi Drew. How are you? Haven't seen each other for a long time. :) " Sus. Ang arte.

I scroll down. Nakita ko, ni-like ni Drew. Yun lang yung isang post na ni-like nya! Gawd! Tapos nag comment si Drew. " Yah. I'm fine. 'bout you? :)" " Same. I miss you so much. See you soon." The girl replied. " Good. Imissyoutoo. :) "

T-teka. I MISS YOU TOO?! ugh. Nakaka irita. Sino ba yun??? Bakit kelangan ganun sila ka sweet?! Psh.

Tinignan ko yung profile nung girl. STEPH GARCIA. I browse some pictures of her. K. Maganda, maputi, matangkad, sexy. No wonder. -.-

Fine! Magsama sila! Tsh.

After 2 minutes...

* Drew Hernandez like your status *

I bit my lower lip. I can't help not to smile. Then..

* Drew Hernandez commented on your status ."

Pagka click ko nung notification...

Drew Hernandez:

"I'm standing here until you make me move, I'm hanging by a moment here with you. "

Di ko napigilan ngumiti. Bat ba lagi nlang nya dinadagdagan ng lyrics yung satatus ko? Tsk. Nakaka inlove na eh. I comment back.

Shane Carlos: :)

Smile? Di ko alam. Yun na pala yung na enter ko. Di na sya nag reply. Tsk. Siguro ka chat nya yung Steph. Tsss! I click his name and go to his profle. May status pala sya...

" Sa iyong NGITI, ako'y nahuhumaling... "

Napahawak ako sa unan ko. Teka. Ba't ba ko kinikilig? Para sakin 'to diba? :''''>

I was about to comment on his status when...

Steph Garcia: Kelan ka pa naging corny? :)

Drew Hernandez: Shut up, babe. :)

BABE?!!! Teka. Palala na ng palala 'to ah. Bakit nya yun tinatawag na bae?

Hindi man lang nga nya ko malambing tapos tatawagin nya yun ng BABE?! Like seriously?! Ugh.

I change my status. I can't stand them anymore.

" YOU look good TOGETHER. =))) "

After 3 minutes....

*Drew Hernandez commented on your status.*

Drew Hernandez: "WE look good TOGETHER. "

-------

Maaga 'ko nagising ngayon. Ewan ko ba. Bigla nalang ako naging excited pumasok. Naramdaman ko na din 'to dati eh. Kay Dwayne.

Umupo na ko sa upuan ko.Nilapitan ako ni Gwen.

Gwen: Umamin ka nga sakin. Ako: Ha? Gwen: May gusto ka ba kay Drew?

Napatigil ako. Gosh. Gwen? Ba't ba lagi mo nlang alam lahat ng nangyayari? No wonder you're my bestfriend. My girl friend. :)

Napangiti lang ako. "Sabi na eh!" She pointed her finger at me. Then smiled. "Pano mo nalaman?" Ganyan kagaling yang girlfriend ko. Astig.

"Ano ba. Kahit sino tumingin sa profile mo, malalman na may something sa inyo ni Drew." Meron nga ba? Parang wala naman eh. "Che. Wala naman eh. Asa ka pa nu. Ako? Maiinlove dun sa devil na yun? No way."

I saw Drew coming. "Di pala inlove ah. Eh kung maka tingin ka, parang matutunaw na si Drew."Gwen said.

Umupo sya sa tabi ko. Then tumingin sakin. Ayan nanaman sya eh. "Baka matunaw na ko nyan." He smiled. "Excuse me. Hindi kita tinitignan." Inirapan ko sya.

Pano ba naman di ko sya titignan? Ang gwapo nya kaya ngayon. Ewan ko. Parang may iba sa kanya ngayon eh. Lalo syang gumwapo sa paningin ko.

The bell rang. I was taking down notes when Mrs. Sanchez announced something.

"Class, you have a new classmate. Please treat her well. She's from states."

Tinignan ko sya. Parang nakita ko na sya. Di ko lang maalala. Nagsalita yung girl.

"Hi. Good day everyone. I'm Stephanie Garcia." Then she smiled. Bigalng nag hihiyawan yung mga boys.

Steph Garcia? Sya yung girl sa facebook ni Drew diba? A-anong ginagawa nya dito? Tinignan ko si Drew. Nakatingin sya kay Steph. Nagkatinginan sila. Then nag smile si Drew kay Steph.

Oh no. Dumating na ba karibal ko?

"Okay. You may seat beside Mr. Hernandez." Seriously. This teacher is really bad at making seating arrangements. Ts.

Hindi ako makapag focus. Pano ba naman, tuwing titingin ako kay Drew, nakatingin din sakanya si Steph. At pag nagkakatinginan sila, nag ngingitian pa. Ugh. Annoying. Really!

Lunchbreak. Lalapit sana ko kay Drew para kausapin sya. Kaso... "Drew, sabay tayo mag lunch ah?" Steph said while making pa-cute to my Drew. Tsk. So fake.

Teka. Magpapatalo ba naman ako? "Drew. Diba sabi mo sakin dapat lagi mo ko kasama?" Ugh. Ano ba 'tong ginagawa ko?

Tumingin sakin si Steph with her curious expression. "Sorry Shane. Ngayon lang kasi ulit kami nagkita ni Steph eh. Next time nalang." He smiled at me. I smiled back. Seriously half-smile.

"Ah. Sige." Then tumingin ako kay Steph. She looks at me then make an evil smile. Tsk. This girl is pissing me off. Bagay nga sila. Tsssk. No. Naalala ko yung sabi ni Drew. "WE look good TOGETHER."

I believe in him. I trust him.

"Shane!" Tumingin ako sa likod ko. Tinatawag pala ko ni Dwayne. "Gusto mo samin ka nlang sumabay mag lunch?" Dwayne suggested. "S-sige." I smiled.

Pumunta na kami sa canteen. After bumili ng foods, umupo na kami malapit sa table ni Steph at Drew. Hindi ko mapigilan di sila tignan. Ang saya kaya nila. Kung titignan mabuti, para nga silang magboyfriend-girlfriend. Tss.

"Nakaka miss din pala yan si Steph no?" Carl said while looking at Drew and Steph. What? Pati ba naman sila?

"Oo nga eh. Matagal na din sya nawala." Zeph added. Ano bang meron dyan sa Steph na yan? Tsk.

"Kilala nyo sya?" I asked.

"Oo naman." Carl answered. "Kaming 5 magkakasama noon. Halos sabay sabay na din kaming lumaki. At di mo nga aakalain na sa ugali nila na yan, naging sila dati."

Wait. Am I hearing it right? Naging sila?!

"Naging sila?" I asked "Oo. Mga 2 years na yata sila nung nagbreak sila. Kelangan kasi pumunta ni Steph sa ibang bansa dahil nandun yung buong family nya." Dwayne answered.

So kung hindi pala umalis si Steph, siguro sila parin hanggang ngayon. Nakatingin lang ako sa kanila.

Anobayan. Di man lang ako tinitignan ni Drew. Busy kasi masyado eh. Tss. Nakakainis ka Drew. :(

"Shane may problema ba?: Dwayne asked. "H-ha? Wala wala." I fake a smile. Mai-stress lang ako pag iisipin ko pa yun. Sinubo ko nalang yung carbonara. Tsk. Nakakainis talaga.

"Ah-Shane." Dwayne looks at me. "Hm?" I asked. Nakatingin sya sakin. Ang tagal. Bakit kaya? Papalapit na yung mukha nya sakin.

"D-dwayne, bakit?" Kinakabahan ako. Hindi ako maka galaw. Di ko alam gagawin. Ilang inches nalang, sobrang lapit na nya sakin. Pumikit ako.

Then may humila sakin. Pagbukas ko ng mata ko...

Si DREW.

Nagulat ako sa ginawa nya. "Drew." Natulala ako sakanya. "Pare naman. Kung gagawin mo yan, wag naman dito. Canteen to oh. Tss.: Inirapan nya si Dwayne.

Teka ano to? Nag seselos ba sya? Ang weird nya ah.

Tumawa lang si Dwayne. "Ano bang sinasabi mo? Gusto ko lang tanggalin yung sauce ng carbonara sa mukha ni Shane."

Nagulat ako. Pinunasan ko yung dumi sa mukha ko. Nakakahiya. Napatingin ako kay Drew. Nagulat din sya. Tapos tumingin sakin.

"ANO KA BA. ANG LAKI LAKI MO NA TAPOS DI KA PA MARUNONG KUMAIN NG MAAYOS! Bahala ka nga dyan." Binitawan nya ko then bumalik na sya kay Steph.

Tss. If I know. Halata naman kasing nagseselos sya, ayaw pang aminin. Psh. Sya nga nakikipag landian dun sa Steph na yun eh. Ang daya talaga!

"Shane. Okay ka lang?" Dwayne looks at me curiuosly. "H-ha? Oo naman." Then I smiled. "Ah. Okay." Kumain ulit sya.

Uwian. Magkasama kami maglakad ni Gwen palabas. Kasi, syempre, si Drew kasama nanaman nung Steph na yun.

Ano ba yan. Naaagaw na sya sakin. Hindi pwede 'to.

"So, anong gagawin mo sa Steph na yun?" Gwen asked. "Ha? Bakit?" Kunyari di ko alam sinasabi nya. "Anong bakit? Excuse me, alam ko namang mamatay-matay ka na sa selos dahil dun sa babaeng yun no."

Sigh. Di ko alam gagawin ko. Papabayaan ko nalang ba yun? Papabayaan ko nalang ba sila? Tss.

Palabas na kami ng gate when we saw Drew and Steph. "Hi Drew." Gwen said with a smile. "Hi" Drew smiled. He smiled. Samantalang sakin di man lang magawang mag smile.

"Drew, kayo na ba?" Gwen asked Drew. Nagulat ako. Di ko akalaing itatanong yun ni Gwen. Nag smile silang dalawa.

"Hindi. We're just friends." Drew replied.

I was a bit calmed when I hear those words. Now, I'M NOT THAT LATE.

--------Days passed. Di ko masyadong pinapansin si Drew. Pano ba naman, laging naka dikit sakanya si Steph.

Friday. Absent yata si Steph. HAHA. Is it my day? Sakto. Walang sagabal. Nilapitan ko si Drew.

"Hoy." He looked at me. "Miss mo nanaman ako?" Then he smiled. Di ako nakapag salita. Then napa smile ako.

Humarap sya sakin. "Selos ka no?" He smiled again. Stop smiling, will you? :"''> Again. I was speechless. I smiled.

"Wag mo nbga ko ngitian dyan. Tinatanong kaya kita!" Drew said. Tumingin ako sa kanya. Then again, I smiled.

Alam kong maiinis sya sa ginagawa ko. Namiss ko din makipag away sa lalaking 'to. :)

"Shane." I tru around. Dwayne is calling me. "Bakit. dwayne?" Lumapit sya sakin. Then, may nilagay sya sa kamay ko. "Bracelet?" I asked curiously.

Napatingin ako kay Drew. Tss. Inirapan na naman ako.

I mean, yung bracelet. ""P-para san to?" I asked Dwayne. "Wala.. My gift for you." He smiled. "Gift? Wait. Hindi ko naman birthday eh." "I know. Nakita ko lang sa mall. Akala ko kasi magugustuhan mo." He looks dissapointed.

"N-no. I lke it." I smiled. Then he smiled. "Sige." Then he walk away. Tinignan ko yung bracelet na binigay ni Dwayne. Ang ganda. Sobra. Napangiti tuloy ako.

Tumingin ako kay Drew. "Anong ginagawa mo dyan? Lumayo ka nga sakin." Drew said. Sus. Nagseselos ka lang eh. HAHA! Naka ganti din ako. :)

Lumapit pa ko sa kanya. Then nilabas ko yung arm na may bracelet.

"Haay. Ang ganda no? Ang sweet talaga ni Dwayne" Then, I smiled.

I can see his face. He's making the devil face again. HAHA. Gocha. I Knew it. He's jealous. :)

Di ko mapigilang tumawa. Ang cute nya maasar. Tsk. Then humarap sya sakin. He smiled at me. "Nakita mo ba si Steph? Di ko pa kasi sya nakikita ngayon eh." Biglang nawala yung smile ko. "..namimiss ko na kasi sya eh." He smiled again. Evil smile.

I rolled my eyes then turn around. Psh. K. I lost! He's really annoying. Ugh.

--------Uwian. Habang nakahiga ako sa kama, iniisip ko yung nangyari kanina. I open my facebook acount. Then put my status.

" Drew walks by me. Can he tell that I can't breathe? "

Teka. Masyado bang obvious? Eh kanta naman yan eh. Tsk. Bahala na nga.

*Drew Hernandez commented on your status*

Drew Hernandez: You're the reason for the teardrops on my guitar.

The only thing that keeps me wishing from a wishing star.

Tae. Kinilig ako. Drew. Bakit ba napaka complicated mo? Tsk. Di ko na alam kung ano nararamdaman mo eh. Ano ba talaga? May gusto ka din ba sakin? O ilusyon lang ang lahat ng to?

Basta. Alam ko na gagawin ko. Aaminin na ko sakanya. Ugh. Ba't ganun? Iniisip ko pa lang, nanghihina na ko.

Tama ba 'tong gagawin ko? Lord, please, give me a sign. Please?

After 3 minutes.

*Drew Hernandez posted on your wall.* Lord eto na ba yun? I click my notif.

"Shane, be my muse. :)"

Ohmy~ Ano to? Muse? Para san? Niyayaya nya ko? Is this true? Nireply-an ko sya.

Shane Carlos: Muse? For what? Drew Hernandez: For my birthday. :)

B-birthday? Is this true? O.O

Di ako nakapag reply. Ano ba naman kasi sasabihin ko? Di ko pa alam. Baka mpahiya lang ako dun eh. Baka pag pumayag ako, awayin lang ako nung mga babaeng patay na patay dun. Tsk. Anong gagawin ko?

After 2 minutes....

*Drew Hernandez posted on your wall.*

"It's a lovestory, baby just say.. YES."

Urg! Ano ba talaga? Naguguluhan ako. Gusto ko pumayag pero.. bahala na. Nag comment ako sa wall post nya.

"Yes." Then, I'm dead.

After taht, he didn't reply. Ugh. What's this thing all about? After 20 minutes, I heard my mom knocking at my door.

"Shane. Delivery daw para sayo." Delivery? Teka. Wala naman ako pinapa deliver ah. Then as I open my door.. Woah. An elegant-pink-tube-dress.

"Ma, ano yan?" I asked while pointing at the dress. "Ewan ko. From Mr.--- ano ba to? Hernandez?" Mom said while reading the card.

W-what? Drew sent me this elegant dress? Is he effin serious?! ---

Next morning. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. I answered it lazily and ---

"Asan ka na ba?! Kakagising mo lang?! Ano bang ginawa mo kagabi ha?! Late ka nanaman!"

Then he hang up.

Seriously. WHat the heck is the problem of this guy? I look at the cock. Eff! 8:30 am. I'm late!

Nagmadali na ko pumasok. While running at the corridor, I saw Dwayne walking.

"Dwayne!" He looked at me. Then smiled. "Late ka din?" I smiled. Buti naman may kasabay ako. HAHA.

Pumasok na kami sa room. Then pinagtitinginan kami ng mga tao. Sabay. "Yiiiiieeee..." Ugh. What's their problem? Srsly.

I looked at Drew. The way he look at me, tss. SCARY.

Nakakahiya. Umupo na agad ako sachair ko. Tumingin ako kay Drew. Nakakatakot talaga sya. Tsk.

LUNCH BREAK. Lumapit sakin si Dwayne. "Shane. Sabay na tayo mag lunch?" He smiled. Ha? Tsk. Magagalit kasi si Drew pag pumayag ako eh. PSH.

Tumingin ako kay Drew. Ang sama parin ng tingin sakin. "Next time nalang, Dwayne. May gagawin pa kasi ako eh." Then I fake a smile. Sorry Dwayne.

"Ah ganun ba? Sige. Mauna na 'ko." He smiled again.

"Ang swerte naman nya. Kung ako yun, papayag na ko." I heard from the ggirls on my back. Ugh. I can't accept his offer. Drew might get jealous.

After umalis ni Dwayne, I bow my head. Tsk. Dati patay na patay ako sakanya, pero ngayon, simpleng offer lang, di ko pa ma accept.

"Na fall na ba talaga ko kay Drew?" I whispered to my self.

May na feel akong lumapit sakin.

"Oo naman." Nagulat ako. I saw Drew smiling at me.

"Pwede ba!" I shouted.

He smirked.

"Ba't mo pa kasi tinatago? Halata naman oh." He smiled again.

"Tinatago? Ang alin? Ugh. Ewan ko sayo." I stand up then walked away. Then, he shouted.

