S
a kabilang dako, mahilig siyang gumuhitat magpinta – naangkin niya marahil sa kanyangamang umiwan sa kanya. Sa kabila ng kahirapan,nagsusumikap pa rin si Mannie. Noong buhay pasiya, malimit siyang lumiban sa klase tuwing arawng Miyerkules at Biyernes dahil nagtatrabaho siyasa isang
junk shop
. Tagalinis siya ng mga luma atmaruruming bote at lata – na pagkatapos ay siyana ring nagdadala sa mga pabrika.Kung tutuusin, iniidolo siya ng mgamagulang ng mga kabataan doon sa kanilangbayan dahil sa kanyang kasipagan. Ilang mgapangangaral ng mga magulang doon:“Jan! Bakit ba napakatamad mo! Bakit hindimo gayahin iyang tagalinis ng bote – si Mannie!Kay sipag! Ikaw nga, maglinis lamang ng kwartoay hindi mo pa magawa! Napakatamad mo! Sanasi Mannie na lang ang anak ko!”
“M
annie, pakisuyo naman ang mganalinis mong bote, at pakidala na rin sa pabrikadiyan sa may kanto, malapit lang naman iyon sabahay niyo. Hindi bale, dadagdagan ko na rin nglimang piso ang sahod mong Php 50.00,”pakiusap ng nagmamay-ari ng
junk shop
.“Wala pong problema sa akin, pauwi na rinnaman po ako,” ayon kay Mannie.Malapit nang gumabi nang nakarating siyasa kanyang bahay. Naroroon pa lamang siya satarangkahan ay nakamasid na ang kanyang ina sakanyang pagdating. Napansin din niyangnaglalaro na rin ang kanyang kapatid sa isangsulok.“Inay, heto na po ang kinita ko ngayongaraw,” sabay abot ng kinitang Php 55.00.Pumasok na siya sa loob ng kanilang maliit nabarung-barong. Nahiga siya sa isang lumangbanig. Sa lahat ng mga barung-barong sa kanilangbayan, ito na yata ang pinakamalinis. Maingat sasarili ang pamilya Santos. Para sa kanila,mahalaga ang pagkakaroon ng kalinisan sa isip atkatawan – sapagkat ito ang mga bagay namapanghahawakan nila pagdating ng panahon.
Add a Comment