You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO 1935 - "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa

na batay sa isa sa mga umiiral ng katutubong wika." (Sek. 3, Art. XIV) 1936 - (ayon sa tagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon: paglikha ng isang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA/SWP) Enero 1987 - Ang SWP ay naging LINANGAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS (LWP); Ngayon: KOMISYON ng WIKANG FILIPINO Tgapangulo: Ricardo Nolasco Nobyembre 1987-nagawa na ang resolusyon na ang wikang Filipino ang siyang maging wikang pambansa 1940-nagsimula ng magpalathala ng mga diksunaryong tagalog-ingles 1954-Pang Ramon Magsaysay ng ihayag ang kauna-unahang linggo ng wika(marso 29-abril 4) 1955-inlipat ni Ferdinad Marcos ang pagdiriwang ng wika sa agosto 13-19 1967-nagtadhana na lahat ng gusali, edipsiyo, at iba pang tangapan ng gobyerno ang pangalanan sa wikang Filipino 1968-naglabas ang kalihim na si Rafael salas ng memorandum sikular blg. 96 1970-ipinalaganap ang wikang Filipino sa buong bansa 1971-inilipat ulit ang ang pagdiriwang ng linggo ng wika sa agosto 1-30 o buwan ng wika 1974-"Edukasyong Bilingwal" 1978-isinama ang wikang Filipino sa pagtuturo sa "Tertiary Level" 1987-lahat ng antas ng paaralan nagamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo TAGALOG 1937 Batas Komonwelt Blg. 184 - Ipinahayag ng Pang. Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa TAGALOG - batay sa Tagalog lamang PILIPINO 1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 07 - Kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin - batay sa Tagalog FILIPINO 1987 Artikulo XIV, Sek. 6-9 - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino

Read more: http://wiki.answers.com/Q/Kasaysayan_ng_wika#ixzz1tb7EiwYB

Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ang Inggles ang isa paayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure("sa prinsipyo") itong iba rito

[2]

Pagsilang at layunin
Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling [2] makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa. [baguhin]Kasaysayan

at sariling katangian

Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan [3] ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod: 1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. 4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas. 5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunandalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino. Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin [4] idinagdag). Tiniyak pa ng isang resolusyon ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag). Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

[baguhin]Mga

naiibang pananaw at panukala

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog. [baguhin]Tingnan

din

Palabaybayan ng Filipino Alpabetong Filipino Mga wika ng Pilipinas

[baguhin]Mga

sanggunian

1. Resulta mula sa 2000 Census of Population and Housing: Educational Characteristics of the Filipinos, National Statistics Office, Marso 18, 2005, retrieved 2008-01-21 2.
2.0 2.1

"Filipino language," Simborio, Sharen. History of the Filipino language, Gabby's Dictionary, Gabby

Dictionary.com, nakuha noong 27 Setyembre 2008 3. Tagalog 101: Pilipino: The National Language, A Historical Sketch, ni Anak ni Filemon, 02 Marso 1998 4. "Resolusyon Blg. 92-1," Naglalahad ng Batayang Deskripsyon ng Filipino, mga nakalagda: Ponciano B. Pineda (tagapangulong komisyoner), Ernesto H. Cubar (komisyoner), Nita P. Buenaobra (komisyoner), Andrew B. Gonzalez (komisyoner), Florentino H. Hornedo (komisyoner), Angela P. Sarile (komisyoner), Bonifacio P. Sibayan (komisyoner), 13 Mayo 1992

[baguhin]Mga

kawing panlabas

Opisyal na sayt ng Komisyon sa Wikang Filipino Bisyon at misyon ng Komisyon sa Wikang Filipino Komisyon sa Wikang Filipino sa PBwiki Filipino Learners Home, online na kurso at gramatikang Filipino, at iba pang resources Isulong Seoph sa Wikang Filipino Davao dialect backed as RP national language (Manila Times) The Filipino vs. Tagalog debate: Bisalog, mula sa blog ni Chris Sundita Gaboy, Luciano L. Talahuluganang Ingles-Filipino/English-Filipino Dictionary, Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com.

You might also like