Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
1Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Rep. Rafael Mariano Privilege Speech on P125 and Labor Day 2012

Rep. Rafael Mariano Privilege Speech on P125 and Labor Day 2012

Ratings: (0)|Views: 419|Likes:
Published by Anakpawis Partylist
Anakpawis Rep. Rafael Mariano Privilege Speech on P125 and Labor Day 2012 (delivered May 16, 2012)
Anakpawis Rep. Rafael Mariano Privilege Speech on P125 and Labor Day 2012 (delivered May 16, 2012)

More info:

Published by: Anakpawis Partylist on May 17, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOCX, TXT or read online from Scribd
See More
See less

05/17/2012

pdf

text

original

 
1
Privilege SpeechAnakpawis Rep. Rafael V. MarianoIsang Pagpupugay at Pakiisa sa Uring Manggagawa
May 16, 2012 (As delivered)Una sa lahat Madam Speaker, mga kapwa ko Kinatawan, nagpupugay ang AnakpawisPartylist sa lahat ng mga manggagawang Pilipino at manggagawa ng buong daigdig saPandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno.Makabuluhan at matagumpay ang naging pagdiriwang ng Araw ng Paggawa saPilipinas. Libu-libong manggagawa at mamamayan ang kumilos at sumama sa mgaaktibidad ng Kilusang Mayo Uno.Naging tampok na isyu sa nagdaang Mayo Uno ang malakas na panawagan ng mgamanggagawa para sa pagsasabatas ng P125 across-the-board dagdag sa arawangminimum na sahod, pagbabasura ng patakaran ng kontraktwalisasyon sa paggawa,panawagan laban sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, bilihin at serbisyo atang papalawak na pakikialam ng mga tropang militar ng Estados Unidos sa ating bansaat ang nagpapatuloy na pandarambong ng mga dayuhang kapitalista sa bansa.Makatwiran at balido ang mga panawagang ito na nangangailangan po ng kagyat natugon mula sa gobyerno.Madam Speaker, tungkulin ng gobyerno na tiyakin na may sapat at nakabubuhay nasahod at seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Ayon nga sa probisyon ng 1987Constitution Article XIII on Social Justice and Human Rights, Section 3, ganito po angitinatadhana -
”The State shall afford full protection to labor, local and overseas,
organized and unorganized, and promote full employment opportunities for all. It shall guarantee the rights of all workers to self-organization, collective bargaining negotiations, and peaceful concerted activities, including the right to strike in accordance to law. They shall be entitled to security of tenure, humane conditions of 
 
2
work, and a living wage. They shall also participate in policy and decision making 
 processes affecting their rights and benefits as may be provided by law.” 
Gayundin,
ginagarantiyahan sa ating Kontitusyon na nararapat bigyan ngpagpapahalaga ang mga manggagawa
 –
 
Article 2. Sec. 18. clearly provides that the State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare.
” 
Ang pamilya po ng mga manggagawa ay may karapatan sa nakakabubuhay na sahod at kita na siyang itinatadhana ayon sa Article 
 XV Section 3. ”The right of the family to a family living wage and income
.
” 
 
Kaugnay nito Madam Speaker, nais kong sagutin ang ilang punto kaugnay sa LaborDay Message ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Kung noo
ng una‟y
tagapagsalita lang ng Pangulo ang nagpahayag, nitong Mayo Uno, siya mismo angnagsabing ang P125 dagdag na sahod ay (a) napakabigat para sa ekonomiya at (b)hindi na magiging kaakit-akit ang bansa sa dayuhang mamumuhunan kumpara sa ibangkaratig-bansa. Direktang ibinasura rin ng Pangulo ang anumang panawagang pawiinang masahol na patakaran ng kontraktwalisasyon sa paggawa.Nagbigay ng kwentada si Pangulong Aquino na sa aming pagtingin ay mali atnakakalinlang sa publiko, laluna sa mga manggagawa. Sa aking narinig sa talumpati niPangulong Aquino, inulit lamang niya ang kwentadang inilabas ng Malakanyang saisang
press briefing 
 
