You are on page 1of 17

KWENTONG BAYAN

Ang Alamat ng Maya


Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya. Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon. Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya Source: De Guzman, Maria Odulio (1972)

KWENTO NG PAG-IBIG MAYO AT DISYEMBRE


MAHUSAY ang pagkasulat mo nitong iyong essay tungkol sa pag-ibig, Bheng, may paghangang puna ni Leo sa matalino at maganda niyang estudyante. Journalism ocreative writing ang naghihintay sa iyong kinabukasan." Pumalakpak sa papuri ang buong klase. Tumunog ang bell at nagmamadaling nagsilabas ang mga mag-aaral na nasa silid-aralan, liban kay Bheng. Sir, salamat sa papuri mo. Pinagbuti ko iyan para sa iyo. Ikaw, Sir, ang inspirasyon ko sa pagsulat. Talaga, tila wala na akong ituturo sa iyo tungkol sa pagsusulat sa tema ng Pag-ibig. Theory lamang iyan, Sir, gusto kong ituro mo sa akin ang application. Miminsan ko lang naranasan iyon sa aking misis. Wala akong maraming karanasan tungkol doon. Titser ka, maaaring turuan mong muli ang iyong puso. Natuturuan ba ang puso? Siyempre naman, ngiti ni Bheng habang nakatitig ang malamlam na mata kay Leo. Mas alam mo yan, Sir, dahil guro ka. Sa parteng iyan e tila magaling ka kaysa akin. Kung gusto mo, Sir, e, ituturo kong lahat sa iyo ang nalalaman ko sa paksang iyan. Sige nga, bigyan mo ako ng lecture sa ganyang topic. Doon tayo sa Plaza Mabini, Sir. Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Okey. MAGKASAMANG nagtungo sa liwasan ang matalisik na guro at ang brain and beauty na estudyante. Sa unay masayang-masaya ang pag-uusap nila. Pinag-usapan nila ang ibat ibang kahulugan ng pag-ibig. Ang pakahulugan ni Balagtas sa temang ito sa walang kamatayang Florante at Laura, O, pagsintalng labis ang kapangyarihan, sampung mag-aamay iyong nasasaklaw Ang pananaludtod ni Huseng Batute, Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak! at ang sinabi ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Conrinto, Matiyaga ang pag-ibig at may kagandahang-loob, hindi ito naninibugho, nagmamapuri o nagmamataas Anupat masiglang-masigla ang kanilang makabuluhang pag-uusap. Ang bawat isa sa kanilay naghanay ng magagandang opinion tungkol sa paksang matamang pinag-uusapan. Ngunit sa dakong huliy may sinabi ang dalagang labis na ikinagulat ng guro. What? tarantang napatingin si Leo kay Bheng, anong pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? marahan subalit may tatag na bulalas ni Leo habang minamalas ang tila hugis-

pusong mukha ng dalaga. Inaaninaw niya sa kislap ng mga mata ni Bheng ang katotohanan ng ipinagtapat nito. Matipid at may bahagyang pait ang ngiting sumilay sa maninipis na labi ng binibining estudyante bago nagsilita. "Kung pagkasira ng ulo ang pakahulugan mo roon, ay Oonasisiraan ako ng bait nang dahil sa iyo," may katiyakang sagot ni Bheng habang minamalas ang maamong mukha ng kausap na guro. Tumanaw sa malayo, nakakunot ang noo at seryosong-seryoso ang mukha, ipinakita ni Leo sa dalaga ang tibay ng kalooban sa kanyang mga pahayag. Sorry, Sir, nangilid ang luha ng dalagang estudyante. Yon talaga ang aking nararamdaman. Naiintidihan o ba ang sinasabi mo? mabalasik na tanong ng guro. Sir, alam ko ang aking ginagawa at sinasabi. Isang malaking kahibangan! Hindi, Sir, nakatungo si Bheng, basta ang alam koy mahal kita! Tumigil ka sa kabaliwan mo! pinandilatan ng guro ang magandang mag-aaral niya. Sir, hwag mo akong kagalitan, hilam na sa luha ang mga mata ni Bheng. Umiibig ako, at nagkataong ikaw ang itinitibok ng puso ko. MALAKI ang agwat ng edad nina Leo at Bheng. Mag-aapatnapung taon na ang guro samantalang ang mag-aaral niya ay labing-anim na taon pa lamang. Kumbaga sa santaon, ang dalagay buwan pa lamang ng Mayo, buwan ng pamumukadkad ng bulaklak, at ng paglulunti ng paligid sa pagpatak ng ulan. Subalit kahimat buko pa lamang kumbaga sa bulaklak si Bheng, dahil sa di pangkaraniwang ganda at talino ay di kataka-takang magkaroon ng hukbo ng mga tagahanga at manliligaw. Katunayay nagkaroon na siya ng boy friend, subalit sa napakaikling panahon lamang. Kinalasan niya agad ang unang kasintahan sa isang malalim na dahilang hindi niya maarok. At nangyari ang pakikipagkalas na yaon nang makilala ang iniidolo niyang guro. Kung ihahambing ang guro sa bata pang binibini, siyay nagsisimula nang tumapak sa buwan ng Disyembre, na bagamat malamig ang dapyo ng hangin dahil sa nalalapit na kapaskuhan at sa pagpapahimakas ng lumang taon, siyay dumanas na ng pag-uulayaw ng init at lamig, ng dilim at liwanag. Hinog na siya sa karanasan at bantad na sa kaway ng mahiwagang pagsinta. Kabilang si Bheng sa Advising Section ni Leo at sa simula pa lamang nang pasukan nila ng taong iyon ay naging malapit na sila sa isat isa. Pinakamahusay palibhasa ang dalaga sa mga tinuturuan ni Leo kaya palagay ang loob ng gurong ang paglapit-lapit nito ay bahagi lamang ng pamimitagan. Datapwat ngayoy nagulumihanan siya sa narinig sa pinakamatalino at pinakamagandang mag-aaral. Hindi siya makapaniwala! Please, Bheng, huwag naman ako, nagsusumamong tinig ni Leo. Guro mo ako at eskuwela kita.

