You are on page 1of 18

Pagsusuri sa Pelikulang RIZAL

John Louie A. dela Vega ECE 1-1

Jose Rizal Bayaning Third World Rizal sa Dapitan

Jos Rizal

Isang pagsusuring pampelikula ni Marilou Diaz-Abaya sa pagdulog na historikal- bayograpikal

I.

Pamagat Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan

ng paggawa ng mga pelikulat dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga.

Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito. Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang Jos Rizal ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo nat maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan.

II.

Paksang Diwa Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa

kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere.

Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa sa bisig ng mga mapanirang- puri at mapagmalabis na Kastila.

Sa pagkakatapon niya sa Dapitan ay maraming pagmumuni ang naipahatid sa atin. Bagamat naging usap- usapan ito sa mahabang panahon at hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman ang kung anong kahiwagahang batid nito sa ating pagkatao ay patuloy itong namayani sa kaisipan at nagsilbing inspirasyon sa ating mga Pilipino upang kilalanin, purihin, patayin at muling buhayin si Rizal sa ating mga diwa. Alam naman na ting lahat na malaki ang naiambag ni Rizal sa ating pambansang kalayaan gayundin sa pagkamit natin sa mga makataong karapatan kaya naman ay mataas din ang naging estado at personalidad nito sa pagkakakilanlan- sa Madrid, Belgium, Italya, Pransiya, Espanya at sa ibat ibang panig ng mundo. Tunay ngang si Rizal ay isang dignitaryo ng ating panahon na kailanman ay hindi mawawalan ang bawat isa sa atin ng rason upang makalimutan at hindi pag- aralan ang kaniyang buhay magkagayong wala pa tayo sa kalingkingan nito.

III.

Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:

Cesar Montano siya kumbaga ang highlight ng pelikula sapagkat binig-

yan niya ng dyastipikasyon ang kaniyang karakter bilang pambansa nating bayni, si Rizal. Masasabi kong naging magaling ang kaniyang pagtanggap sa karakter. Sa kaniyang katauhan din umikot ang kabuuan ng istorya. Joel Torre bilang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at Simon ng El Filibusterismo. Siya ang nasa isip ng panahong nasa Dapitan siya at gumagawa ng kaniyang mga nobela na siyang gagamitin laban sa mga Kastila. Gloria Diaz siya ang ina ni Rizal, si Aling Lolay, na ipinakita ang wagas na pagmamahal sa anak hanggang sa kahuli- hulihan ng hininga nito. Bagamat isang matanda ang kailangan nitong ganapin ay naisagawa niya ang karakter nang maayos at taos sa puso.
Jaime Fabregas siya ang abogado ni Rizal na si Luis Taviel de Andrade na

naging daan upang bigyang pag- asa ang nagdidilim na pananaw ni Rizal sa mga oras na itoy wala sa piling ng pamilya at gayundin sa minamahal niya.
Chin-Chin Gutierrez siya ang Britanya? o Ingles? na kasintahan ni Rizal.

Siyay isa sa mga babaeng pinagmulan ng mga isyung hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinutuligsa at ang pinakamainit at matindi rito ay ang usaping retraksyon, kung siya nga ba ay tumiwalag sa malaya nitong paniniwala at sumapi sa relihiyong Katoliko dahil sa pag- ibig.
Mickey Ferriols siya si ____ na naging inspirasyon ni Rizal sa paggawa

ng mga komposisyon at tula. Siya rin ang pumukaw sa damdamin nitong manghina lalo nang malaman ni Rizal ang tungkol sa pagpapakasal nito sa isang dayuhang hindi niya mahal.

Gardo Versoza - si Andres Bonifacio na naging katuwang ni Rizal sa

pagkakaroon ng cold war o isang uri ng paghihimagsik gamit ang pananalita o panulat ngunit nang maglaon ay nag- iba ito ng taktika at sinabing kailangan ng gumamit ng armas upang mapuksa ang kasamaan ng mga Kastila sa ating mga Pilipino.

Iba pang mga tauhan:

Peque Gallaga, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino, Tanya Gomez, Dominic Guintu, Crispin Medina,Tony Mabesa, Alexis Santaren, Chiqui Burgos, Rowena Basco, Marco Sison, Joel Lamangan, Tony Carreon, Roeder, Richard Quan, Cristobal Gomez, Nanding Josef, Ryan Eigenmann, Ogie Juliano, Minco Fabregas, Shelby Payne, Pocholo Montes, Jesus Diaz, Karl Meyer, LJ Moreno, Bhey Vito, Toto Natividad, Dennis Marasigan, Gregg De Guzman, Eddie Aquino, Kokoy Palma, Pen Medina

IV.