"Later. 8 pm. Susunduin kita sa inyo. Remember that." Habang nakatalikod ako sakanya, I don't know why. I smiled.

8:00 pm.

I was all prepared. Wearing this elegant-pink-tube-dress makes me really really gorgeous. Srsly. I was shocked when I saw my self on the mirror. Match them with my tied up hair with curl on two sides.

But---- Ugh. I feel nervous.

"Shane. May tao sa labas!" Mom shouted while knocking at my door. This is it. Lord, please make this night perfect. Just this night.

Then I opened my door and went to the living room. There, I saw him on his tuxedo. Ugh. He's dead-hot-handsome. I waved at him. Pero nakatingin lang sya sakin na parang naka kita ng multo. Why?

"Why? What's wrong?" I asked him curiously. He's still staring at me. Ugh. Stop that. It makes me feel shy.

I move closer to him. "Mr. Hernandez, are we going or not?" Then finally, he came back to his senses.

"Let's go?" He smiled while offering his right hand. Gentleman din pala to kahit minsan. HAHA.

I smiled at him and hold his hand. Srsly. This guy's hand is effin soft. Am I holding a pillow? LOL.

30 minutes after.

We arrived at his house. I can't move. I clearly saw many people. I'm afraid of them. You know.

Bumaba si Drew sa kotse then binuksan yung pinto ng kotse. I was confused if I'm going or not. Ugh. This makes me nervous. Srsly.

He offer his hand again. I can't.... I'm too nervous. I'm panting. He smiled at me. That mesmerizing smile.

"Just this night, will you be my girl?"

I felt butterflies inside.

Suddenly, my heart felt LOVE.

I felt happiness, contentment.

Drew, why are you doing this to me?

I smiled at him and raise my hand. Then, we walked together. Gosh. People's eyes were on us. What will I do?

He moved close to me and whispered: "Relax. Ang gwapo gwapo ng kasama mo, tapos kinakabahan ka dyan." I looked at him with what-did-you-say look.

Then, he winked. Ugh, Lord, help me. This guy is burning. I smirked.

We went inside until we reached his parent's table. Hinawakan ako ni Drew. "Mom, Dad, si Shane." I looked at them. Wow. Kamukha niya talaga parents niya. I smiled at them. "Goodevening po."

They smiled at me. "Ooh. Ikaw pala yung matagal ng kinukwento sakin ni Drew." I looked at Drew. "Mom!" Drew shouted.

Tumingin ako sa kanya. Yung tingin na pang-asar. Ang sama ng tingin niya sa akin. Tss. Nakakatakot talaga to minsan.

Umupo na kami sa table ng parents niya. Lumapit ako sa kanya, tas binulungan ko siya. "May tao pa lang may lihim na pagtingin sa akin." tapos nginitian ko siya.

Nakita ko yung mukha niya,

yung mukhang parang nakatikim ng maasim. Haha! Ang sarap niya inisin.

Lumapit siya sa akin, tapos bumulong. "May tao palang malakas ang self confidence." Tapos nagsmirk siya.

Tinignan ko siya ng masama. Ugh. Kelan ba ako mananalo sa lalaking to? Kainis.

Tapos na kami kumain. Ngakwentuhan, tapos medyo tawanan. Biglang nagkaroon ng slow music. Slow dance din. Tumayo siya, then inabot niya yung kamay niya. "May I have this dance?" he sweetly smiled.

Nakaupo lang ako dun. Di ako makagalaw. Nakakatulala naman kasi e... Ganun ba naman ka-gwapo, yayain kang sumayaw? Like duh, sino ba naman di kikiligan?

"May I?" tanong ulit niya.

*dug *dug *dug Ang lakas ng tibok ng puso ko..

Inabot ko yung kamay ko sa kanya. Ang lambot ng kamay niya.... Grabe.

Pumunta kami sa may gitna. Ang daming tao na nakatingin sa amin. Yung tingin na parang nagsasabing, "Sana ako na lang siya." Makikita mo yun sa tingin ng mga babae. HAHA Sorry girls.

Nakahawak siya sa waist ko. Ako naman, sa balikat niya. I can smell his perfume. Nakakainlove, grabe. Lalo pag tinignan mo siya, matutunaw ka talaga sa bawat tingin niya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Syet. Mahal ko na ba 'to?

"Mahal mo na ako 'no?" he smiled devilishly. Tinigna ko siya ng masama. Tss.. Kung di ka lang gwapo.. Nakoo

"Excuse me, baka naman ikaw?" tanong ko sa kanya. He giggled. "Galing mo naman." Sht. Is this true?

"Ano?" Kunwari di ko narinig. Lumapit siya sa akin. Yung tipong 3 inches nalang yung layo ng mukha ko sa mukha niya..

Bumulong siya. "Sabi ko, I ----" "Hoy! Mr. Hernandez. Binabalaan kita. Wag na wag kang gagawa ng masama dito! Di porket pumayag ako na sumama dito pwede mo nang gawin lahat ng gu-------------"

My eyes started to wide. Sht. He kissed me. Kissed me infront of many people.

Tinignan ko siya. Nakapikit siya. Di ko alam mararamdaman ko. Napapikit tuloy ako. Di ko mapigilan. Ugh. After 3 minutes, may nagsalita...

"Sabi ko, I love you."

Okay. Eto na naman ako. Tulala. Di ko alam gagawin ko. Di ko alam magiguing reaction ko.

Di ako makagalaw. DREW HERNANDEZ, ano bang nangyayari sayo?

Lumapit ulit siya sa akin.. "Magsasalita ka ba o hahalikan ulit kita?" He smiled. Finally. I came back to reality.

"B-bakit mo ginawa yun?!" Galit ako. Ata? Hindi siya nagsasalita. Halata namang nagpapacute lang siya. Ugh.

At dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, tumakbo ako papalayo sa kanya. Nakakahiya kaya yun.

It was my first kiss. I admit. Sweet and romantic. Pero-- kasi-- basta! Ewan!

Tumigil ako sa labas ng bahay nila. Nakakahingal kaya tumakbo palabas. Ang haba haba pa ng tinakbo ko. Kasi naman eh. Ang layo kaya ng labasan. Tsk!

Bigalng may nagsalita sa likod ko.. "Okay ka lang?" Parang familiar yung boses.. "Dwayne?" sabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" nakatingin lang siya sa akin. "H-ha? Wala. Gusto ko lang magpahangin. " I fake a smile.

Tumawa siya. Ugh. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit?" tanong ko sa kanya. "Di mo naman kelangan itago. Nakita ko naman e." tapos nagsmile siya. Stop. Please. Baka ma-fall nanaman ako nyan eh.

I sighed. pati pala siya, nakita. "Pwede ba...." I rolled my eyes.

"Okay lang yun." tapos bumulong siya "kahit masakit..." hindi ko na narinig yung sinabi niya.

"Ano?" tanong ko. Di ko kasi naintindihan eh. "Wala." Nagsmile siya. "Congrats. Kayo na?"

Nkaita ko yung sadness sa mata niya. Ha? Bakit? Di ko maintindihan.

"Hindi ah! Never!" napasigaw tuloy ako. Tumawa na naman siya. Ang gwapo pa rin niya.

"Buti naman." bulong niya. "Ano yun?" tanong ko ulit. "Wala. Sabi ko, ang ganda mo ngayon." then he smiled.

Buti na lang at may Dwayne pa. Ba't di na lang kasi siya nagustuhan ko. Ugh. Kainis talaga to si Drew.

Niyaya ako ni Dwayne pumasok. Since okay na ko, and nakakahiya naman pag-inignore ko siya.

Pagkatapak ko sa stairs, nadulas yung paa ko. Sht. Buti na lang nasalo ako ni Drew.

napahawak tuloy siya sa waist ko. Tapos napahawak ako sa shoulders nya.

Ang tagal naming nagkatitigan. Sht. Ba't ngayon pa nangyari to? Ang daya naman. Kung kelan di ko na siya crush, saka naman ganito mga nangyayari.

Ugh. Ang gulo talaga ng buhay ko. Nginitian niya ako. Di parin niya tinatanggal yung paghawak niya sa waist ko.

Then biglang may nagsalita. "Shane!" napalingon ako Sht. Patay.

Di pa rin ako tinatayo ni Dwayne. Ano bang problema nito?

Lumapit sa amin si Drew,. Hinawakan niya yung kamay ko, then hinila niya ako palapit sa kanya. As in yung 3 inches na lang talaga.

Napalunok ako. Sht. Drew, subukan mo lang ulit ulitin yun. Papalapit na naman yung mukha niya. 3 inches-- 2 inches-Sht. Ba't di ako makagalaw?

Then he stopped. Bigla syang nagsmile. "Diba sabi ko sakin ka lang?" Then tumingin siya kay Dwayne.

"Pare, andito ka na pala. Tara sa loob. " nagsmile lang si Dwayne.

Hinila na ako ni Drew papasok. Ugh. Hilig niya talaga manghila.

Umupo ult kami. Sa ibang table naman. Ang sama ng tingin niya sa akin. Tsk. Nakakatakot talaga to. Kelangan ko muna tumahimik.

"Nagseselos ako." tumingin siya sa akin.

"Nagseselos ako"

-------------------------------------------------------------------------------------

I curiosly looked at him. Ano bang sinasabi neto? Tinignan ko lang siya.

"Sabi ko nagseselos ako..." seryoso na ata. Tinignan ko lang siya ng matagal. Then.... "HAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAH!" I laughed. Grabe, ang sakit ng tyan ko dun ah. "What? Anung nakakatawa?!" he is dead serious.

Akalain mo ba naman kase... School heartthrob, nagseselos? Can you believe that? Tsk, parang bata.

Tumigil na ako. Baka suntukin pa ako nito eh. "Ano bang problema mo? Si Dwayne lang yun.." sabi ko sa kanya.

"Yun nga eh, si DWAYNE." tapos nag-walk out siya. Akalain mo yun, ang drama pala. Tss. Ang gulo talaga nun kahit kelan.

Tumayo ako. Hindi ko alam. Basta ko na lang naramdaman. Gusto ko siya habulin..... Nakarating na ako sa may terrace. Nakita ko siya. Nakatalikod. Kinakausap sarili. Baliw talaga.

"Shane, I love you. Will you be my girlfriend?"

I'm shocked. Di ko alam pero, parang bigla na lang ako natuwa. Totoo ba to? Drew, Ano bang sinasabi mo?

Nandun lang ako. Nakatayo. Habang siya, nakatalikod pa rin. Nagsalita ulit siya.

"Hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo 'to. Mahal kita, matagal na. Kaso natatakot akong sabihin kasi alam ko na may mahal ka na. Natatakot ako kasi baka yung babaeng sineseryoso ko, sa bandang huli, saktan lang ako."

Tapos yumuko siya. Totoo ba talaga to? Si Drew? Nagsasalita ng madramang linya? Tae. Kinikilig ako. Natatawa ako.

Drew's P.O.V.

Sigh. Nalabas ko na lahat ng gusto ko sabihin. Ang sarap sa feeling!

Yung sinabi ko lahat lahat, Kaso nga lang, hindi personal. Natatakot kasi akong umamin sa kanya. baka sa huli, Si Dwayne pa din ang piliin niya.

"I love you too."

biglang may nagsalita sa likod ko.

Tumingin ako sa likod ko..... at naagulat ako.

"Steph!"

"Hi!" she waved then smiled. Anong ginagawa mo dito?" "Wala. Nakita kasi kitang mag-isa eh. Kamusta na?" she answered. I smiled back. "Narinig mo?" tinanong ko siya.

"Oo. Lahat." tapos nag blush siya.

"Yung babaeng sinasabi mo, si Shane yun diba?" tapos fake smile. Tumungo ako. "Oo." sabi ko.

Nagsmile siya. "sabi na eh." "Ha? Bakit?" I asked. "Nakita ko siya kanina. Pinapakinggan ka. Pagkatapos niya marinig yun, ngumiti siya. Narinig ko siya bumulong.....

"I love you too, daw."

Napangiti ako sa narinig ko. Si Shane, nag- I love you too? Ang sarap sa feeling.

"Steph, sorry. Pero si Shane. Siya talaga yung mahal ko." tinignan ko siya sa mata, Ngumiti lang siya... then... "No. It's okay. Bukas na flight ko pabalik sa States. Dad's in bad condition. I need to see him." "Ganun ba? SIge. Sana gumaling siya agad." Nagsmile ulit siya. Tapos nagsalita.

"Ikaw ah.... wag mo'ng sasaktan si Shane. Sana maging masaya kayo, I'm giving you two my blessing.

I smiled. "Sige, yun lang." tumalikod siya.

Niyakap ko siya. Then I whispered,

"Steph... thank you." i can sense that she smiled.

Shane's P.O.V.

Narinig ko lahat ng sinabi niya. Natawa tuloy ako. Kaya habang nakatalikod siya, bumulong ako....

"I love you too."

Isisigaw ko sana, kaso biglang dumating si Steph. Ugh. Kahit kelan talaga yun. Nagtago ako sa may wall.

Ano na naman ba balak niya? Tss. ilang minutes din ang lumipas. Similip ko ulit sila. I was shocked. Bakit? Bakit nakayakap si Drew kay Steph? :'(

Nawalan na ako ng gana. Kaya nagpaalam na ako sa kanila, tapos umuwi na ako.

Akala ko pa naman, totoo na. Pero bakit niya niyakap si Steph? Ugh. Napaka-assuming ko talaga. Kainis.

12:30 am.

Di pa din ako makatulog. Gusto ko siya kausapin. Gusto ko sabihin sa kanya na narinig ko siya. Kaso, everytime na maiisip ko yun, naalala ko yung ginawa niya kay Steph. Ugh, bahala na.

Nagbukas ako ng account ko. Pampaantok na din.

Haay. Ano ba dapat istatus ko? Hmmmmm.....

Status: "Hate that I love you so..."

Well, siguro it matches my mood. Haaay.

*Drew Hernandez commented on your status*

Eto na naman....

Kikiligin na ba ako?

".....but I just can't let you go"

Sht. This. Kaya ako na-ffall eh. Kasi naman! :""""> Magcocomment na ba ako? Ugh. Bahala na.

Magcocomment na sana ako, kaso. nakita ko yung status niya....

Drew's POV

Natuwa ako sa status ni Shane. ibig sabihin mahal niya talaga ako. :)

Nag isip din ako ng status....

Status:

".. coz I love her, with all that I am. And my voice shakes, along with my hands. And she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again."

Haba naman masyado. Pero okay na.

Anong magagawa ko? Ganyan ko siya kamahal eh. :)

*Shane Carlos likes your status.*

Alam mo yung feeling na nilike ng mahal mo yung status mo? Saya, pare.

Napangiti tuloy ako.

Biglang may nag pop out sa chatbox ko.

Shane Carlos: Oy! Drew hernandez: Yes, girlfriend? Shane Carlos: Girlfriend ka dyan!

Drew Hernandez: Sunget. Ano ba yun? Shane Carlos: Kanina. Sorry di ako nakapag-paalam. Drew: Alam ko naman na hindi mo na matagalan kagwapuhan ko eh. Shane: Psh. Yabang mo talaga. Dyan ka na nga. Drew: Joke lang baby. :)) Shane: Baby?! Yuck. Drew: Ok lang yan, baby. Masasanay ka din. Shane: Corny mo talaga. Gross. Drew: Kaya mo nga ako nagustuhan eh. Shane: A-S-A Drew: SIge na, matulog ka na. Text mo ako pag gising mo ha? AKO LANG ha? Shane: Ewan ko sayo. Out na ako. Drew: Goodnight baby. :* Shane: Che.

*Shane Carlos has signed out.*

Mag lolog out na sana ako. Kaso nakita ko yung last status niya.....

"BABY you light up my world like nobody else."

Napa ngiti ako. Sabi na kinikilig to eh. :)

SHANE'S POV

Ang aga ko nagising. Ewan ko ba. Dahil siguro kahapon. Pagkamulat ng mata ko, hinanap ko agad cellphone ko.

And there, I found..

1 new message

Teka. Ang aga aga pa eh. Sino ba to?

From: Devil Drew. Goodmorning, babe. :)

Ano bang problema nito? Kung hindi ko lang sila nakita ni Steph na magkayakap, iisipin ko totoo na to eh. Kaso baka naman trip lang nya to.

Tsss. Bahala na....

DREW'S POV

Ang aga ko nagising. Excited kasi pumasok. Ts. Si BABY kasi eh. Iwan ba naman ako kagabi. Tsk. Epal kasi si Dwayne eh.

Tinext ko sya. Gising na kaya to?

After ilang minutes, may nag vibrate.

From: Baby. Goodmorning.

Ang tipid. Pero ayos na din. :)

Nireplyan ko sya.

TO: Baby.

