ko ang aking anak mula sa Ehipto.”
16
Nagalit naman si Herodes nang malaman nito na napaglalangan siya ngmga pantas. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki saBetlehem at mga karatig nito, mga batang may dalawang taong gulangpababa, batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas.
17
Kaya nagkatotoo ang sinabi ni Propeta Jeremias:
18
“Narinig
sa Rama ang pagtangis, iyakan at malakas na panaghuyan: iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak at ayaw paaliw pagkat wala na sila.”
Nagbalik sa Nazaret sina Jose at Maria
•
19
Pagkamatay ni Herodes, napakita sa panaginip ang Anghel ng Pangi-noon kay Jose at sinabi:
20
“Bumangon ka’t dalhin ang bata at ang kanyangina at umuwi sa lupain ng Israel, sapagkat patay na ang mga nagtangkangpumatay sa bata.”
21
Kaya bumangon si Jose, kinuha ang bata at ang ina nito at pumunta salupain ng Israel.
22
Ngunit nang malaman ni Jose na si Arkelao ang hari ng Judea, na kahaliling kanyang amang si Herodes, natakot siyang pumaroon. Kaya ayon saibinilin sa kanya sa panaginip, sa Galilea siya nagpunta.
•
23
Nanirahan sila sa bayang tinata-wag na Nazaret. Kaya natupad angsalita ng mga propeta:
“Tatawagin siyang Nazoreo.”
Ibinalita ni Juan Bautista ang pagdating ni Jesus
(Mc 1:1; Lc 3:1; Jn 1:19)
3
•
1
Nang panahon ding iyon, dumating sa disyerto ng Judea si JuanBautista at nagsimulang magpahayag:
2
“Magbagong-buhay kayo, lumapit naang paghahari ng Langit!”
3
Siya ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihinniyang:
“Naririnig ang sigaw sa disyerto: Ihanda ang daan para sa Panginoon,ituwid ang kanyang landas
.”
4
Balahibo ng kamelyo ang suot ni Juan; at may sinturong katad sabaywang, at balang at pulot-pukyutang-gubat ang kinakain.
5
May mga taga-Jerusalem, taga-Judea at mula sa buong rehiyon ng Jordan na pumunta sakanya.
6
Inaamin nila ang kanilang mga kasalanan at binibinyagan sila ni Juansa Ilog Jordan.
7
Nang makita niya na lumalapit sa kanya ang ilang Pariseo at Sadduseopara magpabinyag, sinabi niya: “Lahi ng mga ulupong! Sino ang nagsabi sainyong matatakasan ninyo ang darating na paghatol?
8
Patunayan ninyo anginyong pagbabagong-buhay,
9
at huwag ipagyabang na ‘si Abraham ang amanamin.’ Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito’y makagagawa ngmga anak ang Diyos para kay Abraham!
10
Nakaamba na ang palakol sa tabing ugat ng mga puno – para sibakin ang alinmang punong hindi namumungang mabuti, at itatapon ito sa apoy.
11
Sa tubig ko kayo binibinyagan para sa pagbabagong-buhay pero kasunod
Add a Comment