Kakintalan Si Rizal na ata ang taong hindi tumigil ang pag- ikot ng mundo sa piling ng

mga problema. Halos lahat ng kaniyang naranasan sa buhay ay puro hinanakit at pagpapakasakit. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda ay parang naitalaga na ang kaniyang sarili sa isang mahirap at napakalaking misyon- ang pagkamit ng K - A L - A - Y - A - A - N para sa libu- libong Pilipino. Ang masasabi kong pinakamasukdol na nangyari sa buhay ni Rizal ay ang pagkaipit niya sa sitwasyong siyay nakikipagtalo sa kaniyang sarili tungkol sa nasimulan, ang panahong nalaman niyang siyay iniwan ni ____ at higit sa lahat, ang pagtanggap niya nang lubos sa madayang hatol ng kolonya ng Espanya na nagawa nitong ngumiti sa kabila ng kaniyang nalalapit na sandali. Sa mga kaganapang ito ay

aking napagtanto ang hirap at dami ng sakripisyong kaniyang ginawa para sa bansa. At akoy nalulungkot dahil sa lalim ng pinaghuhugutang hangarin ay wala itong naging karamay sa mga panahong siyay nag- iisa at naghahanap ng kalinga mula sa pamilya, sa minamahal at gayundin sa sambayan.

V.

Musika Malaki ang naging impluwensiya ng musika rito sa ating pelikula sapagkat

nabigyan ang bawat eksena ng

makulay na interpretasyon. Kumbaga, ito ang

siyang naging daan upang madala ang bawat manunuod sa kung ano ang dapat maramdaman nito. Bilang isang opisyal na kandidato para sa Panorama, Berlin International Film Festival 1998, ito ay nagkamit ng mga gantimpalang BEST SOUND, BEST MUSIC at BEST SONG na siyang nagpapatunay sa kahusayan ng mga Pinoy sa pagbuo at pagsasaayos ng mga ganitong awitin.

VI.

Implikasyon sa Lipunan Marami ang naging epekto nito sa ating lipunan lalo na sa ating mga

mamamayan. Si Rizal na ating modelo ay nagsilbi ring panginoon sa iba nating kababayan - isang pagpapakahulugan na ang ating pambansang bayani ay patuloy pa ring namamayani sa ating mga pusot diwa. Hindi lamang ito sapagkat naging piso rin si Rizal at naging imprenta sa samut saring kagamitan magmula sa kasuotan, poster, aksesorya, antique at maging sa adbertisismo. Talagang napakalakas ng tama natin kay Rizal, na tila isa siyang lambanog na nagsusumamo sa ating lalamunan habang tumatagal. Ganoon din si Pepe sapagkat hindi nawala sa kaniyang listahan ang pagkamit ng kalayaan para sa bansa.

VII.

Rekomendasyon Rizal RizalRizal bukambibig araw- araw pero ang tanong, kilala mo ba

siya? Ito ang siyang dapat malaman natin nang sa ganuoy maliwanagan tayo sa ating mga pananaw tungkol sa kaniya. Maliban na lang kung ayaw mo talaga. Pero isang malaking realisasyon at pagbabago ang sa ating buhay ang magaganap kung pag- aaralan natin ang buhay niya. Hindi ko sinasabing siyay inyong panigan sapagkat kayo mismo ang magbibigay kritiko sa kaniya kapag inyong napanuod ang pelikula gayundin sa pagbabasa ng kaniyang sulatin at mga ilang libro na related sa kaniyang pagkatao. (Halimbawa: Rizal Without the Overcoat ni Ambeth Ocampo at Life and Works of Rizal ni Gregorio F. Zaide) Isa rin na dapat nating isaalang- alang ay ang pagkakaroon natin ng malaya at malikhaing daloy ng pag- iisip kay naman ay huwag nating palampasin ang ganitong pagkakataon na siyay ating ipagtanggol sa mga pagtuligsa tungkol sa kaniyang tunay na hangarin para sa bansa. Panahon na siguro upang tayoy magbalik- tanaw at siya naman ang bigyan natin ng pagpapahalaga gaya ng ginawa niya para sa atin noong nabubuhay pa siya.