See you later, baby. Missyou. :*

Di na sya nagreply. Naghanda nalang ako para pumasok.

SHANE'S POV

Naligo na agad ako tapos pumasok.

Pagpasok ko sa school, nakita ko silang lahat. Ba't nila ko pinagtitinginan? Tsk. Sigurado ko dahil 'to kagabi.

Si Drew naman kasi eh. Ugh. Ano ba yan. Di ako sanay. Ba't kasi kelangan ganto pa?

Pagpasok ko sa room, nakaupo si Drew sa upuan ko. Ano bang problema ng lalaking 'to? Ugh.

Lumapit ako sa kanya.

"Excuse me, Mr. Hernandez. Nagkamali ka yata ng upuan?"

Nginitian lang nya ko. Tss.

Ang aga aga nang t-trip nanaman to.

Biglang nagsalita si Dwayne.

"Shane, dito ko nalang." nakaturo sa tabi nya then smiled.

Napatingin ako kay Drew. Ang sama ng tingin nya kay Dwayne. Ha! Yan kase. Mapag selos nga to..

Tumingin ako kay Dwayne then lumapit.

"Sure." Then I smiled at him. Umupo na 'ko sa tabi ng chair nya.

Tumingin ako kay Drew then inirapan ko sya. HAHA! Pustahan, makakapatay na yun sa sobrang galit.

Second subject. Ang boring talaga magturo nitong teacher na 'to. Wala kayang nakikinig sakanya. Tsk. No wonder tulog lahat pag sya yung teacher.

Napapa pikit na rin ako nang may naglagay ng papaer sa desk ko.

Pagkabasa ko...

may naka sulat.

BABY!

Tsk. Si Drew nanaman 'to. Haaay. Nagsulat din ako. Boring naman kasi eh.

Bakit ba?!

Bumalik ulit yung paper sakin.

"Umalis ka nga dyan sa tabi ni Dwayne! Bumalik ka sa upuan mo!"

Haha. Bingo! Sabi na.

Bakit ba? Selos ka?! :P

This time, binato nya sakin yung paper. Awww! Sakit nun ah!

Binuksan ko yung paper.

EWAN KO SAYO. BAHALA KA SA BUHAY MO!

Natawa tuloy ako. Sabi na eh.

Tinignan ko sya. Kung makikita nyo lang yung itsura nya. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa! HAHAHA.

DREW'S POV

Binato ko sakanya yung paper. Nakakainis eh. Alam na nga na magseselos ako, dun pa rin sya umupo. Nang-aasar pa!!!! Tsss.

Nakita ko syang tumawa. Psh. Bumalik sakin yung paper. Pagbukas ko...

Arte mo talaga. May dala 'kong lunch.

Napa smile ako.

Para sakin? :)

Tumingin sya sakin pagkabasa nya. Tapos binigay ulit yung paper sakin.

OO.

Sht. Gusto ko na mag lunch break. Nagluto si Shane ng lunch para sakin. Akalain mo yun? Tss. :)

SHANE'S POV

Nasabi ko tuloy sakanya na may dala 'kong lunch. Kasi naman eh. Tsss. Lalaki nanaman ulo neto.. Dapat kasi di ko nalang sinabi.

Ngiti tuloy ng ngiti sakin. Ugh. Tama na. Lalo kong naiinlove eh.

LUNCH BREAK.

Umalis na yung boring teacher pati narin yung terror one. Sigh. I survived.

Nilagay ko na yung mga books sa book tray. Pagtaas ng ulo ko, nakita ko si Drew. Sht. Nakakagulat.

"Papatayin mo ba ko? Nakakagulat ka!" sinigawan ko sya.

May hinahanap yata sya.

"Ano bang problema mo?" Ang kulit nya talaga. Tss.

"ASAN NA YUNG LUNCH KO?"

"Ha? Ah. Anobayan. Dahil lang dun, daig mo pa multo." tapos umupo sya sa tabi ko.

"Syempre. BABY ko gumawa nun eh. Akin na kasi!" Ugh. Kahit kelan ang init ng ulo. Tss. PMS.

"Oh!" nilabas ko yung lunch box.

Napangiti sya. Ugh. Hot!

"Sweet ng baby ko." sabay pinch ng right cheek ko.

"Baby your face! Akin na nga yan." kukunin ko na sana yung lunch box....

"Ayaw." tapos lumayo na sya.

Napaka isip bata talaga nun. Ugh. Ba't ba ko na fall sa childish devil na to? Haaay.

Suddenly, may lumapit sakin na mga babae.

"Girlfriend ka ba ng Drew namin?" Uh-oh. I don't like their tone.

"Nagpapatawa ba kayo?" tinignan ko sila. Yung tingin na parang nandidiri.

"Sino ba naman may sira sa utak ang magkakagusto dun?" Ang sama ng tingin nila sakin.

Haay. AKO. Aamin na ko. Sirang sira na talzga utak ko dahil kay Drew.

"Ang kapal ng mukha mong insultuhin si Drew...."

Sasampalin ako nung isang babae.

Napapikit nalang ako.

Naghihintay na lumapat ang kamay niya... sa mukha ko.

Hintay.

Hintay.

Hintay.

Pagbukas ko ng mata ko....

Nakita 'kong hawak ni Drew yung kamay nung babae. Pinigilan pala nya.

Girls. O.O

Naka devil ssmile lang si Drew. Nakakatakot yung aura nya.

"D-drew." sabi nung isang babae. Kung makikita mo yung mukha nila, parang nakakita ng multo. Kahit ako natatakot sakanya eh.

"BABY ko ba sasaktan mo?"

Nanginginig na yung mga babae.

"D-drew, ka-kasi..."

"Kapag sinaktan nyo sya, tandaan nyo. AKO makakalaban nyo." This time, seryoso na talaga sya.

"O-oo, Oo." Sabay takbo nila palayo.

Pshhh. That was scary. Srsly.

Tumingin sakin si Drew.

"Ang weak mo naman. Hinahayaan mo lang yung mga yun?! Pano kung di ko sila napigilan? Edi nasampal ka na ngayon?!" Nakikita ko yung pag aalala sa mata nya.

"Pwede ba. Kaya ko sarili ko! Bakit mo ba ko pinapakialam--?!" siguro dala nadin ng takot.. nasigawan ko sya. Pero di pa natatapos yung mga sinasabi ko...

Nagsalita na agad sya.

"KASI NGA MAHAL KITA!"

Silence.

Nagtinginan lahat samin. Sht. First time. First time nyang inamin sakin.

"Oh. Ayan ka nanaman. Di ka nanaman magsasalita. Shane, ano ba! Sumagot ka nga! Ano ba talaga ko sa------"

"MAHAL DIN KASI KITA!" Oh no. Ang tanga. Tanga. Tanga. Ba't ko nasabi yun? Shizzz

Nakita kong nagulat silang lahat. Pati si Drew.

Pero bigla syang nag smile. Yung devil smile.

"Narinig ko yun."

Nakakainis. Nagsimula na mag bulungan yung mga tao. ugghhh.

Lumapit sya sakin... then whispered.

"Sabi na eh." then... killer smile. Shit. Ganun na ba kahalata? Tsss.

"So....... Hi, GIRLFRIEND." He winked.

G-girlfriend? For real? O.O

UWIAN.

Palabas na ko ng classroom.

"San ka pupunta?" tumingin ako sa likod ko.

Si Dwayne pala.

"Umm. Uuwi na. Bakit?"

"Hatid na kita." He smiled.

Shoot. Gentleman. Pogi points din yun :)

"Ha? A-Sig---" papayag na sana 'ko.

Kaso...

"Wag na." tumingin ulit ako sa likod. Si Drew.

"Dre, ihahatid ko lang girlfriend ko." yung tipong ang diin talaga sa word na 'girlfriend'?

Nag smile lang si Dwayne. Yung cool na smile.

Tapos lumapit sya kay Drew.

"Ingatan mo mga bagay na mahalaga sayo. Baka pag gising mo, wala na pala sayo."

Deep. Anong meening nun? Tsh. Ba't ang weird nila ngayon?

Nag smirk lang sila sa isa't-isa. Like seriously, may mali ba?

Pag alis ni Dwayne, biglang tumahimik si Drew.

"Tara na." hinawakan nya kamay ko sabay lakad.

Habang nasa labas kami, hinihila parin nya yung kamay ko. Tumigil ako tapos tinanggal ko yung kamay nya.

"Mr. Hernandez, ano bang problema?" tinignan ko sya sa mata. He looked at me.

"WAG KA NGA LALAPIT DUN!" tapos nag change direction eyes nya.

"Ha? Ano bang pinag sasabi mo?" naiinis na ko.

"Ewan! Bahala ka dyan!" tapos umalis sya. Ugh. This guy!

Pag uwi ko sa bahay, nag online na agad ako. Ugh ulit. Ba't ba ganto BOYFRIEND ko? Tss. Di ako sanay. Unang araw namin tapos ganto agad.

Pumunta ako sa profile nya. Then I saw his status...

" She's mine. Only mine. " - 86 likes.

Oh, Shizzz.

She's. Mine. Only. Mine.

Teka. kikiligin na ba ko? Kamon! Boyfriend ko ba to? :'''>

DREW'S POV

86 likes. Pero wala parin yung pangalan nya. Tss. Wala paring... Shane Santos likes your status.

Naknang! Ang manhid talaga nun! Alam na nga na nag nagseselos tas... Tsss. Kainis!

Pumunta ko sa profile nya..

Pagbukas ko.. nakita ko yung status nya.

" I'm yours... " - 53 likes

I bit my lower lip. Kanis. Bat ba to ganto? Kahit anong gawin nya, di ko parin magawang magalit sakanya? Psh. Inlove na talaga ko, dre.

SHANE'S POV

Minutes after...

*Drew Hernandez likes your status*

What the. Epal talaga. Hindi pa kami bati noh! Hmf!

*Drew Hernandez commented on your status*

Eto nanaman sya. Walang katapusang kilig nanaman ako.

" I know, babe. ;) "

Shizzz. Stop calling me babe. :'''>

Nag comment naman ako..

" Shattap. I'm singing. :P " -26 likes " Just say it, babe. It's just simply as, I-LOVE-YOU." - 59 likes " In your dreams." - 20 likes

Seriously, what the heck is the problem of those people? Psh.

"Don't worry. I love you too. " - 89 likes.

Shettt. Eto na yun eh. Ngiting wagas 'teh. Sweet boyfriend. C'mon. :>

"Ma, pasok na ko!" sabay halik sa left cheek.

Binuksan ko yung gate namin tapos lumabas na.

Ay sht. Kelangan pala namin ng calcu ngayon. Nadala ko ba?

Hinahanap ko yung calcu sa bag, then ... Tadda. Found it.

Pag taas ko ng ulo ko...

"Drew?"

He smiled at me. Shizzz. :''>

"Bakit?" I asked curiously.

Lumapit sya sakin without removing his killer smile. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Papalapit sya ng papalapit hanggang....

He kissed me...............

on the forehead.

I was dumbfounded.

AKALA KO PA NAMAN.... JOKE!

"Ang tagal mo. I miss you." He hugged me.

Tulala parin ako. ANo bang nakain ng lalaking 'to? Pakain ko sakanya araw araw. :)

Hinawakan nya kamay ko then we started walking. Shiz naman. Ang aga aga pinapakilig ako. I looked at him then smiled.

Nasa corridor na kami. Ano ba yan. Pwede na bitawan kamay ko diba? Pinagtitinginan na kami eh. Tsss.

Napatigil si Drew. Nakasalubong pala namin si Dwayne. Aba. Ang gwapo nya. Sht. Kung crush ko lang sya hanggang ngayon, sigurado patay na patay nanaman ako.

Ang sama ng tinginan nila. Tss. Ayan nanaman sila. Biglang tumingin sakin si Dwayne.

"Hi, Shane. See you later." He smiled. Handsome alert. >.<

Ayy. Ano ba iniisip ko. May boyfriend pala ko. I smiled back.

Then umalis na si Dwayne. Teka. Inirapan ba nya si Drew? Tch. Ang yabang naman kasi ni Drew eh. Ang gwapo gwapo ni Dwayne, inaaway. Haaay.

Napangiti tuloy ako. Biglang tumingin sakin si Drew. Tsk. Yung devil look nanmaan nya. HAHA. Ang cute. Joke. HOT!

Nginitian ko sya. Yung pang -asar Binitawan nya kamay ko tapos nauna na. TCH. Pms! Kung di ka lang gwapo eh. Nakoooo!

Hinabol ko sya. Syempre, mas pipiliin ko sya no. :>

Pagdating namin sa classroom, umupo na agad sya. Tss. Parang bata talaga! Parang yun lang, pinagseselosan pa.

Umupo ako sa tabi nya. Tapos humarap sakanya.

"Pst!" Hindi sya lumilingon. "Pssst!" Ayaw parin. "Psst! Hoyyy!" Aba. Ayaw talaga ko tignan.

Tss. Kala mo ah. :>

Nagsulat ako sa paper.

BABE!

Tss. Ang corny ko narin tuloy. Binato ko sakanya yung paper. Tapos ilang seconds, binato nya ulit sakin. Ang sakit nun ah! Psh!

DUN KA NA SA DWAYNE MO!

Hahahahahahahahaha! Grabe. Sakit sa tyan!!!

Pagtigil ko, napansin ko... lahat pala sila naka tingin sakin. What the. Napayuko nalang tuloy ako. Kasi naman eh! Ang cute mag selos! Tss. :'''>

ako: sya: ako:

Ayaw. May BABE na 'ko eh. :> ANG CORNY MO. Tss. Sorry na. I LOVE YOU.

Tinignan ko sya. Teka, namumula ba sya? Tss. Nawala yung paper. Tinapon na yata. Ang laki talaga ng problema neto! Nilalambing na nga eh. Hmf!

LUNCH BREAK.

At etong boyfriend ko naman, nagtatampo pa rin. Nako, napaka talaga. Nag I love you naman ako e. Di ko nga nagawa yun kay Dwayne kahit ilang taon ko na syang minamahal! Taray!

Si Drew lang naman kasi talaga eh.

Sya lang.

"Shane, tara. Sabay tayo mag lunch." biglang may nag salita sa likod ko.

"Nakakagulat ka! Patayan? Pinansin mo na rin ako sawakas!" K. Di halatang namiss ko agad sya.

"Eh kasi baka mag laslas ka pag di kita pinansin e. Kawawa ka naman." Tama ba narinig ko? Psh. Yabang alert. >.<

"Sus! Eh todo kilig ka nga nung nag I LOVE YOU ako sa note eh." HAHA. Kala mo dyan.

Umiwas sya ng tingin. "Dami mong alam. Kain na nga lang tayo." sabay akbay sakin.

Aaay, grabe. Ako na talaga. Sobrang saya ko. Ok na kami ni Drew. Okay na kami! Sana ganito nalang kami palagi. Walang Steph na epal, walang mga fan-girls ni Drew na nang-aaway. Sigh. Thiz iz zo perfect! :''>

DREW'S POV

Ang saya. Ang saya, sobra. Nababading na ko sa sobrang kasiyahan ko. Nakakakilig, dre! HAHA. Alam kong weird pag kinilig kaming mga lalaki pero... di ko mapigilan. Tinamaan ako ng sobra.

Hinatid ko si Shane pauwi. Siguro tuwang tuwa at kinikilig tong sobra. Pogi ng boyfriend nya eh.

"Dito na lang ako. Uwi na. Late na oh." sabi nya sabay tingin sa watch nya.

"Osige. See you tomorrow. Bye."

Patalikod na ko sakanya ng biglang....

"Drew.... thnak you for this day." tapos lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi..

Sabay pasok sa bahay nya.

Natulala ako dun, sht. First time kong matulala ng ganto.

Nung natauhan ako, bigla kong kinurot yung pisngi na hinalikan nya. Napangiti ako. Yung ngiting walang katapusan? Sabay kagat ng lower lip ko.

Shane. Ikaw lang ang nagpapakilig sakin ng ganto. Ikaw lang.

SHANE'S POV

I kissed Drew. Pero syempre sa cheeks lang. Teka. Ano ba! Kinikilig nanaman ako. Napaka landi ko talaga! Sigh.

*bzzzt bzzzt* Handsome Devil calling...

Si Drew, tumatawag? Nakoo. Sagutin ko ba. Sigurado. Aasarin lang ako ito dahil sa ginawa ko kanina. Naman eee.

I answered his call.

D: SHANE! NAKITA MO BA???!!!!! S: Ba't ka naka sigaw?! Ang alin ba?! D: ..............

*sobrang lakas ng boses nya* *ang sakit kaya sa tenga. sinigawan ko din sya.*

S: Hoy. Alin ba???!!! *nakaka high blood. psh.* D: .... yung puso ko'ng patay na patay sayo. *nasesense ko na naka ngiti sya.*

S: ANG CORNY MO! WAG KA NA TATAWAG SAKIN! *kahit sa totoo lang, kinilig talaga ko.* D: HAHAHAHA!

