You are on page 1of 2

Ponemang Suprasegmental

Ponema - ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog. 0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental. Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato. Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto (Juncture). 2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita. 1. Haba * ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig. * maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba. * mga halimbawa ng salita: bu.kas = nangangahulugang susunod na araw bukas = hindi sarado 2. Diin *tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng binibigkas. *maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. *Mga halimbawa ng salita: BU:hay = kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa LA:mang = natatangi la:MANG = nakahihigit; nangunguna 3. Tono * nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap * Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. * maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 sa mataas. * halimbawa ng salita: Kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay talaga = 213, pag-aalinlangan talaga = 231, pagpapatibay 4. Hinto

*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. *maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) o gitling ( - ) * mga halimbawa ng salita: Hindi, siya ang kababata ko. Hindi siya ang kababata ko.
http://mamsha.tripod.com/id23.html

URI NG TALUDTURAN 1.Tradisyonal-may sukat at tugma. Magkasintunog ang mga huling pantig sa bawat taludtod at may tiyak na bilang ang mga pantig. 2.Malayang Taludturan-walang sukat at walang tugma. 3.Blangko Berso-may sukat ngunit walang tugma.Karaniwang sukat ay lalabindalawang pantig.Bagamat wala itong tugmaan,taglay nito ang kaluluwa ng tula na ipinapahayag sa marikit na pananalita na angkop sa isang tula.

http://tl.answers.com/Q/Uri_ng_taludturan

You might also like