Find your next favorite book

Become a member today and read free for 30 days
The Explorers (Tagalog Edition)

The Explorers (Tagalog Edition)

Read preview

The Explorers (Tagalog Edition)

ratings:
5/5 (1 rating)
Length:
874 pages
11 hours
Publisher:
Released:
Sep 6, 2014
ISBN:
9781311251961
Format:
Book

Description

Explorers, ang isa sa mga napiling grupo ng mga magagaling na mandirigma sa buong kalawakan ay nandirito upang tulungang ibalik muli ang katahimikan at ang normal na takbo ng buhay sa mundong ibabaw. Tungkulin nilang protektahan ang sangkatauhan mula sa pagkasira at kaguluhan mula sa kamay ng kasamaan.

Ang isang pangkat ng mga maalamat na mandirigmang Explorers ay ang tagapag-alaga, tagapaglingkod, at tagapagtanggol ni Haring Jethro sa mundo ng tao at ng buong kalawakan. Ngunit labing-apat lamang sa kanila ang ipinagkatiwala ng haring diyos na magmay-ari ng kanyang mga nawawalang elemento upang iligtas ang mundo mula sa kaguluhan.

Nagsimula sina Kenji, Claude, at Shingue sa kanilang pakikipagsapalaran matapos nilang tapusin ang mahaba nilang pagsasanay sa isang sikat na martial arts school. Kasama si Valerie, ang apat ay nakarating sa nayon ng Sierra at nanatili sila roon ng ilang sandali nang may natanggap na tawag si Shingue mula sa Explorers. Nang makilala nina Kenji at Claude ang Explorers, binigyan sila ng hamon ng grupo na gawin at ipasa ang kanilang mga pagsubok upang sila ay mapabilang na rin sa kanila. At dito na nagsisimula ang kanilang kuwento...

Nagustuhan mo ba ang The Explorers? Bigyan ito ng magandang rating at review!

Publisher:
Released:
Sep 6, 2014
ISBN:
9781311251961
Format:
Book

About the author

Winner of NaNoWriMo 2014-2015: http://nanowrimo.org/participants/kirstennimweyKirsten Nimwey is an artist, illustrator, and a novelist. She was born in Manila, Philippines on March 23, 1990 to both Filipino parents. She graduated in college under Bachelor's Degree in Information Technology and is currently working as an artist, specializing in cartoon illustration industry. Her first novel series, "The Explorers" was published on November 2013 in Filipino Edition.

Related to The Explorers (Tagalog Edition)

Book Preview

The Explorers (Tagalog Edition) - Kirsten Nimwey

41T2.

"Kuya, pwede ba minsan eh turuan mo naman akong mag-pilot ng jet natin? Gusto ko ring matutong mag-pilot niyan!" proud si Kenji sa sarili.

"Sure, anytime ‘pag libre tayo!"

Yohoo!!!

Nagtanong si Claude. "Eh, Reinhardt. Ga’no ba kalayo ang base ng DDE?"

Siguro, mga nasa isa’t kalahating oras ang biyahe natin.

Ang layo naman! hindi makapaniwala si Claude. "Eh pa’nong nakarating ng mabilis ang mga DDE sa ‘tin nu’ng party? Ano ‘yon? Bumiyahe pa sila ng ganoong katagal ha?"

"‘Yung malaking jet nilang dala noon ang nagdadala ng mas maraming DDE. Pero ‘yung lider nila, me sariling jet. Alam mo naman siguro ‘yung lider, baka ‘yon ang gusto."

Nainis si Claude. "Ang arte naman nu’n! May malaking aircraft na nga, hindi na lang siya nakisakay sa kanila!"

Sumakay naman si Kenji na malayo ang sagot. Eh, ang yaman nila e!

Patlang. Maya-maya ay naisipan ni Kenji na hipuin ang mahaba niyang peklat sa ilong. Naalala na naman niya ang batang si Valerie. Kumusta na kaya ‘yung bata? Nami-miss na kaya siya nito?

Bigla rin niyang naalala si Genji, pati na rin sina Shiela at Aaron. Pero mas focus pa rin ang isip niya sa kanyang kakambal kaya...

K-Kuya, pwede bang pagkatapos ng pagbisita natin sa DDE eh... mukhang nahihiya pang magsabi. Eh... Puwede namang magpunta tayo sa... Damsville? Para...

Damsville? Ang dati nating tinirhan noon? tanong agad ni Claude. Ang layo ng Damsville ah! Anong gagawin naman natin sa Damsville? Bibisitahin mo pa? Eh puro masasama ang mga nakatira doon! Mga walang awa!

Gusto ko lang malaman kung nandu’n pa si kuya Genji.

Wala na ‘yon doon. Matagal nang wala ‘yon doon, Kenji. Baka nasa ibang lugar na siya.

Sa Bondore?

Wala na rin ‘yon do’n!

Ah basta! Hahanapin ko pa rin si kuya Genji! Gustung-gusto ko na siyang makita. Ayokong mapahamak siya!

Kumontra pa rin si Claude pero pumayag na si Reinhardt. Masusunod. Ayos lang kasi ayoko pa munang bumalik sa ‘tin pagkatapos.

Wala nang nagawa pa si Claude kundi pumayag na din. S-Sige na nga.

Gusto rin sanang bisitahin ni Kenji ang matandang babae na nagpakain sa kanya noon, at kasabay nu’n ay gusto na rin niyang humingi ng malaking paumanhin sa pagkabigo niya sa pagligtas sa Bondore.

Isang oras na ang nakalipas at marami nang nadaanan ang mga boys sa gitna ng kanilang pagbibiyahe. Malayo nga ang lugar ng DDE. Antaas na nga ng speed ng tatlong jets, pero pinakamabilis na pala ‘yung isa’t kalahating oras na biyahe? Ang layo nga naman!

Kuya, ang mansyon ba ng DDE ay nasa ibang bansa na? tanong ni Kenji. Kung gano’n pala, tuwing pupunta ka sa mansyon ng DDE eh bumibiyahe ka pa ng ganoong kalayo? Para lang makita si ama ha?

Oo, kaya nga nalaman ko na ngayon na pumupunta pala ako doon sa wala!

Naaawa tuloy ako sa ‘yo kuya... Asang-asa ka pa naman...

Kaya nga naiinis na ako Kenji... Tama ka, umaasa lang talaga ako sa wala!