S: Ewan ko sayo. Tignan mo yang mukha mo. May bakas! D: Ha? Anong bakas? S: ....bakas ng pagmamahal ko. *sht. corny alert. nahawa na ko. >.<* D: .............. S: Hoy, Drew! Oo na corny na. Tss. Edi ikaw na ma---D: I love you. *seryoso yung boses nya* sht. namula ko dun ha? S: I love you too..

*end call.*

KINABUKASAN.

Sabay ulit kami ng BOYFRIEND kong pumasok sa school. Ang saya kaya.. Pag upo namin sa upuan, tinawag nya ko.

"SHANE!"

Napalingon ako.

"Papulot nga!" sabay turo nya sa baba. Yumuko ako para kunin kung ano man yun.

"Alin?" Wala naman eh.

Tinignan ko sya. Biglang lumiit yung mata nya sabay ngiti.

"...yung puso kong nahulog sayo."

Shooooot. Lord. Help! Di ko na po kinakaya kagwapuhan-- este, ka corny-han ng lalaking 'to. Ano bang nagyayari sa boyfriend ko? :'''>

UWIAN.

Sabay ulit kami ng BOYFRIEND ko. Sorry sa caps lock. Kinikilig lang talaga ko pag tinatawag ko syang 'boyfriend' ko. Hihi. Landi no? Habang naglalakad, tumingin sya sakin. This time, seryoso yung mukha nya. Sht. Kinabahan ako bigla.

Tinaas nya yung kamay nya. Parang sign na may hinihingi na something.

"Utang mo?"

"Ha?! Anong utang?!" Grane ah. Never kaya ko nangutang dito! Lumapit sya sakin. Yung tipong 3 inches nalang..

Sabay sabi...

"...yung puso ko." sabay parang sinuntok yung dibdib nya.

Arrgg. Tama na sa ka cony-han please? Bumibigay na ko eh. :'''>

Hinampas ko sya.

"Aray!" Napalakas yara. "Kanina ka pa eh!" sabay irap sakanya.

Nag walk out tuloy ako. Di ko na kasi carry teh. Pamatay na eh. :''>

Pero syempre hinabol nya ko. Pwede ba anman hindi? :>

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si DWYANE.

"Shane." Napatigil ako sabay harap sakanya.

"Dwayne."

"May ibibigay lang ako." sabay abot nya nung parang .... journal?

"A-ano to?" I asked curiously.

"Memories." He just smiled then walk away.

Naiwan ako dun ng naguguluhan. Memories????

Now Playing.....

Can't Cry Hard Enough by Jed Madela

DWAYNE'S POV

Ang sakit. Sobrang sakit.

Yung pakiramdam na ilang taon mong tiniis yung nararamdaman mo para sakanya. Tapos magigising ka nalang, na yung mahal mo...... may mahal na palang iba.

Grade 5. Unang beses ko syang nakita. Hindi ko sya pinapansin nun dahil napaka daldal nya. Pero nung uwian namin, nakita ko syang nakikipag away. Meron kasing bata na binu-bully.

Na amaze ako sakanya nun. Akalain mo, meron palang babae na ganun?

Simula nun, palagi ko na syang iniisip. Hanggang sa maging highschool na kami.... hindi parin ako makalapit sakanya. Oo pare, ako na yata ang hari ng mga torpe.

Masisisi mo ba naman ako... kung ganun kaganda pagtatapatan mo?

Sawakas. Classmate ko na ulit sya.

Hindi ko na kelangan pang dumaan sa bahay o classroom nya para lang makita sya.

Hindi ko na kelangan pumila sa canteen para lang makasabay sya.

Hindi ko na kelangan maglakad pauwi para lang masigurong ligtas sya.

Kasi ngayon.. handa na ko.

Handa na kong ipagtapat sa babaeng mahal ko ang lahat.

Niyaya kami ni Drew sa coffee shop. Pagpasok nya, kasma nya yung babaeng matagal ko nang pinapangarap. Si SHANE.

Ang saya. Yung pakiramdam na kasama mo yung taong gustong gusto mong makasama.... habangbuhay? Tss.

Nakatabi ko pa sya sa upuan. Heaven, dre. Kaso si Drew yung nanghatid sa kanya. Akala ko ba ako yung "knight" nya? Psh.

Isang araw, niyaya ko si Shane na sabay kaming kumain. Pumayag naman sya. Chance ko na 'to. Aminin ko na kaya?

Makalipas ang ilang oras... Papunta na ko sa canteen para puntahan si Shane. Pero may narinig akong dalawang lalaki na nag-uusap.

"Tol, ano... itutuloy ba natin yung plano mamaya?" sabi nung isang lalaking may piercing.

"Oo naman. Patay tayo kay boss pag di natin nakuha si Shane." sabi nung isa.

Napatigil ako.

"Ano nga ba buong pangalan nun?"

"Shane Carlos, pre."

"Ah, oo nga pala."

Pinuntahan ko sila. Sht. Sa lahat ng pwede nilang galawin, yung babaeng pinaka iingatan ko pa. Get lost.

Hinawakan ko yung balikat nung nakatalikod na lalaki tapos sinuntok.

Nakakailang suntok na ko pero bigla akong pinigilan nung isa.

Kaya gumanti yung lalaki at sinuntok din ako.

Ang sakit. Sobrang sakit. Sa bawat suntok nila... pasakit ng pa sakit yung nararamdaman ko. Sinundan pa ng maraming suntok.

Pero ayos lang 'to. Basta ligtas yung babaeng nagpapalakas sakin. Kakayanin ko lahat.

Nung nakawala ako sa hawak nung lalaki, nakahanap ako ng bakal at pinalo sa kanila. Ilang minuto din ang tumagal bago sila umalis.

Hinang-hina ako.

Shane..... mahihintay mo ba ko?

Tumayo ako at nanakbo papuntang canteen.

Maabutan ko pa kaya?

Shane... may tiwala ka naman diba?

Eto na. Malapit na ko. Nasa pinto na ko ng canteen. Nakita ko syang kumakain... kasama ni Drew.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng..... biglang nagdilim ang lahat.

Nawalan na ko ng chancce. Days had passed. Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Drew at Shane sa isa't-isa.

Ano to? Talo na ba ko?

Shane.... isusuko na ba kita?

Sa tingin mo.. kaya ko ba?

Sa tingin mo.... hanggang dito nalang ba talaga?

Huli na ko. Si Drew at Shane na pala. Wala na. Hinang hina ako.

Drew.... nanalo ka.

Pero Shane.. pwede parin naman kitang mahalin diba?

Kahit malayo ka?

Kahit hindi ka sakin?

Kahit..... may mahal ka nang iba?

Now Playing: Kismet - Silent Sanctuary

--------------------------------------------

SHANE'S POV

Pumatak ang luha ko. At nasundan pa ng madami. Pagkasarado ko ng diary na binigay sakin ni Dwayne, luha na lang ang sagot na naibigay ko.

Sht. Ba't ngayon lang Dwayne? Ba't kung kelan tanggap ko na... na wala na talagang pag-asa, tsaka lalabas 'to?

Sakit. Yun yung nararamdaman mo ngayon. Pero ako, walang ginawa kundi dagdagan ang lahat ng 'yon.

Dwayne.. I'm sorry.

Pinunasan ko yung luha ko at tumakbo palabas.

Hanggang makarating ako sa isang green hill.

Dito ko madalas ilabas lahat ng nasa loob ko.

Sa ngayon, hindi ko na alam nararamdaman ko. Hindi ko na kaya pang itago. Siguro kung isisigaw ko 'to, mababawasan kahit papano yung sama ng loob ko.

"DWAYNE SANTOS... BAKIT BA ANG TANGA TANGA MOOOOOO?!"

Sinigaw ko yun habang umiiyak. Haaay. Kahit papano, effective.

Yumuko ako.

Then biglang may nagsalita sa likod ko...

"Ilang beses ko na din yan tinanong sa sarili ko."

Paglingon ko.....

Nakita ko si Dwayne na naka ngiti.

Yung ngiti na matagal na palang nagpapanggap.

Habang naka tulala parin ako sakanya, papalapit sya ng papalapit sakin. Dwayne, please. Wag kang lumapit. Baka di ko mapigilan sarili ko....

Then I ran towards him and hugged him. Di ko na napigilan. Umiiyak na pala ko.

Dwayne... kung ito lang yung paraan para mabawasan ang mga kasalanan ko sayo, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako.

Naramdaman ko yung paghawak nya sa balikat ko. Unti unti nya kong nilayo sa kanya at biglang lumapit ang mukha nya.

Bigla ko nalang naramdaman yung labi nya. Sht. Ano to? Ba't di ako makagalaw? Dwayne. Ano bang ginagawa mo?

Nilayo na nya yung mukha nya sakin. Ako.. tulala parin. Di ko alam sasabihin ko. Nginitian lang nya ko.

Pero bigla ko nalang narinig ang isang pamilyar na boses.

"DWAYNE!" *suntok*

Sa sobrang lakas ng suntok, napa upo si Dwayne.

SHT.

"D-drew?" I asked.

"T*rant*do ka talaga, DWAYNE!" *sinuntok ulit sya ni Drew.*

"Mas t*r*ntado ka!" *sabay suntok ni Dwayne kay Drew.*

"Girlfriend ko yan!" *sumuntok ulit si Drew.*

"Drew tama na!" Hindi ko sila maawat. Naiiyak na ko. Sht. Anong gagawin ko?

Hindi ko alam kung sino aawatin ko. Bigla nalang napahiga si Dwayne dahil sa suntok ni Drew. SHT. Pinuntahan ko agad si Dwayne.

"Dwayne, okay ka lang?" Hinawakan ko yung mukha nya habang may luha sa gilid ng mga mata ko.

Habang naka upo ako, hinila ni Drew yung kamay ko kaya napatayo ako.

Hinihila nya parin ang kamay ko. Nararamdaman ko yung galit nya sa higpit ng hawak nya.

"Drew, ano ba... bitawan mo ko!" tinanggal ko yung pagkaka hawak nya sa kamay ko.

"...k-kailangan ako ni Dwayne." sabi ko habang nanginginig. Alam kong hindi tama. pero.... masyado nang nahihirapan si Dwayne.

Napatingin sya sakin. Kitang kita ko yung sakit na nararamdaman nya sa mga mata nya.

"Kapag umalis ka..... tapos na tayo." pati sa boses nya, ramdam ko na galit sya.

Ang sakit. Ganun nalang ba yun? Napaka selfish talaga. Pero anong gagawin ko? Sa dami ng sinakripisyo ni Dwayne... kulang pa 'to. Tumulo nanaman luha ko. Tumalikod ako sa kanya sabay pikit ng mga mata ko.

"I'm sorry.... Drew." pumatak ang luha ko.

Naglakad na ko pabalik kay Dwayne.

Palayo kay Drew.

Tama ba ginawa ko?

Drew.. Mahal na mahal kita.

Patawarin mo ko.

Kung nasaktan ka man....

mas masakit sakin to. DWAYNE'S POV

Naiwan akong mag isa dito. Alam ko.... I deserved this. Tama lang sakin tong mga suntok na to. Kung tutuusin, wala pa to sa sakit na naramdaman at nararamdaman ko.

Shane. Kay Drew ka naman talaga nababagay eh. Siguro...... para sakanya ka talaga.

Napapikit nalang ako. Parang nawalan ako ng lakas tumayo.

Pakiramdam ko.. kinuha na sakin ang lakas ko.

Kinuha na sya sakin.

Nang bigla akong nakarinig ng boses....

"Itatayo ba kita o uupo muna tayo dyan?"

Binuksan ko mga mata ko.

Nakita ko si Shane na nakatayo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tinanong ko sya.

"Alam kong kelangan mo 'ko." Ngumiti sya.

Pakiramdam ko... bumalik ulit yung lakas ko.

Bumalik ulit sya sakin.

"Si Drew?" pero kung bumalik sya dito.... hindi kaya...

"Wala na kami." She weakly smiled.

Nagulat ako sa sinabi nya. Kitang kita ko yung lungkot sa mata nya. Shane. Patawarin mo ko. Alam kong dahil sakin kaya ka nagkakaganto. At hindi dapat nangyayari sayo 'to.

Masya ka dapat ngayon. Kasama nya... Kasama ng taong mahal mo.

Pero wag kang mag alala. Ngayon... sigurado na ko. seryoso na ko.

This time.....

I'll fight for you.

This time...

I'll make you mine.

SHANE'S POV

Weeks had passed. Wala parin akong balita kay Drew. Kahit isang text.... wala. Well, ano nga ba ang iniintay ko? Eh pagkatapos kong magpaka tanga.. malamang galit na galit na yun. Haaaay. Namiss ko na si Drew. Miss na miss ko na ang DEVIL BOYFRIEND ko.

"Shane!" Pagtingin ko sa likod..... si Dwayne. Wala namang something samin ni Dwayne. Kasi friend lang talaga turing namin sa isa't isa. Ang weird no? Pero kahit si Dwayne yung pinili ko.... mas mahal ko parin ang boyfriend-- I mean, ex-boyfriend ko.

"Oh, bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Hindi ka nanaman nag recess kanina! Oh!" sabay abot nya sakin ng lunch box.

Dwayne. Wag ka nga umasta ng ganyan. PLEASE. Mas lalo ko lang namimiss si Drew eh. Lalo ko lang naiisip yung mga katangahan na ginawa ko. Tsss.

Ilang araw pa ang dumaan. Nakikita ko lang si Drew sa corridor kasama ni Zeph at Carl. Pero tuwing titignan ko sya... hindi man lang sya tumintingin sakin.

Bumabalik nanaman sya sa pagiging bad boy nya. Haaay. Sobrang miss ko na talaga sya.

DREW HERNANDEZ. Bumalik ka na sa dati...

Bumalik ka na sakin....

Please. :(

-------------

Hinatid ako ni Dwayne pauwi. Wala paring nagbabago sa kanya. Sweet parin sya.

Pagka uwi ko, binuksan ko na gad yung facebook account ko. Matagal tagal ko na din palang di nabubuksan to. Masyado na kasi akong nadadala sa problema ko kay Drew.

Pagkabukas ko... nanghina na agad ako sa nakita ko.

*DREW HERNANDEZ is in a relationship with STEPH GARCIA*

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Totoo ba to? Tama ba ang nakikita ko? Pero hindi. Mahal naman ako ni Drew diba? Siguro ganun na talaga kalaki ang galit nya sakin kaya mabilis na syang naka move on.

Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.

Ang sakit.

Drew...... sobrang sakit.

Pumunta ako sa profile ni Drew. Damn. Pictures of them together. Masyado na silang madaming napuntahan. Umuwi daw ulit si Steph dito sa pilipinas para kay Drew. Sht.

Hinang hina ako sa mga nakikita at nalalaman ko. Somebody. please..... help me. Di ko na napigilan sarili ko. Gustong gusto kong sumigaw... gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. pero...

tanging pag iyak nalang ang nagawa ko.

Ako dapat yun eh.

Drew.... that should be me. <///3

Nagpunta ko sa list ng mga online. And there, I saw Drew's name. Online sya. Anong sasabihin ko? Mag so-sorry ba ko? Haaay. Kung alam lang talaga nya. Miss na miss ko na sya. Kinakabahan talaga ko. Psh. Bahala na.

Shane Carlos: Drew. *3 minutes.. bago sya nagre reply.* Drew Hernandez: ? Shane Carlos: Drew. Sorry. Alam kong hindi tama yung ginawa ko. Kung ano man nagawa ko, pinagsisisihan ko na yun. Drew Hernandez: Isa nalang ang pinaniniwalaan ko ngayon. At hindi ikaw 'yon. believe me...

Shoot. Tagos. Tagos na tagos hanggang buto. Ang sakit. Lalo na pag sa taong mahal mo narinig yung mga salitang yun. Ba't kelangan sya pa magsabi sakin nun? Drew. Gumaganti ka ba? HIndi. Kahit anong mangyari... hindi kita isusuko.

Shane Carlos: Isang tanong lang, Drew. *Ugh. itatanong ko ba? kinkabahan ako sa sagot nya. Bahala na.* Drew... Minahal mo ba ko?

1 minute

2 minutes

3 minutes

4 minutes

Drew Hernandez: Bakit naman kita mamahalin?

Di ko na napigilan. Sunod sunod nang pumapatak ang luha ko. Sobrang sakit na talaga.

Tumakbo ko palabas. Hanggang makarating ako sa park. Dun ko inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ganto ba kasakit yung karma ko? :(

Dun na ko nagpalipas ng oras. Hanggang sa mapagod na ko. Di ko na namalaya. Gabi na pala. Tatayo na sana ko sa swing ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Buti naman tapos ka na." Napalingon ako.

