Itinutulak ni Gng. Arroyo at ng kanyang koalisyong Lakas-Kampi ang pag-amyenda saSaligang Batas upang mapalawig ang panahon ng panunungkulan ni Gng. Arroyo omabigyang daan ang kanyang muling pagtakbo bilang pangulo o ang kanyang pagigingpunong ministro. Mayroon ding mga nagtutulak ng marahas na mga hakbang tulad ngpagpapataw ng state of emergency o batas militar.Upang makuha ang suporta ng US at mga makapangyarihang bansa, sabay na itinutulakng pangkatin ang pag-amyenda sa mga prubisyon ng Saligang Batas para alisin angpagbabawal sa pag-aari ng mga lupain, sa mga base militar at armas nukleyar ng dayuhansa Pilipinas.
Masama ang bunga dahil masama ang puno
Napakasama nang bunga dahil napakasama ng puno. Ang napakasamang rehimen ni Arroyo ay bunga lamang ng napakasamang sistema ng bansa. Magpalit-palit man ngpangulo, hindi bubuti at uunlad ang bansa kung hindi mawawaksan ang napakasamangsistema ng bansa. Ang sistemang ito ay ang sistema ng paghahari, pagsasamantala at pang-aapi ng dayuhan at iilan laban sa mamamayan.Pinipigilan ng sistemang ito ang pag-unlad ng Sambayanang Pilipino tungo sapagtatamasa ng tunay at ganap na kasarinlan, demokrasya, kasaganaan at kapayapaan.Pinanatili at pinatitindi ng reakysunaryong pulitika ng status quo ang bangkarotengsistemang ito. Nakakonsentra sa kamay ng ilang malalaking kapitalista at panginoongmaylupa at mga kinatawan nila ang kapangyarihang pampulitika. Itinuturing nila angmamamayan bilang tuntungan lamang sa kanilang mga ambisyung pulitikal. Ginagamitlamang nila ang pusisyong pampubliko upang magkamal ng dagdag na yaman atkapangyarihan para sa kanilang sarili, kamag-anak, kaibigan at pinapaburang negosyo,dayuhan at lokal. Ang halalan sa pangkalahatan ay nananatiling paligsahan ng salapi, baril at makinarya ngmga paksyon at partido ng naghaharing uri. Mainam nang manalo ang isang manggagawa,magsasaka at prupesyunal ng ilang pwesto sa barangay at munisipyo. Papataas ang pwestosa pamahalaa papawala ang tsansan manalo sa halalan ng mga kinatawan ng mga batayengsector at panggitnang uri. Ang sistemang party list na dapat ay eksklusibo lamang para samga partido at grupo ng mga marginalized at underrepresented ay tuluyan nang binaboy at maramihang pinasok ng mga huwad na grupong party list na itinayo ng Malakanyang atnaghaharing uri.Kasingbigat na problema ng bulok na pulitika ang atrasadong ekonomya na nakatuon sapagluluwas ng mga murang hilaw at malaprosesong kalakal at umaasa sa pag-aangkat ngmga yaring produkto, materyal at kasangkapan. Sumasagka ang mga dikta ng dayuhan atmga patakaran ng gubyerno para sa tunay na repormang agraryo, industriyalisasyon ng
3
Leave a Comment