May nagsalita sa linya nina Reinhardt na sina Shingue ng jet 14JK. Kumusta, mga pare! Ilang minuto na lamang po at malapit na tayo sa bansa ng DDE. Ilang minuto na lang po!

Sumagot ang linya nina Lucky ng jet E47J. "Ayos lang kami. Marami pa rin ‘yung jet fuel namin hehehe! Hoy Reinhardt, alam mo ba kung saan ang mansyon ng DDE ha?"

Oo alam ko ‘yon, pero hindi ko alam mismo ang pangalan ng lugar nila. Malapit lang ‘yon sa bansa ng mga mayayaman na kung tawagin ay Camoria, pero hindi sila mismo sa Camoria nakatira. Marahil mga tatlong oras pa ‘ata ang layo nila mula sa Camoria... H-Hindi ko alam.

Ah, o sige... Malayu-layo pa rin ‘yon ah! Basta Camoria lang alam mong bansa.

Patlang. Naaalala ninyo pa ba ang Camoria? Hindi ba iyon ang bansang sumunod na tinirhan ni Genji noon? Malapit rin iyon ng kaunti sa Bondore, pero ang bansa ng DDE ay medyo malayo pa rin mula doon.

Nagdaan pa ang ilang minuto ng kanilang pagbibiyahe nang dumukot mula sa baong plastik itong si Jon na may lamang pandesal. Kumain habang nagbibiyahe, at nag-alok. Gusto n’yo?

Kumuha ng isa si Tyrone. Sige, penge ‘ko. Buti’t nagbaon ka nang may laman tiyan natin. Salamat!

Limang minuto na lang at madadaanan na nila ang bansa ng Camoria na siyang tinitirhan ng mga mayayaman. Limang minuto na lang at madadaanan na natin ang Camoria, wika ni Isagani.

Kung sa bagay, hindi naman alam ni Kenji ang lugar ng Camoria. Hindi rin niya alam na malapit lang doon ang Bondore. Ano kaya ang magiging reaksyon ng binata kapag nalaman lang niyang malapit na doon ang Bondore?

Maghanda na kayo mga kasama, babala ni Reinhardt. ‘Andito na tayo sa lugar ng Hunsterdam at ang kasunod na nito ay ang Camoria.

Hunsterdam? tanong ni Isagani sa linya. Hindi ba doon makikita ang isang eskwelahan ng mga matatalino, Rain? Doon kasi dating nag-aral si mama e!

Nagsihanda na sila nang biglang may tumama sa kanila galing Hunsterdam. Biglang nagloko ang jet nina Reinhardt at hindi na makokontrol pa. Parang tinamaan sila ng isang bala ng kanyon!

Ahhh! Ano ‘yon? sigaw nina Kenji. Bastos ‘yon ah!

Nag-uusok na ang jet nina Reinhardt. Tutulong sana sina Lucky pero tinamaan din sila ng kung anong bagay na itinira din sa kanila. Pero nakokontrol pa nila ang kanilang jet dahil ang natamaan naman ay ang isang pakpak na may maliit na sira lamang.

Magka-crash na ang jet 41T2 sa Hunsterdam at pinipilit pa rin ni Reinhardt na iangat ang jet. Hinihila niya ang pampatakbo ng jet pero ayaw nang umangat. Babagsak na sila sa ibaba.

AHHHH!!! sigaw ng tatlong sakay ng jet 41T2.

Alam na ni Shingue na sila na ang susunod na tatargetin ng nasa Hunsterdam. Kaya nag-ingat siya sa pagpapaandar ng kanilang jet. Kabado naman ang dalawang kasama niya na sina Tyrone at Jon.

Shingue, tayo ang isusunod ng mga ‘yan! Mag-ingat ka, sigaw ni Jon.

Alam ko! habang pinipilit ni Shingue na makaiwas sa mga tumitira sa kanila.

Nag-aapoy na ang jet nina Reinhardt at ilang talampakan na lang ay babagsak na sila. Pinigilan na ni Kenji ang kanyang kapatid na nagpupumilit pa ring angatin ang jet dahil malapit na itong mag-crash sa pinakaibaba! Kuya, itigil mo na ‘yan! Umalis na tayo dito!!!

Pumayag si Reinhardt at agad nang binuksan ang emergency exit ng jet. Tumalon tayong tatlo rito! sigaw ni Claude. Maganda nang makaligtas tayo sa kamatayan!

Pagkatapos ay sabay silang nagsitalunan at bumagsak sa makapal na gubat. Mabuti na lang at makakapal ang mga puno kaya hindi sila gaanong nasaktan. Sumabit lang silang tatlo sa mga sanga.

Malakas ang impact ng pagbagsak ng jet nina Reinhardt at ito’y sumabog. Nakita nina Lucky at Shingue ang mabilis na paglaki ng apoy sa ibaba.

Sino kayang bastos ang may kagagawan nu’n? tanong ni Reinhardt. "Dahil du’n, nawalan na tayo ng jet! Malas, malas, malas naman natin!!!"

Bumaba na tayo at pumunta tayo do’n! sagot ni Kenji. "Tingnan natin ang may kagagawan nu’n! Tapos, harapin natin. Ipaghiganti natin ang jet mo!"

Bumaba ang tatlo at palihim na nagtungo sa lugar ng Hunsterdam. Nagtago muna sila sa makakapal na damuhan at doon sinilip ang magulong lugar ng Hunsterdam. Ang mga residente doon ay nawala.

Nakita na nina Kenji ang mga buwisit na taong tumira sa kanila... Ang mga um-ambush sa kanila: kundi ang grupo ng Pioneer at Mercury! Nakita pala nila ang tatlong Explorer jets.

May mga Explorers na dumaan sa lugar na ‘to! balita ng isang Mercury. "Tapos, may bumagsak na isang jet, pero may dalawa pang Explorer jets na nakatakas! Matatalino ‘yung mga piloto nung dalawang jets!"

Mali pala ang tinaguan nina Kenji dahil doon pala nagbabantay ang mga Pioneers. Ang mga Mercury kasi ay nasa mismong Hunsterdam. Hindi sila magkasama dahil magkaaway rin sila.

Mga Explorers! sigaw ng isang Pioneer. May mga Explorers dito! Hulihin sila!

Lagot, wika ni Reinhardt. Nahuli tayo, takbo!