"D-dwayne. Kanina ka pa dyan?" He just nod.

Nakakahiya. Nakita pa nya kong ganito. Nag smile sya sakin. Di ko alam pero... parang guman yung pakiramdam ko kahit papano.

Sana.

Sana si Dwayne nalang ulit yung mahal ko.

Sana sya nalang yung boyfriend ko.

Sana...... sya nalang si Drew. =(

DWAYNE'S POV

Nandito ko sa park, nagpapahangin. Madalas ako dito pag wala akong ginagawa. Pero nakita ko si Shane na umiiyak at naka upo sa swing.

Lumapit ako sa kanya. Hindi nya siguro napansin. Umiiyak parin sya ng umiiyak.

Shane. Hindi mo ba alam kung gano ka hirap? Kung gano kahirap magpasaya ng taong mahal mo tapos makikita mo lang na pinapaiyak sya ng taong wala man lang pakialam sa nararamdaman nya?

Hindi ko sya kayang kausapin sa lagay na to. Tinitignan ko lang sya. Alam kong masakit to para sayo, Shane. Pero sa nakikita ko ngayon.... doble pa yung sakit na nararamdaman ko.

Gabi na. Buti naman tumigil na din sya. Tatayo na sana sya pero..

"Buti naman tapos ka na?"

Nagulat ko yata sya.

"Dwayne. Kanina ka pa dyan?"

Nag nod ako. Shane. ayaw kitang makitang ganyan. Ngumiti ka na.

Then, di ko alam kung nababasa nya ang utak ko pero... ngumiti sya. Buti naman. Shane... Ngumiti ka lang.

SHANE'S POV

Thursday morning. Naglalakad na ko papunta sa school. Nakita ko si Drew na naglalakad. Chance mo na to Shane. Go.

Tumakbo 'ko papunta sa kanya. sabay tigil sa harap nya.

"Drew" napatigil sya.

Kaya mo yan, Shane. Wag kang papadala sa mga sasabihin nya. Get him back.

"Mag-usap tayo." tinignan ko yung mga mata nya. Yung mga mata na ginagamit nya sakin pag galit ako. Kasi alam nya na tingin palang nya.. nawawala na galit ko. Pero ngayon.. coldness yung nakikita ko. Sigh.

"Sino ka?" Ano bang pinagsasabi nito?

"Drew, please. Wag ka naman ganyan. Magpapaliwanag ako."

Tumigil sya sa paglalakad nya. Nagsalita sya habang nakatalikod sya.

"Wag, Shane. Masaya na ko ngayon."

Humarap sya sakin.

"MAS masaya na ko ngayon." he added.

At naglakad na naman sya palayo. sakin. Gustong gustong sumabog ng puso ko ngayon. Sa sobrang sakit ng salita na binitiwan nya, parang nawalan ako ng lakas para ipagpatuloy kung ano man ang ginagawa ko. A tear fell. Mahal nya ko. Nararamdaman ko yun. Pero Drew... Ba't mo ginagawa sakin to?

Hindi. Hindi ako susuko. Papatunayan ko....

na ako lang ang para sayo.

Pinunasan ko ang mga luha ko. At pagtalikod ko... nakita ko si Steph.

She was smiling at me. Smile... as in devil smile.

"Poor Shane." sabi nya habang naka cross arms with matching taas ng kilay.

Lumapit ako sa kanya.

"Di mo sya maagaw, Steph. Sakin lang sya."

"Ooh. Talaga? Sa tingin ko kasi.. simula nung ipagpalit mo sya... wala na kayo. Kaya nga bumalik sya sakin diba? Kasi mas mahal nya ko kesa sayo."

"Kung mahal ka talaga nya, edi sana ikaw yung pinil nya noon. Eh bakit AKO pinili nya? Kasi MAS mahal nya ko... kesa SAYO."

Oo. may diin talaga sa mga salitang yun. gusto kong ipamukha sa kanya na mahal ko talaga si Drew.

Then.. biglang nagbago yung face expression nya. Then, naramdaman ko na lang na sasampalin nya ko. Wala akong magawa. Alam ko sa saili ko na kelangan ko nito para naman matauhan ako kahit papano. Pero kahit yang sampal na yan... hindi mapapantayan yung sakit na nararamdaman ko.

Hinihintay ko yung sampal nya.

Hintay.

Hintay.

Pero bakit wala?

Binuksan ko mata ko.

Pag bukas ko....

....hawak ni Drew yung kamay ni Steph. NOW PLAYING: A Thousad Years by Christina Perri.

-------------------------------------------------

"Drew... what are you doing?" nagtataka sya sa ginawa ni Drew.

Oh, sht. Sabi na.. mahal talaga ko ni Drew. I can feel it.

Tumingin si Drew kay Steph then smiled.

"Don't hurt your hands, babe. I'll worry."

Biglang nawala yung konting pag asa sa puso ko. Akala ko.... Akala ko ipagtatanggol na nya ko. Akala ko babalik na ulit sya sa dati. yung dating Drew na laging nagliligtas sakin? Sigh. Pero bakit ganto?

"I'm sorry, babe." Steph smiled.

"Let's go." Hinawakan ni Drew yung kamay ni Steph then smiled.

At umalis sila sa harapan ko na parang wala ako dun

Drew. Why are you hurting me this bad?

DREW'S POV

"Tapos na tayo pag umalis ka." sinabi ko sakanya yun. Gusto kong yakapin mo ko, Shane. Gusto kong mag stay ka at sabihin mo na hindi mo ko kayang iwan.

Pero tumalikod ka...

"I'm sorry." Yun yung huling salita na binitawan mo. Yung salitang nagpa hina sakin. Bago ka lumayo. Bago mo ko tuluyang iwan.

Gustong gusto kitang habulin. Gustong-gusto kitang yakapin. Gusto kong sabihin na..

"Shane.. Please. Wag mo kong iwan."

Pero hindi ka tumigil. Hindi ka lumingon. Hindi mo ko binalikan at patuloy kang naglakad papunta sa kanya. Papunta sa taong minahal mo, bago ako. Shane, Mas pipiliin mo ba talaga sya?

Days and week passed. Hindi nagpaparamdam sakin si Shane. Fck. Ano bang ginawa ko para ganituhin mo ko, Shane? Namimiss na kita. Miss na miss na kita. Shane. Bumalik ka na sakin.

Uwian. Nakita ko syang kasama ni Dwayne. Sila na ba? Shane. Hindi mo na ba talaga ko mahal? Sa kaunting panahon na paghihiwalay natin... wala ka na ba talagang nararamdaman para sakin? Pinaghirapan kita. Pinag laban kita. Pero sa huli... ako din pala yung talunan. Gusto ulit kitang ipaglaban. Pero ang sakit isipin... hindi ka na pala sakin.

Hanggang makaisip ako ng isang paraan. Binuksan ko yung account ko at pinalitan yung relationship status.

Hindi naman talaga kami ni Steph. Kahit tadhana man ang mag hiwalay samin ni Shane.. walang magpapabago sa katotohanan na MAHAL NA MAHAL ko sya. SYA lang, wala nang iba.

Kaibigan ko naman si Steph eh. Naiintindihan naman nya. Minutes had passed. Bigla akong minessage ni Shane through chat.

SHANE CARLOS: Drew.

Fck. Ba't pag sya yung tumatawag sa pangalan ko.. nanghihina na agad ako? Gusto ko na ulit bumalik sa kanya.

Pero nagsinungaling nanaman ako. Hindi ko sinabi na minahal ko sya at mahal na mahal ko sya.

Thursday ng umaga. Kinausap nanaman nya ko. Ano bang ginagawa nya? Tinitiis ko na nga na hindi sya kausapin para di ako bumigay eh. Tapos kakausapin nya ko ngayon? Psh.

"Drew." Yung boses nya. Kung alam lang nya. Miss na miss ko na yung boses na yun. Yung boses na nagpapa kumpleto ng araw ko. Yung boses na nagpapagaan ng mundo ko?

"Wag, Shane. Masaya na ko ngayon........ MAS masaya na ko ngayon."

Pagkatapos kong sabihin yung mga salitang yun.. pakiramdam ko, pinatay ko sarili ko. Shane. Alam kong masakit para sayo to. Pero sana malaman mo na mas masakit para sakin to. Gusto kong marealize mo na mahal mo din ako. Na mahal na mahal mo ko.

Tinignan ko ulit sya mula sa malayo. Pero nakita ko syang kausap ni Steph. Parang may mali. Nag aaway na yata sila. Nakita kong sasaktan ni Steph si Shane.

Kaya tumakbo ko papunta sa kanila. Bago pa masaktan ni Steph yung babaeng mahal ko... napigilan ko sya. Steph. Anong ginagawa mo? Wala sa plano natin na saktan mo yung babaeng pinaka iingatan ko.

Hawak ko parin yung kamay ni Steph. Wala syang karapatan na saktan ang babaeng mahal ko.

Shane.. Sorry.

Tiisin mo muna ha? Kahit sandali lang....

Sandali na lang.

SHANE'S POV

Papunta na ko sa room. Katabi ko nga pala si Dwayne. At sa left side ko... si Drew.

Dati si Dwayne yung hinahanap hanap ko. Pero ngayon... kahit sa isang tingin lang ni Drew..... makikipag laban ako.

Drew. Bakit natitiis mo ko? Bakit kailangan maging ganto?

Bgilang nag announce ng magkaka group para sa sharing. By pair. Ugh. Tuesday nga pala ngayon kaya may Homeroom kami. Tsss.

"Mr. Santos... and Ms. Garcia." sabi ni Ms.Perez

What? Dwayne and Steph? Sigh. Wala na kong ka partner. :(

"And for the last pair... Mr. Hernandez and Ms...."

Lord. Please. Ako nalang. Gagawin ko ang lahat. Please. AKO NALANG.

"....Ms. Santos." Mrs. Perez added

Yes! Thank you, Lord.

Napatingin ako kay Drew. Tinaas nya yung right hand nya. Para san?

"Ms. Pwede ba kaming magpalit ng partner ni Dwayne?"

Like seriously?! Sht. Parang sinaksak yung puso ko. Halos mamanata ako para lang sya maging partner ko... pero sya, nagawa pang makipag palit.

"I'm sorry, Mr. Hernandez. You can't."

Kitang kita ko yung disappointment sa mata nya. Ganun ba talaga kalaki galit nya sakin? Tsss.

"Okay. Now, go to your respective partner." Mrs. Perez.

Medyo natuwa ako nun. PARTNER? Kahit pano, nakakatuwang isipin na PARTNER tawag namin sa isa't isa. Ganto ko sya ka miss. Kaya kahit sa simpleng bagay lang na ma connect ako sa kanya... masaya na ko.

May hawak na box si Mrs. Perez. Sa loob ng box na yun.. may iba't ibang topics for sharing. Nang dumating na samin yung box... ako na yung bumunot. Halata naman kasing badtrip 'tong isang to.

At pag ka open ko nung paper na naka roll.....

"TOPIC: Relationship."

Natulala ako sa paper. Naman. Naman. Naman! Bakit ganto pa yung topic? Ugh. Nananadya na talaga si destiny. Shocks. Anong isshare ko dito? Dapat pala di ko nalnag hiniling na ako yung partner nya. Kasi naman eh.

Pero ibang sharing to. With a twist daw. Magtatanong yung partner mo sayo about sa topic na nabunot nyo. Shoot naman. Sa dinami dami ng topic na pwedeng mapunta samin.. bakit ito pa?

"Next pair. Drew.. and Shane."

Naunang umupo si Drew sa unahan. Fck. Fck. Fck. Anong itatanong ko dito?

"Choose. Who's first to ask?" asked Mrs. Perez.

Di parin nagsasalita si Drew kaya ako nalang yung nag volunteer na mauna. Huhu. Goodluck talaga sakin. T.T

"Ok, start." Sabi ni Mrz. Perez sabay clap.

Tumingin ako kay Drew.

"Sa isang relasyon.. anong pinaka importante para sayo?"

Eeeh. Wala kasi akong matanong eh. This time, tinignan nya ko diretso sa mata. Tsaka nagsalita..

"LOYALTY. Kasi naniniwala ako na sa isang relasyon.. kahit ano mang mangyari.. hindi rason ang paghahanap ng IBA."

And my classmates were like... "whoooooaa."

Napatingin ako sa ibang direction. Sht. Double meaning. Now, it's his turn to ask.

"Kung nalagay ka sa sitwasyon na iniwan mo ang boyfriend mo para sa IBA... at nagkahiwalay kayo..... anong gagawin mo?"

That's it. Halata anmang sitwasyon namin yun eh. Tinignan ko sya sa mata.

"Depende. Kung sa sitwasyon na yun... mas mahal ko yung boyfriend ko.. gagawin ko lahat para bumalik sya sakin. Kahit sino man ang sumampal sakin.. Kahit ilang rejection pa ang makuha ko galing sa kanya.. Kahit paulit ulit pa nya kong saktan at pagtabuyan... hindi parin ako bibitiw sa pinaniniwalaan at pinang hahawakan ko.. MAHAL NA MAHAL ko sya at gagawin ko lahat para patunayan yun. Para patunayan na AKO at AKO lang yung para sakanya." Di ko na namalayan... tumutulo na pala luha ko.

At saka ko lang napansin na lahat na pala ng kaklase ko.. tulala. Kitang kita ko sa mata nila yung lungkot. Pero bakit ganun? Walang reaksyon si Drew? Hindi na ba talaga sya naniniwala sakin?

Nang bigla syang tumayo..... at naglakad palayo. Palayo nanaman sakin.

DREW'S POV

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Shane. Kahit ako.. hindi ko inaasahan na sasabihin nya yun. At aaminin ko... tinamaan ako bawat salitang binitawan nya. Sa sinabi nyang yun.. gustong gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang yakapin at sabihing..

"Shane. Sorry. Mahal na mahal din kita."

Pero hindi pwede. Hindi ko magawa.Nasasaktan ako sa bawat luha na lumalabas sa mga mata nya. Shane. Please. Wag kang umiyak..... nanghihina ako.

Tumayo ako at naglakad palabas. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

Baka mayakap ko pa sya ng di oras.

SHANE'S POV

Pagkatapos nung sharing.. bumalik na ko sa upuan ko. Habang tulala parin sa mga pinag sasabi ko. Sht. Masyado yata akong nagpadala. Sabi na eh. Sigh.

Biglang may in-announce si Mrs. Perez.

"Class. Be ready for your educational trip tomorrow. Be here before 6:00 am, okay?" Biglang nagsigawan yung mga classmates ko. Haay. Bukas na nga pala yung fieldtrip. Sa damin ng iniisip ko.. nakalimutan ko na. Bayan. :(

UWIAN.

Pagdating ko sa bahay.. nag shower muna ako then binuksan yung facebook account ko.

Notifications.

Notifications.

Notifications.

Tss. Wala namang pangalan ni Drew.

Online pala sya. Ang aga naman umuwi nun? Haaay. Nag status nalang ako.

"Umaasa pa din ako na sabihin mo na sana... Ako parin.. Ako nalang.. Ako nalang ulit." -58 likes.

Drew. Nabasa mo ba? Para sayo yan. Para sayo lang yan.

DREW'S POV

Maaga akong umuwi. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip. Ipagpapatuloy ko pa ba to? Kakayanin ko pa bang pigilan to? Ewan ko.

Nabasa ko yung status ni Shane. Oo, mahal pa nya ko. Wag kang mag alala Shane.

IKAW LANG, IKAW PARIN.

SHANE'S POV

Tinawag na ko nila mama para kumain. Iniwan ko lang naka bukas yung laptop ko. Pagkatapos kong kumain.. bumalik na ulit ako sa kwarto ko para mag laptop.

Nang bigla kong nakita status ni Drew.

"She love me at my worst, you had me at my best. You've made a choice.. and you choose to break my heart." - 90 likes.

One more chance? Kung sa pelikulang yun.. nagkabalikan ang dalawang bida.. sa sitwasyon natin.. pwede pa naman diba? Drew. Kaya pa naman natin diba?

Hindi ko na kaya. Kinausap ko sya through chat.

Shane: Drew... nahihirapan na ko.

Drew: ......

Shane: Kausapin mo ko. Please. Alam kong mahal mo parin ako. Ayusin na natin 'to. Drew.. hirap na hirap na ko. =(

Drew: Ikaw ang nagdesisyon. Panindigan mo.

Shane: Yun na nga eh. Nagka mali ako ng desisyon. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya.

Drew: Kayanin mo.

Shane: Ganto nalang yun? Basta basta mo nalang ako iiwan?