Ito ang aking nararamdaman, Sir. Supilin mo na ang damdaming, iyan, giit ng guro, nakikiusap ako. A, bastat mahal kita, biglang niyapos ni Bheng si Leo at sa pagkakaupo ng guroy inihinang ng dalaga ang kanyang mga labi sa mga labi nito. May daluyong na nag-alimpuyo sa dibdib ng guro na hindi napigilan. Sinalubong niya ng nagaapoy ring halik ang mga labi ng magandang mag-aaral. Pagkatapos ng simbuyong yaon ay pinagala ng guro ang paningin sa paligid. Salamat at walang ibang tao, nasabi niya sa sarili. ANG totoo, sa kabila ng mga pagbabawal ng guro sa iginigiit ni Bheng, ang pagtutol na iyon ay may bahid ng pagsisimpi. May hiwagang namumugad sa kanyang dibdib. May bugtong sa puso niyang di maihanap ng sagot. Dapat niyang aminin sa sariling mahal din niya ang maganda at masigla niyang eskuwela. Noon pa mang una niya itong makita at makilala ay ibig na niya itong suubin ng papuri, ibig niyang bumigkas ng isang malamyos na tula para sa binibini, palibhasay isa siyang makata at guro ng panitikang Ingles at Filipino. Ibig kong ibukas yaring abang puso Na bihag ng isang lihim na pagsuyo; Mag-aaral ka mat akoy iyong guro, Naway marinig mo ang piping pagsamo! Hindi niya magawa ang pagtulang iyon, baka pagtawanan siya, dahil sa agwat ng kanilang edad. Si Bheng ay Mayo, siya ay Disyembre. Nag-aalang-alang siya sa batambatang mag-aaral na itinitibok ng puso. Ang mga taludtod at rimang iyon ay nanatili na lamang na naglalatak sa kanyang kaibuturan. Ang lalo pang malaking dahilan kaya ayaw niyang patulan ang dalaga ay may pananagutan na siya sa buhay, bagamat hindi sila nagkakaanak ng kabiyak sa loob ng dalawampung taong pagsasama. NANG binata pa si Leo ay ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang na ipakasal sa babaeng anak ng kumpare ng kanyang ama, si Helen. Halos magsing-edad sila nito. Hindi na siya tumutol sa mga magulang dahil nang makita niya ang babaeng gusto ng mga magulang ay hinangaan na rin niya ito. Ang isa pay ayaw niyang bigyan ng sama ng loob ang mga magulang. Laki siya sa tradisyon ng pamilya na ang anak ay walang tanung-tanong na sumusunod sa ginugusto ng amat ina. Gusto rin ni Helen si Leo, kaya naganap ang kasalan. Magkaiba sila ng propesyon ni Helen. Ang babaey tagapagbalita sa radyo sa lokal na himpilan sa Lungsod ng Batangas, samantalang si Leo ay isang guro sa mataas na paaralan. Gayunmay magkasundo sila sa mga unang taon ng kanilang pagsasama.