Mabilis na tumakbo ang tatlo, pero hindi sila nakawala. Ngayon ay tatlong Explorers laban sa maraming Pioneers. Naglabas na ng sandata ang tatlo habang nasa gitna na sila ng mga nakapalibot na Pioneers. Palagay n’yo ba’y makakalaban pa kayo? Napapaligiran na namin kayo kaya sumuko na lang kayo!!! wika ng isang Pioneer.

Pangit ka! tukso ni Kenji sa isang Pioneer na parang bata. ‘Asan nang mga tao dito? Atsaka, anong kailangan ninyo dito? Bastos kayo ah!

Ahhh... ang mga taong nakatira dito? tanong na sagot ng isang Pioneer. "Mga alipin na sila ng Pioneer ngayon! Pag-aari na namin ang Hunsterdam. Ngayon, kami naman ang magtatanong, ‘asan na din ang dalawang jets na kasama ninyo?"

Hindi namin alam, PWAH!!! at dumura si Kenji sa mukha ng kausap na Pioneer.

B-BASTOS! Dapat sa ‘yo’y tinuturuan ng leksyon, loko!

Tinutukan sila ng sandata ng mga Pioneers nang dumating si Akira, kasama ang ama nitong si Alexander. Nakita nila sina Kenji, Reinhardt, at Claude. Kilala ni Akira si Reinhardt, maging si Kenji ay namumukhaan pa niya.

"Kenji! Or should I call you... Maximillian! tawag ni Akira. Long time no see. Akala mo eh hindi na kita nakikilala ano? Me palatandaan ‘ata ako, ang nasa baba mo!"

Nagulat ang ama ni Akira. Ano? Iyan na ba si Maximillian na dati nating hinahanap kay Isidra? Oo nga, siya ‘yon! Kasama pa niya ngayon ang kuya niya na Explorer din! Ang mga anak ni Alex Foster na matagal na nating hinahanap ay nandito na!

Hindi ako makapaniwala na isa ka na pala sa mga Explorers ano, Kenji? Ba’t di ka na lang sumama sa ‘min? Tingin ko naman eh malakas ka! tanong ni Akira.

"Hindi lang malakas at UE Explorer… Isa na rin akong Holy Element Wielder ng mundong ito!"

A-Anooooo???!!! nagulat ang lahat ng mga Pioneers sa narinig.

At paanong nangyari iyon? Ang elementong matagal ko nang gustong angkinin ay pag-aari mo na?! Sige nga, ano naman ang ebidensya mo na talagang nasa iyo na nga ‘yan? Baka naman niloloko mo lang kami!

Hawak pa rin ng mga Pioneers sina Claude at Reinhardt nang ipakita ni Kenji ang kanyang Holy Flame Tattoos sa magkabilang braso niya.

H-Hindi ako makapaniwala... at napaatras si Akira. "Nasa ‘yo na nga ang Holy, at nagalit. Pero pa’nong nangyari ‘yon?! P-Pa’no?!! at sumigaw. Ahhh! Hindi katanggap-tanggap ‘to! Sa lahat pa ng mga mandirigma sa mundong ito ay ikaw pa ang nabigyan! sabay turo kay Kenji at sinampal. Malakas ka na nga, pero wala ka pa ring alam! Lumaki ka lang sa hirap!" at sinampal uli si Kenji.

Gusto sanang tulungan ni Claude si Kenji pero nakahawak sa kanya ang mga Pioneers. O kaya, baka mas lalo pa itong mapahamak kapag tumulong pa siya. Tatlo lang sila at walang ibang kakampi.

Tumuro sa ibang direksyon si Akira. Isama siya sa mga aliping nakakulong!

Lalaban sana si Kenji pero may isang Pioneer na naghampas sa kanyang likuran at siya’y napaluhod. Pagkaluhod niya ay binarilan naman siya ng matapang na tranquilizer sa likod. Pati rin sina Claude at Reinhardt ay binarilan din nila ng matapang na tranquilizer. Mabilis na nakatulog ang tatlo.

Dalhin silang tatlo sa kulungan kasama ang mga tao, pero... Ihiwalay n’yo si Kenji sa dalawang kasama niya, maliwanag? utos ni Akira.

Sige po! at binuhat ang tatlong UE.

Mabuti’t ligtas sina Lucky at sina Shingue at hindi na sila nahuli ng mga kalaban. Sabay na nag-landing ang dalawang jets na malayo ang distansya sa Hunsterdam. Pagkatapos ay bumaba ang anim at naglabas ng kanilang sandata. Hahanapin na nila ang tatlo upang iligtas.

Tingin ko’y nandito lang ‘yung tatlo, nakatagong wika ni Lucky. Nahuli sila!

Ano ba namang laban natin sa kanila eh kitam lahat ng mga Pioneers ay nandito! Ta’s me Mercury pa, at isa pa... hindi tayo nakapaghanda! wika ni Clio.

Ganito lang ‘yan mga kasama kong guwapo. Magtago lang tayo at...

...at ano? tanong ni Tyrone.

Tumakbo ng mabilis si Lucky. Takbo!!!

Ahhh!!! sigaw rin ng lima habang tumatakbo ng mabilis kasabay ni Lucky. Biglang huminto si Lucky, at sabay-sabay ring napahinto ang lima.

O, ba’t tayo huminto? tanong ni Isagani.

Ba’t n’yo ba ako sinusundan? birong tanong ni Lucky. Sinabi ko lang na takbo eh nagsitakbuhan na rin kayo! Kaluluwa ko lang kaya ang kausap ko ano?

Ewan namin sa ‘yo! sigaw ng lima. Hay naku, imbis na maghanap na sila sa tatlo eh anong kalokohan na naman ang ginagawa nila!

Simulan na natin talaga ang misyon natin, wika ni Clio. Dapat kanina pa tayo nakapagsimula.

Nagtago uli sila sa lugar na hindi nakikita ng mga Mercury at Pioneers. Lilingun-lingon sila kung may tao o wala. Kapag wala, lilipat sila sa kabila. ‘Ala mga espiya ang dating!

Nasa likuran ng isang bahay ang lima pero itong si Clio ay mag-isa lang sa makapal na palumpong. Siya kasi ang taya. Habang ang lima naman ang magbabantay sa dadating na mga kalaban.

May nakita sila na isang Mercury na nagbabantay sa mga posibleng kalaban. Walang itong dala na ibang sandata kundi baril lang. At… isang ordinaryong baril lang po ang dala.

Sttt! Clio, panain mo! bulong ni Jon kay Clio. Patayin mo na ‘yan!

