You are on page 1of 10

Republic of the Philippines Province of South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council City of Koronadal

083-228-8361/3455

MGA BABALA AT MGA DAPAT GAWIN SA PANAHON NG KAPAHAMAKAN Ang mga babala ng mga darating na panganib o sakuna na maaaring dala ng bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan, pagguho ng lupa at tsunami ay maaaring maisagawa sa pagpapatunog ng sirena at kampana. Mahalagang makinig agad sa radyo sa mga ibabalita at ididitalye ng PAGASA. MAHALAGA NA HUWAG PADADALA SA SINDAK. Responsibilidad ng bawat pamilya: 1. Maghanda ng sariling pagkain at inumin na tatagal ng tatlong araw. Kung may sanggol na nangangailangan ng gatas, paghandaan rin ang kaniyang pangangailangan. 2. Iwasan ang mag-imbak ng higit sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng panic buying. 3. Maghanda ng first-aid kit at kung mayroong maysakit sa pamilya, bilhin ang gamot na kailangan. 4. Magsadya ng flashlight, baterya, transistor radio, mga kandila, posporo at uling o panggatong na kahoy. 5. Magsadya rin ng tubig na magagamit sa pagluluto, panghugas ng pinggan at mga kagamitan at pang-flush ng toilet. Maghanda rin ng mga plastic na supot na mapag-iipunan ng basura. MGA IBAT IBANG PANGANIB BAGYO Signal No. 1 May hanging may lakas na 30-60 kilometro bawat oras at madarama sa loob ng 36 oras. Maaari pang ipagpatuloy ang mga Gawain maliban na lamang kung malakas ang ulan at may panganib na pagbaha. Impak ng Hangin: Ang mga sanga ng maliliit na puno ay maaaring mabali. Ilang mga puno ng saging ang maaaring tumabingi o tumumba sa lupa. Ilang mga bahagi ng bubungan ng bahay na gawa sa mga magagaang materyales tulag ng nipa at cogon na maaaring liparin.

Ang mga tanim na palay na nasa panahon ng pamumulaklak ay maaaring magkaroon ng kaunting pinsala.

Signal No. 2 Nagdadala ng hanging may lakas na 60-100 kilometro bawat oras at madarama sa loob ng 24 oras. Impak ng Hangin: Ilang mga puno ng niyog ang maaaring tumabingi o ang ibay mabali. Ilang malalaking puno ang maaaring mabunot. Maraming puno ng saging ang maaaring masira.

Signal No. 3 May hanging 100-185 kilometro bawat oras at madarama sa loob ng 12 oras. Maaaring ang mata ay dumaan sa karatig pook lamang. Impak ng Hangin: Karamihan ng mga puno ng saging ay maaaring masira at malaking bilang ng puno ang maaaring mabunot. Ang mga tanim na palay at mais ay maaaring makaranas ng mabigat na pinsala. Karamihan ng bubungan ng mga bahay na gawa sa nipa o cogon ay maaaring liparin o masira at maaari ring magkaroon ng pinsala ang mga istraktura ng maliit hanggang katamtamang konstraksyon. Maaaring magkaroon ng pangkalawakang pagba-brown-out at kawalan ng communication services. Sa pangkalahatan, maaasahan ang katamtaman hanggang mabigat na pinsala sa agricultural at industriyal na na sector. Ang pagba-byahe sa dagat at himpapawid ay mapanganib. Ang dagat at coastal waters ay mapanganib sa lahat ng uri ng sasakyang pangkaragatan.

Signal No. 4 May hanging 185 at higit sa bawat oras. Iwasan ang paglakad sa daan o paglabas ng bahay. Impak ng Hangin: Ang mga taniman ng niyog ay maaaring makaranas ng malaking pinsala. Maraming mga malalaking puno ang maaaring mabunot. Ang mga taniman ng palay at mais ay maaaring makaranas ng matinding pinsala. Karamihan sa mga bahay at institusyonal na mga gusali na magkahalong konstraksyon ay maaaring mapinsala. Ang daloy ng kuryente at komunikasyon ay maaaring maalintala. Maaaring magkaroon ng malaking pinsala sa mga apektadong komunidad.

