You are on page 1of 125

Ang Ikatlong Republika

Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa

Click to edit Master subtitle style

Paglaya ng Pilipinas
Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas.

Talambuhay ni

Manuel A. Roxas
Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acua Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso

Panunungkulang Pampubliko
Konsehal, Bayan ng Capiz Gobernador, Lalawigan ng Capiz Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 Founding Chairman, Liberal Party Delegado ng 1935 Constitutional Convention

Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas


Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. Paglutas sa isyu ng kolaborasyon.

Philippine Trade Act


(Bell Trade Act, Parity Rights)
Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas.

Amnestiya sa mga Collaborators


Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagbigay ng pagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon.

Suliraning Pangkatahimikan
Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan.

Pagkamatay ni Pang. Roxas


Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino.

Panunungkulan ni

Elpidio R. Quirino

Click to edit Master subtitle style

Talambuhay
Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur Magulang: Mariano at Gregoria Rivera Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Alicia Syquia Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches, Quezon City

Panunungkulang Pampubliko
Kinatawan ng Ilocos Sur Senador Gabinete ni Pang. Quezon (Finance at Interior) Pangalawang Pangulo Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Administrasyong Roxas
Pamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria, Conchita at Thomas

Nanumpa bilang pangulo si Elpidio Quirino matapos mamatay si Pang. Roxas noong Abril 15, 1948. Muli siyang nahalal na pangulo noong Nobyembre 1949 at nanungkulan hanggang Disyembre 1953.

Namatay ang asawa at tatlong anak ni Pang. Quirino noong panahon ng digmaan. Nang siya ay naging pangulo, tumayo bilang first lady ng bansa ang bunsong anak ni Pang. Quirino na si Victoria.

Mga Programa ng Administrasyong Quirino

Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo Pagharap ng Suliranin sa mga Huk

Ama ng Industriyang Pilipino


Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industralisasyon.

Mga Programang Pangkaunlaran


Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa

Lumang gusali at logo ng Bangko Sentral.

Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo


Sinikap ng Administrasyong Quirino ang makipag-ugnayan sa maraming bansa upang mabigyang-lunas ang banta ng komunismo. Nanatili bilang aktibong kasapi ng United Nations ang Pilipinas. Nahalal bilang pangulo ng UN General Assembly si Carlos P. Romulo.

Philippine Expeditionary Forces To Korea (PEFTOK)


Bilang pakikiisa sa paglaban ng komunismo, nagpadala ang Pilipinas ng mga kawal upang makipaglaban sa Digmaan sa Korea (19501953). Isa sa mga kawal na ipinadala sa Korea ay si dating pangulong Fidel V. Ramos.

Pagharap ng Suliranin sa mga Huk

Pinili ni Pang. Quirino si Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa. Dahil dito, unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc.

Amnestiya para sa mga Huk

Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR). Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

Konklusyon:
Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ng Administrasyong Quirino, subalit nabigo ang kanyang mga programang pangkaunlaran sapagkat laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil dito, siya ay natalo sa sumunod na halaan noong 1953 ni Ramon Magsaysay.

Panunungkulan ni

Ramon Magsaysay

Talambuhay
Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales Magulang: Exequel at Perfecta del Fiero Edukasyon: Jose Rizal College (Komersyo) Asawa: Luz Banzon Anak: Teresita, Milagros at Ramon Jr. Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal, Cebu

Panunungkulang Pampubliko
Military Governor ng Zambales matapos ang digmaan Kongresista ng Zambales Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong Quirino
Pamilya ni Pang. Magsaysay (standing LR) Teresita, Ramon Jr. at Milagros; (Kanan) First Lady Luz Banzon-Magsaysay

Alam nyo Ba?


Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa sa Malakanyang. Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga pormal na okasyon.

Alam nyo Ba?


Si Pang. Magsaysay ang una (at tunay) na pangulo mula sa angkan ng mahihirap. Ang kanyang ama ay isang panday at siya ay nagtrabaho bilang mekaniko sa isang talyer ng bus upang tustusan ang kanyang pag-aaral. Ito ang nagsilbing ispirasyon ng kuwentong Ang Panday bilang tagapagtanggol ng naaapi.

