2
MODYUL 4ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO
Bagamat marami at natatangi ang mga sumilang na sibilisasyon sa Silangan,ang kauna-unahang sibilisasyon sa kanluran ay pinangunahan ng mga Griyego. Silaang naging tagapaghubog ng sibilisayong kanluranin. Mula sa kanila naipakilala angideya ng demokrasya sa daigdig. Ang naibahagi nila sa iba’t ibang larangan ngpamumuhay ay nagbigay daan sa paglago at pag-unlad ng sibilisasyong kanluranin. Saaraling ito, matutunghayan mo at mauunawaan ang pagsibol ng sibilisasyong Grigeyoat ang mga kontribusyon nito sa sibilisasyong kanluranin.May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Sinaunang Sibilisasyong Aegean Aralin 2: Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Heleniko Aralin 3: Panahon ng mga Digmaan at Pagpapalawak ng Nasasakupan Aralin 4: Ang Pamumulaklak ng Sibilisasyong HelenistikoPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod:1. Mailalarawan ang heograpiya ng Gresya;2. Maipaliliwanag kung paano nakaapekto ang heograpiya ng Gresya sa pagsibol ngsibilisayong Aegean;3. Maibibigay ang pagkakaiba ng pamumuhay sa Athens at Sparta;4. Matutukoy ang dahilan ng pag-usbong ng sibilisasyong Heleniko;5. Masusuri ang naging dahilan ng mga digmaang naganap sa Gresya;6. Makikilala ang mga taong nakatulong sa pamumulaklak ng sibilisasyongHelenistiko; at7. Maiisa-isa ang mga kontribusyon ng Gresya sa iba’t ibang larangan ng atingpamumuhay.