MGA PAGHAHANDA 1. Manatiling nakikinig sa inyong mga radyo/telebisyon tungkol sa mahalagang balita sa pagsama ng panahon. 2. Kung bumabagyo o may nagbabantang pagsama ng panahon, iwasan ang pamamasyal sa ilog, dalampasigan at baybaying dagat, sapagkat maaaring magkaroon ito ng pagtaas ng tubig o malakas na pag-alon. 3. Tukuran ng matibay na kahoy ang mga bintana at mga lugar ng bahay na dapat tukuran. 4. Maghanda ng pagkain na hindi nangangailangan ng pagluluto, halimbawa ay mga pagkaing nasa lata. Sa ganitong panahon ay maaaring mawalan ng daloy ng kuryente. 5. Maghanda rin ng tubig-maaaring mawalan din ng tubig. 6. Maghanda ng flashlight na may baterya. 7. Alamin kung mayroon pang mga lugar sa inyong bahay na maaaring ilipad ng hangin, halimbawa ay mga yero sa bubong ang mga ito ay mapanganib sa panahon ng bagyo at malakas na paghangin. 8. Manatiling mahinahon sa lahat ng sandal, at making lamang sa mga balita sa may kapangyarihan, radio at telebisyon. 9. Kung kinakailangan lumikas, sundin ang mga sumusunod: a. b. c. d. e. f. Ipinid ang lahat ng bintana. Putulin ang daloy ng kuryente. Isara ng mahigpit ang tangke ng gas. Itaas at isinop ang mga mahahalagang bagay, ari-arian at kagamitan. Ipinid ang pintuan ng bahay. Dalhin sa paglikas ang mga sumusunod: radyong de baterya, kandila at posporo, tubig at pagkain na tatagal ng 3 araw, flashlight na may baterya, first aid kit, damit at pagkain ng bata, mahalagang damit sa lamig at lubid. BAHA MGA PAGHAHANDA: 1. Pag-ukulan ng pansin ang mga babala mula sa may kapangyarihan, radyo at telebisyon. 2. Kung naninirahan sa malapit na ilog, kinakailangang lumikas kaagad sa mataas na lugar upang hindi maabutan ng pagtaas o pag-apaw ng tubig. 3. Kung may babala tungkol sa bagyo, tukuran o talian ng lubid ang mga lugar sa inyong bahay na maaaring matangay ng agos ng tubig. 4. Putulin ang daloy ng kuryente sa mga kasangkapan. 5. Lutuing mabuti ang pagkain kung may baha upang makaiwas sa sakit. 6. Pakuluan ang iinuming tubig sa panahon at pagkatapos ng baha. 7. Iwasan ang paglabas ng bahay / pamamasyal kung hindi kailangan. 8. Kung kinakailangan lumikas sa oras ng baha, sundin ang mga sumusunod:

a. Mag-ingat sa mga bukas na imburnal at iba pang daluyan ng tubig. Kung may baha, ang daan at kanal ay mahirap malaman. b. Ang mga daan patungo sa bahagi ng ilog ay dapat iwasan kung lilikas. c. Kung gagamit ng lubid sa paglikas, doon ka sa bahaging pinagmulan ng agos at huwag bibitiw sa lubid. Ang isang kamay ay dapat laging nakahawak sa lubid. d. Tiyaking ibaba ang main switch ng kuryente at isara ang LPG. Itaas ito sa hindi maaabot ng tubig. e. Magbaon ng mga pagkain, inumin, damit, kumot, gamot at kung mayroong sanggol, magbaon din ng gatas at mga kakailanganin ng sanggol. f. Magdala ng kahit na anong ID (Identification Card). g. Susian ang mga aparador at cabinet. Isara ang mga bintana, pintuan at gate. 9. Pagkatapos ng baha, pagbalik sa tirahan: a. Tiyakin na walang putol na kuryente sa labas at loob ng bahay na pinagsisimulan ng sunog o pagkukuryente. b. Huwag kainin ang natirang pagkain sa loob ng bahay kung hindi nakatitiyak na hindi ito naabot ng tubig sa baha. c. Ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga putol na kawad ng kuryente o telepono sa loob at labas ng bahay. d. Kung ang sasakyan ng kuryente (outlets) at kagamitang de-kuryente ay napasok ng tubig ng baha, huwag isaksak ang mga plug hanggang hindi ito natitingnan ng elektrisyan. e. Huwag mag-usyoso sa pook ng sakuna (disaster area) at nang hindi makasagabal sa operasyong pagliligtas (rescue operation). KIDLAT MGA PAGHAHANDA: 1. Kung nasa loob ng bahay: a. Iwasan ang paggamit ng telepono. b. Lumayo sa mga kawad ng kuryente o mga appliances na de-kuryente. 2. Kung nasa labas ng bahay: a. Lumayo sa dumadaloy na tubig. b. Iwasang tumayo sa ilalim ng puno o anumang posteng nag-iisa sa kaparangan. c. Tiyaking mas mababa ka kaysa mga bagay na bumabalani sa kidlat tulad ng post eng kuryente o poste ng bakod. d. Iwasan ang traktora at iba pang mga sasakyan na yari sa metal kapag kumikidlat. e. Iwasang tumabi sa mga kawad ng sampayan, bakod na alambre, tubo ng tubig o ano mang gawa ng metal kapag nagkikidlatan. f. Kung nag-iisa sa ilang na lugar, lumuhod, hawakan ang tuhod ng dalawang kamay, ibaluktot ang katawan nang nakayuko ang ulo at ang noo sa tuhod.