Alam nyo Ba?


Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa wikang Filipino. Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo 1956, ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura.

Alam nyo Ba?


Magsaysay is my Guy!
Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng guerilla campaigning. Ito ay ang paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may halalan.

Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay


Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino Pagpapaunlad ng mga baryo Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

Social Security Act


Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

Tulong sa mga Magsasaka


Sa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan. Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

Pagpapa-unlad sa mga Baryo


Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo. Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa


Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng komunismo. Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang Reparation Agreement noong May 9, 1956. Ito ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang dulot ng digmaan.

Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)


Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang magabot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay


Matapos dumalo sa graduation ceremony sa Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957. Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu.

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay

Bahagi ng eroplano na ginawang marker sa Mt. Manunggal, Libing ni Pang. Magsaysay at kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

Konklusyon:
Labis ang naging pagluluksa ng mga Pilipino sa pagkamatay ng Kampeon ng Masa. Humalili sa kanya bilang pangulo ng bansa si Carlos P. Garcia.

Panunungkulan ni

Carlos P. Garcia

Talambuhay
Pagsilang: Nob. 4, 1896 sa TaIibon, Bohol Magulang: Policronio at Ambrosia Polistico Edukasyon: Philippine Law School (Law) Asawa: Leonila Dimayuga Anak: Linda Kamatayan: Hunyo 14, 1971 sa Quezon City

Panunungkulang Pampubliko
Kongresista ng Bohol Gobernador ng Bohol Senador Bise-Presidente Kalihim ng Ugnayang Panlabas sa Administrasyong Magsaysay

Alam nyo Ba?


Maliban sa pagiging politiko, si Pang. Garcia ay isang sikat na makata ng wikang Cebuano. Dahil dito, siya ay tinawag bilang Prince of Visayan Poets.

Alam nyo Ba?


Nanungkulan bilang pangulo si Carlos Garcia ng mamatay si Pang. Magsaysay. Muli siyang nahalal na pangulo sa halalan noong 1957 ngunit nanalo si Diosdado Macapagal na pangalawang pangulo na mula sa Partido Liberal.

Mga Programa ng Administrasyong Garcia


Programa sa pagtitipid Patakarang Pilipino Muna Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino Military bases Agreement

Austerity Program
Programa sa Pagtitipid
Layunin nito na mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay ng simple at matipid. Hinihikayat din nito ang pamahalaan na maging matalino sa paggasta.

Filipino First Policy


Programang Pilipino Muna
Layunin nitong bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa pagkakamit ng lupa, puhunan at pangangasiwa sa negosyo bago ang mga dayuhan. Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga kalakal na gawa sa Pilipinas.

Pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino


Layunin nitong buhaying muli ang ilang mabubuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng kasipagan, delicadesa at pagkamasinop. Hinimok nito ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Troupe sa ibat ibang bansa.

Military Bases Agreement


Layunin nitong magkaroon ng mga pagbabago sa unang kasunduan tungkol sa isyu ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas. Pagpapaigsi sa pananatili ng mga base militar sa Pilipinas ng 25 taon mula sa orihinal na 99 taon.

Si Pang. Garcia at Pang. Dwight Eisenhower ng US sa isang pagpupulong sa Malakanyang.

Konklusyon:

Hindi lubos na nagtagumpay ang mga programa ni Pang. Garcia upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino. Naging laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Nagkaroon din ng krisis pampulitika sa hanay ng Partido Nasyonalista. Dahil dito, tinalo siya ng kanyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal sa halalan noong 1961.

