You are on page 1of 21

ANG PROPESIYA

Unang Bahagi ng Kwento


Makatakas! Ang tanging nasa isipan ng isang babaeng sugatan habang mahigpit na yakap ang sanggol sa kanyang mga bisig. Mabilis na tinatahak ng mga paa ang madilim at mapanganib na gubat na wari bang ito na lamang pinakaligtas na lugar na pwede nilang maging kanlungan sa oras na iyon ng kagipitan. Hindi alintana ng babae ang kakaibang ihip ng hangin na mas nagdudulot ng ibayong lamig at kirot sa kanyang mga sugat bunga ng tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Oo napakahirap ng kanyang kalagayan ngunit sa mga panahong iyon tanging siya lamang ang makakatulong sa kanyang sarili. Hapo ang katawan ngunit lakas ng loob na binabagtas ang makapanindig balahibong daan na nooy hindi niya alintana. Ang nakabibinging ingay ng mapwersang pagsasalimbayan ng mga nagtatayugang sanga ng punongkahoy ay animoy nagmamasid at kumakaway upang ituro ang tamang daan tungo sa kaligtasan nilang mag-ina. Ang mga alitaptap na tila ba ay nakakaunawa at handang magkaloob ng taglay liwanag upang magsilbing tanglaw sa madilim na landas na iyon ng kawalan. Malakas ang huni ng mga kuliglig na para bang nagbibigay ng babala sa mag-inang noon ay nangangailangan ng kalinga. Sa pagkakataong iyon ay walang ibang nangingibabaw sa kanyang pagkatao kundi ang malaking takot sa panganib na nooy nagaabang sa kanyang anak mula sa kalupitan ng sariling ama nitong hindi na alam ang ginagawa. Higit pa ito sa anumang nakapangingilabot at nakabibinging alulong ng hayop na animoy ulol na kapagdakay biglang aatake nang buong bangis upang ibsan ang gutom at uhaw mula sa laman at dugo na kanilang masisila doon sa kagubatan. Sarado ang kanyang mga mata at tenga sa mga nakikita at naririnig. Tanging ang sanggol na hawak niya ang noon ay pansumandaling kinukunan niya ng tibay ng loob upang ibuhos ang natitira pang lakas ng katawan upang ipagpatuloy pa ang kanyang paglalakbay.

Pabilis ng pabilis ang kanyang mga hakbang habang mabilis din ang pagdaloy ng mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Ang pagdaloy ng mga luhang iyon ay kaalinsabay din ng untiunting pagbabalikan ng mga mapapait na ala-ala na umukit ng mas malalim na sugat sa kanyang kalooban. Mahirap tanggapin ngunit kanina lamang nangyari ang lahat. Ang mga tagpong iyon na tumapos sa kanyang mga pangarap. Lingid sa kanyang kaalaman na ang asawang tinakasan na pala ng katinuan ang siyang magdadala sa kanilang mag-ina sa maagang kamatayan. Ang bawat saksak na iyon na sana ay nakalaan para sa walang muwang na sanggol ay pilit na inako ng babae. Maagap na napigil nito ang marahas na kamay na may hawak na patalim at tila ba sabik malahidan ng mainit na dugo ng walang muwang na biktima. Pilit na nakipagbuno ang babae, dahilan kung bakit ang kanyang katawan ang tumanggap ng talim na iyon. Nasundan pa ito ng ilang unday ng saksak sapagkat kinailangan niyang isanggalang ang sariling katawan upang protektahan ang sanggol sa tiyak na kamatayan. Kinakapos ang hiningang nagpupumilit na ipagpatuloy ang paglalakbay. Ngunit marahil ang lahat ng bagay sa mundo ay may simula at may katapusan. Batid niya na di na rin siya magtatagal. Para siyang kandila na anumang oras ay hihipan ng hangin upang ang ningas nito ay dagling mamatay. Sa masukal na parte ng gubat na iyon, ang katawang lupang naliligo sa dugo ay pansumandaling humimlay. Pilit na hinahabol ang hiningang tila ba ilang minuto bago pa masundan. Mahigpit niyang niyakap ang sanggol at dooy masuyong hinagkan. Nangingilid ang mga luha habang pilit na umuusal, Anak! ikaw ay aking pinakamamahal. Patawarin mo ang Mama kung pansumandali kitang iiwan. Ngunit pangako aking anak, ako ay magbabalik upang muli kang bantayan. Isang malalim na buntong-hinga ang hinugot nito at saka pinakawalan, ngunit noon din ay di na muli pang nasundan. Ang pagluwag ng mga bisig nito mula sa pagkakayakap ay nagbunga ng

matinis na pag-iyak ng sanggol na wari bang nadarama ang paglisan ng ina. Naglulumikot ang sanggol sa ibabaw ng bangkay na tila ba nanggigising upang muling humiling na maramdaman ang init ng mga bisig na iyon at dooy matikmang muli ang gatas ng ina na tanging sa kanya ay makakapagpatahan. Dama ng bata ang mainit pang dugo na nooy tumatagas mula sa dibdib ng bangkay. Buong pag-aakalang ito ang gatas na kanyang pinakahihintay. Sabik na iginiya ang bibig sa bahaging iyon upang lasapin ang dugong makakapagpabago ng kanyang normal na buhay. Lingid sa kaalaman ng sanggol ay di pala siya nag-iisa. May isang pusang itim, asong may pangil at baboy ramong nakatanod sa kanya. Matalim na nakamasid ang mapupulang mga mata, sa munting nilalang na nooy nabubuhay na mag-isa. Ngunit tila ba may isang nakapagtataka, na ang tatlong hayop na ito sa gawi ay iisa.