LINDOL MGA PAGHAHANDA: 1. Kung nasa loob ng gusali o bahay: a. Huwag lalabas sa kinalalagyang lugar. Maaaring tamaan ng mga labi ng gusali o bahay. b. Sumilong/kumubli sa ilalim ng mesa, kama, sopa o sa likod ng pintuan. Ang mga ito ay magsisilbing pananggalang sa mahuhulog na matitigas na bagay. c. Pagkaraan ng unang pagyanig, gawin ang mga sumusunod: 1. Marahang lumabas sa kinalalagyang lugar. 2. Putulin ang daloy ng kuryente. 3. Mag-ipon ng tubig sa mga lalagyang may takip. 4. Huwag gumamit ng posporo, kung inaakalang sumisingaw ang tangke ng gas. 5. Makinig sa radio o telebisyon tungkol sa mga balita at babala na ibibigay ng may kapangyarihan. 6. Manatiling mahinahon sa lahat ng sandal at huwag padadala sa maling balita. 7. Maging handa sa mga susunod pang pagyanig. 2. Kung nasa labas ng gusali o bahay: a. Kinakailangan ang medaling pagsilong tulad halimba sa loob ng nakaparadang sasakyan o anumang malalaki at matitigas na bagay. b. Mag-ingat sa mga bumabagsak na poste, kawad ng kuryente at mga labi ng gusali. c. Huwag pumasok sa mga napinsalang gusali at maaaring manganib ang inyong buhay. d. Manatiling mahinahon sa lahat ng sandal. 3. Kung nasa pook na matao tulad ng mga sinehan, theater, mall, restawran, sumbahan o malalaking department stores: a. Huwag makipag-unahan sa mga exit o labasan. b. Lumayo sa mga pader na maaaring gumuho o malalaking display o rebulto na pwedeng matumba. 4. Kung nasa loob ng tumatakbong sasakyan: a. Sa bulubunduking lugar: 1. Maging mahinahon at huwag masiraan ng loob. 2. Ihinto ang sasakyan sa lugar na malayo sa gilid ng bangin o matarik na lugar na maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa.