Drew: Oo. Hanggang dito nalang. Ipapa alala ko sayo. Hindi ako ang nang iwan.

Shane: I'm sorry, drew.

Drew: Tigilan mo na ko Shane. Wag mo nang ipag pilitan sarili mo sakin. Nagmumukha ka lang tanga. Kahit ano pang gawin mo.. hindi na kit babalikan pa. Ayoko sayo. Si Steph ang mahal ko. Sya...at hindi ikaw.

Unti unti akong pinapatay ng mga nababasa ko. Hindi na ba talaga nya ko mahal? Tanga??? AKO?I HATE YOU DREW!

Siguro nga.. dapat na talaga kitang isuko. Siguro nga.... hindi ka talaga para sakin. Sorry, Drew. Goodbye.

DREW'S POV

Pagkatapos kong i post yung status ko.. ang dami na agad nag like. I ch-chat ko na sana si Shane nang may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Steph. Bakit?"

"Wala. Ang boring kasi sa bahay eh."

Ah. Teka, gusto mo ng juice?" She nodded.

"Sige. Saglit lang."

Pumunta 'ko sa kusina. Pagbukas ko ng ref., wala na palang yelo. Nakalimutan siguro gumawa ni manang. Lumabas muna ko para bumili. Ilang minuto lang nakabalik na ko at nagtimpla ng juice.

Patapos na ko nang makita ko si Steph na pababa ng hagdan.

"Oh, san ka pupunta?" tanong ko.

"Uuwi na. Tawag na kasi ako ni mommy." Then umalis na sya. Ang weird. Psh.

Hindi ko nalang masyado pinansin. Ininom ko nalnag yung juice. Tapos umakyat ako sa taas para mag facebook.

Nang bigla ko nalang nakita yung status ni Shane.

" I just don't love you no more. "

Para sakin ba to? Anong nangyari? Akala ko ba ipaglalaban nya ko? Ba't sumuko na agad sya? Shane. Na realize mo na ba...... hindi mo na talaga ko mahal?

na

SHANE'S POV

Friday morning. Papasok na ko sa school nang bigla akong tinawag ni Dwayne.

"Oh, bat parang blooming ka ata?"

Ha? Wala lang. Ba't nga ba ko masaya? Ewan ko ba. Ganto siguro kapag... nag mo-move on ka.

Siguro dapat ko nang tanggapin na hindi talaga sya. Siguro kelangan ko nang bigyan ng pansin yung ibang tao sa paligid ko. Siguro.... dapat si Dwayne nalang talaga.

Sabay kami ni Dwayne pumasok sa room. Habang nagtatawanan kami, di ko maiwasang di tignan si Drew.

At pagtingin ko sakanya.. nakatingin na pala sya. Halos tatlong segundo rin yun. Tapos inirapan nya ko. teka. Ako o si Dwyane? Ewan. Basta may inirapan sya.

After ng mga boring classes pumunta agad kami ni Dwayne sa canteen. May pinuntahan kasi si Gwen kaya kami lang magkasama.

"Oy, Shane." naka upo si Dwayne sa harapan ko.

"Oh?" sabi ko habang nakain ng carbonara.

Ng biglang lumapit yung mukha nya sakin. Papalapit ng papalapit.... Yung tipong 3 inches nalang.

Ano bang ginagawa nito? Ang dami kayang tao. 2 inches---- Wag mo sabihing...

Napapikit nalang ako. Then...

*blaaag*

Binuksan ko yung mata ko then hinanap ko agad yung pinagmulan ng ingay.

nalaglag yung plate ni...

Drew?

Tumingin ako kay Dwayne then he smiled. Ttatanggalin lang pala ni Dwayne yung sauce ng carbonara sa bibig ko. Eksena kasi to si Drew eh. Tss.

Ngumiti ako kay Dwayne.

"Thank you."

DREW'S POV

Nakakairita. Kelan pa naging nakakatawa yung mga subjects? Maya't maya tumatawa. Amp. Puro ka cornihan lang naman alam nyang Dwayne na yan. Kung makatawa naman tong si Shane. Parang walang bukas. Tsssss.

RECESS.

"Drew, samahan mo ko sa canteen." sabi ni Steph.

"Ikaw nalang. Wala ako sa mood."

"Sige na. Tignan mo silang dalawa." *turo kay Dwayne at Shane*

"Anong gagawin ko dyan?" inirapan ko sila.

"Para nga pag selosin mo sya eh. Tsk."

Sabagay. Kanina pa naglalandian yang dalawang yan. Hm. Pumunta na kami sa canteen. Pagka bili namin ng pahkain.. umupo ako sa table.. na malapit kela Shane.

Tsk. Kung maka tingin naman 'tong Dwayne na to. Sunugin kaya kita dyan.

Biglang lumapit yung mukha ni Dwayne kay Shane. P*ta.

Sa canteen mo pa talaga balak gawin yan? Masasapak ko to eh. Sobrang lapit na ng mukha nila. Isip, isip. di pwede yun.

*blaaaag.*

BINAGSAK ko yung tray. Napatingin sila sakin. Pati si Shane. Success. Don't touch my girl, DWAYNE SANTOS.

DWAYNE'S POV

Yun na yun eh. Malapit na. Psh. Eksena si Drew. Sobraaaaaa.

Nagkunwari nalang ako na may sauce sa bibig ni Shane. KAHIT WALA NAMAN TALAGA.

Sayang yun. Psssssh.

SHANE'S POV

Bumalik na kami sa room after recess. Next subject, P.E. Kinuha ko ung paper bag ko para magpalit ng damit sa CR. Paglabas ko, nabangga ko si....

Drew.

Nakakainis.Sa dami ng pwedeng makabangga.... ba't sya pa? Tss. Napatingin ako sa kanya then irap at naglakad palayo sa kanya.

Bigla syang nagsalita.

"Ganun lang? Walang sorry?"

Tss. Sorry mo mukha mo. Ako kaya yung nasaktan. Humarap ako sakanya.

"Minsan kasi ang paghingi ng sorry.... may LIMITASYON din." I give him my sarcastic smile then leave.

That serves him right. Ilang beses na kaya 'ko nag sosorry sakanya. Psh. Pagdating ko sa gym, sinalubong agad ako ni Dwayne.

"Shane. Partner tayo." He smiled.

"Ha? Saan?" I asked.

"Sa sit-up."

"Ha? ....Ako hahawak sa paa mo?

He nod.

"O-okay." I agreed.

Humiga na si Dwayne. Bwisit naman oh. Nasa tabi pa namin sila Drew. Psh. Hinawakan ko yung paa nya. Syempre si Drew, kapartner si Steph.

"Baby.. sabihin mo lang pag pagod ka na ha?" tapos yung smile ni Steph.. pang flirt. Inirapan ko sya. Tss. Trying hard.

Nagsimula nang mag sit-up si Dwayne. "Shane, sabay tayong umuwi mamaya ha?" sabi ni Dwayne habang nag si-sit-up.

Hah! Akala nitong dalawang 'to sila lang ha?

"Sure. Sabi mo eh." then I sweetly smiled at him.

Nakatingin sakin si Drew. Yung death glare nya. Psh. Inirapan ko sya. Akala mo dyan.

Then nung pa upo na si Drew.. biglang lumapit yung mukha nya kay Steph. yung tipong mag ki-kiss na sila.. sa harapan ko pa. Ang kapal!!!!!!!!

Nung malapit na talaga yung mukha ni Drew, kunyari na out of balance ako. Kaya natumba ako kay Steph. Yan tuloy.. napahiga sya sa floor. Ooops. :)

Tumayo si Drew then hinawakan yung kamay ni Steph.

"Steph, okay ka lang?" makikita mo na worried talaga sya.

"Y-yung paa ko. Di ko magalaw." sabi nya with matching paawa effect

"Dadalin kita sa clinic." binuhat nya si Steph.

Yung buhat na pa bridal style? Yung buhat na gabi gabi kong pinapangarap na gawin nya sakin? Ouch. Biglang kumirot yung puso ko. Napayuko ako. Nagbago na talaga sya.

Akala ko pa naman okay na ko. Akala ko naka move on na ko. Pero hindi... mali ako. Mahirap.. masakit. Sino nga ba naman ang madaling maka MOVE ON?

SHANE'S POV

5:45 am. Nandito na ko sa meeting place. Madami na ring tao at kasama ko ngayon si Gwen. Asan na kaya si Dwaye?

Sumakay na kami sa bus. Dun ako umupo sa may bandang window. Kaso si Gwen.. tumabi sa crush nya. Tsss. Ako tuloy mag isa. Naman oh. Nag earphone nalang ako.

Nang may naramdaman akong tumabi sakin......

Si Drew.

Ang sama ng tingin ko sakanya. Naman oh. Kamusta naman ang journey na to? >.< Pumasok sa bus si Dwayne. Nakita nya yata na katabi ko si Drew kaya sa may harapan ko sya umupo.

Si Steph naman, ang sama ng tingin sakin. Hah. Jealous much?

Umandar na yung bus. Di kami nag uusap ni Drew. Malamang, puro awkwardness lang ang namamagitan samin. Ppindutin ko na sana yung ipod ng biglang may umagaw ng isang earphone ko.

"Ano ba!" Nilagay nya sa tenga nya yung isang eraphone then pumikit na parang walang nangyari sabay suot ng shades nya. Nakakainis talaga tong lalaking to. Ugh.

Pinabayaan ko muna. Wala kong mapapala kung makikipag away ako. Psh. Pumikit nalang ako at hinintay ang kanta. Nang biglang....

Wala na'ng dating pagtingin. Sawa na ba sa'king lambing?

Sht na ipod to. Napa mulat tuloy ako. Tumingin ako sakanya. Nagulat din siguro si Drew dahil napatingin sya sakin. Shooot. Nagkatinginan tuloy kami.

DREW'S POV

Pagkasakay ko sa bus.. tumabi ako kay Shane. Wala kasi syang katabi. Wala kasi akong gusto na makatabi.. at --- wala. Gusto ko lang. Pag upo ko.. tumingin sya sakin. Tsh. Tignan ba ko ng masama?

Maya maya hinanap ko yung earphones ko sa bag. Sfht. Nakalimutan ko pa. Sa dami ng pwedeng kalimutan ba't yun pa? Aisssh. Napansin ko yung earphone nya kaya kinuha ko yung isa. Di talaga ko sanay pag walang earphones sa bus.

Nagalit sya. Psh. Nakaka miss yung sermon nya. Pero kahit galit sya.. ang ganda parin nya. Nakakatulog na ko ng biglang..

Wala na'ng dating pagtingin. Sawa na ba sa'king lambing?

Pagminamalas ka naman oh. Dapat di ko nalnag to kinuha eh. Tsk. Napaharap tuloy ako kay Shane. And sht. Nakatingin din pala sya. Inirapan nya ko.. inirapan ko rin sya.

Tss. Ang sunget talaga ng babaeng to. Pinakinggan ko nalang. Hanggang sa dumating sa part na pinaka gusto ko...

Di na alam ang gagawin.. upang ika'y magbalik sa'kin.

Gusto kong kantahin sakanya yun. Gustong gusto. Pero hindi pwede. Kaya wag nalang. Natapos na yung kanta nang nakatingin lang sya sa bintana. Medyo nahihilo yata sya.

"Okay ka lang?" Tinanong ko sya. Sht. Drew.. ang tanga mo talaga. Ba't pag dating sakanya. humihina ka? Tumingin lang sya sakin at nag smile.....

Nakatingin parin ako sakanya ng biglang nag play yung next song..

Drew looks at me. I fake a smile so he won't see...

SHANE'S POV

Shete. Bakit nandito pa tong kantang to? Alam ko binura ko na to eh. Naman! Nakalimutan ko pa yata. Amp. Amp. Amp. Ano ka bang ipod ka.. galing mo talaga manira ng moment. Tsss. I click the next button.

Oo nga pala.... Hindi nga pala tayo. Hanggang dito lang ako. Nangagarap na mapa sayo.

Di sinasadya na hanapin pa ang lugar ko Nasan nga ba ako? Nandyan pa ba sa iyo?

Takte talaga! Kelangan ba lahat nalang ng kanta panaman samin? Mahahalata ako nito eh. Kasi naman! Ba't pa kasi nya kinuha yung isang earphone eh. Tsss. Hindi ko nalang masyado pinansin. Hanggang makatulog ako. Mahaba pa naman yung byahe eh.

Pag mulat ko ng mata ko... ang gaan ng pakiramdam ko. Haaay. Grabe. Ang sarap ng tulog ko. Ang komportable masyado. Tumingin ako kay Drew.

Sht. Sht. Sht. Sht. Sht.

Naka sandal pala yung ulo ko sakanya. Nakakahiya, Fuuuu. Kill me now.. Pleaseeeee.~

Tinanggal ko agad yung ulo ko sa balikat nya. Nandito na pala kami. Tinanggal nya yung shades nya sabay hawak sa balikat nya.

"Haay.. grabe. Parang may kung anong mabigat na bagay ang sumandal sa balikat ko. Ang sakit...." *sabay hawak ng mahigpit sa balikat nya.*

Tssss. Nagparinig pa. Mabigat? Ang gaan gaan ko nga eh! Tsh. Tsaka... malay ko ba na nakasandal pala ko sa kanya?!

Bumaba na sya at sumunod naman ako. Nauna na pala si Dwayne. Naka pants sya tapos naka V-neck na may polo. Dyosmeee. Ang hot ng taong 'to. :'''>

Nilapitan ako ni Dwayne.

"Oh, nagkapalit na kayo ng mukha ng ex mo." sabay iwas ng tingin. HAHA. CUTE nya. Ay mali. Gwapo nya. Amp. :))))

DWAYNE'S POV

Ang pangit ng araw ko ngayon. Ako dapat yung katabi ni Shane eh. Psh. Di na naubos ka epal-an ng Drew na to.

Pagbaba ko sa bus.. hinintay ko muna si Shane.

"Oh, nagkapalit na kayo ng mukha ng ex mo."

Hindi sa nagagalit ako. Nagseselos lang. Pano ba naman.. kung di ko lang sila kakilala, iisipin ko na sila talaga. Ka badtrip talaga!

Nginitian ako ni Shane. Yung ngiti na pang asar? Problema nito?

"Selos ka?" she winked.

"Hindi." sagot ko with a cold voice. MALAMANG, SHANE. ALANGAN NAMAN MATUWA AKO SA GINAWA NYO. >.<

"Okay." tapos naglakad na sya.

Potek. Di pa nagets. Tsss. Prinsesa ka talaga ng kamanhidan, Shane. Sinabayan ko sya maglakad. Di parin ako nagsasalita. Nahalata siguro nya kaya tumigil sya. Tapos humarap sya sakin. Sabay hawak sa kamay ko.

Nginitian lang nya ko. At ako.. parang tanga na ngumiti rin.

"Ayos ah. Babae na pala nang mamanyak ngayon."

She gave me her sarcastic smile.

"Kaya nga eh. May lalaki palang nagseselos ng patago ngayon."

Yuunn! Nahalata din nya.

"Hindi kase." tapos nag change direction ako. "Tss. Sabi mo eh." nag pout sya tapos tatanggalin nya yung kamay nya. Kaso hinigpitan ko yung hawak. Ano 'ko sira? Chance ko kaya to. :)

"Oo na." napayuko ako. Sabay smile nya. "Anong oo na?" lumaki yung smile nya. "OO na. Nagseselos ako. Okay na?" I bit my lower lip. Sht. Nakakahiya ka, dre. Takte. Pwede naman kiligin mga lalaki diba? Di ko kasi mapigilan eh.

Ang dami na namin napuntahang lugar. Hanggang napunta kami sa isang souvenir shop. Pumasok si Shane. Sumunod naman ako. Hinawakan ni Shane yung kwintas na may babaeng pendant.

"Ah... miss. last na po yang item na yan. Lahat po ng bumibili nyan, may kapartner. Kaya sabi nila.. kung naka nino man daw po yung kapares.. ibig sabihin.. destined sila." sabi nung tindera.

SHANE'S POV

Parang ang cool naman nun. Bilin ko kaya to? HAHA. Wala lang. Malay mo si LEE MIN HO pala nakakuha nung kapartner nito? Chos. Pasensya na. Assumera lang. :>

Sige na nga. Tignan natin kung totoo si destiny.

"Sige.. miss, magkano ba?" tanong ko. at pagkasabi nung price.. binayaran ko na.

Shems. Buti nalang madami akong dalang pera. Napaka mahal naman kase! Pero okay lang. Maganda naman at mukhang mamahalin talaga. Pero kung ganto ka mahal to.. siguro... mayaman yung soulmate ko. Hihi. Jk.

Tinago ko yung necklace then umalis na kami ni Dwayne. Napunta kami sa DQ.

