You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Pamilyang Pilipino

Ang pinakabuod na pamilyang pilipino ay ang ama, ina, at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag_aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya, upang maipakita niyang siyay haligi ng tahanan na proteksyon ng kanyang mag-iina. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya niya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang anak naman ay may responsabilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa mga gawaing bahay. Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at ina, lalo nat ang mga itoy nakababata. Kadalasay sama-sama ang sa iisang bahay ang lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsay kapisan din ang wala pang asawang kapatid na ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang pamilyay tatlong salin lahi ang nakatira sa iisang bahay. Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo. Sa mga okasyong ito ay may mga salu-salot pagtitipon. Ang may kaarawan o may anibersaryo ay binibigyan ng munting regalo upang magtanim sa mga isipan nila na may nagdaang mga magagandang pangyayari. Ang pamilyang pilipinoy sama-samang nagtutulungan. Magkakatuwang sa mga pighating dumarating sa buhay. Sapagkat ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak. Sa pananaw na ito, hindi maaaring umangat nang nag-iisa ang isang tao. Kailangan niya ang tulong ng kaniyang pamilya dahil lubhang mahirap ang buhay sa ngayon. Itoy may mabuti at masamang aspeto ang tradisyong ito sa mga Pilipino. Kung minsan ay nagsasamantala ang ibang kamag-anak. Sapagkat lagi silang may matatakbuhan.nahihirapan na maabot ng isang Pilipino ang mga layunin sa buhay. Mangyariy dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya. Sa kabilang dako ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na sandata laban sa trahedya.

AVOID PLAGIARISM

You might also like