b. Sa bayan o siyudad: 1. Ihinto ang sasakyan sa lugar na malayo sa mataas na gusali. 2. Manatili sa loob ng sasakyan hanggang hindi lumilipas ang pagyanig. c. Pagkatapos ng unang pagyanig: 1. Magmaneho ng marahan at iwasan ang mga daan na malapit sa gumuhong lupa, bitak na lupa, at mga napinsalang gusali, pader, poste ng kuryente at mga punong-kahoy. 2. Huwag masiraan ng loob at manatiling mahinahon sa lahat ng sandali. LANDSLIDE O PAGGUHO NG LUPA AT PAG-AGOS NG PUTIK ANU-ANO ANG MGA BABALA NA MAGKAKAROON NG LANDSLIDE? 1. Ang mga pinto at bintana ay naninikit at mahirap buksan. 2. Bumubuka ang mga pundasyon ng bahay o gusali. 3. Ang mga dingding, hagdan at ibat-ibang dugtong ng gusali ay naghihiwalay. 4. Bumubuka ang mga kalsada, lupa at ibat-ibang parte ng lagusan. 5. Mga linya ng kuryente ay napapatid. 6. Bumubukol at nag-aalun-alon ang lupa. 7. Parang bukal ang tubig mula sa ilalim ng lupa. 8. Mga bakod, poste, dingding, punung-kahoy ay tumatabingi mula sa kinatatayuan. 9. Maririnig ang ugong habang papalapit ang umaagos na lupa at putik. UPANG MAIWASAN ANG LUBHANG KAPAHAMAKAN AT PANGANIB: 1. Pag-aralan at alamin ang inyong kapaligiran. 2. Maghukay ng canal upang ilayo ang daloy ng lupang umaagos papalayo sa gusali o bahay. 3. Magplano kung papaano mag evacuate o tumakas mula sa landas ng agos. 4. Magkaroon ng dalawang plano o paraan ng pagtakas mula sa inyong kinaroroonan. 5. Pag-aralan at isagawa ang plano kung paano magkakaroon ng komunikasyon sa ibang tao o sa bayan kung saan mayroong maaaring tumulong. 6. Ipaalam sa lahat ng miyembro ng pamilya kung paano magtitipun-tipon muli kung sakaling magkahiwalay. 7. Ipaalam sa lahat ang pangalan, telepono, address ng contact person. Itoy maaaring kamag-anak o kaibigan na hindi ninyo kasama sa bahay.

Kung sakaling nasa loob kayo ng gusali o bahay at inabot ng pagguho ng lupa: 1. Manatili sa loob. 2. Magkubli sa ilalim ng mesa, silya o kahit anong matibay na kasangkapan. Kung ikaw namay inabot habang nasa labas o lansangan: 1. Dagling takasan ang maaaring daanan ng agos ng putik. 2. Tumakbo agad sa isang mataas na lugar. 3. Kung mabilis na dumarating anng agos ng lupang may masamang bato at mabibigat na bagay, tumakbo agad sa pinakamaliit na gusali o kakahuyan. 4. Kung hindi na talaga makaiwas sa sitwasyon na ito, ipulupot ang katawan na parang bola at bigyang proteksyon ang inyong ulo. Ang kumunoy ay nangyayari pag nawalan ng lupa ang mga lugar na malambot at ang ilalim nito ay gumuguho. Pagkatapos ng landslide, layuan ang mga lugar na ito. Maaaring gumuho pang muli ang lupa o umagos ang putik. Siyasatin kung may mga taong maaaring natabunan ng lupa at putik sa paligid. Maging matulungin sa mga taong nangangailangan ng tulong ninyo lalo na sa mga batang murang-mura ang edad, matatanda, at mga may kapansanan. Makinig sa radyong de-baterya o telebisyong de-baterya upang malaman ang mga balita tungkol sa sitwasyon. Laging alalahanin na ang baha ay maaaring kasunod ng pag-agos ng lupa at putik. Ipaalam agad ang mga napinsala o napatid na mga linya ng kuryente. Siyasatin agad ang mga pundasyon ng mga gusali, bubong at paligid. Kung may mga lugar na nabawasan o nasira ang lupa, takpan kaagad upang maiwasan ang dagdag pang baha. TSUNAMI O MALALAKING ALONG DALA NG LINDOL, PAGPUTOK NG BULKAN O SA ILALIM NG DAGAT O BAGYO MGA PAGHAHANDA: 1. Kung kayo ay naninirahan sa may baybaying dagat, lumikas sa mataas na lugar sa lalong medaling panahon. 2. Iwasan ang pagpunta o pamamasyal sa dalampasigan, ilog, o baybaying dagat, sapagkat ang agos ng tubig ay maaaring tumaas o lumakas sa anumang sandal. 3. Laging makinig sa inyong mga radio, telebisyon tungkol sa mga ulat sa tsunami. 4. Maging mahinahon sa lahat ng sandali at makinig lamang sa mga tamang balita.