Ikalawang Bahagi
Sino ka?. Bakit ako nandito? naguguluhang tanong ng babae na nooy mabilis na napabalikwas sa kanyang higaan. Agad na dumako ang tingin sa lalaking nooy nakaantabay at nagmamasid sa kanya. Andito ka sa kubo na tinutuluyan ko dito sa gubat wika nito. Dinala kita dito ng natagpuan kitang nakahandusay kanina. Walang kang malay at duguan ang katawan, pero wala ka namang sugat o galos man lang, ano ba ang nagyari sa iyo? sunud- sunod nitong tanong sa babaeng nooy kahit marusing ang itsura ay kapapanaagan ng angking kagandahan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin! kunwariy naguguluhang wika ng babae. Wala akong matandaan wika pa nito na nooy hindi magawang salubungin ang mga titig na ipinupukol sa kanya ng lalakeng malaprinsipe yata ang kagwapuhang taglay taglay.

Wala ka man lang bang kasama o kakilala dito sa gubat at kung meron man bakit iniwan ka na lang sa gitna ng kagubatan. Di ba nila alam na mapanganib doon at pupwede kang mapahamak? wika nitong parang may halong galit at paninisi sa sinumang kasama ng babae sa gubat ng mga oras na iyon. Di pa man lubusang magkakilala ay dama ng babae na may isang tao na nag-aalala sa kanya sa mga oras na iyon, pag-aalalang kelan man ay di pa niya nararanasan sa buong buhay niya. Naaaaa..naliligaw ako! Oo tama! naliligaw ako natatandaan ko na! maang nitong sabi. Nagpaikut-ikot na ako dito sa gubat sa pag-asang makita ang daan pabalik ngunit hindi ko na matandaan, ang sabi pa nito. Saan ka ba talaga nakatira at bakit duguan ang katawan mo? wika ng lalake. Aaah. di ko matandaan! Sumasakit ang ulo ko! wika ng babae na agad na dinama ang kunwariy sumasakit na ulo. Naku mukha yatang hindi ka pa talaga okey wika ng lalake Pasensya ka na kung marami akong tanong. Nais ko lang talagang malaman kung ano talaga ang nangyari sa iyo at kung paano kita iuuwi sa inyo pabalik! wika ng lalakeng may bahid ng pagkakonsensya sa sunud- sunod na pagtatanong niya sa babae. Okey lang wika ng babae, Naiintindihan ko naman sabi pa nitong bahagyang ngumiti na lalong nagpalutang sa maamo at maganda nitong mukha. Dahil sa hindi ka pa okey, hindi kita maaaring iwan dito na mag-isa. Di muna ako aalis, babantayan muna kita hanggang maging okey ka na wika ng lalakeng kakikitaan ng sinseridad sa pagtulong na ginagawa para sa babae. Okey lang naman ako, mukha naman talagang hindi ka taga-rito kasi nakikita sa pagsasalita at kilos mo wika ng babae. Baka may nag-aalala na sa iyo at kailangan mo ng bumalik sa inyo kunwariy sabi pa nito.

Teka muna bakit parang alam mo!. Siguro taga-rito ka talaga, di mo nga lang maalala biro nito sa babae. Dahil siguro yan sa kung anong nangyari sa iyo sa gubat dahilan kung bakit natagpuan kitang walang malay at duguan pa! wika pa nito. Bweno, tama ka hindi nga ako taga-rito. Ito ang tanging lugar na pinupuntahan ko tuwing week end. Kahit nag-iisa ako rito ay masaya ako kasi dito ko natatagpuan ang katahimikang hinahanap ko. Sa amin kasing bahay ay masyadong magulo, hindi ako makakilos ng malaya. Kung magdedesisyon ako para sa sarili ko kelangan ko pang sundin ang dikta ng Papa at Mama ko para maging matahimik lang ang loob ng bahay namin. Minsan ay nakakasakal din, pakiramdam ko nakakulong ako sa isang hawla. At least dito malaya kong nagagawa ang gusto ko sabi ng lalake na nooy bigla pinamahayan ng lungkot ang mga mata. Ay! Pasensya ka na kung masyado akong madrama, Di pa nga tayo magkakilala, marami na agad akong naikwento tungkol sa sarili ko, nakakahiya naman. Ako nga pala si Robert!. Ikaw, ano ang pangalan mo?. Huwag mong sabihin pati pangalan mo ay nakalimutan mo na rin? wika nitong may halong pagbibiro sa babae. Aaah. Ako si Barbara wika ng babaeng noon lamang nagising sa animoy nabatu-balaning pagkakatitig nito sa mukha ng lalake. Para tuloy itong nakadama ng pagkapahiya. Barbara ang pangalang agad na pumasok sa kanyang isipan. Sa totoo lang ay wala siyang pangalan. Ang tanging alam niya ay siya lamang ang nilalang na bukod tanging nabubuhay sa gubat na iba ang itsura. Hindi niya alam kung kauri ba ni Robert ang kanyang mga magulang o hayop din lang na nagsilang ng anak na may itsurang katulad niya sapagkat nabuhay siya sa gubat sa di maipaliwanag na dahilan. Ang gubat na ito ang nagsilbi niyang tahanan at tanging mababangis na hayop lamang ang kanyang nakakasalamuha sa arawaraw.