Huwag! pigil ni Lucky. ‘Pag pinatay niya ‘yan eh mananagot tayo! Hindi natin sila masyadong kinakalaban. Oo nga’t kalaban rin natin sila, pero ang talagang kalaban natin dito ay ang Pioneer. Kaya ang dapat… ‘Yang mga Pioneers lang ang dapat nating patayin!

Eh, pa’no kung...

"O sige. Kung takot ka talaga na baka mahuli niya tayo o para na rin makasiguro, gamitin mo na lang ‘yung ‘sleeping dart’ mo at imbis na patayin siya. Hindi na niya tayo mahuhuli."

Oo nga naman, payag na rin si Tyrone. Matalas naman ‘yang mga mata mo di ba? Huwag na lang tayo pumatay. Mababait ang mga Explorers, patulugin mo na lang.

Sige, wika ni Jon. Ako na lang.

‘Wag mo na lang gawin ‘yan, Clio. Si Jon nang bahala dito! mahinang tawag ni Lucky.

Dumukot na ng isang mahabang karayom si Jon na may matapang na pampatulog. Isang karayom lang, tsk... Tulog kang bata ka!

Sa talas ng mga mata at bilis ng kamay, hindi agad napansin nina Lucky ang napakabilis na pitik ng mga daliri ni Jon sa karayom at mabilis itong nagtungo sa bibiktimahing Mercury. Naramdaman ng Mercury ang parang kagat ng langgam sa kanyang leeg at siya’y mabilis na nakatulog.

"Ngayong tulog na ang nagbabantay sa kulungan ng mga taga-Hunsterdam, maaari na tayong pumasok. Kung mas marami ang nagbabantay sa loob ng kulungan, tayo nang bahala sa kanila ok?"

Magkasama sa iisang kulungan itong sina Reinhardt at Claude, pero itong si Kenji ay nasa ibang kulungan. Hiniwalay siya, pero may kasama pala siya doon na hindi niya inaasahan.

Dahan-dahang idinilat ni Kenji ang kanyang mga mata nang mapansin niyang nakatingin pala sa kanya ang mga taga-Hunsterdam na kasama rin niya sa kulungan.

At… Hindi niya inaasahan na makikita pa pala niya doon ang taong gusto na niyang makita noon pa... Ang kanyang kakambal na si Genji kasama si Cyan!

Nanlaking bigla ang mga mata ni Kenji sa nakita. Si Genji nga ang nakikita niya. Ang dalawang hikaw nito sa noo ang kanyang palatandaan!

Nakita rin siya ni Genji at namukhaan rin siya. Nagulat rin ito sa nakita. Ang dalawang hikaw naman sa baba ng kanyang kakambal ang agad niyang napansin.

Nagtitigan pa muna ang dalawa ng matagal. Lumapit sila sa isa’t-isa. K-Kuya... Ikaw ba talaga ‘yan? unang tanong ni Kenji sa kapatid.

Hindi alam ni Genji ang sasabihin sa nakitang kakambal. Lumuluha na ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala, at hindi rin siya makapagsalita. Maging si Cyan na kasama niya ay nagtataka lang sa nangyayaring reaksyon ng kanyang kaibigan.

Lumapit si Cyan kay Genji at tiningnan si Kenji. Kamukha mo siya Genji!

Narinig ni Kenji ang pangalang binanggit ni Cyan at nalaman niyang si Genji na nga ang nasa harapan niya! K-Kuya Genji! at mabilis silang nagyakapan!

Napaiyak ang kambal sa tuwa habang magkayakap sa isa’t-isa. Magkayakap na nga sila... Tulad ng yakapan nila noong nasa gitna sila ng malakas na nyebe matapos nilang tumakas sa mga Pioneers sa Dakar.

Malat tuloy ang boses ni Kenji. "Kuya... Ikaw nga ang kakambal ko. Kumusta ka na? Nami-miss na kita! Matagal na tayong hindi nagsama... Mahal na mahal kita, kuya!"

Hindi pa rin makasagot si Genji at mas humigpit ang kanilang yakapan. Suminghot lang siya. Masyadong ma-drama ang dating. Habang umiiyak ang dalawa, pati ang mga kasama nilang bilanggo ay nakiiyak na rin. Pati si Cyan ay napaluha na rin.

Kahit bulol ay pinilit naman ni Genji na sumagot.

"M-Mahal din kita, kuya Kenji! Nami-miss din kita. ‘Lang taon na tayong hindi magkasama!"

Ba’t ka ba umalis nu’n? Kaya tayo hindi na nagsama ng matagal e.

G-Gusto ko lang ipaghiganti si ama noon, pero... hirap pa ring magsalita si Genji.

"Kuya... Isa na nga pala akong Explorer... at Holy Wielder... ‘Lam mo ba ‘yon?"

A-Ano? ...Anong Explorer?

"M-Marami na ‘kong alam ngayon na hindi mo pa nalalaman kuya. ‘Pag nalaman mo na ang mga bagay na iyon ay... magugulat ka. Marami na ‘kong naranasan habang wala ka... Kaya naging Holy Wielder na ‘ko."

A-Ano naman ‘yon?

Saka na lang muna niya sasabihin ang lahat sa kakambal. S-Saka ko na muna sasabihin kuya. Pero ayoko nang mawalay pa tayo.

Marami na ngang nagbago sa ‘yo kuya... Mukha ngang marami ka nang narating... Mukhang, yumuko. Mukhang... nag... na... napag-iwanan na ‘ko! ‘La pala akong kuwentang tao!

Nagkakamali ka kuya Genji! Hindi totoo ang lahat ng mga sinabi mo. Bayaan mo, tutulungan kita! ‘Andito na ang kakambal mo upang tumulong sa ‘yo. Pangako, isasama kita doon!

Tumigil na ang kanilang yakapan at ipinunas na nila ang kanilang mukha. Ikaw nga rin kuya Genji, anlaki na rin ng ipinagbago mo. Siguro, may mga karanasan ka na rin na hindi ko pa nalalaman ano?

Marami din kuya.

Mayroon ka bang nakasama sa gitna ng pag-iisa mo?

Ah, oo nga pala, at ipinakilala na ni Genji si Cyan sa kakambal. "Siyanga pala kuya, ipapakilala ko nga pala sa iyo ang matalik kong kaibigan na si Cyan. Isang Valedictorian ng Hunsterdam University. Alam mo ba kuya na marami akong natutunan sa kanya?"