Ang hindi pagkakasupling ng mag-asaway naging sanhi ng unti-unting panlalamig ng kanilang buhay-may-asawa. Gustung-gusto ni Leo na magkaanak datapwat ang babaey hindi mandin interesado sa gayon. Magandang babae si Helen, matangkad, at ang lalong makatatawag ng pansin ay ang magandang hubog ng katawan nito. Sa loob ng unang pitong taong pagsasamay ayaw pang mag-anak, hindi niya nais na masira ang anyo ng balingkinitang katawan. Sa pakiusap ni Leo ay pumayag na rin si Helen na mag-anak sa ikawalong taon ng kanilang pagiging mag-asawa. Subalit ang kasunduang yaoy biniro ng tadhana. Sinabi ng doktor ng pamilya na si Helen ay hindi na maaaring magkaanak. May kapansanan siya sa matris at hindi maaaring magdalantao. Ang mga pangyayaring itoy lubhang ikinalungkot ni Leo. Pumanaw ang pag-asa niyang magkaroon ng mga anak. Nalungkot din si Helen. Mula nooy mag-usap-dili ang mag-asawa, bagamat hindi naman sila nag-aaway. SIR, mahal mo rin ako, hindi ba? nakatingin ni Bheng sa guro. Nakatungo si Leo, animoy aliping natutop sa pang-uumit ng mahalagang bagay na pag-aari ng kanyang panginoon, animoy bilanggong nadakip ng kanyang tanod sa tangkang pagtakas. Huwag mong linlangin ang iyong sarili, Sir, pagpapatuloy ng dalaga, sabihin mo ang katotohanan. Magtigil ka, pagmamatigas pa rin ni Leo. Di mo ba alam na kung papatulan kitay masisira ang buhay mo? Anong halaga ng buhay kung wala ka? Dala ka lamang ng simbuyo ng damdamin, Bheng. Aminin mong mahal mo ako, yumakap ang dalaga sa guro. Ang yakap na yaoy ginanti ni Leo ng kapuwa yakap, at sa kanyang mga matay gumilid ang luha. Oo, mahal din kita, tuluyan nang naglandas ang luha sa pisngi ng guro. Napaiyak din si Bheng, Sir, mahal na mahal kita! Magtungo tayo sa upuan sa tabi ng punong-akasya, kumalas sa pagkakayakap si Leo. Kubli ang lugar na iyon, at walang makapapansin sa atin. Kumalas din sa pagkakayakap ang dalagang mag-aaral, Sige, tayo na. At sa upuang yaon, sa may punong-akasya, sa pagkukubli ng araw sa kanluran, sa pagtugtog ng orasyon, ay ganap na sumanib ang Mayo sa Disyembre. Ang nagbabalang dagim ng ulan sa tigang na bukirin ng Mayo ay tuluyang ibinuhos ng balumbon ng mga ulap. Pinaram ng Mayo ang lamig at hinahong taglay ng Disyembre. At pinagsaluhan nila ang di karaniwang timyas ng bagong luwal na pagsuyo. Bago sila maghiwalay ay muling naghinang ang kanilang mga labi. Nasa gayon silang akto nang biglang humantad ang asawa ni Leo, si Helen. Aha, ang magaling kong asawa, malakas ang tinig ng maybahay ni Leo, at kaya pala ginagabi sa pag-uwi ng bahay ay may batang-batang kerida!

Helen! mangha ni Leo. Sayang, guro ka pa naman na dapat maging huwaran ng iyong mga mag-aaral, galit na galit ang ginang. At ikaw, batang babae, na eskuwela yata niya, di mo ba alam na mawawasak ang kinabukasan mo sa lalaking iyan! Walang kibong napatungo si Bheng. Matalim na tingin ang itinudla ni Helen kay Leo, Sa bahay, Leonardo, pagkikita natin magtutuos tayo! Magsasalita pa sana si Leo, ngunit biglang tumalilis si Helen. Sumakay ng kotse at pinaharurot iyon. Sa pangingipuspos, napaupong nanlulumo si Leo, samantalang si Bheng ay umiyak nang umiyak sa dibdib ng itinatanging guro. Sa kanilang mga pusoy gustung-gustong papaghugpungin nina Leo at Bheng ang malaking puwang ng kanilang panahon. Bakit hindi sila naging magkapanahon?bakit kailangang si Bheng ay maging Mayo at si Leo ay maging Disyembre? Bakit? Hindi batid ng Mayo at Disyembre kung sa takipsilim ng kanilang lunting suyuan ay may umaga pang naghihintay! katha ni Bert Cabual (2009)

KWENTONG PAKIKIPAGSAPALARAN HIPON


Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng mga lamang dagat. Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat? tanong ni hipon Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran? Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda Wag kang mag-alala, minsan sa isang taon ay umiiba ng direksyon ang agos ng dagat, nakasanayan na ito ng mga isda.Panahon na para tumawid patungo sa malaking dagat Kung ganun, paano ang mga maliliit na isda, paano sila sasabay sa agos ng tubig, mabubuhay ba sila? pagkabahala ni hipon Tungaw! May mga magulang silang aalalay sa kanila. Yun ang ginagawa nila ngayon. Kaya nga sabay-sabay silang lumalangoy patungo sa direksyong iyon Sandali, kung nagbabago ang agos ng dagat, ibig sabihin ba ay magbabago rin ang mga kilos nila? Ha? Kasi, napag-aralan ko na ang kalikasan ay may direktang relasyon sa lamang-dagat, kung magbabago ang kalikasan ay maaapektuhan ang mga isda? Hmmm, Oo, may pagbabago, pero hindi laging masama dahil sa panahong ito rin magdadagsaan ang mga plankton, maraming makakain ang mga isda. Pero hindi lang pagkain ang dapat na iniisip natin. Ang pagbabago sa kalikasan ay maaaring makapagdulot ng pagbabago sa ugali, kailangan nating bantayan ito dahil may dagling pagbabago na makapagdudulot ng stress, halimbawa, ang pamayanan ng mga isda na biglang narelocate ay kinakailangang sundan at siguraduhing manatili sa dating ayos. Ang paglipat na ito ay magdudulot ng kaguluhan. Ganun ba yun? Oo, napag-aralan ko yan, gusto mo tulungan ko kayo sa pagsasaayos ng pamayanan ng lamang-dagat Talaga, may alam ka ba sa pamayanang lamang-dagat? Oo naman, lumaki rin ako sa dagat, hindi nga lang sa dagat na sinlalim nito, nagising kasi ako, narito na ako Ah, baka tinangay ka rin ng dagat? Siguro nga Ipinakilala si Hipon sa pinuno ng mga lamang-dagat at dagli nitong nakuha ang loob ni Lapulapu. Ang haring isda. Pinagkatiwalaan ng mga isda si Hipon upang tulungang mapanatili ang kaayusan sa paglalakbay na ito kasabay ng alon. Siguro ay kailangan nating magkaroon ng programa para ipaliwanag sa mga isda ang direksyon ng ating paglalakbay. Sabi ni tilapia