Wow! pabiglang sambit nito. Ang ganda naman pala ng pangalan mo, kakaiba sa mga pangalan na narinig ko sabi nitong muling nagpukol ng di maipaliwanag na titig sa babae na nooy din na rin magawa pang ibalik ang tingin sa kanya. Aalis muna ako sandali, Barbara wika ng lalaki. Wag kang masyadong magkikilos baka kung mapaano ka pa. Maghahanap muna ako ng ating makakain. Alam kong nagugutom ka na. Hintayin mo ako ha, saglit lang ako sabi pa nito at saka ngumiti sa nooy wari pa ring nahihiyang babae. Nahihiya man ay nagpilit itong magtapon ng tingin at tumangu-tango na lamang habang inihahatid ng mga mata nito ang nooy papalabas ng lalake sa pinto ng kubo. Ilang segundo pa ang nakalipas, nang may bigla na lang di maipaliwanag na ingay ang naririnig ng babae sa may di-kalayuang iyon ng kakahuyan. Malapit lang ito sa kubo na kanyang tinutuluyan. May anim na mapupulang mata na nooy matalim na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Di niya alam kung ikakatakot ba niya ito o ikakagulat lang, pero malakas ang kanyang pakiramdam na di lang pangkaraniwan ang kanyang mga nakikita. Alam at kabisado na niya ang lahat ng mga nangyayari sa kagubatang iyon sapagkat ito ang tanging dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang buhay. Di nga bat, kaya niya kasama ngayon ng lalakeng matagal na niyang sinusubaybayan. Ang unang lalakeng hindi nagpapatulog sa kanya, ang taong laging nagbibigay ng ngiti sa kanyang mga labi tuwing ito ay kanyang maaalala at nagdudulot ng kakaibang ligaya sa kanyang puso tuwing dadalawin niya ito ng lihim upang masilayan lang. Tandang tanda pa niya nang una niya itong makita habang naliligo sa isang ilog na kung saan ay lugar din na kanyang pinupuntahan tuwing matatagpuan niya ang sariling duguan ngunit wala namang galos o sugat sa kanyang katawan. Natakot siya rito ngunit may halong saya

sapagkat sa unang pagkakataon nakakita siya ng kagaya niya ang itsura. Naaalala pa niya ang mga tagpong iyon na kinailangan niyang magtago upang di siya nito makita. Hindi siya makaalis kaagad sa kanyang pinagtataguan sapagkat maaari siyang makalikha ng ingay dahilan para mahuli siya nito. Wala siyang nagawa kundi hintayin na lamang itong makatapos pero di naman siya nabagot sapagkat naaliw naman siya habang pinagmamasdan itong aliw na aliw rin sa pagtatampisaw sa malamig at malinis na tubig. Oo! Nagpanggap lamang siya. Hindi totoong wala siyang naaalala sa mga nangyari sa kanya sa gubat. Gumawa lang siya ng dahilan upang makalapit at makilala si Robert, ang lalakeng pakiramdam niya ay may malaki ng puwang sa kanyang puso. Tandang-tanda pa niya ang lahat, kabilugan ng buwan kagabi ngunit di niya alintana. Alam niyang may kakaiba na namang mangyayari sa kanya. Ang makita ang lalaking pinakamamahal, iyon ang tanging mahalaga sa kanya sa mga sandaling iyon. Ngunit tila ba ang palagiang tagpo na iyon sa kanyang buhay ay di niya kayang pigilan pa. Bilog na bilog na naman ang buwan sa kalangitan habang pilit nitong tinatanaw ang lalaking pinakamamahal na nooy nasa loob ng kanyang kubo sa may di kalayuan. Nang bigla na namang nag-init ang kanyang buong katawan kaalinsabay ng nagbabagang pakiramdam na para bang tinatakasan siya ng sariling katinuan. Nag-aalumpihitan, nagpupumiglas, at naghihinlakas ang katawang nooy di sigurado ang pupuntahan, wari bang mapapahiga, mapapaluhod, dadapa at titindig kaalinsabay ng tila ba nalalangitngitan at naghihilahang laman ng kanyang buong katawan. At iyon, iyon lang ang kanyang natatandaan. Ang mga susunod na pangyayari ay din na niya alam. Sanay ang kanyang katawan na kung saan siya abutan ng ganung pakiramdam ay doon din siya babalik kinabukasan. Marahil ito ang dahilan kung bakit siya natagpuan kaagad ni Robert sa may di kalayuan