Nagmasid si Kenji. ‘Asan ‘yung Cyan? Naku, napakatalino naman pala nu’n!

Lumapit si Cyan kina Kenji at nagpakilala. "Ako si Cyan Wilford. Estudyante ng Hunsterdam University at kaibigan ng kakambal mo mister. May mga natutunan din ako sa kanya at mabait siya!" at yumuko.

Mayroong isang pinaniniwalaang alamat ang mga engkantada, diyos, at diyosa patungkol sa sinasabi nilang Kambal ng Tadhana na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin nila. Hanggang sa ito’y naging paniniwala na rin ng mga tao sa mundong ito. Ayon daw sa alamat, kapag ang kambal daw ng tadhana ay nagsama sa pinakadulo ng mundo, ang mundo raw ay mas nalalapit sa kapahamakan dahil magiging masama raw ang kapalaran nito, at maging ang buhay ng mga tao ay masisira. Pero sinabi din ng alamat na magiging kabaligtaran ito kung ang Kambal ng Tadhana ay hindi magkasama. May kinalaman daw kasi ang kambal sa tadhana ng mga tao, pero ang mga ito ay pinaniniwalaang alamat lamang hanggang ngayon...

Ngayong magkasama na nga sina Kenji at Genji na siyang pinaniniwalaan na kambal daw sila ng tadhana: totoo nga kaya ang kanilang pinaniniwalaan patungkol dito? O baka nama’y hindi?

35 IN HUNSTERDAM

Kumustahin naman natin ang kalagayan nina Claude at Reinhardt. Kapansin-pansin din ang nangyari sa kanila matapos silang turukan ng tranquilizer sabay kulong sa loob ng malawak na kulungan ng Hunsterdam.

Maraming residente ang nakatira sa Hunsterdam kaya kulang ang mga kulungan, kaya ang ginawa ng mga Pioneers ay ikulong na lang nila ang dalawa pati na rin ang iba sa mismong mataas na unibersidad ng Hunsterdam.

Nakakulong sina Claude at Reinhardt sa iisang classroom, kasama ang ilang mga residente. Nakaposas ang dalawang lalaki sa dingding at pareho pa ring walang malay. Patlang…

May mga babaeng taga-Hunsterdam ang mukhang na-in-love sa dalawa nilang kasama sa loob ng classroom. "Uy, ang cute naman ng dalawang nahuli ng mga kalaban oh," wika ng babaeng 2nd year college na nag-aaral sa unibersidad. Naku, halikan natin nang magising sila!

Ano ‘yon? Parang isang prinsesa na hahalik naman sa kanyang prinsipe? tanong naman ng isa pang babae na kaibigan niya. Tulog na tulog sila. Mahiya ka naman noh?

"Anong tingin mo Flora? Single pa kaya sila? Ang guguwapo kasi nila e."

Walang alam ‘yung babae tungkol kina Claude. Mukhang meron na ‘yan. Ang guguwapo e. Imposibleng wala.

Ay... panghihinayang ng babae. Sayang naman ano? Sana’y isa na sa kanila ang kapalaran ko.

Sumabat ang buntis na babaeng may edad. Hoy, mga malalandi kayo! ‘Wag n’yo nang asahan pang mapunta sila sa inyo at alam kong mahihilig talaga kayo sa mga guwapo! Baka mamaya eh gaganyan-ganyan kayo tapos mamaya’y may mga nobya na pala sila... O may mga asawang buntis na rin!

"B-Bale... ‘Antayin na lang nating magising sila. Ang cute nilang matulog di ba, Eliza?"

Oo, antayin na lang natin...

Isang oras na ang lumipas nang nagbalak ang isang babae na kunan ng litrato ang dalawang Explorers habang tulog. Dinukot na nila ang kanilang mga cellphones na may kamera, gayundin ang mga baon nilang digital camera. "Tara bilis. Kunan natin sila ng litrato para may remembrance tayo!"

Nakita sila ng isang lalaki. Naku naman kayo! Ano na naman ‘yang pinaggagagawa n’yo diyan? Eh sila pa ang aabalahin ninyo. Dapat, ako na lang ang kunan ninyo. Mas may itsura pa ako kaysa sa dalawang ‘yan. Eh hindi naman sila tagarito e!

Wala ka nang pakialam do’n! habang kinukunan na ng litrato sina Claude. "Wala kang taste!"

Selos ang lalaki. Mas guwapo naman ako kaysa sa mga ‘yan ah. Sayang lang ang oras ninyo.

Pagkatapos ay hindi na siya pinansin ng mga babaeng nagpi-picture kina Reinhardt.

Maya-maya ay dahan-dahang idinilat ni Reinhardt ang kanyang mga mata nang makita niyang puro mga flashes ng kamera ang sumalubong sa kanya. Nang bumangon siya ay nagtilian ang mga babae.

"Eeeee, ang cute cute niya!!!"

Nagtaka ang walang kaalam-alam na si Reinhardt. A-Ano ‘to? ‘A-Asan na ‘ko?

‘Andito ka sa loob ng unibersidad ginoo, sagot ng buntis na babae.

Nagtilian na naman ang mga babae. Sa lakas ng tilian ay si Claude naman ang sumunod na bumangon. Sabay sigaw. Ano ba ‘yan! Ang iingay!!!

Huminto ang mga babae, at nagpapansin ‘yung isa. "Hi kuya... Ako si Lileta, 2nd year college ng Hunsterdam University. Anong pangalan ninyo?"

Si Reinhardt ang sumagot. Pasensiya na binibini, pero hindi namin kailangan pang aksayahin ang panahon namin sa ganitong usapan.

Napahiya ang babae. Ayaw mong sabihin ang pangalan ninyo sa ‘min?

Si Claude naman ang sumagot. P-Pasensya na rin, pero kailangan na naming tumakas dito. May isa pa kaming kasama na nakakulong rin pero hindi namin alam kung saan.

Sumagot ‘yung lalaki. "Ah, may isa pang malawak na kulungan doon sa likod lang ng unibersidad na ito. Sa tabi ng mini barangay hall!"

O sige, salamat pogi, wika ni Reinhardt. Papatayin namin ‘yang mga Pioneers na ‘yan.

Nagmayabang ang lalaki sa mga babae. O, kitam? Sinabihan akong ‘pogi’ nung isa! Ibig sabihin--

OA ka! sabay-sabay na wika ng mga babae.

May hinahanap si Claude. Rain, nakaposas pala tayo sa dingding na ito atsaka, wala tayong mga sandata. Kinumpiska ‘ata ng mga Pioneers na ‘yan!