Bayaning Third World

Isang pagsusuring pampelikula ni Mike de Leon sa pagdulog na historikal- bayograpikal at surealismo

I.

Pamagat Alam naman nating lahat na sa third world category nabibilang ang ating

bansa. Ibig sabihin nito, tayo ay nasa uring pasulong pa lamang ngunit naghihirap pa rin. Magkagayon man ay pinipilit o mas mabuting sambitin kong, ginagawa natin ang lahat upang makamit ang mga nakalaang hangarin at pangarap para sa bansa, gaya ng ginawa ni Rizal upang makapag- ambag ng kaunlaran sa Inang Bayan. Tulad sa sistema ng hurado, may mga prosesong dapat alamin at isaalangalang. At kung titingnan ito mula sa pelikula ay may naiungkat na bagong pagkatao ni Rizal na siya naman itong kinikritiko nang taliwas sa hindi dapat maisip ng tao. Ika nga ng mga historiko, isa itong alter ego na siyang nagpabago sa isipan nating lahat at magpapabago pa sa pananaw ng mga susunod na henerasyon. Samantala, itong mga maliliit na impormasyon na siyang nakalap dahil sa tulong na rin ng ating mga mananaliksik ang ating magiging susi sa pagtuklas ng malalaki at ebidenteng mga bagay na maaaring makatulong upang malaman ang buong istorya ng ating pambansang bayani na magpahanggang sa ngayon ay itinuturing pa ring isang misteryosong pigura at imahe sa mata ng nakararami.

II.

Paksang Diwa

A film within a film yet not cinematic enough

Ito ang masasabi ko tungkol sa pelikula. Lahat tayo ay naglalayong makilala ang ating pambansang bayani kahit sa anong paraan. At ganito nga ang ginagawa ng ating mga manunulat, historiko at mga film makers na ang tanging dahilan ay maihatid uhaw ang kanilang interes at kagustuhang mapalapit kay Rizal. Sa pelikulang nasaksihan ay tinalakay ang ibat ibang elemento na siyang sumasaklaw sa kalagayan ng ating bansa sa panahong tayoy sinakop ng mga Kastila. Dito rin naipakita ang kagitingan at buong tapang pagharap ni Rizal sa mga dayuhan upang puksain ang pwersa nila nang sa ganoon ay magkaroon ng kalayaan sa bansa. Samantala, may mga ilang eksena sa palabas na waring ang tauhan ay nagiging persona o nakakausap nito ang mga tao sa hinaharap ( tumuturo sa mga film makers) gayong ang ginaganap na karakter ay maaaring patay na o di kayay galing sa nakaraan. At ito ang siyang twist ng istorya na nagbigay kulay at bagong pakahulugan upang mas maibigan at maintindihan ng mga manunuod.

III.

Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:

Ricky Davao at Cris Villanueva Film makers

Sila ay mga direktor na gumagawa ng mga films- in- progress at isa na nga rito ay ang tungkol sa buhay ni Rizal na kung saan ay binusisi nang detal yado ang mga isyung nakadikit sa kaniyang pagkatao. Samantala, sa kalagitnaan ng pelikula ay may mga katanungang untiunting umusbong na siya naman itong nagsilbing gabay para malaman ang

mga mahahalagang bagay tungkol sa natatangi nitong istorya- ang kahigawahan at kakalasan ng bawat sulok sa buhay ni Rizal.
Joel Torre - Jose Rizal

Sa kaniya nasukat ang katibayan ng pelikula kung ito bay relevant o hindi tugma at angkop sa pagkakasunud- sunod ng kwento. Siya si Rizal na nagbigay pangaral tungkol sa kaniyang di matapos- tapos na usapin na pagsapi sa relihiyong Katoliko.
Dario Ramirez - Doa Teodora

Malaki ang naging kontribusyon ni Aling Lolay o ni Doa Teodora sa buhay ni bayani sapagkat siya ang naging susi upang patuloy na ipaglaban ang nasimulang misyon ng anak.
Rio Locsin Trining

Kumbaga, siya ang naging kasa- kasama ng ina ni Rizal habang nasa Madrid ito at noong mga panahong itoy ipinatapon sa Dapitan. Siya rin kuno ang kontrabida sa buhay ni Josephine Bracken sapagkat lagi itong di pabor lalo nang malamang silay ikakasal ng kapatid na si Rizal.
Cherry Pie Picache Narcisa

Kaisa- isang miyembro ng angkang Rizal na sumang- ayon sa pagiibigang wagas nila Rizal at Josephine Bracken.
Jooney Gamboa Paciano

Siya ang nagpasimuno at nagplano lahat mula sa pag- alis ng kapatid na si Rizal papuntang Madrid, sa pag- aaral nito ng medisina hanggang sa pagtataguyod nito ng malawakang pagtanggi sa pamamalakad sa atin ng mga Kastila noon.

