Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Tatlong Mukha Ng Timog-Silangang Asya

Tatlong Mukha Ng Timog-Silangang Asya

Ratings: (0)|Views: 353 |Likes:
Published by Paul Eugenio
Tatlong Mukha ng TSA - Mga Hamon at Direksyon sa Pag-unlad Sinasabing ang Timog-Silangang Asya ang isa sa mga pinaka-umuunlad na bahagi ng daigdig ngayon. Halos 500 milyong mamamayan, nakakalat sa 11 bansa, ang unti-unting umuunlad dahil sa patuloy na paglaki ng kalakalan at ang krusada ng kani-kanilang mga pamahalaan na pagbutihin ang kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa TSA. Ngunit dahil kinukusidera pa ring "papaunlad na bansa" (developing countries) ang mga bansa sa TSA, maraming hamon pa ri
Tatlong Mukha ng TSA - Mga Hamon at Direksyon sa Pag-unlad Sinasabing ang Timog-Silangang Asya ang isa sa mga pinaka-umuunlad na bahagi ng daigdig ngayon. Halos 500 milyong mamamayan, nakakalat sa 11 bansa, ang unti-unting umuunlad dahil sa patuloy na paglaki ng kalakalan at ang krusada ng kani-kanilang mga pamahalaan na pagbutihin ang kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa TSA. Ngunit dahil kinukusidera pa ring "papaunlad na bansa" (developing countries) ang mga bansa sa TSA, maraming hamon pa ri

More info:

Published by: Paul Eugenio on Jun 26, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/26/2014

pdf

text

original

 
Tatlong Mukha ng TSA - Mga Hamon at Direksyon sa Pag-unlad
Sinasabing ang Timog-Silangang Asya ang isa sa mga pinaka-umuunlad nabahagi ng daigdig ngayon. Halos 500 milyong mamamayan, nakakalat sa 11 bansa,ang unti-unting umuunlad dahil sa patuloy na paglaki ng kalakalan at ang krusada ngkani-kanilang mga pamahalaan na pagbutihin ang kalagayan ng pamumuhay ng mgatao sa TSA.Ngunit dahil kinukusidera pa ring "papaunlad na bansa" (developing countries)ang mga bansa sa TSA, maraming hamon pa rin ang dapat harapin upangmasiguradong tuloy-tuloy ang kaunlaran.Gaya na lamang ng Singapore, Pilipinas atVietnam, tatlong bansang may kanya-kanyang direksyon at paraan upang harapin anghamon. Ang mga isyu ng korapsyon, likas na yaman, populasyon at iba pa ay tumutulaksa mga pamahalaan ng mga bansang ito na taasan ang dedikasyon upang masiguroang kaunlaran ng kanilang mga mamamayan.
The Miracle of Asia
Sa dokumentaryong ito, tinalakay kung paano ba nagawa ng Singapore naumunlad kahit na wala itong likas na yaman, kulang ang lupain at binabantaan ng mgapanganib mula sa loob at labas ng bansa. Di tulad ng mga kalapit-bansa nito,masasabing napatunyan na ng Singapore ang sarili dahil nagawa na nitong umunlad atitaas ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan.Masasabing hindi ito mangyayari kung wala ang pamumuno ni Lee Kwan Yew,ang tinuturing na ama ng modernong Singapore. Isa siya taong may pangarap atdireksyon para sa kanyang bansa at kaya niyang gumawa ng plano para marating angmga pangarap na iyon. Unti-unti niyang plinano kung paano masosolusyunan ang mga
 
problema ng kanyang bansa, mula sa kawalan ng kabuhayan hanggang sapagpapalakas ng kanilang depense. Binuksan niya ang bansa para sa kalakalan atpinataas ang pamumuhunan ng pamahalaan sa imprastraktura at serbisyo.Ngunit laging dapat bigyang-diin na ang tunay na nasa likod ng kaunlaran ngSingapore ay mga mamamayan nito mismo. Dahil walang likas na yaman ang bansa,natuto ang mga Singaporean na magsikap para sa kanilang sarili at paunlarin ang antasng kanilang pamumuhay. Ngayong maunlad na ang kanilang bansa handa na silangbuksan ang oportunidad sa mga dayuhan na nais ring makakuha ng pagkakataon namabago ang kanilang kapalaran.Nakakatuwa ang sinabi ni Tan Chuan Jin, ang namumuno sa Economic board ngbansa, na ang solosyon sa mga problemang panlipunan ay ang pagunlad ngekonomiya. Napatunyan na rin naman ito sa maraming bansa tulad ng Japan, Korea,Taiwan at Singapore-bakit sa bansa natin ay wala pa ring nagbabago?
101 East: The Philippines' Population Debate
Masasabing nasa Pilipinas na ang lahat na kinakailangan nito para umangat -maraming likas na yaman ang bansa at malaki ang populasyon na maaaring kumilosupang mapakinabangan ang mga ito. Ngunit di gaya ng Singapore, maituturing nasagabal ang lumulobong populasyon ng Pilipinas (na nasa 90 milyon na) dahil tumataasdin ang pangangailangan sa trabaho at mga pangunahing pangangailangan.16 na taon nang nasa Kongreso ang Reproductive Health Bill ngunit ngayon palamang lumalawak ang krusada para maipasa ito. Sa RH Bill ginagarantiya na lahat ngmamamayan, mayaman man o mahirap ay may karapatan sa mga serbisyong tulad ngmaternal care at contraceptives. Isinusulong nito ang edukasyon tungkol sa sex sa
 
kabataan at nagnanais nito na mapalawak ang diskusyon sa mga isyung sekswal tuladng HIV-AIDS.Ngunit ang pinakamalaking hadlang para sa RH Bill ay ang Simbahang Katoliko,na masasabing desperado na sa pagtutol sa batas. Kung iisipin, isang komplikadongisyu ang RH Bill dahil sa unang pagkakataon nabuksan ang pintuan para sa debatekung may importansya pa ba ang relihyon sa pamumuno ng bansa. Gobyerno laban sasimbahan, siyensya laban sa pananampalataya, tradisyon laban sa realidad.May kanya-kanyang dahilan ang mga grupo upang sang-ayunan o tutulan angRH Bill, ngunit di nito maitatago ang katotohanan na malala na ang problema ng bansasa kalusugan at dapat na itong solusyunan agad. Libo-libong ina ang namamatay sapanganganak. Dumarami ang kaso ng aborsyon at teenage pregnancy. Maraming mgamag-asawa ang nauuwi sa 7 hanggang 10 anak dahil sa di planadong pamilya.Lumolobo ang kaso ng HIV-AIDS at sexually transmitted diseases.Hindi man isang solusyon ang RH Bill sa kahirapan, magagawa ng RH Bill nabigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na magdesisyon sa kanilangkalusugan at mabigyan ng edukasyon upang magamit ang karapatang ito.
Adventure Capitalists: Vietnam
Kabubukas pa lamang ng Vietnam para sa kalakalan matapos ang trauma nadinulot ng giyera noong Dekada '60 at '70. Komunista pa rin naman ito hanggangngayon, ngunit unti-unti nitong binubuksan ang pinto para sa mga dayuhan upangmakibahagi sa pagsasa-ayos ng ekonomiya.Wala namang masyadong problema ang Vietnam ngunit masasabing may pag-aalinlangan pa ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa. Ang matagal na proseso

Activity (2)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->