na ipinagpapasalamat naman niya sapagkat iyon pala ang magiging daan ng kanilang pagkakakilala. Mas lumakas pa ang ingay na kanyang naririnig sa may kakahuyan na siyang pumutol sa kanyang pagbabalik tanaw sa mga nakaraang pangyayari. Agad na inihakbang ang mga paa sa bahaging iyon upang walang takot na tuklasin kung ano talaga ang naroroon. Nang hahawiin na niya ang malalagong halamang ligaw na naroroon ay may biglang tumawag sa kanyang pangalan. Barbara! wika nito. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at si Robert pala ang tumatawag sa kanya. Mabilis itong humahakbang papalapit sa kanya. Sabi ko na sa iyong huwag ka munang aalis sa loob ng bahay at baka kung mapaano ka! sabi nitong may halo na namang pag-aalala ang mukha. Muli ay inalalayan nito ang babae papunta sa loob ng bahay. Pasensya ka na, naisipan ko lang maglakad-lakad sa labas habang naghihintay sa iyo hingi ng paumanhin ng babae. Pinag-alala mo ako, akala ko kung saan ka na pumunta! Basta kung may pupunta ka man o meron kang kelangan ay tawagin mo lang ako, okey ba yun! wika ng lalake sa babae na nooy lihim namang nagdidiwang ang puso dahil sa pag-aalagang ipinapakita nito sa kanya. Pagkatapos mong kumain ay sasamahan kitang maligo sa isa sa napakagandang ilog dito. Iyon ang lugar na pinupuntahan ko kapag maliligo ako. Wala kasing tayong malapit na pagkukuhanan ng tubig dito para sana ay maipag-igib kita para sa pampaligo mo. Sinisigurado ko sayo na mag-eenjoy ka dun, baka sabihin mo, ayaw mo ng umalis kapag nakita mo ang malinaw at malamig na tubig wika ng lalakeng may halong pagmamalaki sa lugar na iyon na para sa kanya ay isang paraiso. At noon nga ay nagtungo ang dalawa sa ilog. Sabik na inilublob ng babae ang marusing na katawan sa animoy malakristal sa linis ng tubig doon.

Ilang beses pang naulit ang mga tagpong iyon. Masaya silang naghahabulan at nagtatampisaw sa malinis na tubig ng ilog na parang mga bata. Ilang araw na pala silang magkasama ngunit di nila napapansin ang mga araw na iyon na lumilipas. Ang mahalaga ay ang tunay na kaligayahang kanilang nadarama tuwing sila ay magkasama. Para tuloy muling nabuhay ang mga unang tao sa paraisong iyon na nilikha ng Diyos para kay Adan at Eba. Araaaaaaayyyyyyy!!!! paa. Anong nangyari, Barbara? agad namang lumapit na lalake. Di ko maigalaw ang aking mga paa, Robert ! sabi nitong ngiwingngiwi ang mukha sa sakit na nararamdaman. Para itong namamanhid kung kayat hindi niya maigalaw ang mga ito Patingin nga! agad nitong tiningnan ang mga paa ng babae. Naku pinupulikat ka, halika at doon muna tayo sa tabi ng ilog, maupo ka sandali at imamasahe ko ang mga paa mo maagap na sabi agad ng lalaki. Agad namang naupo ang babae sa tabi ng ilog at doon ay iniunatunat ng lalake ang mga daliri nito sa paa upang doon ay madaling maalis ang pulikat nito. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nakikinig sa akin! medyo pagalit nitong sabi. Sinabi ko na kasing umahon ka na sa tubig kanina pero hindi ka nakinig! may halo pa ring paninisi nito ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala sa mukha na para bang sa simulat simula pa ng kanilang pagkikita ay nagkaroon na ito ng tungkuling bantayan at alaagan siya. Isang bagay na naging dahilan upang tuluyang mahulog ang kalooban ng babae dito. Sorry na! huwag ka ng magalit! sabi nito na parang sinusuyo ang lalaki. Salamat nga pala sa kabutihan mo sa akin! wika pa nito. Naku! pasalamat ka mahal kita pabulong na wika ng lalaki. sigaw ng babae na nooy hawak ang mga