Panunungkulan ni

Diosdado Macapagal

Talambuhay
Pagsilang: Sept. 28, 1910 sa Lubao, Pampanga Magulang: Urbano at Ramana Pangan Edukasyon: Philippine Law School (Law) Unang Asawa: Purita dela Rosa Anak: Cielo at Arturo Ikalawang Asawa: Evangelina Macaraeg Anak: Diosdado Jr. at Maria Gloria Kamatayan: Abril 21, 1997 sa Quezon City

Panunungkulang Pampubliko
Kalihim ng Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos Kongresista ng Pampanga Bise-Presidente

Alam nyo Ba?

Sa bisa ng Republic Act No. 4166 na ipinasa noong Agosto 4, 1964, ipinag-utos ni Pang. Macapagal ang paglilipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Hulyo 4 bilang pagkilala sa Unang Republika ni Pang. Emilio Aguinaldo. Ang Hulyo 4 ay naging Philippine-American Friendship Day.

Mga Programa ng Administrasyong Macapagal


Pagtulong sa mga Magsasaka MAPHILINDO Pagpapalaganap ng wikang Pilipino Pag-aangkin sa isla ng Sabah

Agricultural Land Reform Code


RA 3844
Layunin nito na mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka. Hinati at ipinamahagi sa mga magsasaka ang mga lupa ng pamahalaan at mga pribadong may-ari na hindi nagagamit. Hindi ito naging lubos na matagumpay sapagkat tinutulan ito ng mga mayari ng lupa.

MAPHILINDO
Noong ika 7-11 Hunyo, 1963, lumagda ang mga lider ng bansang Pilipinas, Indonesia at Malaysia ng isang kasunduan na magkaroon ng matibay na pag-uugnayan at pagtutulungan. Dito nabuo ang samahang MAPHILINDO.

Pilipinismo
Ipinag-utos ni Pang. Macapagal ang paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyong pandiplomatiko, diploma, sertipiko at iba pang opisyal na dokumento. Kasama rin dito ang pagpapalit ng mga pangalan ng kalye, gusali ng pamahalaan at mga kautusan sa militar sa Pilipino.

Pag-aangkin sa Sabah
Sa panahon ni Pang. Macapagal, nagharap ang Pilipinas ng karapatan sa pagmamay-ari sa Sabah. Ang Sabah (North Borneo) ay dating pag-aari ng Sultan ng Brunei na ibinigay niya sa Sultan ng Sulu dahil sa pagtulong nito sa pagsupil ng rebelyon sa Brunei. Sa ginawang plebisito ng United Nations Secretariat, ninais ng mga taga-Sabah na mapasailalim sa Federation of Ang isla ng Sabah (itaas) at Sultan ng Malaysia.
Sulu (ibaba).

Konklusyon:

Dahil sa magandang layunin ni Pang. Macapagal para sa mga magsasaka, kinilala siya bilang Ama ng Reporma sa Lupa. Ngunit dahil sa laganap na katiwalian at mga political scandals na kinaharap ng kanyang administrasyon, tinalo siya ni Ferdinand Marcos sa sumunod na halalan noong 1965

Panunungkulan ni

Ferdinand E. Marcos

Talambuhay
Pagsilang: Sept.11, 1911 sa Sarat, Ilocos Norte Magulang: Mariano at Josefa Edralin Edukasyon: University of the Philippines (Law) Asawa: Imelda Romualdez Anak: Irene, Ferdinand Jr. (Bong-Bong), Imee Kamatayan: Sept. 28, 1989 sa Honolulu, Hawaii

Panunungkulang Pampubliko

Kongresista ng Ilocos Norte Senador Senate President

Alam nyo Ba?

Si Ferdinand Marcos ang tanging pangulo na muling naihalal (1969). Siya rin ang naging pangulo sa pinakamahabang panahon (19651986). Nagyari ito dahil sa pagpapaliban ng halalan at ang pagpapalit ng saligang batas.

Mga Programa ng Administrasyong Marcos


Programa sa Reporma sa Lupa Proyektong Imprastruktura Green Revolution Paglinang sa Kulturang Pilipino

Programa sa Reporma sa Lupa


Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Itinatag din ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang mamahala sa pamamahagi ng lupa.