Ay sige, pero kuhain natin si dalag, siya na lang ang magpapaliwanag. sabi ni hipon Huh? Bakit si dalag, E kasi mas sanay syang magsalita? Napakamot sa ulo si tilapia e anong gagawin mo? tanong niya kay hipon Tagabasa na lang ako ng program, hindi kasi ako sanay sa ganyan At naghost nga si dalag. Dahil nga dalag siya, marami sa mga isda ang nainggit. Nagalit ang balyena at sumugod kay hipon. Bakit si dalag ang host, ang gulo tuloy ng paliwanag. Hindi ko maintindihan. Natakot si hipon Ah, e kasi, nagprisinta siya. Ayoko nga kay dalag kaso sabi niya alam daw niya ang kiliti ng mga isda. Sa susunod, ako ang kausapin mo, utos ni balyena kay hipon marami akong kakilala na mas magaling sa kanya. Alam mo naman, puro na lang laro at kasiyahan ang alam ni dalag. Aba, baka tamarin ang mga isdang nasasakupan ko at maging komplasant sila. dugtong pa nya. Naku, hayaan mo, di na mauulit yan. Ayoko ko talaga sa kanya. wika ni hipon para mahimasmasan si balyena. Naisip ni hipon na pasayahin ulit ang mga isda.Sa ganitong paraan ay nakukuha niya ang pansin ng mga lamang-dagat. Kaya nagpatawag siya ng party. Sinabi niyang hindi naman sa lahat ng panahon ay kailangang nakatuon sa gawain. Kailangang ipahinga rin ang katawan at magrelax paminsan-minsan. Sanay na sanay sa ganitong gawain ang mga hipon. Ang totoo pa nga, maraming magkaibigan ang nauwi sa pag-iibigan kahit hindi dapat (cue music intro : against all odds). Anuman ang ibinunga nito, hindi na masyadong pinag-uusapan dahil nga abala naman sila sa paglangoy at pagtawid patungo sa bago nilang pamayanan. Madalas siyang Makita sa kanyang mga kaibigan. Patambay-tambay sa ibat-ibang grupo ng mga lamang-dagat. Palukso-lukso at palangoy-langoy. Ang kanyang antenna ay tila pansagap ng lahat ng balita. Sa dami ng balitang nasagap niya, tila transmitter ng smart ang kanyang antenna. Kayang-kayang lumikha ng tsumani sa lakas ng wave! Along the way, napag-alaman ni hipon na hindi lang pagkakaibigan ang ibinunga ng kanyang palatuntunan may mga alitang namuo, kinabahan si hipon subalit sa halip na ayusin ang problema ay nakisawsaw pa sya. Tsk. Tsk. Tsk. Naghugas-kamay este basa na nga pala siya, nagmalinis ang hipon (hmmm may malinis bang malansa?) kunway wala siyang alam sa nangyayari at sinubukang ayusin ang namuuong alitan. Yun nga lang, dahil nadadala siya ng emosyon ay hindi niya napapansing lalo niyang napapalaki ang problema. Magandang araw sayo! Pwede ka bang maging kaibigan? Bati ni bangus Oo naman, tuwang-tuwang wika ni hipon Ang totoo ay ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang seahorse. Dugtong ni bangus Seahorse? Hindi ako seahorse. Isa akong hipon! Huh! E sabi ni starfish seahorse ka daw Si starfish? E kaibigan ko yun ah, bakit niya sinabi yun, mukha ba akong seahorse? Dahil dito ay naging magkaaway na mortal ang starfish at ang hipon. Habang tumatagal ay marami na ang naiinis kay hipon. Nakalimutan na nitong gampanan ang ipinagkatiwalang trabaho ang bumuo ng mahuhusay na programa para sa

lamang-dagat. Matagal bago siya nakaisip ng proteksyon para sa mga lamang-dagat. Kailangan kasi nila ng proteksyon dahil mapanganib ang pagtawid patungo sa malaking dagat. Wala ring malinaw na patakaran kung paano itutuwid nag mga pagkakamali. Walang malinaw na rules and regulations. Lahat pwedeng makipag-usap sa lahat. Walang protocol kaya nga may mga nawawalang maliliit na isda dahil sakaling makipag-usap sa gahiganteng isda ay kinakain sila nito! Nyay katakot! Hindi rin magkaintindihan kung sakaling may kautusang ilalabas, kung hindi kasi late ang paglabas ng mensahe ay mali ang mga salitang ginagamit. Nawalan ng saysay ang tiwalang ipinagkaloob kay hipon. Minsan, naisip ni hipon na gumawa ulit ng masayang programa, naisip nilang ipagdiwang ang kahalagahan ng kanilang pagiging lamang-dagat! May mga tumugon subalit mayroon ding hindi na nakibahagi. Naisip din niyang imbitahan ang mga lamang-dagat na mamasyal. Ganito na ata mag-isip ang hipon. Ang lumikha ng gawaing pansamantala. Sa kaabalahan niya sa pakikipagkwentuhan, hindi niya napansin ang malubak na daan kung kayat natapilok ang hipon at napahagis sa isang rumaragasang tubig. Sumabit ang kanyang katawan sa mga koral samantalang hindi niya nakayanan ang lakas ng tubig kaya tinangay ang kanyang ulo. Habang tinatangay ng malakas na tubig ang kanyang ulo, agad nagbalik-alaala ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay sa piling ng mga lamang-dagat. Natulala ang lahat ng nakakita, napanganga at lumabo ang dagat (kasi nga ay puro bula dahil lahat ay napanganga imaginin mo) Natagpuan na lamang ng kanyang mga kasamahan ang ulo niyang sumalpok sa burak. Hinila nila agad ang ulo at tinangkang ibalik kay hipon subalit nagdalawang-isip sila. Ano nga naman ang pinagkaiba nun, may ulo man siya o wala!

