Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
14Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
2009 Sanaysay Kontra-Gahum

2009 Sanaysay Kontra-Gahum

Ratings: (0)|Views: 2,093 |Likes:
sanaysay hinggil sa wikang pambansa
sanaysay hinggil sa wikang pambansa

More info:

Published by: David Michael San Juan on Jun 09, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/30/2012

pdf

text

original

 
1
“KONTRA-GAHUM: Ang Lahatang-Panig at Kapit-sa-Patalim naPag-unlad at Pagsulong ng Wikang Pambansa Mula sa Panahon ng KolonyalismoHanggang sa Bungad ng Ikalawang Milenyo”
ni David Michael M. San Juan(Lahok na nagwagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay 2009 ngKomisyon sa Wikang Filipino/KWF)
“Limot na ba ninyo na may isang lupang/laon nang panahong nakatanikala?Limot na ba ninyong tayo’y may bandila/na may isang araw saka tatlong tala?Nawala na rin ba sa inyong gunita/na tayo’y mayroong katutubong Wika?Itong Wikang ito’y bigay ni Bathala/at likas na yaman ng bayang kawawa;Kung ang mamahali’y Ingles at Kastila/Mabuti pang tayo’y mamatay nangbigla.”
- “Wikang Ingles Laban sa Wikang Kastila”(Piyesa sa Balagtasan na sinulat ni Florentino Collantes noongPebrero 1928)
Kung literal na ilalapat ang prediksyon ni Florentino Collantes tungkol sakahihinatnan ng bansang nagpapakalunod sa mga wikang banyaga, hindi kalabisangsabihing naghihingalo na ang Pilipinas. Nasa estadong
in articulo mortis
na ito, sabi ngang mga Romano. Sisinghap-hinghap ang kalagayang sosyo-ekonomiko ng mgaPilipino. Isang kahig, isang tuka. Patay-gutom sa sarili nilang bansa. Kayod-kalabawngunit walang pambili ng sabaw. Alipin ng dayuhan, busabos ng Kanluran.Nakatanikala ang leeg, ang paa, ang kamay at maging ang dila. Namamasasa sa
 
2
karangyaan at kayamanan ang iilan habang walang makain ang nakararamingtaumbayan. Manaka-nakang sumasambulat ang tila walang katapusang armadonghidwaan sa maraming bahagi ng kapuluan.Ito ang Pilipinas sa kasalukuyan: isang naghihingalong bayan nanangangailangan ng agarang lunas. Ang ganitong kalunus-lunos na sitwasyon aybunga ng kawalan ng pambansang identidad ng mga Pilipino bunsod ng gahum ohegemonya ng mga pwersang Kanluranin sa wika, kultura, edukasyon at ekonomya ngbansa.Tila isang kahon ni Pandora ang gahum ng wikang dayuhan sa bansa na bahagilamang ng mas malawak na saklaw ng lahatang-panig na Amerikanisasyon ni Juan dela Cruz. Ngunit, gaya rin ng kahon ni Pandora, mula sa miserableng kalagayan ng atingsisinghap-singhap na republika ay matatagpuan natin ang isang mumunting pag-asa.Isang munting titis na sa mga nagdaang panaho’y naging sanlibo’t isang sulo ngpakikibaka para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa. Isang dakilang pakikibakangpinagbuwisan ng dugo, pawis at di kawasang hirap, pagod at pagsisikhay ngsambayanang Pilipino mula sa Panahon ng Kolonyalismo hanggang sa bungad ngIkalawang Milenyo: ang lahatang-panig at kapit-sa-patalim na pag-unlad at pagsulongng wikang pambansa bilang pwersang pambuo ng kamalayang pambansa atmakabansa, sa kabila ng mapaminsalang gahum ng mga impluwensyang kanluranin.
Sistematikong Pagbubura ng Kamalayang Pambansa at Makabansa: Ang TatlongSiglong Gahum ng Krus at Espada
Sa buong panahon ng pananakop ng mga Kastila, binura ng mga kolonyalistaang pagkakataon ng mga
indio
na makahubog ng pambansa
(national)
at
 
3
makabansang
(nationalist)
kamalayan mula sa kalat-kalat na mga pulong binubuo ngmga nagsasariling barangay. Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon ng pang-aalipinang nagpalala sa parokyalismo at pagkakanya-kanya ng iba’t ibang pangkat-etniko saPilipinas. Sumiklab ang mga pag-aalsa sa mga linyang sektoral, etniko at personal saunang 100 taon pa lamang ng paghahari ng mga Espanyol ngunit maagang bahagi nang ika-19 na siglo nang unti-unting sumibol ang binhi ng kaisipang nasyonalismo saPilipinas.Hindi makasunod ang
Las Islas Filipinas
sa liberal at demokratikong padron ngpagbubuo ng kamalayang pambansa at makabansa na itinakda ng Panahon ngPagkamulat o
 Age of Enlightenment 
sa Europa dahil sa sistemang kolonyal nanagpataw ng mapanikil na hegemonyang may aspektong sosyo-kultural at pulitikal. Sadami at salimuot ng aksyong mapanupil na dinanas ng mga
indio
sa kamay ng mgaKastila, kakapusin sa pagpapaliwanag maging ang
Prison Notebooks
ng Italyanongsosyalista na si Antonio Gramsci, kung saan detalyadong nilinaw ang iba’t ibangaspekto at mga pamaraan ng pagpapataw ng hegemonya sa kultura, pulitika atekonomya.Sinunog ng ilang misyonero ang mga malamanuskritong balakbak ng puno atkawayang bumbong na kinasusulatan ng katutubong panitikan na diumano’y “gawa ngdiyablo.” Binura ang konsepto ng maunlad at nagsasariling sibilisasyong Oryental namaaari sanang nakapagbanyuhay malaon sa unti-unting paghuhugis ng kamalayangmakabansa at pambansa. Itinuring ng mga
conquistador 
na mababang uri at ignoranteang nakararaming katutubong mamamayan ng kapuluan na kakatwang binansagannilang
indio.
Ipinagkakaloob lamang ang edukasyon sa nakaririwasang uri gaya ng mga

Activity (14)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Abegail Tamayao liked this
Jhoanne B.Dizon liked this
Chlowy Bondoc liked this
Lougine Santos liked this
Xtie Xty liked this
Lydia Labaguis liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->