Pagka order namin.. umupo kami sa table. Akalain mo nga naman.. nasa kabila lang pala si Steph at Drew. Tss. ng landi talaga nito ni Steph. Dikit ng dikit kay Drew. Errr. Halata namang naiinis na si Drew eh.

Sakto.. tumingin samin si Drew.

"Oy! Aaaaah~" sabi ko kay Dwayne habang sinusubuan ng ice cream. para kunyari sweet. ;)

"Alam mo ang lakas ng topak mo." Dwayne whispered.

"Shut up. Akala lang talaga nyang Drew na yan!" sabay tingin ko sa kanila.

DREW'S POV

T*ngna. Ang sweet! Langgamin sana kayo! Tumingin sakin si Shane. Tsss. Ako naman.

Tumingin ako kay Steph sabay subo ng ice cream. Sabay punas ng gilid ng labi nya. Then.. I smiled.

Tumingin ako kay Shane. Naman oh. Irapan ba ko?! Aba. Sya kaya nauna. Psh.

Pagkatapos nun.. kung saan saan kami nagpunta. Hanggang umabot na ng 6:00 pm. Tapos na pala. Yun lang yun? Tss. Boring. Sana lagi nalang kami sa bus.

Ano daw? Erase the bus part. Pinagsasabi ko ba?

Pabalik na sana ko sa bus ng naalala ko yung cellphone ko. Baka may message sakin sila Carl.

Hanap.

Hanap.

Sh*t. Nakalimutan ko pa phone ko! Malas! Tumakbo 'ko pabalik sa souvenir shop. Naiwan ko pala yung cellphone ko nung

bumili kami ng kwintas. Naman oh. SHANE'S POV

Nakasakay na kami sa bus at katabi ko na din si Dwayne. Nang biglang nagvibrate yung phone ko.

*1 message received*

From: Mama. Shane. Kamusta fieldtrip? Ingat pauwi ah. Wag kang uuwi pag wala kang pasalubong! Hihi.

Haaay. Naman oh. Paalis na kami eh. Wrong timing naman. Tss.

"Dwayne. Saglit lang ah. May bibilin lang ako." Nag nod sya then smile.

Pagbaba ko ng bus.. diretso agad ako sa souvenir shop. Ano naman kaya ibibili ko kela mama? Tsk. Talaga naman! Pagka open ko ng door ng souvenir shop.. Sht! Guess who, nakita ko? Ang mayabang na si Drew lang naman.

Teka. Paalis na yung bus ah. Ano pang ginagawa nya dito? "Ah. Miss. May nakita ba kayong cellphone dito kanina?" tanong ni Drew sa tindera.

"Ah. Opo. Naiwan nyo po yata nung bumili kayo ng necklace."

Oh, Sht~~~

Binigay nung tindera yung phone ni Drew. Todo thank you naman 'to. Kala mo kung sinong anghel. Tss!

"Miss.. dalawa nga nito." tinuro ko yung isang souvenir shirt. Then biglang napatingin sakin si Drew. "Ba't ka nandito?" tanong nya. "Bakit, sayo ba 'to?!" inirapan ko sya sabay kuha nung shirt.

"Magka kilala po kayo?" gulat na tanongnung tindera. Unfortunately.. yes. "Ah- classmates. bakit?" Ang galang ko. HAHA. "Ibig sabihin destined talaga kayo." tapos medyo kinikilig yung tindera Ano daw? Di ko ma gets.

"Ha?" tanong ko ulit kay Ate. "Yung necklace po na binili nyo... magka partner."

Nagkatinginan kami ni Drew. Ohnoes. Sya yung soulmate ko? Pano na si LEE MIN HO? Jk.

"Oy. Patingin nga ko nung sayo." sabi ko sabay bigay nya sakin ng necklace nya.

Shemay. Yung pendant... yung boy hinahalikan yung babae sa forehead. Ohmyyyy. Ito nga. :(

DREW'S POV

Anak ng. Si Shane pala yung may ari nung necklace. Sabi na.. di ko na dapat binili eh. Pano.. pinilit ako ni Steph bumili. Nung nabili na namin, tsaka lang sinabi nung tindera na hindi magka partner yung necklace namin. Tss. Buti naman.

Kinuha ko ulit yung necklace kay Shane. Magka partner nga. Psh. Umalis na agad ako. Baka kasi kung ano pa masabi ko. Pero akalain mo yun.. sa dinami dami ng tao na pwedeng makabili nung isa.. si Shane pa. T*ngna. Kinilig ako dun ah.

Magkatabi na si Shane at Dwayne sa bus. Ako naman, si Steph. Di tuloy ako makatulog ng ayos. Pano ba naman... ang likot nitong Steph na to. Tsss. Buti pa si Shane eh.

Tumingin ako sa left side. Katabi lang kasi namin yung upuan nila Shane. Naka sandal si Shane kay Dwayne tapos nakasandal naman yung ulo ni Dwayne kay Shane. P*ch*. Di sila bagay.

Shane.... sakin ka lang nababagay.

SHANE'S POV

2 weeks after nung fieldtrip.. suot ko pa rin yung necklace. Aba. Ang mahal kaya nun. Sayang naman kung itatapon ko. Tsaka na kay Drew kasi yung isa eh. :''>

2 weeks. Wala paring nagbabago. Ganun pa rin kami. Haaaay. Wala na bang magbabago?

JOKE LANG.

Pwede ba naman yun? After nung fieldtrip.. hindi na ganun kasungit si Drew. Parang sya na yung Drew na kakilala ko dati habang palihim kong minamahal si Dwayne?

Pano ba naman lagi na nya kong kinakausap. Hindi sya si Drew kung hindi sya mang aasar at hindi naman ako si Shane kung hindi ko sya inaaway. Kahit hindi sweet... nakakatuwa pa ring isipin na bumalik na kami sa dati.

Pero si Dwayne, parang nag iba eh. Kapag nandyan si Drew, daig pa nya bodyguard. As in sobrang bantay. Tsss. Naguguluhan nanaman ako sa dalawang to.

Drew: Oy, SHane!

Shane: *nagsusulat* ......

Drew: Hooooy!

Shane: ANG INGAY MO. ANO BA?!

Drew: *hinawakan yung kamay ni Shane then tinignan yung palm.*

Shane: Ano nanamang kalokohan yan?!

Drew: Tinitignan ko lang. Hindi naman kasi malaki kamay mo...

... eh ba't hawak mo mundo ko? *He smirked then winked.*

Dwayne: Hoy! Drew! Ang corny mo. Manahimik ka nga!

Yan. Parang ganyan. Haay nako, lord. Nakakaloka na tong dalawang anghel mo.

DREW'S POV

Pagkatapos nung fieldtrip.. parang gusto ko na ulit syang bawiin. Gusto ko na ulit syang balikan. Gustong gusto ko na syang makasama.... habang buhay.

Kaso palaging epal tong si Dwayne eh. Kung di ko lang talaga to kaibigan. Psh.

Pero alam ko naman na ako lang yung mahal ni Shane eh. Lakas ng confidence no?

Kaso... yun na lang talaga yung pinanghahawakan ko.

Ayoko nang mag aksaya ng oras. Ayoko nang masayang yung mga oras na... hindi ko sya kasama.

SHANE'S POV

Parang ang bilis ng araw. Ilang months nalang... graduation na namin. Haaay. Iniisip ko pa lang na maghihiwa hiwalay kami.. nakaka miss na agad.

Pwede bang wag muna?

Hindi pa kasi nangyayari yung gusto ko eh.

Hindi pa kasi sya..... bumabalik sakin.

Thursday night. I opened my facebook account. Newsfeed palang.. nakakagulat na.

Tumambad sakin... ang status ni Drew.

And after all this time.. you're still the one I love. @ Shane Carlos. - 105 likes.

Sht. Nakatag... ako! Ang gay pero.. nakakakilig. Haaay. Ewan. Dumbfounded. Di ko man lang magawang igalaw yung mouse.

Pinabayaan ko nalang. Baka trip lang talaga nung mokong na yun. Tsss.

After 5 minutes..

Nagvibrate yung phone ko.

* Devil babe calling..*

Ayyy. Don't mind the screen name. Wala lang talaga ko magawa nun kaya napalitan ko ng ganyan. Hehehe. Deffensive. :P

Shane: Oh?!

Drew: Kita tayo. *serious voice*

Shane: Baliw ka na ba? 12:00 pm, drew. Bat naman ako makikipag kita sayo nang ganto ka---

Drew: Nasa labas ako. Bababa ka ba o pupuntahan kita dyan?

Shane: Teka la----

*toot toot toot*

Bwst! Babaan daw ba ko?! Ugh. Lumabas na ko sa kwarto then bumaba para tignan kung nandun nga sya sa labas...

And as I open the door......

Boom.

Walang tao.

How nice naman yon diba? Lumabas pa ko ng kabadong kabado.. wala naman palang tao... haay. Bat nga ba maniniwala dun? Tss. Nagpa loko ka nanaman.. Shane. Masanay ka na nga.

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan sya. Pero hindi nya sinasagot. I hate you Drew.. Ba't ba lagi mo nalang ako pinaglalaruan? Tsss.

Hinawakam ko na yung hawakan ng gate namin para maka pasok na ko sa loob.

Ng biglang....

It took.... One look. And forever laid out in front of me.

Humarap ako sa pinanggagalingan nung boses. That voice.. sounds familiar. Very familiar. And as I turned around... I saw, Drew.. holding a guitar. I smiled at him.

One smile.. and I died. * he closed his eyes at nag act na parang patay* Only to be revived.. by you. *he opened his eyes and look straight into my eyes.*

Shemay. Ang hot talaga ng lalaking magaling mag gitara.. :'''>

There I was. Thought I had everything, figured out..

Goes to show just how much I know.. 'bout the way life.. plays out.

Unti unti syang lumalapit sakin. Lord, help me. Ba't ganto ka gwapo ex ko?

Ooh.. If you told me that this wouldn't be easy. And, ohhh. I'm not one to complain...

He sweetly smiled at me then stepped backward.

I take... one step.. away. Then I found myself coming back...

He stepped forward..

..to you. My one and only.. one and only...

Unti unti na syang lumapit sakin hanggang.. napapikit nalang ako sa puntong...

hinahalikan na pala nya ko.

After seconds of deep, passionate, kiss.. He then smiled and said...

YOU.

Okay. Pwede na bang sumigaw? Ang gwapo kasi ng boses nya eh. Samahan mo pa ng gwapong porma at pamatay na tingin.. sheeeems. May aangal pa ba? :''> Hindi ko na talaga kaya eh. First time kayang may gumawa sakin nito. Ugh. Help. Nakakahimatay. :'''>

Tumingin ako sa kanya. Then he hugged me. I can feel his heart.... it's beating so fast.

Then I heard him, say...

"Happy birthday, Shane."

Natulala ako habang yakap yakap nya. Oh shems. Ba't ba di ko naisip yun? Birthday ko na nga pala. Tss. Kung ano ano kasi iniisip ko eh.

Lord.. Pwede bang wag na muna matapos to? Pwede bang ihinto mo muna yung oras? Pwede bang... habangbuhay nalang kaming ganto?

Umalis na sya sa pagkakayakap sakin. Then... he smiled.

"Alam mo bang unang beses ko 'tong ginawa? Hindi ako kumakanta sa harap ng ibang tao. Kahit sa pamilya ko pa. Pero para sayo... kahit gano pa ko kasintunado, kakanta ko. Kakanta ko para malaman mo... ..para malaman mong seryoso ako. na ikaw lang ang babae sa mundo na MINAHAL at MAMAHALIN ko."

Wala kong maisip kung anong sasabihin. Bigla ko nalang naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Drew Hernandez.. alam mo bang ang tagal kong naghintay para lang marinig yan galing sayo?

"D-drew. Bakit mo ginagawa to?"

"Dahil gusto ko. Gusto kong iparamdam sayo na para sakin.. Ikaw ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Gusto kong maramdaman mo na ikaw ang pinaka importanteng tao sa mundo. At gusto kong maramdaman mo...

He touched my chin then looked straught in my eyes.

".. na sa mundo ko... wala nang hihigit pa sayo."

That's it. I'm falling deeply inlove with this guy.

Then, bigla syang lumuhod. He touched my hand and said....

"Shane Carlos-Hernandez...

Will you be my girlfriend...

AGAIN?"

Ang sarap isigaw. Yes, Drew. I will. Haaay. Ito na yata ang pinaka magandang birthday at birthday gift ko. Lord... thank you.

I smiled at him. Then wiped my tears and said...

"Kahit ilang beses mo pa 'kong paiyakin.. Kahit ilang beses mo pa kong haranahin.. Kahit ilang beses pa tayo maghiwalay... At kahit ilang beses mo pa kong tanungin ng paulit ulit..

..hindi magbabago ang sagot ko....

I'll be your girlfriend, Drew.. always.. and forever."

Tumayo sya then niyakap nya ulit ako. Ang saya saya ko ngayon. Feeling ko ako na pinaka maswerteng babae sa buong mundo. Lord.. kahit sa tabi lang po ni Drew... kontento na 'ko.

Pagkatapos nun.. pumunta muna kami sa park para magpa antok. Pero di effective.

Pag kasama ko sya....

ayoko nang mahiwalay sakanya.

Kahit isang segundo pa.

6:35 am. Gising na agad ako. Ang sarap sa feeling. Yung tipong pag gising mo.. alam mong inlove ka. Haaay. Namiss ko to. :>

Nagprepare na agad ako para pumasok. Pag baba ko sa may kitchen.. niyakap ako nila mama.

"Happy birthday, anak... I love you."

Sigh. Ang swerte ko sa kanila. Pumikita ko then nag smile.

"I love you too, ma."

After kong kumain.. nagpaalam na ko. Lumabas na ko at pagbukas ko ng gate...

"D-drew. Ang aga pa ah. Ba't nandito ka?"

Nakatingin lang sya sakin habang nakasandal sa may wall then nakalagay yung hands sa pocket nya. Samahan mo pa ng gwapong hairstyle nya... whoo. Gwapo ng boyfriend ko. HAHA.

Lumapit sya sakin then hinawakan yung kamay ko and smiled.

"Ang ganda mo talaga....... Tara na."

That made me smile. Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Yung tipong ayaw talaga pakawalan? Tss. Hanggang makarating kami sa school... hawak parin nya kamay ko. Pinagtitinginan pa kame ng mga tao. Sigh. Pero okay lang. Pag ganto ba naman ka gwapo boyfriend mo.. sino bang di magiging proud? Hehe.

Tumigil ako at napatigil din sya. I whispered

"Ah. Excuse me. Pakawalan mo na yung kamay ko."

Tumingin sya sakin then medyo lumiit yung mata.

"Ayoko." tumalikod na sya sabay hila ulit sa kamay ko. Sigh.

Pagdating namin sa room... pinagtitinginan parin kami. At dahil magkatabi lang kami ng upuan.. magkahawak parin yung kamay namin. Naman. Imagine that?

Lumapit ako ng konti sakanya then bumulong.

"Magkalapit na tayo. Pwede mo na ko bitawan."

Tumingin sya sakin then umiling. I sighed. Halos buong araw, ganun lang kami. Lord.. ano po bang nakain ng boyfriend ko? Ang keso eh. :''''>

UWIAN.

Nandito na kaming lahat sa bahay for my celebration. Ako, Drew, Carl, Zeph, Gwen, Dwayne and some of my classmates.

Masaya naman yung celebration ko lalo na't nandun yung lalaking mahal ko. :''>

Pero habang papunta ako sa CR, nakasalubong ko si Dwayne. Parang may gusto syang sabihin. Kaya lumabas muna kami para mag usap.

Habang nasa labas kami...

"Haay. Ang bilis ng araw no? Parang kelan lang fredhmen tayo. Pero ngayon.. malapit na tayong maging alumni." I smiled then looked at him.

Nakatingin lang sya sakin with his serious expression.

Then.. nagsalita ulit ako.

"Alam mo ba, since elementary.. crush na crush na kita. Araw-araw, dumadaan ako sa classroom mo para lang makita ka. Araw-araw, dumadaan ako sa harap mo... Nagbabaka sakaling mapansin mo ko. Alam mo bang gustong gusto kitang maging boyfriend nun? Pero alam ko... malabo. Hanggang sa dumating yung isang tao na nagpabago ng nararamdaman ko. Inis na inis ako sakanya nun. At isang araw... hindi ko namalayan, unti unti na pala akong nahuhulog sakanya."

Tinignan ko ulit sya. Di parin sya nagsasalita. He was staring blankly at the floor. Pero may nakita akong luha na tumutulo sa mata nya.

"Dwayne.. okay ka lang?" lumapit ako sa kanya.

Bigla na lang sya nagsalita..