Ano? Anong sinabi mo? wika ng babae na animoy nakatakas sa kanyang pandinig ang tinurang iyon ng lalaki. Wala! Wala naman akong sinabi! muling maang na wika ng lalake. May sinabi ka eh, ano nga un? pilit muli ng babae Mahal kita, Barbara, bigla at di sinasadyang nasambit ng lalake. Nanulas ng kusa ang mga katagang iyon sa kanyang bibig na larawan ng tunay niyang nararamdaman para rito. Hindi na niya kayang pigilin at itago pa ang katotohanang minahal na niya ang babae mula nang una pa niya itong makita. Mahal kita kaya ayaw kong mapahamak ka! sabi pa nito. Mahal din kita Robert tugon nito sa lalake na di na rin napigilan pang aminin ang totoong nararamdaman para rito. Nasasalamin sa mata ng bawat isa, maging ang mabibilis at malalakas na tibok ng kanilang mga puso ang nagsusumigaw na pagibig na tanging noon lamang nila naramdaman. At doon ay nagtama ang kanilang paningin. Hindi na kailangan pa ng maraming salita upang ipadama ang pagmamahal na iyon. Sapat na ang tagpong iyon upang bigyang laya ang nabuong pagmamahalan na kahit sa maikling panahon ay masasabi nila sa bawat isa na ito ay wagas at walang hangganan. Hindi kita pwedeng iwan dito mag-isa Barbara. Uuwi ako bukas at isasama kita sa amin. Ipakikilala kita sa aking mga magulang wika ng lalake sa babae. Sigurado ka ba diyan Robert? babae. Mahal kita at wala silang magagawa upang papiliin ako ng babaeng dapat kong mahalin mariing sabi ng lalake. Totoo ang pagmamahal ko sayo at ipaglalaban ko iyon. Hindi ako mabubuhay ng masaya kapag wala ka sa tabi ko sabi pa nito. Ikaw ang bahala wika ng babae na nooy parang di matahimik ang isipan. baka magalit sila sayo wika ng

Parang hinahaplos ang kanyang puso ng mga sandaling iyon at buong paghanga ang nararamdaman para sa kasintahan. Doon ay napatunayan na niya na mahal nga siya nito at handa nitong ipakipaglaban ang pagmamahal nito para sa kanya. Ngunit nagdulot pa rin iyon ng malaking pangamba at takot sa kanyang puso at isipan. Alam niyang marami pang hindi alam ang kasintahan tungkol sa kanyang pagkatao at di niya magawang ipagtapat dito. Natatakot siyang layuan na lang bigla at pandirihan nito sa mga kakaibang nangyayari sa kanya. Makaraan ang pitong buwan at nooy pitong buwan na rin silang nagsasama ni Barbara. Pitong buwan na rin ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Hindi nga sila nagkamali sa kanilang sapantaha noon na ikakagalit ng kanyang mga magulang ang pag-uuwi niya sa babae at ipakilalang asawa niya ito. Upang mailayo ang asawa sa gulo ay bumukod sila ng bahay at namuhay ng normal bilang mag-asawa. Isang buwan pa lang ang bata sa sinapupunan ng kanyang asawa noon ay niyaya na niya itong magpakasal ngunit tumanggi ito. Kahit sa pamamasyal nila ay palagi itong umiiwas lalo na kung niyayaya niya itong pumasok ng simbahan. Maraming dahilan si Barbara, bagay namang inuunawa ng lalake at di na rin pinagtuunan pa nito ng maraming pansin. Ika-3 ng madaling araw, kabilugan noon ng buwan, biglang naalimpungatan ang lalake mula sa mahimbing na pagkakatulog nang biglang maramdaman na ang asawa ay wala sa kanyang tabi. Marahil pumunta lang sa banyo bulong niya sa sarili. Itinuloy nitong muli ang pagtulog. Hanggang sa sumapit na ang ika-apat ng madaling araw ay wala pa rin ito. Hindi na naghintay ang lalake at agad bumalikwas sa kinahihigaan. Barbara! tawag nito. Mahal asan ka ba? sigaw nitong muli at nang wala pa ring sumasagot ay humakbang ang mga paa papalabas ng

pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay isang babaeng galing sa bagong paligo ang tumambad sa kanya. Oh Barabara! Mahal! saan ka ba nagpupunta kanina pa kita hinahanap. At bakit ang aga-aga mo namang naligo. Baka sipunin ka niyan pati ang beybi natin ay magkasakit? sunod-sunod na sabi nito sa nooy parang hinihingal na asawa. Wala mahal, naligo lang ako ng maaga kasi naiinitan ako at saka madilim pa pala sa labas, nais ko sanang maglakad lakad diyan sa bakuran kasi sabi nila makatutulong daw iyon sa buntis upang maging mabilis ang paglabas ng beybi sa araw ng pagsilang dito hingal pa ring wika nito. Ahhhhhhhh.. wika na lang ng tumatangu-tangong lalaki. Basta sa susunod ay gisingin mo ako at ng matulungan kita ha wika nito sabay halik sa pisngi ng pinakamamahal na babae na ngayoy magiging ina na ng kanyang magiging anak. Habang wala pa si beybi sa iyo ko muna ibibigay ang mga halik na dapat ay sa kanya, tutal andyan pa naman siya sa loob ng tiyan mo sabay tawa ng malakas ng lalaki at noon nga ay di mabilang na halik ang ibinibigay sa asawa. Malapit nang matupad ang propesiya sabi ng matandang babae na napapalibutan ng makapal na usok ang paligid. Animoy nagluluto sa malaking kawa na laman ay puro putik. May kung anu-anong itim na rebulto ang nakapaligid dito na animoy santo na sinasamba at inaalayan ng dasal na tanging siya lamang ang nakakaintindi. Mga kampon! ito na ang tamang panahon. Dalhin ninyo dito ang itinakdang maging unang aswang mula sa lahi ng mga tao. Ang babaeng iyon na matagal ko nang pinasusubaybayan sa inyo wika ng babae na nooy malabruha kung tumawa. Humayo kayo mga kampon! hi!. hi!. hi! hi!...

