You are on page 1of 2

ilang pataKaran sa Klase

1. Maliban kung may mabigat na dahilan, iwasan ang pagliban sa klase. Mamarkahan ng DF ang mag-aaral na lumiban nang mahigit sa siyam na pagkakataon. 2. Pananagutan ng bawat mag-aaral ang aktibong pakikipagtalakayan sa klase. Maging mapanuri at magbukas ng mga makabuluhang tanong at opinyon. Hindi tatanggapin sa klase kapag walang kopya ng tekstong tatalakayin at ng silabus na ito. Inaasahan ko ang mga responsableng mag-aaral. 3. Hindi pahihintulutan sa klase ang anumang gawain ng mag-aaral na makaaantala o makapipigil sa pagkamit ng iba pang mag-aaral sa mga layunin ng kurso. Sa unang pagkakataon na gawin iyon, makatatanggap ng babala mula sa guro ang mag-aaral; sa pagkakataong inulit pa iyon ng mag-aaral, agad siyang makatatanggap ng 3.00 para sa pakikilahok sa klase (o 20% ng kabuuang marka). 4. Samantalahin ang pribilehiyo ng pagsangguni sa guro. Gamitin ito kung may ibig linawin sa anumang bahagi ng klase, o kung sa diwa ng magis ay ibig ninyong umigpaw pa sa mga kahingian ng kurso. Ikinagagalak kong harapin at kausapin kayo ukol sa mga bagay na ito.

i
Mga layunin ng Kurso
1. Makapagsanay ang mag-aaral tungo sa mabisang pagpapahayag sa wikang Filipino, sa paraang pabigkas at pasulat. 2. Makapagbasa ng mga natatanging akdang Filipino at makapagbuo ng mga balangkas na batayan ng pagtataya ukol sa kasiningan ng mga iyon. 3. Makatugon sa mga pagsasanay at pagsusulit na pang-indibidwal o pangkatan nang nagpapakita ng mabisang paggamit sa wikang Filipino samantalang naghahayag din ng kamalayang malikhain at mapanuri. 4. Makilahok sa mga gawaing pansining at pangkultura na maaaring makapagpalawak o magpalalim sa pagkilala ng kalinangang Filipino.

Masining na pagpapahayag

Filipino 3

Edgar Calabia Samar, Ph.D.


sundan ang

@ecsamar
makipag-ugnayan sa

dito unang ipo-post ang mga balitang may kinalaman sa klase

Nakatuon ang kurso sa pagsasanay at pagpapaunlad sa kakayahang sumulat ng ibat ibang anyo ng sanaysay nang binibigyang-diin ang pagsusuri sa mga anyo ng kulturang popular. Sisipatin dito ang kakayahan ng mag-aaral na mag-isip at magpahayag nang malikhain at kritikal samantalang nakatutok sa ideyolohikong dating ng tekstong popular.

ecsamar@ateneo.edu
araw at oras ng konsultasyon

F M - W n.g. 7:00 8:00

http://nobelangatisan.blogspot.com

para sa iba pang bagay, bisitahin ang

Mga Kahingian ng Kurso


1. Mga Pagsasanay. Hindi bababa sa sampu ang pagsasanay sa kabuuan ng semestre at bilang mga pagsasanay, paghahanda rin ang mga ito para sa mahahabang pagsusulit. 2. Mahahabang Pagsusulit. May dalawang mahabang pagsusulit sa kabuuan ng semestre. 3. Pakikilahok sa Klase. Hindi sapat ang pagdalo sa klase upang masabing nakikilahok na rito. Kailangan ding lumikha ng mga gawaing malikhain at/o mapanuri sa anyo ng isang blog entry upang maisalin ang mga talakayan sa klase tungo sa kongkretong paglalapat ng pag-unawa't pagkatuto.

Paano Mamarkahan ang Pakikilahok sa Klase?


Bawat linggo, may pagkakataon ang mag-aaral na gumawa ng isang blog entry na nagpapakita ng pagiging malikhain at mapanuri. Hindi kinakailangang gumawa ng entry bawat linggo subalit isang entry lang ang maaaring ipasa ang link sa aking email ng bawat mag-aaral sa bawat linggo. Maaaring gumamit ng kahit anong anyo sa entry tulad ng sanaysay, tula, kuwento, dula, video, musika, larawan, komiks at iba pa, basta't may kinalaman ito sa anumang ginawa, binasa, o tinalakay sa klase. Nagsisimula ang lahat sa markang 3.00 maliban sa mga beadle sa klase na nagsisimula sa 2.50. Bawat blog entry na makapapasa sa pamantayan ng pagiging malikhain at mapanuri ay makatatanggap ng dalawang letter mark na pagtaas. Ibig sabihin, kailangan ng apat na mahusay na entry kung ibig makakuha ng 1.00 sa pakikilahok sa klase. Sa katapusan ng sem, makatatanggap din ng isang letter mark na pagtaas ang lahat ng walang pagliban at pagkahuli sa klase.

[Dalawa ang magiging batayan ng marka sa panggitnang hati ng semestre: 60% ang mga pagsasanay, 40% ang pagsusulit na panggitnang semestre. Apat naman ang magiging batayan ng markang pangwakas para sa klase: 40% ang mga pagsasanay, 25% ang pagsusulit na panggitnang semestre, 25% ang pagsusulit na pangwakas at 10% ang pakikilahok sa klase.]