Lara Fabregas - Josephine Bracken

Siya ang babaing minahal ni Rizal na pinagmulan rin ng mga isyung nakaa-kibat sa buhay ng bayani. Sinanasabing siya raw ay isang espiya ng pamahalaang Espanya upang mahikayat si Rizal na tumiwalag at maging isang Katoliko nang sa ganuoy hindi mahirapan ang kanilang hukbo sa pagsakop sa ating bansa.
Ed Rocha - Padre Balaguer

Isang misteryosong karakter na naging daan upang masaksihan ang ginawang pagtiwalag ni Rizal sa relihiyong mayroon ito kapalit ang bagong sandata na Katolisismo.

IV.

Kakintalan Masasabi kong ang pinakamataas na eksenang naibuhos mula sa pelikula o

nitong peak ay ang kaganapang kinailangang magtalu- talo ng mga direktor upang makabuo ng isang palabas na siguradong tatangkilikin ng mga manunod gayong si Rizal, ang pambansa nating bayani, ang siyang mangunguna. Alam naman nating lahat na pagdating kay Rizal ay wala tayong masyadong nakalaang interes o motibo para siyay pag- aksayahan ng oras kasi isa rin siyang ordinaryong nilalang gaya natin. Ngunit kung atin lamang pagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga pinagdaanan ay masasabi nating higit pa siya sa pagkaordinaryo sapagkat marami bagay ang siyang sinakripisyo para sa ating bayan at ito ang kaniyang pamilya, pagkatao at pag- ibig. Marahil ay ito na nga ang pinakamahirap na pagkakataong maaaring pagdaanan ng isang tao sa kaniyang buhay ngunit hindi tulad ng dinanas ni Rizal ay natatangi ang tapang at katatagan na kaniyang ipinakita kaya naman ako mismo ay

humahanga sa kaniyang kagitingan at lubos na pagmamahal sa Inang Bayan kahit sa kabila ng mga problema at ng malaking ekspektasyon mula sa kaniya.

V.

Musika Tulad ng bawat parte ng ating katawan, ang musika o tunog ay may malaking

epekto o kontribusyon sa ating pagkatao gayundin pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Ang musika ang siyang nagbibigay himig at melodya sa palabas at dahil dito ay mas nahihikayat ang mga manunuod na itoy pagtuunang pansin.

Ang musika ang siya ring bahagi ng isang pelikula upang makumpleto ang daloy ng kwento. Ito kasi ang nagbibigay ng aliw sa mga sandaling ang daratnan nitoy isang dead air na eksena.

VI.

Implikasyon sa Lipunan

Hindi na natin maiaalis sa ating bukabolaryo ang pangalan ni Rizal. Siya ang, sabihin nating, pinaka- esensya ng ating pagka- P I L I P I N O dahil kung hindi rin sa kaniya ay hindi natin maipaglalaban ang ating mga karapatan na sinupil ng mga manlulupig. Siya nga ang nagsilbi nating inspirasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan nating hangarin at ito nga ay ang pagpapalaganap ng katiwasayan sa ating bansa sa pamamagitan ng hindi pag- oorganisa o pagbuo ng himagsikan kundi pagkakaroon ng pang- unawa at di biolenteng kilusan. Isa pang implikasyon nito sa ating komunidad ay ang pagkakaroon ng ibat ibang kaisipan hinggil sa karakter niya. May mga nagsasabing siyay isa na lamang anino mula sa nakaraan na kailangan ng kalimutan at may nagsasabi ring malaki

ang naging utang na loob sa kaniya kaya dapat siyay maging parte ng ating mga buhay. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit labis na iniindorso ng gobyerno ang kaniyang mga obra magkagayong sa simbahan ay hindi. Ito bay may kinalaman sa hindi niya pagsanib sa Katolisismo o hindi talaga saklaw ng simbahan ang tungkol sa kaniya? Madami pa nga talaga tayong dapat malan tungkol sa kaniya

VII.