Proyektong Imprastruktura
Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang The Architect of the New Society

Green Revolution
Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran, gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote.

Paglinang sa Kulturang Pilipino


Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.

Konklusyon:
Naging maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino ng kanyang panunungkulan (1965-1969). Ngunit sa pagtatapos ng kanyang ikalawang termino, dumanas ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya ang Pilipinas. Dahil dito, ipinatupad ni Pang. Marcos noong Sept. 21, 1972 ang Batas Militar. Dito nagwakas ang Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Panunungkulan ni

Corazon C. Aquino

Talambuhay
Pagsilang: Enero 25, 1933 sa Maynila Magulang: Jose Cojuangco at Demetria Sumulong Edukasyon: Mount St. Vincent College, New York (AB French & Math) Asawa: Benigno Ninoy Aquino Jr. Anak: Ma. Elena, Aurora Corazon, Benigno III, Victoria Eliza at Kristina Bernadette Kamatayan: Aug, 1, 2009 sa Makati Medical Center

Alam nyo Ba?

Si Corazon Aquino ang tanging pangulo na walang karanasan sa pamahalaan. Siya rin ang unang babaeng pinuno ng bansa sa buong Asya. Siya rin ang unang pinuno ng bansa sa buong mundo na nailuklok sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon.

Mga Programa ng Administrasyong Aquino


Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya

Paglikha ng Bagong Saligang Batas


Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito noong Sept. 2, 1986 at sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng 1987.

Karapatan sa Pagboto
Muling ibinalik sa mga Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang malayang halalan makalipas ang 15 taon.

Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos


Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.

Dating senador Jovito Salonga, unang pinuno ng PCGG.

Libreng Edukasyon

Sa bisa ng RA 6655 o Free Secondary Education Act of 1986, naging libre ang pag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at mataas na paaralan sa buong bansa.

Konklusyon:

Bagamat maari pa, hindi na muling tumakbo sa pagkapangulo si Corazon Aquino sa sumunod na halalan noong 1992. Nanatili na lamang siyang aktibo sa mga gawaing pansibiko matapos magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1, 2009 na ipinagluksa ng buong bansa. Kinikilala siya ng mundo bilang Ina ng Demokrasya.

Panunungkulan ni

Fidel V. Ramos

Click to edit Master subtitle style

Talambuhay
Pagsilang: Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan Magulang: Narcisco Ramos at Angela Valdez Edukasyon: West Point Military Academy, USA (Military Science) at sa National University (Civil Engineering) Asawa: Amelita Martinez Anak: Angelita, Josephine, Caroline, Cristina, Gloria Imelda

Panunungkulang Pampubliko
Opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Vice Chief of Staff ng AFP at pinuno ng Philippine Constabulary noong Administrasyong Marcos AFP Chief of Staff Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong Administrasyong Aquino

Alam Nyo Ba?


Si Fidel V. Ramos ang unang pangulo ng bansa na kabilang sa relihiyong Protestante. Siya rin ang unang pangulo ng bansa na naihalal sa pamamagitan ng malayang halalan makalipas ang mahigit 33 taon.

Mga Programa ng Administrasyong Ramos


Pagpapaunlad ng Bansa Makamit ang Pambansang Pagkakaisa Paglutas sa Suliranin ng Kalusugan

Philippines 2000

Layunin ng programang ito na makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya at mapabilang ang Pilipinas sa mga newly industrialized country (NIC) sa taong 2000.

Special Economic Zones (SEZ)


Ito ay ang pagtatakda ng mga lugar sa Pilipinas bilang sentro ng industriyalisasyon at kalakalaan. Kabilang dito ang mga dating base-militar ng mga Amerikano sa Subic at region ng CALABARZON.

National Unification Commission (NUC)


(L-R) Si Haydee Yorac, unang pinuno ng NUC at si Nur Misuari, pinuno ng MNLF

Layunin ng samahang ito na makamit ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga kalaban ng pamahalaan tulad ng mga rebeldeng sundalo at mga miyembro ng NPA at MILF. Naging matagumpay ito ng makipagkasundo ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamahalaan noon Sept. 2, 1996.