KWENTO NG TAUHAN ATE BELEN


William Padilla Nucasa

SI ATE BELEN ko, idol ko 'yan. Isusubo na lamang niya ang tinapay, kapag makita ako, ibibigay pa sa akin ang tinapay. Ang katwiran niya, di bale nang siya ang magutom, dahil kaya na niyang tiisin ang gutom, kaysa ako ang magutom. Mahal na mahal ako ni Ate Belen kaya mahal na mahal ko rin siya. Sa nakakikilala sa amin, ang ganitong turingan namin ay hindi siyang dapat na asahan. Sa ina lamang kasi magkapatid. O kaya, mas tumpak sabihin, kaming apat ay sa ina lamang tunay na magkakapatid. Uther ang pangalan ng aming panganay. Kung nasaan siya ngayon ay hindi namin alam. Basta ang sabi ni Ate Belen na sinabi raw ni Nanay, nasa poder ito ng kanyang ama. Isa raw malaking politiko, na ayaw namang banggitin ni Nanay kung sino, ang ama ni Kuya Uther. Bago ng mga iba pa, palagay ko'y kailangan ko munang sabihin kung sino dati si Nanay. Siya'y dating sikat na personahe ng pinilakang tabing na nagkaroon din ng ilang pelikulang pumatok sa takilya. Pagliliwanag: sinabi ko ito hindi upang ipagmalaki ang aking ina. Sinabi ko ito upang kahit papaano ay magkaroon siya ng larawan sa inyong imahinasyon nang sa gayo'y makita rin ninyo sa kanya ang nakita ng kung ilang bigating lalaki na napaugnay sa buhay niya. Sa puntong ito, siguro'y gusto n'yong malaman kung sino siya. Sa ilang detalyeng ibinigay ko, marahil, may mga hula-hula na kayo. Una, ipagpaumanhing sa halip na libangin ay nabigyan ko pa yata kayo ng alalahanin. Ikalawa, ipagpatawad na hindi ko talaga sasabihin. Dahil kahihiyan daw, sabi ni Ate Belen, ang maging anak ng aming ina. Mark ang pangalan ng pangalawa. Gaya ni Kuya Uther, sa larawan ko na rin lamang nakita si Kuya Mark. Tisoy ito. Anak kay nanay ng isang sundalong 'Merkano na may mataas na ranggo sa dating pwersa-militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base sa Pampanga. Noong nagsara ang Clark, isinama ng kanyang ama sa Amerika si Kuya Mark. Si Ate Belen ang pangatlo. Sa kanyang mga singkit na mata at mala-porselanang kutis, kahit huwag nang itanong, matitiyak na intsik ang ama. Kung sino, katulad ng ama ng aming mga kuya, ay wala ring pangalan. Hindi alam ni Ate Belen kung sino ang kanyang ama. At siyempre, ako. Ciriaco ang aking pangalan. "Akong" sa bahay at sa mga kalarong batang kanto. Junior ako. Ciriaco Senior, samakatwid, ang aking ama na isang tsuper ng dyipni. Kung paanong naging anak ako ng isang tsuper sa isang dating sikat na artista ay siya kong ibabahagi. Pampalubag-loob man lamang sa paglilihim ko sa inyo ukol sa katauhan ng aking ina. TULAD nina Kuya Uther at Kuya Mark, si Ate Belen man daw ay pinagtangkaang kunin mula kay inay ng kanyang intsik na ama. (Kailangan ko pa bang banggitin na sa ikatlong pagkakataon ay