Rekomendasyon

Sadyang ang pangalang Rizal ay hinahamak sa panahong yaon. Ni hindi alam ng karamihan kung saan at kailan ito pinatay. Ang nakakatawa pay hindi rin alam ang buong pangalan nito. Haay, ang buhay nga naman, nabahiran lang ng konting limos ng teknolohiya ay tila nakalimutan na ang kasaysayang mayroon tayo. Teka nga, si Rizal bay isang kasaysayan o isa na lamang ba siyang mantsa sa ating mga isipan na hindi matanggal- tanggal kahit anong gawin natin? Siguro nga, pero hindi tulad ng sa bibliya na pagkapanganak pa lamang natin ay makasalanan na tayong ganap. Speaking of, nag- retract nga ba si Rizal? Ano sa tingin niyo? Pwes, para sa akin ay Bibitinin ko na lamang kayo pagkat mas maiintindihan ninyong mabuti ang lahat ng pangyayari sa buhay ni Rizal kung inyoy itong mapapanuod o di kayay mabuklat sa sandamakmak na librong nakakalat sa ating mga aklatan. Ganyan kasikat si Rizal, ni ultimo sa fasion industry ay kaniyang napasok. Paano pa kaya sa panahong makinarya na lamang ang nagpapaandar ng ating pagiisip at katawan?

Rizal sa Dapitan

Isang pagsusuring pampelikula ni Tikoy Aguiluz sa pagdulog na historikal- bayograpikal

I.

Pamagat Rizal sa Dapitan Sa pamagat pa lamang ay mauunawaan na natin ang kung ano ang nais

ipamutawi sa atin ng pelikula. At gaya ng nabanggit, sa Dapitan halos nabuo ang kaniyang mga nobela kung saan ito ang siyang kaniyang ginamit upang ipaglaban ang ating karapatan sa ating lupang tinubuan gayundin sa iba pang mga karapatan lalo na ang usaping diskrimasyon na kung saan halos lahat ng tao sa panahon ng kanilang pananakop ay tinatawag na indio o mababang uri o klase ng tao sa lipunan. Magkagayon pa man, dahil sa kagustuhan nating ipagtanggol ang mga sarili ay nanatili tayong mapagpanggap ngunit sa maayos na pamamaraan. Sa bandang huli ay nagpakatotoo tayo at doon iniwaksi ang lahat ng ating mga hinaing gaya ni Rizal na ang tanging isinisigaw ay K A L A Y A A N at libong inosenteng Pilipino. H U S T I S Y A sa pagkamatay ng libu-

II.

Paksang Diwa Ipinapakita ng bahaging ito kung paano mas pinahirapan ang mga salat sa

buhay na siyang pinakamarami sa Pilipinas at ito ay sa kadahilang MALI ang naging pagpapatakbo sa mga patakaran ng pamahalaan lalo pat tayoy napasakamay sa kolonya ng mga Kastila.

Sa pelikulang ito naihatid rin ang mga senaryo na kung saan itinuring si Rizal bilang isang tao ng substansya na siyang nagdadala ng malaking rebelasyon upang tuluyang maibunyag sa lahat ng tao ang napakawalang- hiya at kahitikang sa atit nilang ginawa.

III.

Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:

Albert Martinez Jose Rizal

Sa kaniya umikot ang daloy ng istorya. Siya, na ating pambansang bayani, ang nagsilbing ating inspirasyon upang gisingin sa pusot diwa natin ang tunay na kahulugan ng kalayaan at karapatang pantao.
Amanda Page Josephine Bracken

Siya ang naging sentro ng buong istorya. Sa pamamagitan niya rin ay naipakita ang mga ginagawa ng mga nakatataas noon sa mga kababaihan. Dahil sa kaniya, nag- ugat ang isyung retraksyon na kinasangkutan ng ating pambansang bayani na hanggang ngayon ay naging usapin sapagkat hindi malaman ang buo at awtentikong buod ng mga pangyayari noon.

Iba pang mga tauhan:

Candy Pangilinan

IV.