Agad na umalis ang tatlong hayop, ang pusang itim, asong may pangil at baboy ramo na nagsilbing mga tanod ng sanggol ng gabing iyon, ang gabing iyon ng itoy lisanin ng sariling ina. Ang dating sanggol na ngayon ay magiging isa na ring ina. Kelangang matuloy ang propesiya wika ng babaeng bruha na nooy nag-iisa. Ito ang huling tao na natitira mula sa lahi ng pinaniniwalang kulto ng kanyang mga ninuno. Ang kultong ito ay may paniniwalang sila ang magiging daan upang lumikha ng isang uri ng kakaibang nilalang na magmumula sa lahi ng mga tao na tatawaging Aswang. Ang aswang na ito ang hihiranging pinakamakapangyarihan na siyang maghahari sa mundo pagdating ng itinakdang panahon. Nagtataglay ito ng pinagsamang lakas at bangis ng pagiging hayop at tao. May kapangyarihang baguhin ang sarilng anyo ayon sa nais nito. Ang sanggol na itinakda ay ang sanggol na nakatikim ng sariling dugo ng kanyang ina. Magiging ganap lamang ang pagiging aswang nito kapag ang dugo at laman ng sariling anak ang kanyang matitikman. Sa ngayon ay dugo at laman lamang ng hayop ang nitoy hinahanap ngunit dagling mag-iiba kapag nagtagumpay ang babaeng bruha na maipakain dito ang sarili niyang anak. Hi!........hi!.........hi!.........hi! sabi nitong kinakausap ang nooy mga bungo ng tao na nakapaligid sa kanya. Matutupad ko na ang ating pinakamimithi mga kasama. Maipaghihiganti ko na rin ang inyong pagkasawi mula sa malulupit na tao na iyon na pumatay sa inyo. Ang mga taong iyon na pumatay sa ating angkan at relihiyon. Nagkamali sila sa kanilang inakala na naubos na nila ang lahi natin, andito pa ako at ako ang tutupad sa ating nasimulan. Dadating na ang itinakda na sisira at uubos sa lahat ng lahi ng tao!

Hi!............hi!....................hi!...................hi! galit at paghihiganti ang puso. Barbara! hi!.......hi!......hi!

wika nitong kahit na

may halakhak na namumutawi sa labi ay kapapanaagan ng matinding

wika ng bruha sa nooy mumukatTeka, bakit ako

mukat na babae. Bakit ako nandito, at anong lugar ito? nakakulong? Sino ka ba at ano ang kailangan mo sa akin? sunudsunod na wika ni Barbara sa nooy nasa kabuwanan na ang tiyan at kahit anong oras ay isisilang na ang sanggol na nasa sinapupunan Ipinasundo kita sa kanila sabay turo sa mga nakatanod na hayop. Kagabi ay tinawag ka na naman ng iyong pangangailangan sa dugo at laman ng hayop na tanging pumapawi sa iyong gutom at uhaw. Hinabol mo ang mga alagad ko kaya iyan! andito ka na. Sa layo ng ginawa mong paghabol sa aking mga alagad ay bigla ka na lang naghina at nawalan ng malay. Ang sanggol na iyan sa iyong sinapupunan ang dahilan kung bakit hindi ka kasing lakas ng dati. Ngunit huwag kang mag-alala, babalik din ang dati mong lakas, mas malakas pa sa iyong inaasahan ng bruha, hi!...hi!...hi!...hi! Anong ibig mong sabihin? pakawalan mo ako dito? nooy hinihingal na buntis. Makakalabas ka lang diyan kapag nangyari na ang propesiya wika ng bruha. Hi!...hi!....hi!...hi!. Anong propesiya ang sinasabi mo? hindi kita maintindihan, pakawalan mo ako dito! sigaw nitong muli na lalo pang niyanig ng sigaw ng sabay tawa

malakas ang mga rehas na iyon na sa kanya ay nakapaligid. Ngunit parang bingi ang bruha sa kanyang mga isinisigaw. Mamayang gabing kabilugan ng buwan, isisilang mo ang iyong sanggol ngunit hindi mo mapapaglabanan ang tawag ng napakabangong dugo at laman ng iyong sariling anak.