isa uling kerida ang aking ina?) Kaya isang tanghaling nakaidlip ang upahang bantay, maingat na tumalilis sina nanay sa apartment. Walang tiyak na patutunguhan, tuliro, basta sumakay na lamang sila sa isa sa mga nakahintong dyip sa bahaging iyon ng Ortigas. Ang tsuper ng dyip na iyon ang nagbukas ng palad at ng pintong mapapasukan nina Nanay at Ate Belen na noo'y sanggol pa lamang. Ang tsuper na iyon ang aking ama. Naalala kong sinabi sa akin ni Ate Belen, sa aming dalawa, mas mapalad daw ako. Kasi ako, kilala ko ang aking ama. Siya hindi. Mas mapalad pa nga raw ang mga tuta kaysa sa kanya. Kasi ang mga aso, ang ama ng mga tuta, ay may panga-pangalan. Siya raw, parang biik. Pinapangalanan daw ba ang mga baboy? Sabagay, sabi niya, isang baboy ang aming ina. Ayaw kong sumang-ayon. Ipinagdamdam ko kay Ate Belen ang sinabi niyang iyon tungkol sa aming ina. Apat na taong gulang ako noong maglahong parang bula ang aking ama. Nasa malaking bahay na kami nang sekretuhan ako ni Ate Belen na "ipinatumba" mismo ng aming ina ang aking ama. Kung ano ang ibig sabihin ng "ipinatumba" ay hindi ko alam. Ang gumawa raw niyon ay mga tauhan ni Tito Boggart, ang bagong kinakasama ni Nanay. Mayaman si Tito Boggart. Sa garahe, marami siyang sasakyang puro mga bagong modelo. Malaki ang kanyang bahay. Marami rin siyang tauhan. Pero kahit laging masarap ang aming pagkain, kahit laging may mga bago akong laruan at kahit laging may mga bagong damit si Ate, ayaw namin sa kanya. Kung bakit, hindi ko maipaliwanag sa panig ko. Sa panig ni Ate Belen, iba raw ang kutob niya. Noong magpasukan, si Ate Belen, hindi si Nanay, ang nagsabing dapat akong mag-aral. Sa aming dalawa, ako man lamang daw ang makatuntong sa eskwela, magkaroon ng karera balang araw, ay ligaya na niya. Hindi pa 'ata natapos ni Ate Belen ang Grade I. Totoong kapos na kapos kami noon sa piling ng aking ama. At nag-Grade I ako. Sa mga unang araw ng klase, umiiyak ay tinatawag ng mga klasmeyt ko ang kani-kanilang nanay. Kakatwang ako, sa halip na si Inay ay si Ate Belen ang nami-miss ko. Palibhasa, wala kasi akong maapuhap na magandang alaala na sukat ika-miss kay nanay. Dapat ko na bang ipagpalagay na ako'y lahi rin ng baboy? Gayon ang mga biik, hindi ba, hindi nami-miss ang kanilang baboy na ina! Pero, ha-ha, sino ang mag-aakala na ang anak ng tsuper ay genius pala? Babasahin ko na lamang ang libro, kahit huwag nang ipaliwanag ng titser, alam ko na. Sabi ng aking guro, gifted child daw ako. Ibinalita ko ito kay inay. Wala lang sa kanya. Kay Ate Belen, ang sabi, proud na proud siya sa akin. Gayong kaunti na lamang ay halos magkasintangkad na kami, ako'y kinarga niyang parang isang bata, isinayaw-sayaw, habang tuwang-tuwang sinasabi na kapagma-pagmalaki ako!

Kalagitnaan ng Hulyo, nagkasakit si Nanay. Gayong napakaalinsangan kapag tanghali, tagtuyot noon, giniginaw raw. Iminungkahi ni Ate kay Tito Boggart na dalhin namin si Inay sa ospital. Pero sabi ni Tito Boggart ay gagaling din siya. Kaya pa raw daanin sa gamot. At totoo nga, gumaling si Inay makalipas ang ilang araw. Pero hindi naglipat linggo, nagkasakit uli. Gaya ng dati, malubha. Tapos, may mga butlig-butlig pang tumubo sa katawan. Sa ipinayat pati, hindi na mabakas sa kanya ang isang panahong isa siyang tinitiliang istarlet ng pinilakang tabing. Kabigha-bighani at kasamba-samba. Pinapantasya ng mga kalalakihan. "Makinig kang mabuti," sabi sa akin ni Ate Belen isang gabing bago kami matulog. "Lumabas sa pagsusuri na may AIDS si Nanay." Ipinaliwanag niya kung ano ang AIDS. " Higit kailanman, ngayon tayo kailangan ni Nanay. Ipakita natin, iparamdam natin, na mahalaga siya sa atin. Mahal natin si Inay, di ba?" Hinihingi ng sitwasyon, mas dapat akong sumang-ayon kaysa sumalungat. Tumango ako. Pero hindi gaya ni Ate Belen, hindi kaiyak-iyak sa akin na malamang may AIDS si Nanay. Naging matapang na siguro ako gaya ng gustong mangyari sa akin ni Tito Boggart. Pero siyempre, nandoon pa rin ang pag-aalala. Pasusuhing biik pa lamang kami ni Ate Belen. Mamamatay kami kung mamamatay ang aming ina. Ang sitwasyong ito ay nakapagtataka yatang hindi nakaapekto kay Tito Boggart. Dahil hindi naman niya tunay na asawa si Inay, inasahan naming palalayasin kami sa malaking bahay. Pero hindi iyon nangyari. Mahal ba niya talaga si Nanay? Kung pagbabasehan ang ikinikilos niyang tila nasisiyahan pa sa pagkakasakit ni Nanay, malabong mag-conclude ng gano'n. Ang kutob ko ay siya rin kayang kutob ni Ate Belen? Grade I pa lamang ako pero bahagi siguro ng aking pagiginggifted child na maunawaan na ang aming sitwasyon kahit ako'y nasa napakamurang gulang pa lamang. Maganda at makinis si Ate Belen. Batam-bata at fresh. Sa isang gaya ni Tito Boggart na nabubuhay sa mga negosyong ilegal, hindi malayong tama ang kutob ko! Nitong mga huling araw ay nakita ko nga kay Ate Belen ang pagiging tunay na anak. Personal nitong inalagaan si Inay. Maging ang pagluluto ay hindi niya ipinabahala sa mga kasambahay. Unti-unti, naka-recover ang aming ina. Bumalik ang dati niyang lusog. Agosto. Nakatutulig ang katahimikang nadatnan ko sa bahay isang tanghaling kanselado ang klase dahil may bagyo. Sa salas, wala maski isang tao. Wala si Ate Belen, wala si Nanay, wala ang mga kasambahay, wala rin si Tito Boggart. Nasa taas kaya sila lahat? Dalawang palapag ang malaking bahay ni Tito Boggart. Sa kuwarto, wala rin si Ate Belen. Magkakuwarto kami. Sa double deck, sa taas siya, sa baba ako. Sa kwarto nina Inay, nandon si Inay, mahimbing na natutulog. Sa kuwarto ng mga kasambahay, tulog din sila. Bakit sila tulog? Nasaan si Ate Belen at si Tito Boggart?

