• Embed Doc
  • Readcast
  • Collections
  • CommentGo Back
Download
 
AANNGGMMOORRAALLIIDDAADD NNGGNNAASSYYOONNAALLIISSMMOONNGGPPIILLIIPPIINNOO
**
 
ni
Punong Mahistrado Reynato S. Puno
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Isang mainit na pagbati sa ating lahat.Ngayon ay ipinagdidiwang natin ang ika-isandaan at labin-isang taonng ating kalayaan. Ika-labindalawa ng Hunyo, isang libo walong daan atsiyam napu’t walo, sa bayan ng Kawit, Cavite, unang itinaas at namayagpagang bandilang Pilipino. Hindi naging madali ang ating naging landaspatungo sa kalayaan. Kaya sa pagkakataon na ito, muli nating bigyan ngbalik tanaw ang naging hirap ng ating mga bayani upang mapalaya ang atingbayan sa kulo ng mga mang-aapi at magpasamantala.Bago dumating ang mga Kastila ay napakasagana ng Pilipinas sa likasna kayamanan. Maunlad ang agrikultura at pangingisda. Mayroon nangmga industriya tulad ng mga bakahan, manukan, minahan, pagtotroso,paghahabi at pag-gawa ng barko. Masigla ang kalakalan sa loob ng mgaisla. Mayroon ding kalakalan sa mga komersiyante ng China, Japan,Borneo, at iba pang dayuhan. Ang mga naunang Pilipino ay malaya atmaunlad.Sa kasamaang-palad ang mga malalaking bansa sa Europa na mgaganid sa kapangyarihan, kalakalan at kayamanan ay inilunsad angkolonialismo sa Asia, at iba pang panig ng daigdig. Ang Pilipinas ang isa sa
*
June 12, 2009, Andres Bonifacio Monument, Caloocan City.
 
2
mga naging biktima ng patakarang kolonialismo. Dumating si Magellan saPilipinas noong 1521, at noong 1564 ay sinimulan ni Legazpi ang tahasangkolonisasyon ng Pilipinas para sa Espanya. Dinurog ang kalayaan ng mgaPilipino at nagpasasa ang mga Kastila sa kayamanan ng ating bayan. Angmga Pilipino ay napailalim sa walang-lubay na paniniil at pagsasamantala sahigit na tatlong daang taon.Ngunit lahat ng kasamaan ay may katapusan. Nag-alsa ang mgaPilipino sa pangunguna nila Gat Andres Bonifacio, Jose Rizal, EmilioJacinto, Apolinario Mabini at marami pang iba. Iwinagayway nila angbandilang nasyonalismo upang pag-isahin ang ating bayan. Ano po angmoralidad, ano po ang mensahe, ano po ang turo ng ating mga bayani? Itopo ang mga sumusunod: Masama ang pananakop; mabuti ang kasarinlan.Masama ang kaalipinan; mabuti ang kalayaan. Masama angdiskriminasyong; mabuti ang pantay-pantay. Masama ang mapangsarili atmapagsamantala; mabuti ang matulungin sa kapwa. Masama angdespotismo; mabuti ang demokrasya. Masama ang nagtataksil sa bansa;mabuti ang nagmamahal sa Inang Bayan.Ang paalala nga ni Gat Emilio Jacinto sa mga Pilipino na inaapi ngmga Kastila ay ito:
 Ang kadakilaan ng isang tao ay hindi nakikita sa pagiginghari, o sa tangos ng ilong o puti ng balat, o sa pagiging parengkinatawanan ang Diyos, o sa mataas na posisiyon sa daigdig,ngunit dalisay at totoong dakila ang tao na mayroong matuwid na pagkatao kahit na siya’y taga-gubat; na tapat ang
 
3
 pananalita; na mayroong dignidad at honor; na hindi nang-aapi at hindi tumutulong sa nang-aapi; na marunong kung paano niya mamahalin at pangangalagaan ang lupa ngkanyang kapanganakan
”.Kahit napakalakas ng puwersa ng mga kolonialistang Kastila,nagawang i-proklama ni Gat Emilio Aguinaldo ang independensya ngPilipinas noong Hunyo 12, 1898.Ngunit, kapos-palad, ang mga Bayaning Pilipino sapagkat dumatingang puwersa ng bansang Amerika na may hangarin ding imperyo.Nagkunwang ka-alyado ang Pilipino laban sa mga Kastila. Noon pa manmayroon ng mga Pilipinong nagduda sa mga pakay ng Amerikano. Kaya’tnagbabala si Gat Artemio Ricarte kay Gat Aguinaldo na “
mag-ingat, dahilmukhang gusto tayong lokohin ng mga Amerikano
”. Gayon din, nagbigay-payo si Gat Apolinario Mabini sa mga lider ng himagsikan ng sumusunod:
 At huwag ninyong lilinlangin ang inyong sarili. Ang mga Norte Amerikano, tulad ng mga Kastila at ibang makapangyarihang Europeano,ay pinag-iimbutan ang pinaka-magandang perlas ng Karagatang Oryente. Ngunit mas minamahal natin ang pag-aaring ito, hindi lang dahilipinagkaloob sa atin ng Diyos, kundi dahil napakaraming dugo na angdumanak sa atin para dito
”. At nagkatotoo ang kanilang mga pangamba.Tayo ay pinagbili ng mga Kastila at ang bumili sa atin ay ang mgaAmerikano.Kaya’t idagdag natin sa moralidad, sa mensahe, sa turo ngnasyonalismong Pilipino ang mga ito: masama ang nililinlang ng sarili o ng
of 00

Leave a Comment

You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...
You must be to leave a comment.
Submit
Characters: ...