At mangyayari na ang propesiya , kasabay ng iyong pagsilang sa iyong anak ay pagsilang din ng isang makapangyarihang uri ng nilalang na siyang sisira at uubos sa lahat ng tao dito sa mundo! Hi!.....hi!....hi!........hi! Nasasabik na akong masaksihan ang aking

tagumpay! hi!hi!hi!.hi!. Gabi na, maliwang at kabilugan ang buwan kaya kitang-kita niya ang lahat ng mga nangyayari. Kaya pala lagi siyang nawawala sa tabi ko tuwing gabi na kabilugan ng buwan. Isa pala siyang halimaw na kumakain ng dugo at laman ng hayop dito sa kagubatan. Niloko niya ako. Pinagkatiwalaan ko siya ngunit di niya sinabi sa akin ang lahat. Hindi pala aksidente ang pagtatagpo naming dalawa. Dito pala talaga siya nakatira sa gubat sapagkat dito lang siya pwedeng mabuhay ngitngit na sabi ni Robert na nagtatago at nagmamasid sa may di kalayuan. Sinundan pala niya ang asawa kagabi at kitang kita niya ang mga kahila-hilakbot na tagpong iyon. Si Barbara ay humahangos na nagtungo sa may gubat. Hinabol niya ito ngunit di niya naabutan. Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang makarinig siya ng isang malakas na ingay na animoy umuungol na hayop. Alam niyang malapit lang ito sa kanyang kinalalagyan. Nakaramdam siya ng takot at pag-aalala para sa asawang noon din ay di na niya alam kung saan nagpunta. Kaagad siyang nagtago ng maramdaman niyang may animoy mabilis na humahangos papunta sa direksyong kinaroroonan niya at umuungol na animoy asong bangag. Laking gulat niya ng makita kung sino ang humahangos, ang kanyang asawa. Iba ang hitsura nito, kulubot ang mukha , duguan ang bibig , nakalugay ang animoy isinabog na mahabang buhok, nagngangalit ang biglang naglalakihang mga ngipin, ang nguso nito na animoy naging katulad ng sa hayop at ang mahahaba at matatalim na kuko na sa sinumang mahawakan ay dagling masusugatan at mamamatay.

Inabutan nito ang isang ligaw na batang kambing at doon ay agad na pinilipit ang leeg, sumirit ang dugo ng kaawa-awang hayop at dooy sabik na sinipsip. Hindi pa ito nasiyahan, ibinaon pa ang mga kuko sa katawan nito upang kainin ang laman loob. Halos masuka siya sa kanyang mga nakikita. Hindi niya halos mapaniwalaan na ang kanyang asawa sa mga oras na iyon ay walang awang lumalapa ng hayop sa kagubatan. Hindiiiiiiii!........hindi ito totoo! iyon. At ngayon na ito ay napapalibutan na ng mga rehas, nagtatalo ang kanyang puso at isipan kung dapat pa ba niya itong tulungang makatakas o pabayaan na lang niya itong nakakulong sa mga oras na iyon. Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh hudyat ng pagbuhos ng isang ina ng kanyang lakas upang ilabas ng maluwalhati ang sanggol. Nangibabaw ang matinis na iyak nito sa loob ng kulungang iyon. Maligaya ang isang ina na marinig ang munting tinig na iyon ng kanyang pinakamamahal na anak. Saklolo! Tulungan ninyo ako! nagmamakaawang tinig ni Barbara. Kailangang mailabas dito ang sanggol sapagkat alam niya na konti na lang ang oras na natitira, magbabago na ang kanyang anyo, bulong ng isipan ng babaeng lubos ang pagmamahal sa anak ngunit tila ba walang nakakarinig sa kanya. Hanggang unti unti na niyang nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon. Gustung gusto niyang pigilan ang sitwasyong iyon ngunit wala siyang magawa. Muli na namang lumitaw ang isang halimaw na noon ay hayok na hayok sa dugo at laman ng kawawang nilalang. Halos nangangatal sa takot at pagkagulat ni Robert sa lahat ng natuklasan at nakita sa mga oras na

Huwag sabi ng lalaki ngunit huli na ang lahat. Nadukot na ng matatalim at mahahabang kuko ng halimaw ang puso ng bagong silang na sanggol. Ang malakas na sigaw na iyon ni Robert ay nagdulot ng matinding pagkabigla sa hayok na halimaw. Noon din ay bigla itong natigilan at dahan dahang binitiwan ang bangkay. Parang may kung anong hiwaga ang dulot ng sigaw na iyon ng lalaki upang may kung anong kaisipan ang tila ba ay saglit na nagbalik sa katauhan ng halimaw na nooy walang pakundangang pumapaslang ng sarili niyang anak. Barbara bakit mo ginawa? Bakit mo pinatay ang anak natin sigaw ng isang lalaking punung-puno ng sakit at panunumbat ang nararamdaman. Sinisisi nito ang sarili na sa mga oras na iyon ay naduwag siya at walang nagawa. Di man lang niya natulungan ang anak na walang malay na kahit kailan ay di kayang ipagtanggol ang sarili mula sa kuko ng halimaw niyang ina. Hi!hi..! hi!.hi! sa wakas natupad na ang propesiya!