Sa isang kuwarto, nagkabuhay ang kutob ko. Naroroon, pwersahang sinisipingan ni Tito Boggart si Ate Belen. Umiiyak, nagmamakaawa ang ate ko! Diyos ko, ano ang gagawin ko? Maingat, mabilis akong bumalik sa silid nina Nanay. Sa isa sa mga drawer doon, nakita ko minsan ang nakatagong mga baril. Kinuha ko ang isa. Ang sumunod na mga eksena ay tila sa isang pelikulang aksyon. Bagamat magkakasya na ako sa kaunting awang ng pinto, sadyang pinagplanuhan ng hayok na patulugin ang lahat kaya kampanteng kahit ito'y nakabukas, tinadyakan ko pa rin ang pinto. Antimanong naagaw ko ang atensiyon ni Tito Boggart. Nakita ko ang matinding takot na bumadha sa mukha niya nang makitang nakatutok sa kanya ang baril na hawak ko. "Aba't loko ang isang 'to, a!" Sinlakas ng kulog ang sigaw ni Tito Boggart. "Bitiwan mo 'yan! Maiputok mo 'yan!" Noong tumayo ito at sugurin ako'y inasinta ko. Sa unang putok, buwal si Tito Boggart. Pero buhay pa, nagmura. Isa pang putok, nagmumura pa rin. Isa pa uling putok, tumahimik na. Tili ni Inay ang sunod na pumuno sa silid. "Bakit mo binaril ang asawa ko!?" Nilampasan ako, nilapitan niya ang nakahandusay na si Tito Boggart. Paluhod, niyakap niya ang "asawa". Mayamaya, pinulsuhan. Umiling. Saka nagmura. "'Tang ina mo! Wala kang utang na loob, napatay mo si Boggart!" Noon ko lamang ganap na natanggap, baboy nga ang aming ina! Kulang pa ba sa kanya ang naratnang kahubdan ni Ate Belen, wala halos malay, duguan ang puting kubre-kama, upang ang hilaw na asawa pa ang kampihan? "Wala kang kwentang ina! E, ginagahasa niya ang ate ko, e!" "Inakit lamang siya ng malandi mong ate!" Tumayo, humakbang palapit sa akin si Nanay. Nag-aapoy ang poot sa kanyang mga mata. Itinutok ko sa kanya ang baril. Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko kayang kalabitin. Inagaw nito sa akin ang baril. Tumalsik ako sa lakas ng kanyang sampal. "Mga walang hiya kayo! Papatayin ko rin kayo!" Itinutok niya ang baril kay Ate Belen. Pumutok. Pero hindi tinamaan si Ate. Sinugod ni Ate si Inay. Sumugod din ako. Nag-agawan kami sa baril. Bang! Bang! Duguang bumagsak malapit kay Tito Boggart si Inay. Niyakap ako ni Ate Belen. Mahigpit. Matagal. Nanginginig siya nang sabihing ligtas na raw kami.

Kinahapunan, isa sa ulo ng mga balita sa telebisyon ang kamatayan ni Inay. Pero iba ang istorya: Matapos barilin ang kanyang live-in partner, nagbaril din ng sarili ang isang dating sikat na artista. Pambababae ng kinakasama ang anggulong nasisilip ng pulisya kaya niya iyon nagawa. Natulig ako sa kataimtiman ng tahimik na pagluha ni Ate noong ibalik sa bahay ang mga bangkay. Nang maipuwesto, inakay ako niya palapit sa mga iyon. "Humingi ka sa kanila ng tawad!" Matigas ako. "Ayoko, ate!" Inulit niya. "Ate, please hindi ko maatim." Saglit na nagdigma ang aming mga titig. "Inay, Tito Boggart, patawad po! May you rest in peace!" Dalawang patak ng ligaw na luha ang sumungaw sa aking mga mata. Kasabay niyon ang pagkislap ng liwanag mula sa camera ng isa sa mga naroong reporter. Kinabukasan, iyon ding balitang iyon ang laman ng mga peryodiko. Sa kalakip na larawan, nandoon kami ni Ate Belen. Tila mga basang sisiw, lumuluhang nakatanghod sa aming mga namayapa. Pagkatapos ng libing, sabi ni Ate Belen, ay uuwi raw kami sa probinsiya. Sa bayan nina Inay, sa Naguilian, La Union. Inulit niya, ligtas na raw kami!