Tama ka Claude. At tayong dalawa lang ang nakaposas dito ano?

Naku po, mahirap na ‘to!

Hinde Claude, Explorer tayo. Kaya natin ‘to.

Na-busted ang mga babae. "Mga kuya... Heto, isang tanong na lang... Eh single pa ba kayo?"

Hindi na sila sinagot nina Claude at Reinhardt. Abala lang ang dalawa sa pag-alis nila sa matitigas na posas nang makatakas agad. Lalong na-busted ang mga babae.

Kina Lucky.

Isang oras na nga ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang naililigtas ni maski isa. Mas inubos lang nila ang kanilang oras sa taguan. Ano ba naman kasi ang laban nila sa mga Pioneers kung anim lang sila at hindi pa prepared?

Jon, tirahin mo na ng pampatulog, utos ni Lucky kay Jon sa nakitang bantay na Pioneer. O kung gusto mo eh… patayin mo na!

Sige.

Pero high-skilled ang mga Pioneers kaya malalakas ang human reflexes. Nakita agad ng Pioneer ang karayom na may lason at mabilis na umiwas. Lumagpas ito sa kanyang noo at nahulog sa lupa. Dinampot.

M-May gustong pumatay sa akin. May iba pa pala silang mga kasamahan dito! Ang ilan pang mga Explorers! sabay takbo upang magsumbong sa mga kapwa-Pioneers. May iba pang Explorers dito, sigaw niya na hawak ang karayom ni Jon. "Ito ang ebidensya. Ito ang gamit nilang deadly weapon!"

Napalunok si Jon, pati sina Lucky. Patay tayo nito... Alam na ng mga kalaban natin na may iba pang Explorers dito. Pa’no na ‘yan?

Nag-isip si isagani. "Ano na lang kaya kung magpakita na lang tayo at harapin sila? Baka kaya naman natin sila… Ke’sa naman sa abutan na tayo ng gabi rito eh hindi pa rin natin nasasagip sina Kenji. Wala na tayong choice e!"

Hindi puwede, pigil ni Lucky. Hindi ipis ang mga Pioneers Isagani, kaya ‘wag mo silang mamaliitin. Magagaling ang mga ‘yan!

Nainis na si Shingue. Kung ganu’n ano na lang pala ang gagawin natin dito? Tatago na lang habambuhay? Eh alam na ng Pioneer na nandito tayo?! Wala na tayong magagawa pa, Lucky.

Inis na rin si Lucky. Parang hindi kayo mga Explorers! Walang kadiska-diskarte, at umalis mag-isa, iniwan na lang ang lima.

Hoy, Lucky! tawag ni Tyrone ng pabulong. Sa’n ka pupunta?

Bahala na kayo kung magpakita kayo sa kanila! Magpahuli kayo! hanggang sa siya’y nakalayo na ng tuluyan.

Lucky! Bumalik ka rito, Lucky!!!

Hindi na bumalik si Lucky. Umalis na ito mag-isa. Bahala na lang daw sila sa buhay nilang lima!

Masyadong malakas ang loob ni Lucky na gawin ito ng mag-isa niya kaya tingin niya ay mukhang maililigtas niya ang tatlo. Nakahanda na siya... Kung ano man ang mangyayari sa kanya ay handa na rin siya.

Kinagat ni Claude ang kanyang posas na nakakabit sa dingding, pero hindi niya maalis. Mangandasira nang ngipin niya ay balewala pa rin.

At ito namang si Reinhardt ay hindi rin nawawalan ng pag-asa. Tinatadyakan na nga niya ang posas kahit ayaw pa rin.

Napagod na si Claude sa ginagawa niya. Pero itong si Reinhardt, kahit pagod ay sige lang ng sige! Gusto na nga niyang gibain ang magandang dingding ng unibersidad, pero hindi naman niya magawa.

Hanga ang mga kasama ng dalawa sa kanilang tapang at lakas. Kaya ang mga babaeng na-busted nila ay nagtilian na naman.

Doon naman kina Kenji, wala man silang sandata sa ngayon ay nakatakas pa rin sila. Ang dahilan? Sa tulong ng Holy Element niya.

Isang baguhang Pioneer lang pala ang nagbabantay sa kanila kaya madaling tamaan ng Holy. Kailangang mapakinabangan naman ni Kenji ang kanyang Holy. Hindi naman niya sinaktan ‘yung Pioneer kahit siya’y kalaban nila, dahil sabi niya ay nilalang rin iyan ni Haring Jethro.

Ba’t di mo pinatay? tanong ni Genji. Kalaban sila kuya! habang nakatingin sila sa nakabulagtang Pioneer na nagbabantay sa kanila.

Ayokong pumatay... Ayokong manakit... Tao rin sila kuya. May karapatang mabuhay...

Oo, alam ko ‘yon kuya Kenji. Pero iba ‘to. Kalaban sila at masasama!

Basta... Iba ang pananaw mo sa pananaw ko. Kalaban man sila, maaari pa rin silang magbago.

Hindi na sumagot si Genji at nagtanong si Cyan. Tatakas ba tayo?

Tayong tatlo muna ang tumakas at ‘wag muna nating isama ang mga tao rito. Mapanganib sa labas kaya dito muna sila manatili sa kulungan.

Eh itong Pioneer? tanong naman ni Genji.

Ngumiti si Kenji. Sa iba natin siya dalhin... Akong bahala sa kanya! at binuhat na niya ang Pioneer, sabay lingon kay Cyan. Ah, siyanga pala Cyan… Sasama ka bang talaga sa amin?

Oo, gusto kong sumama sa inyo!

Aba, baka hindi mo alam ang panganib sa labas! Magtatago kami doon, Cyan... babala ni Kenji.

Basta sasama ako!

Sige na, sige na...

Yohoo!

Sumama si Cyan kina Kenji at humarap naman ang binata sa mga bilanggo. Dito muna kayo ha? Pakakawalan namin kayo. Pangako, ayan, may iniwanan na namang pangako si Kenji. Pagkatapos ay umalis na ang tatlo.

Malabo nang magkita sila ni Lucky dahil masyado pa namang malawak ang Hunsterdam.

Nasa likod na sila ng malaking kulungan sa mini barangay hall. May iba pa palang nagbabantay doon, pero mga Mercury lang.