noong Marso para palabasin na ‟hindi
ka
ya‟ ng lokal na ekonomyaat ‟
sobra-
sobra‟ ang hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa.
 Noong Mayo Uno, sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang komputasyon,
”125 pesos
across the board, i-multiply natin ng 22 araw sa isang buwan na nagtatrabaho ang isang tao, i-multiply natin ulit ng 13 buwan, tapos i-multiply po natin sa 40 million na manggagawang Pilipino. Ang lalabas pong figure dito ay P1.43 trillion 
uulitin ko lang po: P1.43 trillion. One point four-three trillion ang ilalabas sa isang ekonomiyang 
nagkakahalaga ng mga walo hanggang siyam na trillion piso na ‘yung total po ng ating buong ekonomiya.” 
 
Ngunit ayon sa sariling datos ng gobyerno sa inilabas na January 2012 Labor ForceSurvey, 40.3 milyon ang bilang ng total labor force at 37.394 milyon ang kabuuangbilang ng employed o may trabaho. Sa bilang na ito, 54.8% o 20.4 milyon ang wage andsalary workers. Umaabot sa 41.6% o 15.6 milyon mula sa employed ang sumasahod sa
 
3
pribadong kumpanya o empresa; 8.2% o 3.07 milyon ang empleyado o sumasahodmula sa gobyerno; at 3.6% o 1.3 milyon ang may sariling kita ("own account workers")at 11% o 4.3 milyon ang "unpaid family workers."Madam Speaker, ang House Bill 375 na nakahapag sa mababang Kapulungan ngKongreso mula pa noong 13th Congress at nakamatayan na ni dating Anakpawis Rep.
Crispin „Ka Bel‟
B. Beltran ay nagpapanukala ng P125 dagdag na sahod sa mgamanggagawa ng pribadong sektor. Hindi kabilang ang mga empleyado ng gobyerno, atang mga hindi sumasahod o self-employed at mga unpaid family workers.Madam Speaker, mga kapwa ko Kinatawan, malinaw na ang paggamit ng gobyerno ng
"40 million workers" o kabuuang “labor force” ay para palobohin o palakihin ang suma
-total ng pinapanukalang wage increase, ay pansindak sa hindi nakakaunawa sa mgatermino at abra-kadabrang mahika sa estadistika ng gobyerno, para ipakita diumano namasyadong malaking halaga ang kakailanganin, at walang pagkukunan ang ekonomyapara sa dagdag sahod ng mga manggagawa.Madam Spe
aker, pinalamutian lang ng ‟bagong datos‟ ang mga lumang argumento
laban sa panawagan ng dagdag sahod. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit muli nanamang nakipagkoro ang gobyerno sa mga employer at kapitalista sa paglaban atpagmaliit sa makatwirang panawagan ng mga obrero. Ayaw ng gobyerno na magbigayng makabuluhang dagdag na sahod sa mga manggagawang Pilipino. Nagkakasya naito sa pagbibigay ng limos o mumo para sa mga manggagawa. Ang mga regionaltripartite wages and productivity boards, halimbawa sa Cagayan Valley, nagbigay ngP10; sa Region 5 o Bicol region P3 to P23; sa Socksargen o Region 12 nagbigay ngP10 hanggang P14 Cost of Living Allowance, na hahatiin pa sa dalawang bigay ngayontaon. Sa Western Visayas o Region 6, nagbigay ng P12; at sa CALABARZON o RegionIV-A, nagdagdag ng P2 dagdag sa basic pay at P12 productivity allowance. Nag-uusappa ang National Capital Region wage board, ngunit inaasahan na kung hindi COLA,maliit na dagdag lamang ang ibibigay nito.Madam Speaker, kung nakakalimutan na ni G. Aquino, nabuo ang mga wage boardsnoong termino ng kanyang yumaong ina
 –
ni dating Pangulong Corazon C. Aquino. Saloob ng 23 taong pag-iral ng regional wage boards, pinanatiling napakababa ang sahodng mga manggagawa. Simula nang itatag ang mga regional wage boards (RWB) noong1989, pinakamataas nang dagdag-sahod na natanggap ng mga manggagawa ang P36

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->