Oplan Alis Disease


Layunin ng programang ito na malutas ang suliranin ng bansa sa kalusugan. Pangunahing proyekto nito ang pagbibigay ng libreng bakuna upang masugpo ang epidemya ng sakit tulad ng polio, tuberculosis at tetanus. Namigay din ito ng mga libreng gamot at serbisyo medikal sa mahihirap.
Si Sec. Juan Flavier ng DOH.

Konklusyon:
Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Ramos, unti-unting umangat ang ekonomiya ng bansa. Noong Nobyembre 25, 1995 nailathala sa NEWSWEEK Magazine ang Pilipinas bilang Asias New Tiger. Dahil dito, binansagan si Pang. Ramos bilang Tiger Eddie.

Konklusyon:
Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987, ang pangulo ng bansa ay hindi na maaring tumakbong muli matapos ang anim na taong panunungkulan. Nagretiro si Pang. Ramos noong 1998 at humalili sa kanya ang kanyang pangalawang pangulo na si Joseph Estrada.

Panunungkulan ni

Joseph E. Estrada

Click to edit Master subtitle style

Talambuhay
Tunay na Pangalan: Jose Marcelo Ejercito Pagsilang: Abril 19, 1937 sa Tondo, Maynila Magulang: Emilio Ejercito Jr. at Mary Marcelo Edukasyon: Mapua Institute of Technology (HS) Asawa: Luisa Pimentel Anak: Jose Jr. (Jinggoy), Jacquiline, Jude

Panunungkulang Pampubliko
Mayor ng San Juan, Manila Senador Bise Presidente Pinuno ng PACC (Presidential Anti-Crime Commission)

Alam Nyo Ba?


Si Joseph Estrada ang unang artista na naging pangulo ng bansa. Siya rin ang ikalawang pangulo ng bansa na hindi nakapagtapos sa kolehiyo. Ang una ay si Emilio Aguinaldo na nag-aral sa Letran College.

Alam Nyo Ba?


Tulad ni Emilio Aguinaldo, siya rin ang bukod tanging nanumpa bilang pangulo sa Simbahan ng Barasoin noong June 30, 1998. Dahil dito, siya ay nakilala bilang The Centennial President.

Mga Programa ng Administrasyong Estrada


Pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap. Paglikom ng pondo para sa pamahalaan. Pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

Angat Pinoy 2004


Layunin ng programang ito ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan (basic services) ng mga Pilipino tulad ng edukasyon, kalusugan at seguridad. Ito ay sinasabing pro-poor ngunit pro-market.

Asset Privatization Trust


Ito ang pagsasapribado ng mga kompanya ng pamahalaan upang makalikom ng salapi para sa pangangailangan ng bansa.

Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)


Nagtayo ito ng mga rolling stores na nagbebenta ng murang bigas, asukal at iba pang pangangailangan ng mga Pilipino.

Impeachment Trial
Noong ika-7 ng Disyembre, si Pang. Estrada ay sumailalim sa isang paglilitis sa kasong plunder. Kung napatunayang nagkasala, maari siyang maalis sa pagkapangulo at makulong. Kabilang sa mga matibay na ebidensiya ay ang 3 bilyong pisong bank account na nasa alyas niyang Jose Velarde.

Second Envelope

Noong Enero 11, 2001, ang mga tagausig ay nag-walkout matapos tumanggi ang 11 senador na kapanalig ng pangulo na buksan ang ikalawang sobre na naglalaman ng ebidensiya laban sa pangulo.

EDSA Dos

Mula sa senado, tumuloy sa EDSA ang mga tagausig. Dumagsa din ang napakaraming tao sa EDSA Shrine upang manawagan sa pagbibitiw ni Pang. Estrada.

