You are on page 1of 2

Ang dalawang araw na karanasan ko sa Virtual World ng Facebook!

Lumabas ba sa tarot card at mahiwagang bolang Kristal ng mga manghuhula ang nagaganap ngayon? pumasok ba sa kanilang isip na matutuklusan ng tao ang computer, internet, ipod, cellphone, sex toys, starbucks, jejejemon, dota at kung anuano pang produkto ng konsumerismo? Hindi ko masabi kaya nagtatanong ako, pero isa ang tiyak, dahil sa impirikal na siyensya, umunlad ang teknolohiya, bumilis ang pag-inog ng buhay at napakarami nang ka-shitan ang pinagkakaabalahan ng mga tao. Isang tagpo sa inuman. Mang Jimmys: Katatapos lamang ng isang palihan sa pagsusulat, dinayo ng mga taga Bulacan State University ang isang matandang manunulat na nakalagi rito sa manila para sya ang pangunahing magbigay ng nasabing workshop, alas onse ng umaga nagsimula, alas-kwatro ng hapon natapos, dumiretso sa Mang Jimmys para ituloy, pero sa mas kakaunting audience, hindi gaya kanina na marami at masyadong pormal, ngayon tatlo na lamang kami, ang matandang manunulat, ang teacher na may pasimuno ng workshop-shit at ako. At ang palihan rito ay may kaunting props, tulad ng beer at pulutan, kasama na rin ang usok ng sigarilyo. Sa pagbula ng beer, sumabay ang kwento. Nabuo ang istorya sa bula ng serbesa! Lumakas ang ulan, at napasarap pa lalo ang kwentuhan, lumakas na rin ang aming boses, sa pagtaas ng tagay ng serbesa, tumataas na rin ang pinag-uusapan, habang bumibigat sa batok ang tama ni San Miguel, ambigat na rin sa ulo ng mga aral, tumayo ako para umihi, pero nagkamali ako, lalamunan at tiyan ko ang may kailangan sa banyo, hindi ang pantog ko, nasuka ako! Shoot sa inidoro. Isinuka ko ang alak at pulutan, nagsindi ako ng sigarilyo, pero hindi sumabay sa suka ko ang mga salita at kwento, ngayon pa lamang, at isinusuka na ito ng mga kamay ko. Kasabay nito, naninigarilyo ulet ako. Nang pauwi na kami, habang nagpapaalam sa isat-isa, ang iniwang paraan, para manatili ang kontakan, sa facebook! pare get in touch! Nice to meet you! Sa facebook na lang, search mo name ko, search ko rin yung syo! iniwang salita ng teacher sa BSU. Napaisip ako, facebook shit! Wala kong facebook, mukhang kailangan ko na nga talagang gumawa ng sa akin! napagtanto ko, goodbye Friendster na nga at hello facebook!

Kinabukasan, malakas ang hang-over ng alak, naalala ko ang assignment ko, gumawa ng shit na facebook! pagkabukas ko ng computer, hinanap ko ang website,

nag sign-up ako, hiningian ako ng email address, wala ako noon, gumawa muna ako ng Gmail account. First Name: Paul Lastname: Said Desired Login name: paulsaid@gmail.com Hindi na available sabi ng google, ang suggestion nila, psaid17@gmail.com, iyon ang pinili ko. Nag sign up ako sa facebook, salamat at nakagawa ako, may tutorial pa kaya napadali ang pagkatuto ko, tinayp ko sa keyboard ang pangalan ng teacher na nakainuman ko, inadd ko bilang friend, may security check pa na parang totoong masesecure nito ang may-ari ng account, hinanap ko na rin ang iba pang mga kaibigan ko, ka-eskwela ng high school, elementary at college. Nagbigay na rin ang facebook ng mga suggested friend, na tingin nila ay kakilala ko. Habang hinihintay ang kompirmasyon, kinalikot ko ang buong website.

Farmville: ang laro ng pagtatayo ng sakahan,

You might also like