Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
9Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ang Wikang Filipino Sa Akademya

Ang Wikang Filipino Sa Akademya

Ratings:

5.0

(1)
|Views: 2,015|Likes:

More info:

Published by: Charles Joseph Patricio on Jun 18, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/01/2013

pdf

text

original

 
Ang Wikang Filipino sa Akademya
 
Teresita F. Fortunato
 ANG BANSANG PILIPINAS ay isang multilinggwal na nasyon, at ang bawat mamamayanay nakapagsasalita ng dalawa man lang na wika. Kaya ang ordinaryong Pilipinongestudyante ay nakapag-uusap sa kanyang unang wika (isang vernakular), at sa rehiyonal nalingua franca; hanggang matutuhan niya ang Filipino at Ingles sa eskwelahan; samakatwidkwadrilinggwal pa siya. Kung may Chinese heritage siya, matututo pa ng Mandarin. At kapagnakaabot pa sa kolehiyo, maaari pa siyang makapag-aral ngEspañol/German/Niponggo/Latin/French depende sa kakailanganing pangkomunikasyon ngkanyang pinaghahandaang propesyon.Ang akademya ay may patakarang sinusunod sa pagsasakatuparan ng layuning ito.Nakatadhana ito
sa Kautusan Blg. 54, s. 1987 na may pamagat na ”Panuntunan ngImplementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.” Ang edukasyong bilinggwal ay ang
hiwalay na paggamit ng dalawang wika bilang midyum ng instruksyon sa lahat ng antas ngpagtuturo. Inaasahang makabubuo tayo ng mga mamamayan at nasyong bihasa sakomunikasyon sa dalawang wika, ang Ingles at Filipino.May tiyak na tunguhin ang edukasyong bilinggwal na nakasaad sa ibaba:
pagpapahusay ng pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika upang matamo angmay mataas na uri ng edukasyon gaya ng itinakda ng Konstitusyon ng 1987;
paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang panliterasi;
ang development ng Filipino bilang simbolong wika ng pambansang pagkakaisa atidentidad
kultibasyon at elaborasyon ng Filipino bilang wika ng diskors iskolarli, nanangangahulugan ng patuloy na intelektwalisasyon nito; at
pagpapanatili ng Ingles bilang isang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilangdi eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.Mula elementarya hanggang hayskul, hinasa tayong maging bihasa sa Filipino at Inglessa paggamit ng bawat wika sa mga tiyak na aralin. Sa antas tersyarya, itinutuloy ang gamitng dalawang wikang ito bilang midyum ng pagtuturo. Hindi ba sa mga krusong pang-aghampanlipunan at humanidades, tinatalakay natin ang mga kaalamang ukol dito sa tulong ngwikang Filipino? Samantalang nag-iingles tayo sa mga kursong agham pangkalikasan atteknolohiya, karagdagan sa kursong Ingles. Sa paggamit ng Filipino sa lahat ng level ng pag-aaral, hinihikayat na iangat ang uri nito bilang isang wikang intelektwalisado, isang midyumsa pagkuha ng karunungan sa matataas na antas ng komunikasyon. At ang prosesong ito ayang intelektwalisasyon. Ito ang Filipinong inilalarawan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)ayon sa Resolusyon Blg. 96-1 na kailangang maintelektwalisa:Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ngkomunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino aydumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ngPilipinas at mga di katutubong wika at sa evolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalitanito na may iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarlingpagpapahayag.Ano ang intelektwalisasyon ng wika? Sa panalita ni Havranek ng Prague School ofLinguistics (Omar 1981: 73), ang intelektwalisasyon ay ang adaptasyon ng wika paramagkaroon ito ng kakayahang bumuo ng wasto, tiyak, at kung kakailanganin, ng mgapahayag na abstrak na matatagpuan sa mga sulating pansyensya at pampilosopiya. Sasimpleng pananalita, ito ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at ng buhayakademiko. Lenggwahe ito na magagamit sa pagtatamo ng kompletong edukasyon. Sapamamagitan ng wikang ito, anumang sangay ng disiplina ay maari nating maabot atmatutuhan dahil maraming literaturang nasulat ukol dito. Sa pagpapaliwanag nina Sibayan atGonzalez, pangunahing sosyolinggwista sa kasalukuyan, ito ang makabagong midyum ngkomunikasyong dapat ginagamit sa mahahalagang larangan sa loob ng isang bansa tulad nggobyerno, administrasyon, lehislasyon, pagbabatas, agham, teknolohiya, komersyo, atindustriya at sa lahat ng level ng edukasyon mula elementary hanggang kolehiyo. Isa na itongwikang ganap na nadevelop at naintelektwalisa.

Activity (9)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Hera Manalo liked this
Chriscia Andres liked this
keenadeclaro liked this

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->