KWENTONG KABABALAGAHAN DILIM


MARK JOERI

May isang babaeng nagngangalang Karen siya ay kaibigan ko at mahilig siya mag kuwento sa amin.Isa ito sa mga kuwento niya na may kababalaghang nangyari. Linggo noon ng papauwi na si Karen sa kanilang bahay..parang wala sa sarili at malayo ang iniisip.Di niya alam kung anong problema ngunit di niya mapigilang maging balisa. Pagdating sa bahay ay agad siyang pumasok sa kuwarto niya at nagkulong.Marami ang naiisip niya tungkol sa buhay niya at sa pamilya niya. Ayaw niyang magpadala sa mga problemang ito pero ano ba magagawa niya masyado siyang iyakin. Mga ilang araw rin ang lumipas ng nagkaproblema ang pamilya nila. Nagkasakit ang kanyang kapatid,pinatingnan na nila ito sa doktor ngunit walang makita ang doktor na rason para magkasakit ang bata. Dahil sa kanilang kahirapan umalis ang kanyang mga magulang at naghanap ng maaring makatulong sa kanila. Ang naiwan sa bahay ay si Karen, ang kapatid na may sakit at ang isa pang kapatid na 2 taong gulang. Nag-aalala na si Karen sapagkat lalong lumalala ang lagnat ng kapatid.Maya-maya ay narinig niya ang kanyang bunsong kapatid( yung 2 taong gulang ) na tumatawa at para bang may kausap. Nang kanyang tingnan ito sa kuwarto ay nabigla siya sa kanyang nakita ang kanyang kapatid ay nasa itaas ng mesa. Di niya malaman kung paano ito nakaakyat dahil mataas naman daw ang mesa at kahit gamitan pa daw ng kapatid niya ng upuan ay di pa rin maabot.( kung iisipin 2 taon pa lang yun ). Madilim ang kuwarto dahil nasira ang ilaw dito. Nilapitan niya ang kanyang kapatid upang kunin at dalhin sa labas, ng papalapit na siya ay nakita niya na nag-iba ang mukha ng kanyang kapatid na para bang isang tiyanak, ng makita niya ito di niya mapigilang sumigaw at napatakbo pa siya sa isa niyang kapatid. Di niya alam kung ano ang nakita niya ngunit alam niyang aswang yun, sa pag-alala sa nakaka batang kapatid nilakasan niya ang kanyang loob at pinasok niya uli ang kuwarto. Sa kanyang pagpasok nakita niya ang kanyang bunsong kapatid mahimbing na natutulog at para bang walang nangyari dito. Nilapitan niya ito at tiningnan ng mabuti Oo, kapatid niya nga ito., Kaya agad niyang kinuha ang kapatid at dinala sa may sala at doon na lang pinatulog. Mga maghahating gabi na wala pa rin ang kanyang mga magulang kaya naisipan ni Karen na itext ang classmate namin na si Novae Del at sinabi niya dito ang nangyari sa kanya. Binigyan naman ng advice ni Novae si Karen na mag-dasal upang mawala ang takot niya.

Sa pagdadasal niya ay narinig niya ang isang boses na tumatawa, nanggagaling ito sa kanilang kuwarto, ang boses ay sadyang nakakatakot parang demonyo daw o isang taong nawawala sa sarili, naninindig ang kanyang balahibo, matatakot na sana siya, pero na isip niya ang sinabi ni Novae na mag dasal. ( si Novae ay makadiyos na babae palagi kasi itong nagsisimba ). Sa patuloy na pagdarasal narinig niyang nawala ang boses at napalitan ng isang lalake na nagsasalita ang sabi daw nito ay " Ano ang magagawa ng iyung pagdarasal, walang magagawa yan dahil walang diyos" pagkatapos nitong sabihin ang mga salita ay agad na tumawa ang lalake na halos sumasakit daw ang kanyang ulo sa tawa nito. Sa galit niya ay para bang nawala ang takot niya tumayo siya at kinuha ang rosaryo at pumasok sa kuwarto. Nang nasa kuwarto na siya ay nasindak siya sa kanyang nakita may isang babae na naka patiwarik at naliligo sa dugo .. Nang tingnan niya ang mukha nito doon na siya mas nasindak na halos ihimatay niya walang mukha ang babae (butas), ang nakikita niya lang ay ang mga uod na mukha. Di siya nagpatalo sa takot ang ginawa niya ay nilapitan niya ito at sinabing " sa ngalan ng diyos umalis ka dito sa bahay namin" Maya-maya ay nabigla siya nawala ang babae sa harapan niya,pero may nakita siya sa bintana isang lalake na may dalang kung ano, at tumitingin sa bahay. Natapos na ang mga nakakatakot na pangyayari ng dumating ang kanyang mga magulang at may kasama itong albularyo ang sabi ng albularyo ay meron daw nakita ang anak nito na di tulad sa atin kaya ito nagkakaganito at sinabi pa nito na nararamdaman niya raw na nasa paligid paang may dala ng sakit. Doon na nalaman ni Karen ang totoo nang sinabi ng kanyang ina ng gabing rin yun, na ang kinatatayuan ng bahay nila ay dating salvage area.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES BULACAN STATE UNIVERSITY


(Sarmient Campus) City of San Jose Del Monte, Bulacan

IBAT IBANG URI NG KWENTO

NAME: Manawat, Raymond L. YR/COURSE: BSBA 2A(mgt.) PROF. Ms. Cynthia San Diego

You might also like