May naririnig sina Kenji na usapan. Usapang may binabalak. Mga Mercury ang nag-uusap:

Lorenz, ‘lam mo ba na ang Bondore na kailan lang pinasok ng Pioneer eh, balak na naman ‘ata nilang pasukin?

Ganu’n ba?

Nagulat si Kenji, pero gulat din maging si Genji. Ang matandang mangkukulam na nang-api sa kanya ay nandoon pa naman ngayon sa Bondore. Bumulong si Kenji kay Genji. Kuya... nakakainis! Pupuntahan na naman daw ng Pioneer ang Bondore. Naaalala ko pa ang pangako ko sa matandang babaeng taga-Bondore na ililigtas ko ang kanilang lugar pero nabigo ako. At ngayon, heto na naman sila!

Hindi makapagsalita si Genji sa sinabi ng kapatid. Nalaman na niya ang lahat ng ginawa ni Kenji doon. Nabigo nga ito, pero hindi nito alam na galing na pala siya doon, at may ginawa siyang hindi kaaya-aya sa matanda at sa kanya. Nagpanggap siyang Kenji noon... Impostor na Kenji!

Eh, anong oras daw ang paglusob muli nila sa Bondore?

11:30am na ngayon di ba? Mga alas-dos ng hapon daw.

Nataranta si Kenji. Naku, ilang oras na lang at pupunta na ang mga Pioneers sa Bondore... Kailangang magtungo na ako roon! At sagipin sina lola, ‘yung mangkukulam ang tinutukoy ni Kenji, at hindi rin nito alam na may powers pala si lola.

Ibinaba na niya ang buhat-buhat niyang Pioneer, at iniwang nakahiga sa lugar na hindi mapapansin ng iba.

Kuya... iyon ay... aksidente lamang... Sa loob-loob ni Genji. Aksidenteng... may ginawa akong masama sa iyo na hindi ko naman sinasadya... sa Bondore!!!

Hindi malaman ni Genji ang gagawin kung sasabihin na ba niya o hindi!

Kung hindi naman niya sasabihin, baka si lola witchie-witchie pa ang magsabi kay Kenji kapag pumunta sila doon.

Ayaw ni Genji na malaman pa ni Kenji ang tungkol doon, kaya gusto niyang pigilan ang kakambal na magpunta ito sa Bondore... K-Kuya, pupunta ka bang talaga sa Bondore?

Oo, bakit? Nagmamadali na ‘ko! Kailangan, bago tayo magtungo sa Bondore ay kasama na natin sina Claude at ‘yung iba pa. Lahat tayo ay pupunta doon. Wala nang oras kuya! Kailangang makarating tayo doon ng mas maaga bago pa sila makarating doon. Hanapin na natin ‘yung iba ko pang mga kasama.

Pero nabigo ka sa kanila… d-di ba ‘yun ang sabi mo kanina?

Oo, nabigo nga ako... Pero gaganti na ako ngayon!

H-Hinde, huwag! ayaw talaga ni Genji.

Bakit ba kuya Genji? tanong na ni Kenji. Parang ayaw mong magpunta sa Bondore?

Ah... nawalan na ng palusot si Genji. K-Kasi...

Nakatingin na sa kanya ng diretso si Kenji.

W-Wala lang... ‘Wag na natin pang sayangin ang oras natin du’n sa Bondore na iyon! Wala nang kapag-a-pag-asa pa ang Bondore na manatili pa sa mundong ito!

Hinde... Gaganti ako. Inasahan iyon ni lola. Tara na, iligtas na natin sina Claude.

T-Teka, kumusta na nga pala si Claude? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita.

Mamaya ko na sasabihin sa ‘yo. Tara na! sabay alis at sumunod naman sina Cyan at Genji.

Doon pa lang sa maliit na hardinan ng Hunsterdam ay nakita nila sina Shingue. Labis ang kanilang tuwa nang makita nilang ligtas sina Shingue, at nagtatago pa rin sila. Nagulat pa sina Tyrone nang makita nila si Genji kasama si Cyan.

Kamukhang-kamukha mo siya, Kenji! wika ni Isagani. M-Me kakambal ka pala?!

Nagmamadali si Kenji. Oo, ‘asan na sina Claude at kuya? Ah siyanga pala, sabay harap kay Genji. May kasama rin nga pala kami rito na kapatid rin natin. Reinhardt ang pangalan niya. Pero ngayon, hindi na muna ako mag-aaksaya ng panahon, sabay harap uli kina Shingue. O, ‘asan si Lucky?

‘Ayun. Nagtampo pa ‘ata sa amin at umalis nang mag-isa niya, malungkot na sagot ni Isagani.

Nag-ring ang cellphone ni Tyrone, pero tahimik. Ah, si Lucky tumatawag! sabay sagot. "Hello?"

"Buksan mong speakerphone para marinig namin, pero hinaan mo lang ‘yung volume," request ni Jon. Dali, kakausapin rin namin.

Binuksan nga ni Tyrone ang speakerphone ng kanyang cellphone, mahina. "Hello, mga UE? Si Lucky ‘to. Nakapasok na ‘ko sa loob ng unibersidad at du’n ko nakita sina Claude. Ligtas na silang dalawa. Salamat na lamang sa talas ng aking mga mata at sa ‘lucky charm’ ko (‘yung sandata niya ang tinutukoy niya). Kasama ko na silang dalawa ngayon. Kumuha ako ng palakol sa Weapon Room ng eswelahang ito, pansira lang sa malalaking posas nila."

Magaling na diskarte Lucky, masayang sagot ni Kenji. "Lucky, si Kenji na ‘to. Nakalabas na rin kami sa kulungan. Magkita tayo sa mismong gate ng unibersidad!"

"Sige, Lucky out!"

Kung pagmamasdan na ang buong paligid, puro mga mahihinang Mercury na lang pala ang nagbabantay sa ngayon. Ang grupo ng Mercury kasi ang pinakamahinang grupo sa lahat ng mga mandirigma, kaya ang trato tuloy sa kanila ng Pioneer at Reminescence ay mga tagasunod lang nila, kahit sila’y mga kalaban rin nila.

Wala ang grupo ng Pioneer sa kung saan-saan. Nandoon silang lahat sa loob ng kanilang malaking aircraft upang magpahinga sa pag-aakalang hindi makakatakas ang mga nahuling Explorers.