"Palagi nalang akong nagpapanggap na malakas sa harap mo. Ngumingiti ako kahit ang sakit sakit sa loob ko. Shane, kahit ngayon lang.... pwede ba ko maging mahina sa harap mo?"

Tumulo na lang bigla yung luha ko.

"Sobrang saya ko ngayon. Kasi nung panahon na yun.. may gusto ka din pala sakin. Yung panahon na dumadaan ka sa classroom, at lalo na sa harap ko.. buong buo na araw ko. Pero.. kahit pala anong gawin natin.. isa lang ang lumalabas na sagot. Yung sagot na nagsasabing.. hindi talaga tayo para sa isa't isa."

Gusto ko syang yakapin. Di ko alam kung anong gagawin ko para lang i-comfort sya.

"Halos araw araw ako pumupunta sa canteen. Kasi dun lang yung lugar na makikita kita ng matagal. Araw araw ako naglalakad pauwi para lang masiguro na ligtas ka. Yung araw na ginabi ka ng uwi.. may humarang sayo na mga lalaki. Natakot ka kaya tumakbo ka. Hahabulin ka sana nila pero hinarang ko sila. Nakipag laban ako.. pero hindi ko pala sila kaya. *nag smirk sya* Ang tanga ko no? Pag gising ko nalang.. nasa ospital na ko. Pero okay lang yun. Atleast ngayon.. di ko na kelangan pang magtago para lang mabantayan ka."

Lord, tama na. Ang sakit na.

"Pero sa nakikita ko ngayon.. may isang tao na kayang higitan yung mga ginagawa ko para sayo. Madami na rin kayong napagdaanan at alam kong kaya ka nyang alagaan."

"D-dwayne. An-anong ibig mong sabihin?" I asked. tears continously falling on my eyes.

"Pupunta na kong states, Shane. Dun na ko mag aaral ng college. Di mo lang alam kung gani ko kasaya dahil nakilala kita. Kahit sa sandaling panahon..... nakasama kita. Thank you, Shane."

Then he moved closer to me and kissed me on the forehead.

"Please take care. I love you... goodbye."

Napapikit nalang ako..

"Dwayne. Salamat. Sorry kung hindi ko nasuklian yung mga ginawa mo para sakin. Pero sana, makakita ka ng babaeng magpapasaya sayo. Yung babaeng worth it sa pagmamahal mo. Yung babaeng.....

hindi ako. Sorry, Dwayne. Goodbye." After 2 months..

"Okay.. Pictureeeee!" sabi ni Carl while holding the camera. "1..2..3 *click*"

At eto na nga ang araw na pinaka hihintay naming lahat. Graduate na kami! Yesss.

"oh.. kayong dalawa naman, Shane." Gwen said while pointing at me and Drew.

1...2...3 *click*

"Isa pa!" Zeph requested.

Tumingin sakin si Drew...

"Oh, bat ganyan ka tumingin?" I asked.

"Ang panget mo kasi eh." He smirked.

Haaay. Bumalik nanaman sya sa dati. Tumalikod ako sakanya. Then nag cross arms. Bigla nya kong kinalabit...

At pagharap ko...

*click*

Hinalikan ako ni Drew sabay click ng camera.

Sssssaveh naman nun?!

BAKASYON.

Naghahanda na kaming lahat para sa college. At dahil FOREVER couple kami ni babe....... este ni Drew, same university parin kami no.

Si Carl and Zeph.. nahiwalay samin ng university. Pero okay lang, malapit lang naman yun samin eh. Si Gwen? Sa university rin na pinapasukan nila Zeph at Carl.

Pano ba naman... hindi mo akalain na mag aagawan si Zeph at Carl dahil lang kay Gwen? Oha. Haba ng hair ng girlfriend ko!

Si Steph at Dwayne.. ayun. Balik states. Buti naman wala nang Steph... Hihi. JK.

Saturday afternoon.... Wala 'ko magawa so I opened my faceook account.

Akalin mo, hindi pa rin nagbabago si Drew. Ang c-corny parin ng mga status nya. :'''>

"As endless as forever. Our love will stay together." - 85 likes.

Papatalo ba naman ako? Syempre nag status din ako. :>

"You're all I need to be here with FOREVERMORE."

*Drew Hernandez likes this.*

4 years later...

Owkaaay. 4 years later na agad. Grabeng author naman to. Excited HAHA. After namin mag graduate sa college, marami na ring nagbago.

Si Carl at Zeph.. business partner ng car company. Ang tibay talaga nung dalawang yun. Hindi mapag hiwalay eh.

Si Gwen? Syempre. Isa na ring sikat na fashion designer. Akalain mo.. may mapupuntahan pala yung 3 oras na pagbibihis nya? HAHA. Pero pangarap nya talaga yun, dati pa. Kaya nga tuwang tuwa sya nung makakuha sya ng trabaho eh.

Eh anong nangyari sa love triangle nila? Wala. Pareho silang basted. Sa ngayon, isang model ang boyfriend ni girlfriend! OHA! Taraaay. :)

Pero ako... ano nga ba nangyari sakin?

Well, eto. Isa lang naman akong..

Actress.

Hindi ko nga din alam kung bakit yun napili ko eh. Siguro sa sobrang kabaliwan ko.. dun napunta lahat sa acting skills ko... Joke.

Pero okay lang. I'm living my life happily and contented naman eh.

With my friends... and family.

Kaso... may isang pangyayari na nagpabago ng takbo ng buhay ko.

"Siguro nga tama na pinakawalan ko sya. Siguro dapat noon palang isinuko ko na sya. Siguro nga.. hindi talaga kami para sa isa't isa."

Pero may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"Kaya pa naman natin lumaban, diba? Hindi ako pupunta sa America. Kung sasabihin mo sa'kin na ayaw mo... mananatili ako sa tabi mo."

Ramdam na ramdam ko yung bawat paghinga nya. Lalo nyang hinigpitan yung pagyakap sakin.

Pinikit ko mata ko. Hindi pwede. Ayokong masira ang pangarap nya ng dahil lang sakin.

"Kailangan mong umalis... Drew.

Pinapakawalan na kita."

Natigilan sya. Medyo lumuwag na din yung pagyakap nya. Sorry, Drew. Maiintindihan mo anamna ko diba?

Humarap ako sa kanya.

"Pinaglaban kita, Shane. Pinili kong wag umalis para lang makasama ka. Pero bakit hindi mo pinaparamdam sakin na tama yung ginawa ko? Bakit ka bumibitaw? Bakit.... Bakit di mo man lang ako mapag laban?"

Tears running down on his face.

"Dahil nagising na ko sa katotohanan, Drew. Tanggapin mo nalang. Hindi talaga tayo ang nakatakda para sa isa't isa."

Umiwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko sya kayang makitang nahihirapan.

"Kahit kailan hindi ko naramdamang isuko ka....

Pero ngayon, isa nalang ang nararamdamam ko.

Shane.. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko."

Pinipigilan kong pumatak yung luha ko. Pinipigilan kong wag ipakita sakanya na nag hihina ako. Drew. Ang sakit.

Umalis sya pagkatapos nun. At ako... nakatayo dito. Naghihintay na balikan nya.

Pero hindi.

Ako may gusto nito eh. Alam kong masakit. Pero someday, mar-realize mo din na para sayo din 'to. Para satin.

Tama naman yung ginawa ko diba?

Hindi ko sya pwedeng pigilan.

Nasa ibang bansa ang pangarap nya.....

Ang buhay nya.

NOW PLAYING:

SAMSON by Regina Spektor

DREW'S POV

"Kahit kelan hindi ko naramdamang isuko ka. Pero ngayon.. isa nalang ang nararamdaman ko. Shane.. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko."

Umalis ako pagkatapos kong sabihin yun. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi na ba nya ko mahal kaya ginagawa nya sakin to?

Pinili ko sya. Pinaglaban ko sya. Ginawa ko lahat para lang hindi matuloy yung pagpunta ko sa ibang bansa. Pero ang kapalit pala nun....

Ay ang pagkawala nya.

P*ch*. Ang sakit.

Yung tipong nakikipaglaban ka... Pero yung pinaglalaban mo. Wala na pala.

Sumakay ako sa kotse para umalis. Paulit ulit sa utak ko yung mga sinabi nya.

Sa sobrang sakit..

pag iyak nalang ang tanging magagawa ko.

Unti unting lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha na bumabalot sa mata ko.

Hanggang sa di ko namalayan...

ang isang kotse...

na papunta sa direksyon ko.

----------------

----------------------

--------------------------

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Hinang hina ako. Ni hindi ko magalaw ang katawan ko para maka alis sa sasakyan na to.

Nakabaligtad pala yung kotse ko.

At ang buong katawan ko...

may bahid na rin ng dugo.

Lord. Kung kukunin mo ko ngayon.. parang awa mo na.

Bantayan mo yung babaeng pinaka mamahal ko.

Pero pwede bang wag muna?

Pwede ko pa ba syang makasama?

Kahit saglit lang.

Pwede bang sabihin sakanya yung huling salita ko para sakanya?

Shane... Mahal na mahal kita.

Pero kung hindi na talaga pwede.. kahit iparamdam mo nalang lagi sakanya.

Papikit na yung mata ko.... Pero may isang tao akong nakita na papalapit sakin.

"Drew... Drew! Magsalita ka! Naririnig mo ba ko?! Gumising ka! Binabawi ko na mga sinabi ko. Drew, ano ba! Gumising ka na..."

Narinig ko yung pag iyak nya.

"Drew. Parang--- awa--- mo na. Gumising ka..."

Shane. Naririnig kita. Patawarin mo ko. Pero sa tingin ko, hanggang dito nalang talaga tayo.

Ingatan mo sarili mo.

Mahal na mahal kita, Shane.

Kahit san man ako mapunta..

PANGAKO. Babantayan kita.

Naririnig ko parin yung pag iyak nya.

Tahan na, Shane. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Sa ngayon... bibitiw na ko.

Susuko na ko.

Shane.. magpapahinga na ko.

Hanggang dito nalang.

PAALAM.

"CUT!"

Napatayo ako sa pagkakaupo ko. Haaaay. Ang lungkot ng ending ng movie na ginawa namin ah?

Di ko carry.

"Good job, Shane and Drew. Congratulations.Sigurado ako magiging big hit ang movie na to dahil sainyo. It's nice to work with you two." Sabi ni Direk.

Hello? Kaya nga ko best actress diba? Pero syempre... mawawala ba naman ang love of my life ko? Hihi.

Kung ako, actress.. sya naman, actor. Oha. Sino ba may sabing maghihiwalay kami? HAHA. Never.

Sa Make up room.

Bigla akong niyakap ni Drew from behind.

"Hoy. Manyak! Bitawan mo nga 'ko." I said jokingly.

"Pano kaya kung nangyari talaga satin yun? Sigurado ako... mababaliw ka dahil sakin. Ang gwapo ko kasi eh." He smirked.

"Hoy, Mr. Hernandez, bakit naman ako iiyak sa taong tulad mo?" inirapan ko sya.

"Sus. Ewan ko sayo. Magpalit ka na nga." Umalis sya sa pagkakayakap sabay labas.

Parang di na mabiro eh. Tss. Hanggang ngayon, parang bata parin talaga sya. Haaay.

Pagkatapos ko magpalit... lumabas na ko.

Tignan mo yung lalaking yun, umiral nanaman ang PMS! Iwan daw ba ko? Tss. Uuwi nanaman ako mag isa nito. Urg. Hindi na sya nagbago. Nakoooo!

Binuksan ko yung bag ko para kunin yung cellphone. Ay, shemay. Naiwan ko pala sa loob ng studio! Naman!

I have no choice kaya bumalik ako. Ang dilim. Wala na kasing tao. Medyo malawak pa naman yung studio kaya nakakatakot maglakad papasok. Haaay. Di dapat ako nag iisa ngayon eh. Anobanamanyan!

Nakita ko na rin sawakas yung cellphone ko. Nalagay ko pala kanina sa may table.

Pero nung palabas na ko...

Bigla akong nakarinig ng...

-------------

Now playing: Grow old with you by Adam Sandler. Kindli click the external link ---->

-----------

I wanna make you smile. Whenever you're sad...

That voice... Its him!

Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do... is grow old with you.

Tumingin ako sa likod kung saan nanggagaling yung boses. At nakita ko syang nakatayo... sa tapat ng spot light. Drew...

I'll get your medicine, when your tummy aches... Build you a fire if the furnace breaks. Oh, it could be so nice... Growing old with you.

Lumapit sya sakin. In his dazzling smile while looking straight into my eyes.

I'll miss you.

Then.. he wrapped his arms around me.

..kiss you.

I suddenly felt his lips on mine.

Give you my coat, when you are cold. Need you. Feed you. Even let you hold the remote control.

So let me do the dishes in our kitchen sink. Put you to bed when you had too much to drink.

Then, bigla syang lumuhod. Sht, Drew. You're giving me butterflies. :''>

Oh I could be the man... Who grows old with you.

May nilabas sya mula sa bulsa nya. It was a red box. And as he opened it...

I wanna grow old with... you.

Now playing: Marry your daughter by Train.

------------------------I was dumbfounded. The last time he did this.. he asked me to be his girlfriend.

And now...

"Alam kong minsan, may pagka siraulo ako. Minsan, sweet ako... corny pa nga eh. Sobrang dami na rin nating napagdaanan. At sapat na ebidensya na yun para malaman mo.. kung gano kita kamahal. Marami akong tanong noon kung bakit tayo nagka ganun. Pero ngayon.. isang tanong nalang ang nasa isip ko.

Hahayaan mo ba kong.... makasama ka habangbuhay? Shane Carlos..... Will you be... my forever?"

Patuloy ang pagtulo ng luha sa mata ko. Habang umiiyak, napa ngiti ako sakanya.

"Drew Hernandez... Ayoko ng forever...

gusto ko... forever and ever."

He smiled and put the ring on my finger. Niyakap nya ko ng sobrang higpit.

Lord, Ang saya ko. Sawakas.. haharap na rin kami sayo... bilang isa.

Humarap sakin si Drew sabay sabi..

"Okay lang sakin kahit araw-araw pa kitang haranahin. Araw-araw, hindi ako mauubusan ng pick-up lines para sayo. At araw-araw, papakasalan kita... kahit saang simbahan mo pa gusto. Basta nandyan ka... gagawin ko lahat, para sayo."

Anoba. Pinapaiyak ako nito eh. Drew... ikaw na talaga. :''>

"Ang corny mo pa rin." I smiled.

"Tss. Minsan lang to kaya sulitin mo na." He smirked.

"What?! Sabi mo araw-araw mo k---"

Hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil hinalikan nya ko.

"Eto naman... joke lang, babe." He winked.

"Eh kasi ik---"

For the second time.. hindi nanaman nya ko pinatapos. Hinalikan nanaman nya ulit ako.

"I love you so much.. Mrs. Shane Hernandez."

Di na ko nakapag salita, Baka mamaya ulitin nanaman eh. Mag enjoy pa ko. De joke. Haaay. Sya na talaga. Ba't ang romantic masyado ng fiance ko? :"'>

Finally. Kinasal na din kami. Sobrang saya ko. At last, Hernandez na rin ako.

"Babe. Ready ka na sa interview?" Sht. Ang hot ng asawa ko sa tuxedo. HAHA.

"Ofcourse, babe." I sweetly smiled at him.

Pag upo namin, ang dami nang reporters, photographers, camera man, at kung sino sino pa.

Nakita ko din si Gwen with Carl and Zeph so I waved at them.

"So.. Mrs. Hernandez, I heard na succesful ang movie nyo and it was a big hit! Anong masasabi nyo?" sabi nung reporter.

Nagkatinginan kami ni Drew then smiled at each other.

"Actually hindi namin akalain na magiging ganito ka successful ang movie na to. At syempre di naman yun mangyayari kung di rin dahil sainyo. So sobrang thankful talaga kami." I smiled.

"Parang di kami sanay na tawagin kang "Mrs. Hernandez. Pero.. based on your background.. Your relationship started on.. facebook?" reporter asked.

This time, si Drew na yung sumagot.

"That's true. Parang bata man kung iisipin pero.. dun mas nadevelop yung feelings ko for her." He looked at me.

"Nakakatuwa naman pala ang love story nyo... pero kung gagamitin natin yun ngayon.. ano para sainyo ang pinaka bagay status?"

Parang may ilaw na nag appear sa ulo ko at pumasok sa utak ko ang mga salitang.

"IN LOVE." Kasabay kong nagsalita si Drew.

Hah. Ganun din pala nasa isip nya. :'''>

-------

A/n: Guyssss. Thank you thank you sa mga bumasa, nag comment , at bumoto. Sobrang saya ko dahil sainyo. Buti napag tyagaan nyo yung story ko kahit corny. HAHA. Thank you talaga. I love you.... :''>

You might also like