Pagka’t naroon si Ben, kasama sa batalyon ng Philcag.Isa sa mga inhinyerong ipinadala ng Pilipinas sa bansangiyon.“Ayokong pumunta ka roon, Ben!” Natatandaan niyaang sariling mahigpit na tumututol nang si Ben ay nagbabalakpa lamang na umaplay. “Kahit na doble pa ng kinikita mo ritoang kikitain mo ro’n… ayoko!”“Hindi ‘yong kikitain lang, Lin,” pabuntunghiningangsabi ni Ben. “Siguro’y gusto ko ring makatulong! G-gusto koring Makita ang isang mukha ng buhay… ang pangit na mukhang buhay! Gusto ko ring… maibigay ang maliit na bahagi ngsarili ko sa kapwa. A, sasabihin mo sigurong kahibangan lang,Lin… pero gusto ko! Gusto ko.”Gusto mo lang makalayo sa akin, nasa isip niya. Kasi’ywala tayong anak! Ngunit iyon ay hindi niya sinabi. Umiyaklamang siya.At sapul nang araw na iyong ituntong ni Ben ang mgapaa sa paliparan ay nagsimula nang gumawa ng puwang sakanya ang Vietnam. Isang puwang na namuno sa lungkot atpangungulila at paghihimagsik. Bakit kailangang magpatayanang mga tao dahil sa iba-ibang layunin at ilayo ang isangmahal sa kapwa mahal?
Mababantad ka sa dugo at sa lahat ng uri ng lagim,ngunit walang bakal na puso. Lin! Naririto ang isang lalaking malupit na nakita kong buong pangingipuspos na yumakap sakatawa ng isang batang halos ay pinaghiwa-hiwalay ng
handgrenade,
na siya mismo ang naghagis! At ako, Lin, ay maraming ulit na ring umiiyak!
At ang Vietnam ay isang larawang unti-untingnagkahugis sa kanyang isipan. Isang buhay na larawan nalagging may dalang hapdi sa kanyang kalooban.Ngunit sa isang paraan siya tuwirang nagtamo ngsugat. Sa isang liham ni Ben na punung-puno ng paghingi ngpang-unawa at patawad.
Isa siyang Vietnamese na nagngangalang Su-Li. Hindi siya maganda, ngunit siya’y kahanga-hanga. Matapang siyasa buhay, pagka’t siya’y hindi pinaging mapait ng digmaan.Kahit ito ang kumuha ng buhay ng kanyang mga magulang at kapatid. Kahit ito ang nagwasak ng kanilang tahanan at ng lahat ng magagandang itinayo ng tahanang iyon, kasama ang kanyang mga pangarap! Dakila siya, Lin, kahit ang mgakaaway ng kanyang bansa ay buong poagsuyong nilalanggasan niya ang mga sugat! Ang lahat ng kirot na dulot ng digma ay pinilit niyang pawiin sa katamisan ng paglulungkod. A, sa digmaan ay hindi pulos kapangitan lang ang makikita mo, Lin; narito rin ang lahat ng maganda…
May naantig sa kanyang puso, gaya ng lhat ng liham niBen, ngunit ang bahaign iyon na naantig ay nadaig na poot nakasabay ding nag-alpas.
Patay na siya, Lin. Ganito ang buhay rito: ngayon ay makikita mo ang tao nang buo, ganap; at mamaya ay nakabulagta na siya.May anak kami, Lin!
Ang huling bahagi ng liham ay napauunawa,lumuluhog…
Add a Comment
kulitsungitleft a comment