Pagtatapos ng Panunungkulan

Noong Enero 20, 2001, napilitang magbitiw sa pagkapangulo si Pang. Estrada at nanumpa bilang pangulo si Gloria Macapagal - Arroyo.

Konklusyon:
Noong Sept.2007, napatunayan ng Sandiganbayan na si Joseph Estrada ay nagkasala sa kasong plunder at nahatulan ng 40 taong pagkakabilanggo. Subalit makalipas ng anim na linggo, siya ay binigyan ni Pang. Arroyo ng executive pardon. Sa kasalukuyan, muli siyang tumatakbo bilang pangulo sa halalan sa Mayo 2010.

Panunungkulan ni

Gloria Macapagal-Arroyo

Click to edit Master subtitle style

Talambuhay
Pagsilang: Abril 5, 1947 sa San Juan, Maynila Magulang: Diosdadao Macapagal at Evangeline Macaraeg Edukasyon:
Assumption College (AB Economics) Ateneo De Manila (MA in Economics) University of the Philippines (Ph.D. in Economics)

Asawa: Jose Miguel Arroyo Anak: Juan Miguel, Evangeline Lourdes at Diosdado Ignacio

Panunungkulang Pampubliko
Undersecretary ng DTI Senador Bise Presidente Secretary ng DSWD

Alam Nyo Ba?


Si Gloria MacapagalArroyo ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa at ikalawang naging pangulo sa pamamagitan ng Mapayapang Rebolusyon noong Enero 20, 2001. Muli siyang nahalal bilang pangulo noong Hunyo 30, 2004.

Mga Programa ng Administrasyong Arroyo


Pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Pagsugpo sa kahirapan. Pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI)

Programang nilikha upang labanan ang kahirapan sa bansa. Layunin nitong tulungan ang mga Local Government Units (LGU) na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Self-Employment Assistance Kaunlaran (SEA-K)


Naglalayong pautangin ng puhunan ang mga Pilipinong walang hanapbuhay para sa pagsisimula ng negosyo.

Strong Republic Nautical Highway (RORO)


Layunin nitong mabawasan ang gastusin sa transportasyon mula Luzon hanggang Mindanao sa pamamagitan ng mga RORO ports (roll-on/roll-off).

Panunungkulan ni

Benigno Simeon C. Aquino III

Click to edit Master subtitle style

Talambuhay
Petsa ng kapanganakan: Pebrero 8, 1960 Mga magulang: Tatay: Benigno Aquino Sr. Nanay: Corazon Aquino

Mga kapatid: Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada Victoria Eliza Viel Aquino-Dee Kristina Bernadette Kris Aquino-Yap

Edukasyon: Ateneo de Manila University Kursong natapos: BA Economics

Sino nga ba si President noynoy aquino?

Panunungkulan
Civil Politikal Human Rights (Vice-Chairman), Public Order & Security, Transportasyon at Komunikasyon, Agrikultura, Bangko & Financial, karapatan sa pagboto at Electoral Reforms, Appropriations, Natural Resources, Trade & Industry (11th Kongreso)

Pagiging Pangulo ng Pilipinas

Paano ba nangampanya si P-noy?

Aquinos ad campaign

P-NOY

Mga Nilalaman ng sona (2011) ni P-Noy


WIDE-RANGING; TRUE STATE OF THE NATION KEPT SECRET FROM THE PUBLIC PROBLEMA SA BUDGET CALAMITY FUND MWSS ROAD USERS' FUND NEGOTIATED CONTRACTS NAPOCOR MRT

Mga Nilalaman ng sona (2011) ni P-Noy


NFA ZERO BUDGET IMMEDIATE STEPS TAX EVASION EXTRALEGAL KILLINGS TRUTH COMMISSION PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIPS STREAMLINING PROCESSES FREEING UP FUNDS EDUCATION

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas sa pamamahala ng administrasyong Benigno Simeon Noynoy C. Aquino III?

Hanggang sa susunod na pagkikita..


Thank Y u!

You might also like