Rustica Carpio Tess Dumpit Roy Alvarez Noni Buencamino Chris Michelena Junell Hernanado Jimmy Fabregas Soliman Cruz Paul Holmes Kakintalan Ayon kay Rizal, kadalasang sinasabi ng mga manlilinlang na mali ang

magtiwala sa sariling desisyon ng mga tao sapagkat lumalabas silang nagkukunwaring mga mensahero ng Diyos. Dahil dito, hindi raw dapat makinig lang sa sariling pagpapasya kundi dapat mas lalo pa sa ibang mga tao. Ngunit sa katotohanan, kahit ano pang pilit ng mga kura na tanggalan tayo ng sariling pag-iisip o kontrolin pa ang ating mga saloobin, mananatili pa rin ang konklusyon na kaya nila ito nagagawa sa atin ay dahil sa nakikita nila ang ating mga kahinaan o lalo pa nilang ginagamit sa kanilang panig ang ating pagtatanga-tangahan. Napakabigat na hamon para sa mga mamamayan ang pagkitil at pagsugpo sa malawakang kahirapan na dulot ng pananakop sa atin ng mga dayuhan partikular na ng mga Kastila. Balakid ito sa layunin ng bawat isa na umunlad at guminhawa ang buhay. Ito ang siyang pinakamabisang

interpretasyong ipinakita sa pelikula, si Rizal habang nilalabanan ang sarili para sa ikabubuti ng lahat.

V.

Musika Tunay ngang napakalaki ng impluwensyang nagagawa ng musika sa

isang pelikula sapagkat ito ang siyang nagiging daan upang maisaisip ng mga manunuod ang pelikula at ganito nga ang nangyari sa obra nina Nitoy Clemente at Jimmy Fabregas na kapwa naghirap sa paggawa ng mga komposisyong babagay sa tema ng buong pangyayari sa istorya kaya naman ito ay nagkamit ng gantimpalang BEST MUSIC at BEST SOUND sa Manila Film Festival at Philippine Movie Press Club.

VI.

Implikasyon sa Lipunan Sa panahon natin ngayon ay ang kabataan ang siyang nangunguna sa lahat.

Pagdating sa edukasyon, ekselensya at maging sa pamumuno. Ngunit ang huli ay kakwestyon- kwestyon. Oo, ang kabataan ngay magaling at magaling pa ring turing ngunit sa tingin koy mas makabubuti kung sa pulitika ay huwag na silang umekstra pa sapagkat ang dila ng kabataay matalim at handa nitong hamakin ang lahat masunod lamang ang layon nito. Ngunit, ano nga ba ang layunin nila? Ito bay magkaroon ng puwang sa mga pangyayari sa pagitan ng three- dimensional fold ng ibat ibang bagay sa mundo o ang magpakitang gilas lamang sa mga nakatataas sa kanila?

Gaya nga ng ulat ng ating mga Rizalista, nakakatakot raw ang magkaroon ng isang away- kabataan sapagkat hindi sila titigil hanggang silay hindi nagpupunyagi? Di tulad ni Rizal na nagsilbing aking inspirasyon upang ipakita ang tunay kong nararamdaman sa madla sa pamamagitan ng di biolenteng pamamaraan. At sanay ganito nga ang nakitang implikasyon ng ating mamamayan sa mga sulatin ni Rizal.

VII.

Rekomendasyon

Naniniwala ako na sa mga panahong tayoy dakpin ng mga Kastila ay natatakot lamang ang mga tao na paunlarin ang mga sarili at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sapagkat alam nila na masyadong mapagmataas ang mga Kastila at kapag nakakakita ito ng mga taong ka -lebel nila sa konteksto ng edukasyon at kaalaman, hindi malabo na tawagin nila itong mga erehe kahit walang sala. Bagamat ang isyu ukol sa pagkatao at ugali ng mga kababayan natin noon ang naging sentro ng sanaysay, hindi natin maikakaila na sa katotohanan, tinalakay dito ang mga bagay na dapat matutunan o mailagay sa isip ng bawat Pilipino. Isa rin itong mapagpalayang akda sapagkat kitang kita dito ang pagpapahalaga ni Rizal sa intelektwal na kapasidad ng bawat tao na siya namang pilit na kinukondena at kinokontrol ng mga mananakop. Marami pang mga bagay ang siyang naipresenta mula sa pelikula at sigurado ako na kapag itoy tinangkilik ng ating kapwa Pilipino ay mararanasan din nila ang naging buhay ng mga naapi noon sa madungis at masahol na pamamalakad sa atin ng mga Kastila.

You might also like