Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
11Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Teoryang Klasismo

Teoryang Klasismo

Ratings: (0)|Views: 3,207 |Likes:
Published by Myda Rafael

More info:

Published by: Myda Rafael on Jun 20, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/15/2013

pdf

text

original

 
Teoryang Klasismo/Klasisismo
 
 
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sapaggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
 
Teoryang Humanismo
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo;ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng taogaya ng talino, talento atbp.
 
Teoryang Imahismo
 
 
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit namaghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at ibapang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaankaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip napaglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layongilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
 
Teoryang Realismo
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan atnasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, angpanitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoosapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan atpagkaefektibo ng kanyang sinulat.
 
Teoryang Feminismo
 
 
 
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan atkakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mgakababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ayfeminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahingtauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ngtauhan.
 
Teoryang Arkitaypal
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahaging akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-bastamasusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alaminmuna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa.
Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptongipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
 
Teoryang Formalismo/Formalistiko
 
 
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyangipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kungano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang naisniyang ipaabot sa mambabasa
 –
walang labis at walang kulang.Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang
-unawa.
 
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (
factor 
) sa pagbuo ngnaturang
behavior 
(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
 
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong
behavior 
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
 
Teoryang Eksistensyalismo
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao napumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentrong kanyang pananatili sa mundo (
human existence 
).
 
Teoryang Romantisismo
 
 
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
 
Teoryang Markismo/Marxismo
 
 
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag satao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusangdulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan atpampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan saadka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
 
Teoryang Sosyolohikal
 
 
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraningpanlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita ritoang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayanng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksasa mga katulad na suliranin.
 

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->