PAGPUTOK NG BULKAN MGA PAGHAHANDA: 1. Kung malapit ang tirahan sa puputok na bulkan, huwag ng magpatumpiktumpik, lumikas sa lalong medaling panahon pagkatapos malaman ang babala. Kung ang pumuputok na bulkan ay nasa ilalim ng dagat, lumikas ang lahat papalayo sa mga baybaying dagat sa lalong medaling panahon. 2. Sundin ang lahat ng tagubilin ng nagbibigay ng babala. 3. Iwasang magdala ng mga bagay na hindi lubhang kailangan. Unahing dalhin ang mga pagkain, inumin, damit, gamot, kumot, mga mahahalagang personal na papeles at dokumento, ID at kung may sanggol, gatas at lahat ng pangangailangan ng sanggol. 4. Iwasang dumaan sa mga sapa, ilog, lawa o mga pook na dinadaluyan ng tubig dahil ito ang unang dadaluyan ng lawa o lahar. 5. Mahinahong magtungo sa mga itinakdang evacuation centers o pook silungan at iwasang gumala at mag-usyoso upang manatiling maluwag ang mg kalsada at hindi makasagabal sa maayos na takbo ng ginagawang rescue operation at relief distribution ng mga action teams. ASH FALL O PAG-ULAN NG ABO MGA PAGHAHANDA: 1. Takpan ng basang panyo ang ilong. 2. Takpan ng mga basang basahan ang mga pagkain. 3. Walisan ang bubungan ng bahay sa tuwina upang maiwasang maipon ang abo at maging dahilan ng pagbagsak ng bubungan. 4. Kung nagmamaneho sa daan, iwasan ang pagpapatakbo ng matulin upang di-maaksidente dahil sa dilim ng daan.

BLACKOUTS O MALAWAKANG PAGKAWALA NG DALOY NG KURYENTE MGA PAGHAHANDA: 1. Maging mahinahon sa lahat ng sandal at huwag padadala sa maling balita. 2. Laging maghanda ng mga sumusunod: a. b. c. d. e. Kandila Posporo Flashlight at radio na may baterya Lutuang di nangangailangan ng kuryente Mga bagay na maaaring gamiting ilaw sa panahon ng blackout

3. Manatiling nakikinig sa inyong radyo tungkol sa mahahalagang balita sa blackout. 4. Iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan. 5. Pangalagaan ang kaligtasan ng sambayanan laban sa masasamang loob. 6. Putulin ang daloy ng kuryente sa mga kasangkapan. 7. Ilayo ang kandilang may sindi sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng apoy. 8. Kung inabutan ng blackout sa daan, sikpaing huwag malayo sa karamihan at sumakay agad sa unang sasakyang daraan patungo sa inyong bahay. SIBIL NA PAGKAKAGULO MGA PAGHAHANDA: 1. Makinig sa radio ng mga ulat tungkol sa sitwasyon. 2. At kung nasa pook ng kaguluhan: a. Iwasang lumabas ng tirahan o gusali. b. Huwag mag-usyoso. c. Maging handa sa pagkakataon ng sunog. Kung magkakaroon ng sunog, manatiling kalma, ipagbigay-alam agad sa kinauukulan at may kapangyarihan. Kung kailangang iwan ang tirahan, dalhin lamang ang mga mahahalagang gamit, papeles/dokumento at ID. MGA SAKIT NA DAPAT IWASAN KUNG TAG-ULAN O MAY BAHA 1. Pagtatae at iba pang sakit na dng maduming inumin o pagkain (kolera, typhoid fever, hepatitis A, at iba pa). 2. Ubo, trangkaso at pulmonya. 3. Dengue fever. 4. Leptospirosis o impeksiyong galling sa ihi ng daga. UPANG MAIWASAN ANG SAKIT NA ITO, SUNDIN ANG MGA SUMUSUNOD: 1. Uminom lamangng tubig na siguradong malinis. Tandaan na kung may baha, and tubig na dating iniinom ay maaaring marumihan dahil sa baha. Upang masigurong malinis ang inumin pakuluan ng di iigis sa dalawang minuto. 2. Kumain lamang ng pagkain na siguradong malinis. Mas mabuti kung ang pagkain ay bagong luto at mainit-init pa. Kung nasa evacuation center at walang paglulutuan, kumain lamang ng mga bagong bukas na de lata o pagkaing hindi panis. 3. Ipagbawal sa mga bata ang paglalangoy o pagtatampisaw sa baha. Hanggat maiiwasan, huwag lulusong sa baha lalo na kung walang bota. Dito makukuha ang Leptospirosis. Maaari ring mainom ang maruming tubig baha ng mga naglalarong bata. Kung napilitang maglakad sa baha, hugasan agad ang mga paa. Magsabon ng mabuti.

4. Huwag magpakabasa sa ulan. Kaagad magsuot ng tuyong damit at magsweter upang huwag malamigan ang katawan.

You might also like