sabi ng bruha na biglang lumitaw sa pagkakataong iyon. Hayop ka! sabi ng lalake. Dahil sayo mas lalong naging halimaw ang asawa ko. Kung hindi mo sana siya ikinulong , di sana ay buhay pa rin ang aming anak! Mamamatay ka! aktong sasaksakin nito ang bruha ng mahaba at matilos na palaso na hawak nito. Ang palasong iyon na kanyang nakita sa gubat ang sana ay itatarak niya sa katawan ng kanyang asawa ng mga sandaling iyon habang sarap na sarap itong kumakain ng buhay na hayop sa gubat. Ngunit hindi niya magawang itarak iyon sa katawan nito sapagkat mas nangingibabaw sa kanya ang pagmamahal niya rito at pagmamahal niya para sa kanilang magiging anak na nasa sinapupunan nito.

Mabilis na nakaiwas ang bruha. Nabigo siyang saksakin ito. Dahilan upang maglaban silang dalawa. Tumalsik si Robet habang hawak ang palaso. Bumagsak ito sa lupa. Akmang sasakalin na siya ng bruha ng bigla na lamang itong sunggaban sa likod ng alagad nitong baboy ramo dahilan upang dumikit ang katawan nito sa palaso na nooy hawak ng lalake. Bumaon iyon sa kailaliman ng katawan nito at doon din ay unti unti itong nangingisay. Mamatay man ako ngayon ngunit hindi mo na kayang pigilan pa ang nakatadhana. Isa ng ganap na aswang ang itinakda sa propesiya hinahabol ang hiningang sambit ng bruha at saglit pa ay binawian na rin ng buhay.

Wakas
Malaya na ako! wika ng isang tinig na nooy ikinagulat ni Robert. Sino po kayo? tanong ng lalaki. Ako ang kaluluwa ng ina ni Barbara! wika nito. Nang mamatay ang katawang lupa ko ng gabing iyon ay humiling ako na muling makabalik upang mabantayan ko pa rin ang aking anak. Hindi ko alam na naririnig pala ako ng bruha ng mga oras na iyon. Matagal na pala kaming sinusubaybayan nito. Ang pagkakataong iyon ay sinamantala niya upang nakawin at ikulong ang aking kaluluwa sa katawan ng alagad niyang baboy ramo. Wala akong magawa kundi ang maging sunud-sunuran sa kanya. Ngunit nanatili pa rin akong nakasubaybay sa aking anak. Sa mga sandaling siya ay umiiyak at nagugutom, pilit ko pa ring sinusubukan na siyay pasusuhin kahit na nasa katawang baboy ramo ako upang siyay aking mapatahan ngunit hindi pala iyon sapat. Tanging dugo lamang ng hayop ang nooy nakakapagpatahan sa kanya.

Kasalanan kong lahat kung bakit siya nagkaganyan. Kung hindi ko sana agad siya iniwan, hindi niya matitikman ang sumpa ng dugo na bumago sa kanyang pagkatao. Gusto ko siyang tulungan ngunit wala akong magawa. Maging ang pagiging ganap na aswang niya ay di ko narin napigilan. Alam ko at saksi ako sa pagmamahal mo sa aking anak at gusto kong maunawaan mo ang nangyayari sa kanya. Hindi niya batid ang hiwagang nangyayari sa kanya at kung bakit nangyayari iyon. Alam kong di niya gusto ang kanyang ginagawa. Tulungan mo siyang matanggap ang kanyang sarili. At sana pagdating ng araw ay mapatawad mo rin siya agad ring naglaho. Iniuwi ni Robert ang bangkay nitong anak sa kanilang baryo. Ibinurol niya ito ngunit naging tampulan naman ito ng usapan doon tungkol sa di normal na pagkamatay ng kanyang anak. Naniniwala sila na hindi pangkaraniwan ang naging dahilan ng pagkamatay ng sanggol. Aswang! ito ang tanging kataga na namumutawi sa labi ni Robert na sinasabi nitong nilalang na pumatay sa kanyang asawa at anak. Ipinalabas na rin niyang patay na ang asawa na noon naman ay nananatiling ligaw sa kagubatan. Dahilan naman ito upang maging mas maingat ang mga taga-baryo na huwag magpa-abot ng dilim sa daan upang di matulad sa sinapit ng mag-ina ng lalaki. Naghanda rin sila ng mga posibleng pangontra o pananggalang laban dito gaya ng matitilos na kahoy na pwedeng pumatay sa anumang uri ng mabangis na hayop. Mula noon ay nananatiling pa ring buhay ang aswang sa gubat ng mayroong kalayan. Hindi siya kayang patayin ng asawang lalaki sapagkat sa kabila ng mga ginawa nito ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya para rito. huling wika nito na

Tulooooooong! tinig ng isang babae sa may kakahuyan na noon ay kabilugan ng buwan. Bagay namang di ng gabi. pinansin ni Robert at ipinagpatuloy na lamang ang naudlot na pagtulog sa kalaliman na iyon

You might also like