BALANGKAS NG KURSO tungo sa Masining na pagpapahayag sa Filipino Sining at Pananaliksik


Linggo 1-7 (Hunyo 11-Hulyo 27) Linggo 8: Unang Mahabang Pagsusulit

Sanaysay na Personal
Linggo 9-12 (Agosto 6-31) Buwan ng Wika at Kultura

kontekstong akademiko? Sisiyasatin dito ang papel ng wika sa pakikipagtalastasan at kung paanong lumilikha ito ng kahulugan, alaala at halagahan bilang sagisag. Pagtutuunan din ng pansin ang natatanging disiplina ng pananaliksik bilang kasanayang mahalagang matutuhan ng mag-aaral tungo sa pag-aambag ng karunungan. Mga Teksto
1. "Kung Susulat Ka" ni Jose T. Villarin, S.J., "Ang Sumpa ng Pagsulat" ni Jun Cruz Reyes at "Artikulasyon ng Dislokasyon: Kaming mga Nawawala't Nagwawala" ni Eli Rueda Guieb III 2. "Tradisyon at Wikang Filipino" ni Virgilio S. Almario, "Panitikan para sa Kaisahan ng Bayan" ni Rolando S. Tinio at "San Antonio" ni Donato Mejia Alvarez 3. Himagsik ng mga Puno ni Khavn De La Cruz 4. Gabay sa Ispeling ng Sentro ng Wikang Filipino 5. Ilang sipi mula sa The New Anvil Guide to Research Paper Writing

Aginagampanan nito sa produksiyon ng kaalaman sa


no ang ibig sabihin ng sining at ano ang papel na

akda, lalo pa kung ang tinig sa akda ay ang manunulat mismo, di tulad ng pagkakaroon ng maskarang persona ng tula o punto de bista sa maikling kuwento? Sisiyasatin dito ang kapangyarihan ng sanaysay na personal na humugot mula sa karanasan ng indibidwal ng matining na pagsipat sa mga bagay na lumalampas sa sarili. Mga Teksto
1. "Suson-susong Suso" ni Jing Panganiban-Mendoza, "Sulat sa Hangin" ni Rene O. Villanueva, "How I Spent My Summer Vacation" ni Reuel Molina Aguila 2. "Ibang Balita Buhat sa Isabela" ni Jun Cruz Reyes at "Ang Kahon ng Hapon sa Aking Isip" ni Rolando B. Tolentino 3. "Mga Batang Lansangan 1" ni Ricky Lee at "Maria Mariangga: Sarbey at Panimulang-sipat sa mga Sakramental ng Turumba" ni Jerry C. Respeto

Shawak ng awtoridad, kahulugan at kapangyarihan sa


ino ang nagmamay-ari ng isang teksto, o sino ang may

Mga Halimbawang Pagsasanay


Pagsusulat ng dagli sa punto de bista ng banyaga sa isang banyagang lupain; memoir tungkol sa isang unang karanasan; reportage tungkol sa isang folk art.

G H G H G H G H G H

Kulturang Popular
Linggo 13-16 (Setyembre 3-28) Linggo 17: Ikalawang Mahabang Pagsusulit

Sisiyasatin dito ang laksang anyo ng textong popular na sa isang banda'y paulit-ulit ang istratehiya't teknik at sa kabilang banda naman ay may pagtatangkang igpawan ang gapos ng komersiyalisasyon. Sa isang dulo: ang teksto bilang salamin ng kamalayan ng madla; sa kabila: bilang instrumento ng patuloy na komodipikasyon ng bayan. Mga Teksto
1. "Ang Komiks Bilang Salamin ng Buhay" ni Soledad S. Reyes at "Pagbabasa, Pag-iisa at Pagiging Iba" ni Edgar Calabia Samar 2. "Richard Gomez at ang Mito ng Pagkalalake" ni Rolando B. Tolentino, "Ang Paggawa ng Himala" ni Ricky Lee at "Nang Mauso ang Pagpapantasya" ni Alvin B. Yapan 3. "Anito: Paglalaro sa Lunan ng mga Arketipino at Laylayan" ni Jema Pamintuan

Kpapel ng mambabasang uma-access sa mga ito?

ung maraming sinasabi ang isang teksto, ano ang

Mga Halimbawang Pagsasanay


Komiks con six-word stories; unang limang pelikula/kanta ng buhay; likhang Wikipedia entry ng kathang artista; structuralist map ng isang soap opera o online/computer game.

Mga Halimbawang Pagsasanay


Pagsusulat tungkol sa pagsusulat; Paglikha ng bugtong, tanaga at dalit gamit ang diksiyonaryo; Like/Unlike story at pagbibigay-saysay sa blog; Meme tungkol sa wika; Amazing research race.

Pagsasalin ng mga Marka


1.00 97-100 1.25 92-96 1.50 87-91 1.75 82-86 2.00 77-81 2.25 72-76 2.50 68-71 2.75 64-67 3.00 60-63 5.00 0-59

Marka sa mga Pagsasanay, Mahahabang Pagsusulit at Pakikilahok sa Klase

You might also like