Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Akbayan Party Dispatch: Pabilisin ang pamamahagi ng mga lupang sakahan

Akbayan Party Dispatch: Pabilisin ang pamamahagi ng mga lupang sakahan

Ratings: (0)|Views: 65 |Likes:
Published by AkbayanParty

More info:

Published by: AkbayanParty on Jun 15, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/15/2012

pdf

text

original

 
D I S P A T C H
 June 2012 Volume 3 Series 2
A
kbayan
Party
A
 www.akbayan.org.ph
PABILISIN ANG PAMAMAHAGING MGA LUPANG SAKAHAN,
Sa kabila ng pagdiriwang ng bansa ng ika-24 na anibersaryo ngpagsasabatas ng Comprehensive Agrarian Reform Program(CARP), tayo sa Akbayan Party ay nagpapahiwatig ng atinglubhang pangamba sa mabagal na pagpapatupad ng Departmentof Agrarian Reform (DAR) ng nasabing programa. Nakababahalana dalawang taon mula nang maisabatas ang ComprehensiveAgrarian Reform Program with Extension and Reforms (RepublicAct No. 9700 o CARPER), isang batas na pinagtulungan ipasa ngmga magsasaka upang pabilisin ang programa, wala pa ringmakabuluhang tagumpay na nakikita upang mabawasan ang1.06 milyong ektarya ng lupang sakahan na hindi pa rinnaipamamahagi sa mga magsasakang Pilipino.
BUWAGIN ANG LAHAT NG BALAKID SA MABILIS ATKUMPLETONG IMPLEMENTASYON NG CARPER
Ka Rene Peñas, lider magbubukid mula sa Sumilao na pinaslang noong June 5, 2009. Isa siya sa namuno sa mgataga-Banasi, Camarines Sur at Sumilao para igiit at ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Nanguna rin siya sakapanya upang maipasa ang Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms.
 
Mabagal na Pagpapatupad
 Ayon mismo sa datos ng DAR, inamin nitong 107,180 hektarya lamangang naipamahagi nito mula sa target nintong 200,000 hektarya noong2010 at 111,889 lamang noong 2011. Dahil dito, maraming organisasyonat pederasyon ng mga magsasaka ang nadidismaya. Umabot pa ngaang pagkadismaya sa pagtawag nila sa kasakuluyang DAR bilang isa sapinaka-malalang agrarian reform departments mula noong Edsa.Bagama’t tinututulan ng DAR ang ganitong klaseng panghuhusga, angsarili nitong datos sa land acquisition at distribution ay nananatili namangkapos sa inaasahan.
Epekto ng mga 2011 Administrative Orders ng DAR
Lalong napagpaliban ang Land acquisition and distribution (LAD)process nang ilabas ng DAR ang ilang administrative orders noongnakaraang 2011 na inaabuso ng mga landowners. Isa dito ang AO7 nanaglalaman ng mga probisyon na pumipigil sa pamahalaan na kunin anglupa hangga’t hindi pa nareresolba ang mga protesta o exemptionapplications ng mga landowners ng Office of the President imbes naDAR. Bago inilabas ang AO7, ang protesta ng isang landowner ay dinakaaapekto sa pag-usad ng paglilipat ng titulo ng lupa mula salandowner papunta sa gobyerno at magsasaka. Ang masamangepektong idinudulot ng AO7 ay hindi kathang isip lamang, sa katunayan,nagamit na ito sa ilang pamayanan sa kanayunan ng Probinsya ngQuezon kung saan ilang landowners ang nagsampa ng Application for Exemption pagkatapos ng anim na taon mula nang sila ay nabigyan ngNotice of Coverage. Ang AO7 ay ginagamit nilang dahilan para pigilanang pag-usad ng proseso ng coverage ng lupang sakahan.
 
Pagtutol ng Armadong Kaliwa sa CARPER
Subalit hindi lamang ang usad-pagong na proseso ng burukrasya atpagtutol ng mga panginoong may lupa ang siyang nagsisilbing mgahadlang sa pagpapatupad ng CARPER kundi ang karahasan din nanagmumula sa armadong kaliwa na matagal nang nagpahayag ngpagtutol sa repormang agraryo at sa mga nagtutulak nito. Tinuturing ngarmadong kaliwa na ang repormang ito ay siyang dahilan kung bakitmaraming magsasakang Pilipino ang di naaakit sa marahas napagbabagong tinutulak nito. Kamakailan lamang ay naglabas angarmadong kaliwa, sa pangunguna ng Communist Party of the Philippines(CPP), ng isang pahayag na binabansagan ang mga lider magsasaka nanagsusulong ng CARPER sa Bondoc Peninsula na bahagi ng civilian armng militar. Naniniwala tayo na ang pahayag na ito ng CPP ay isangmalagim na panimula sa mga marahas na pagkilos ng kanyang armadonghukbo, ang New Peoples’ Army, laban sa mga pinuno ng kilusangrepormang agraryo sa Bondoc Peninsula.
Tatlong Matingkad na Hadlang laban sa CARPER
Sa mga kadahilanang ito, ang Akbayan ay nakikiisa sa milyun-milyong mgamagsasakang Pilipino upang ipahayag ang kanilang pangamba atpagkadismaya sa mahinang implementasyon ng CARPER. Nakikiisa tayosa mga magsasakang Pilipino sa kanilang pagkondena sa tatlong maingkadna balakid sa mabilis at buong implementasyon ng CARPER: ang mahina atmabagal na burukrasya, patuloy na pagtutol ng mga panginoong may lupa,at ang karahasan mula sa armadong kaliwa. Hindi natin itinatanggi sa Akbayan na mahirap ipatupad ang repormangagraryo. Naniniwala tayo na lubhang mahirap ang tungkuling ipatupad angpamamahagi ng mga lupang sakahan sa isang bansang malakas ang kapitsa pyudal na pagiisip at relasyon. Gayunpaman, ang pagpapatupad ng landdistribution sa ilalim ng kasalukuyang DAR ay lubhang makupad para hindimapansin. Kaya’t nararapat na gawin ng DAR ang lahat upang isalba angkanyang reputasyon sa mata ng mga magsasaka. Kinakailangan angmabilis na pagpapatupad ng land acquisition at distribution ng mgamalalawak na lupain.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->