Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
16Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Sinaunang Kasaysayan Ng India

Sinaunang Kasaysayan Ng India

Ratings:

3.0

(2)
|Views: 6,849 |Likes:
Published by listalist

More info:

Published by: listalist on Jul 04, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/19/2014

pdf

text

original

 
Sinaunang kasaysayan ng India
KasaysayanUnang Kabihasnan
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus.Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro.Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina,salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo. Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutuong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa,kambing,at elepante.Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayandito. Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilankung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga archeoloheyo, ang paglusobng mga Aryano sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.
Imperyong Maurya
Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo BCEbilang Imperyong Maurya na itinatag niChandragupta Maurya at umunlad sa 
 
pamamahala ni
Dakilang Asoka 
.
  Ang mga naging hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan.
Imperyong Mughal
Sa pagsugod ng mga muslimmula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo hanggang ika-12 siglo, halos ang buong Hilagang Indya ay pinamumunuan ng isang Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno niDakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim.Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha.Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang 
subcontinent 
.
Kolonya ng mga Europeo at Paglaya
Nasakop ng mga Europeo nang ika-16 siglo ang Indya. Ang namahala sa kolonyang ito ay ang East India Company at pagkatapos ng Rebolusyong Sepoy, direktang namahala na ang 
Empress ng Britanya 
at isinama ang India sa Imperyong Britanya. Si Mahatma Gandhi kasama si Jawaharlal Nehru, 1937. Si Nehru ang naging unang ministrong pinuno noong 1947.Nang ika-20 siglo, isang malawakang kilos para sa kalayaanay pinangunahan niMahatma Gandhi.Nagkaron ng 
civil disobedience 
bilang protesta. Nakalaya din ang Indya noong Agosto 15, 1947, pero ang rehiyon na pinamumunuan ng mga muslimay humiwalay at itinatag ang Pakistan.Noong Enero 26, 1950, naging isang opisyalna republika ang India at nagkaroon ng sariling saligang-batas. Ang Indya ay nagkakaroon ng mga problema sa kahirapan, terrorismo, digmaan ukol sa relihiyon,diskriminasyon sa mga mabababa sa caste at naxalismo.
 
Simula ng Eksplorasyon At Pagtuklas
Pananakop ng mga Español
 
I. Paglunsad ng mga eksplorasyonMaraming mga bagay at dahilan ang nag-udyok sa mga Europeoupang tumuklas at manakop ng mga lugar na hindi pa kristiyanado.Isa sa mga dahilang ito ay ang mga krusada. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan upang 
agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang 
krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan. Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang taga-Silangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito. Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim,tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano. Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na was akin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanapng ibang daanan patungong silangan. Ang mga salaysay ni Marco Polo tungkol sa mga paglalakbay niya sa China at ang karangyaan ng bansang ito ay nagging isa ring pang-akit.Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya. Nagbigay ito ng lakas ng loobsa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran.II.Kasunduan sa TordesillasDahil sa paguunahan o pagpapaligsahan ng Portugal at Espanya sa panunuklas o eksplorasyon, napairal ng isang dekreto ang papa ng Roma, Alexander VI na nagtatakda at nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng dalawang bansa.Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng papa ng karapatang ang Espanya na manuklassa bagong daigdig at ang Portugal sa Africa. Binago ito noong Mayo 4, 1493.Gumuhit ng isang imahenaryong linya na nagmula sa hilagang polo patungong 

Activity (16)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Cjohn Cabading liked this
Evelyn Cabe liked this
Earl Villaruel liked this
Edniffer Pizarro liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->