• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
1
NAPAKASWERTE NI JOSENi Jonel JaoMatindi na ang sinag ng araw, lumulusot na ito sa kurtina na katabi ng kama ko. Masakitna masakit ang ulo ko at amoy alak pa rin ang katawan ko.
Yung mga kaboarding house ko kasiinaya akong makipag-inuman kagabi, di naman ako makatanggi. Tumingin ako sa orasan sa tabiko, shet, alas-nuwebe na, maleleyt na ako sa trabaho. Dali-dali akong bumangon, nagpalit ngdamit at tumakbo palabas ng kwartong aking inuupahan.Nagkita kami ni Aling Mina sa sala "Jose, ang bayad mo sa renta! Ngayon na ang hulingaraw, pag di ka pa nagbayad ngayon, papalayasin na kita."Buti na lang sweldo ko ngayon, Diyos ko, salamat, di ko na rin maririnig ang matinis niyangboses, bayad, bayad, bayad, grabe ang kulit ng matanda. "Opo, mamayang gabi, sweldo kongayon," sabi ko sa kanya."Puro mamaya, mamaya, mamaya tapos wala na naman." ayan na, nagsisimula na namansiya. Tinakasan ko na ang satsat niya at nagpaalam na akong pupuntang trabaho.Alas-nuwebe singko na, naglakad-takbo ako papunta sa sakayan ng dyip, buti na langmay nasakyan ako kaagad. Habang naglalakbay ang dyip sa España, may usok na lumabasmula sa hood nito. Tumirik ang dyip sa gitna ng kalsada. Nasiraan. Wow, Butirik. Alas-nuwebebeinte singko na. Ang trapik-trapik, sasakay pa ba ako o tatakbo na lang? Tatakbo na lang ako,tutal malapit na.Alas-nuwebe trentay singko na, leyt na ako. Aba himala, wala pa ang boss kong singkit,buti na lang, kundi sermon na naman aabutin ko, ang swerte ko naman.Ang aking ritwal: magpapalit ng damit, pupunta sa pinto, tatayo, tatayo, tatayo,magbubukas ng pinto, tatayo na naman, maghihintay, welcome sir, thank you ma'am, please come
 
2
again. Ang saya ng ganitong trabaho, hindi ko na kailangan mag-isip, pero malas lang pag maymagnanakaw, kailangan habulin, hulihin, makipagputukan kung kinakailangan kasi baka akonaman ang madali pag hindi ko inunahan. Pero ngayon, sa paggwagwardiya ko dito sarestawran na ito, di pa naman nangyayari yun, buti na lang, swerte ko talaga.Napakainit talaga ngayon, siguro yung mga mayayamang customer naming di sanay sainit, hihimatayin kung ilalagay dito sa posisyon ko. Kasi ang lakas ng sinag ng araw, sa akin panakatapat. Mansanas na lang, pwede na akong ihain sa piyesta. Ako na yata angpinakagwapong letson sa balat ng lupa. Pawis na pawis na ako, basang-basa na ang unipormeko. Hay, gusto ko nang maligo. Bakit kaya matumal ang mga customer ngayon? Lagi namangmadami, parang kahapon, tuwang-tuwa ang boss ko, swerte daw kasi 08-08-08, ano namangmeron sa araw na yun? E otso otso osto lang naman.Ngayon ko lang napansin, ang baho-baho ng paligid, amoy sibuyas na napakatapang,napakasakit sa ilong, nakamamatay. Sino ba kasing
 — 
ay shet. Nakalimutan kong magdeodorantkanina sa pagmamadali. Ay Diyos ko, nakakahiya, kaya pala kanina, bigla na lang umalis yungpapasok na customer. Bakit kasi ang init sa Pilipinas, sana nagsnosnow na lang dito para di naako mapawisan, para di na ako mangamoy. Ang mga taga-Alaska siguro ang babango.Nakatayo lang ako, ganun pa rin, anong magagawa ko kung mabaho nga ako? Hindinaman kasalanan ang maging mabaho, nakalimutan ko lang talagang magdeodorant. Lumipasang oras, kaunti lang ang mga customer na nakapagtiis sa amoy ko't pumasok sa restawran. Anobang problema pag mabaho ang gwardiya ng isang restawran? Hindi naman ako ang naglulutoo nagseserb ng pagkain nila.Nakita ako ang dalawang magkaakbay na naglalakad, parang pamilyar sa akin anglikod na yun, sigurado akong si Maria yun, ang maganda kong syotang may mahabang, makintab,mabango't kulot na buhok. May nakaakbay na ibang lalake! Sumugod ako. Sino ang kasama ni
 
3
Maria? Hinatak ko ang lalaki papaharap sa akin, akmang susuntukin ko nang binatukan ako niMaria, "Jose, balak mo bang patayin ang tatay ko?".Tatay? Oo nga pala, matagal nang nasa ospital ang tatay ni Maria at hindi ko pa itonakikilala. Ngayon nga pala lalabas ang tatay niya mula sa matagal nitong pamamalagi saospital. Ito pala ang tatay ng pinakamamahal kong babae sa buong mundo, ito ang una namingpagkikita, at ayun, susuntukin ko pa. Nakakahiya. Bakit hindi ko naisip na tatay niya ang kasamaniya? Magagawa ba akong pagtaksilan ni Maria?Ipinakilala ako ni Maria sa kanyang tatay at nakipagkamay ako sa mauugat at payatnitong kamay.
“Magandang hapon po „Tay,”
sabi ko.Hindi maganda ang tingin sa akin ng tatay ni Maria, at hindi rin maganda ang porma ngkanyang ilong, parang nakakunot ito na tila ba nandidiri sa akin, sa napakabaho kong amoyngayon. Hindi niya ako kinausap, tinitigan niya lamang ako, kinikilatis, habang tinatakpan angkanyang ilong. Ang swerte swerte ko talaga! Kung alam ko lang na ngayon ko makikilala angpinakaimportanteng lalake sa buhay ni Maria, bukod sa akin, tsaka ko pa nakalimutan mag-ayos,magdeodorant man lang ay hindi ko nagawa. At hinimatay si tatay, hindi na nakayanan pa angamoy ko. Nataranta si Maria, mabuti na lang at nariyan lang ang ospital. Binuhat ko si tataypapuntang ospital, at iniwan ko na silang mag-ama roon. Nakakahiya talaga.Bumalik ako sa restawran, nakatayo doon sa may pinto ang boss kong si Mr. Ang. Ang
tingin niya sa akin, parang yung “kakainin k
ita
ng buhay” na tingin. Nakaturo siya sa sahig, may
basag basag na bagay. Ay shet, iyon yung mamahaling vase na katabi ko, mga sampung liboyata yun. Ako ba ang nakabasag? Hindi ko matandaan dahil sa kamamadali ko kaninang habulinsi Maria, pero may nasagi nga yata ako
at yung vase yun, yung sampung libong pisong vase.Diyos ko, ako nga ang nakabasag ng vase. Bakit di kasi ako tumitingin sa tinatakbuhan ko,pahamak na kamay.
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...