Nagkita-kita na ang mga Explorers sa eksaktong lugar na pagkakakitaan nila. Pagkatapos ay sinabi na ni Kenji ang lahat kina Genji at Reinhardt. Pagkatapos rin ay nagpakilala ang isa’t-isa kasama si Cyan. Maging si Claude ay natuwa rin sa muling pagkikita nila ni Genji at nagyakapan pa sila.

Ibinalik na ni Lucky ang mga sandata nina Kenji na kinumpiska ng mga kalaban. At ngayong kumpleto na sila:

Kenji, may balak ka pa rin bang pumunta sa DDE na malapit lang sa Camoria? tanong ni Reinhardt. "Wala na sa ‘tin ‘yung jet."

Camoria? Alam ko ‘yon! mabilis na reaksyon ni Genji. Nu’ng maghiwalay kasi kami ni kuya Kenji ay doon naman ako napadpad at nagtagal!

Kuya talaga? Kung gano’n pala, alam mo ang DDE kung saan! si Kenji.

Wala namang kaalam-alam si Genji sa Explorers. Ah... Naririnig ko ‘yung DDE… M-Medyo malayu-layo nga ‘yon mula doon, pero madadaanan muna ‘ata natin ang Camoria bago ‘yun. Hindi ko naman kasi inaalam ‘yon e. Malay ko ba sa DDE!

Tange! Si ama nandoon, pero sa ngayon ay Bondore muna ang pupuntahan natin. Saka ko na lang ulit ikukuwento sa iyo ang tungkol do’n. Wala nang oras, nagmamadali tayo!

Oo, narinig ko nga na do’n pupunta ang Pioneer mamaya, wika ni Claude. Me Mercury na nagsabi sa ‘min!

Lumingun-lingon sa iba’t-ibang direksyon ang mga magkakakampi kung may nagbabantay o hindi. Kaunti na lang, at puro Mercury na lang ang nasa labas.

Alam ko kung saan ang Bondore... kung mula sa Dakar, malungkot na wika ni Kenji. Pero kung mula dito...

Sige na nga! Sasabihin ko na ngang nanggaling na ako sa Bondore, pero hindi ko na lang sasabihin ang lahat ng nangyari... Aksidente lang iyon... Sa loob-loob uli ni Genji. Makulit kang talaga, kuya Kenji!

Kalimutan mo na lang ang pagpunta sa Bondore, Kenji... wika ni Tyrone. Hindi naman ‘yan kasama sa plano natin ngayon di ba?

Nainis si Kenji. Hinde! Kailangan ko nang pumunta sa Bondore. Kasama na ‘yan ngayon sa plano natin! Gaganti ako, kaya dapat... bago pa makarating ang Pioneer doon ay nandoon na tayo!

Si Genji, hindi nakatiis. K-Kuya... Alam ko ang Bondore kung saan mula rito... Nanggaling na ‘ko doon, pagkaalis ko sa Camoria, hayun, sinabi na niya. Mahina lang ang boses.

Lubos na ang tuwa ni Kenji sa sinabi ng kapatid. Talaga kuya? Alam mo mula rito? Magaling!

Oo, kaso medyo malayo kung tatakbuhin lang natin. Mga mahigit sampung kilometro ang layo.

Ayos lang! Pero ano naman ang ginawa mo du’n kung nanggaling ka na pala do’n ha, kuya?

Ah... kinabahan na naman si Genji. Ah... eh... ah... at mabilis na umandar ang motor ng kanyang utak upang gumawa na palusot o ibang kuwento. Kuwan...

Sige, ‘wag mo na lang sagutin kuya. Nagmamadali ako. Tara na... pigil ni Kenji sa kakambal. Alam ko na ‘yon. Napadaan ka lang do’n.

Mabilis na sumang-ayon si Genji. O-Oo, ganu’n na nga! Napadaan lang ako... (whew!)...

"Okay... Ngayong handa na tayong lahat sa pagharap sa mga Pioneers, magtungo na tayong lahat sa Bondore!" at itinaas na ni Kenji ang hawak-hawak niyang Kali.

Sumagot ang lahat. Oo, handa na kami!

Patungo na sila ngayon sa Bondore at uunahan na nila ang Pioneer doon. Pero bago sila umalis sa Hunsterdam ay bumalik uli sila sa Weapon Room ng Hunsterdam University upang bigyan na ng sandata si Cyan. Sasama raw talaga siya. Pagkatapos ay nakaalis uli ang lahat habang wala pa ring malay ang Mercury na nagbabantay doon.

36 JOURNEY TO BONDORE

Tulog ang lahat ng mga Pioneers sa loob ng malaki nilang aircraft at nandoon rin sina Akira at ang ama nito na dating lider ng Pioneer. Ngayon pala ay si Akira na ang kanilang bagong lider. Relaxed lang ang buong grupo dahil may mga nagbabantay namang Mercury. Pero ‘ayun, tinalo na ng mga UE.

Nagsialisan na ang ibang mga Mercury upang bumalik na sa kanilang base. Kung saan man iyon ay hindi na natin alam. Hindi nila akalaing malalakas pala ang mga UE. At ‘yung iba nilang kasamahan na tinalo ng grupo nina Kenji ay iniwan na lang nila.

Duwag pala ang Mercury ano? nakatawang tanong ni Clio. Kitam ngayong wala nang nagbabantay dito na Mercury, pakawalan na natin ‘yung mga tagarito at sabihin na nating magsilikas na sila. Habang tulog pa ang mga Pioneers at wala pa ring nalalaman sa nangyayari ngayon.

"Yup, at nasa akin na ‘yung mga susi! pagmamayabang ni Lucky. Paalisin muna natin sila rito!"

Wala nang mga kalaban sa buong paligid kaya matagumpay namang nakatakas ang mga bilanggo. Pumunta kayo sa lugar na hindi napupuntahan ng mga kalaban, utos ni Kenji sa mga taga-Hunsterdam. Hawakan n’yo na ang mga susi. Kayo na ang bahala sa iba pang mga tagarito.

Maraming-maraming salamat sa inyo, wika ng isang residente. Pagpalain kayo nawa ng Kataas-taasan...

Ngumiti si Kenji. Salamat rin po sa inyo at walang anuman. Magsilikas na kayo.

Oo...

Paalam.

Nagtakbuhan ang mga tao at naghiwa-hiwalay hanggang sa nakalikas na sila ng ligtas. Sinigurado muna nina Kenji kung wala nang naiwan pang mga taga-Hunsterdam dito bago sila umalis.

Wala na silang lahat, masayang wika ni Reinhardt. Ngayon ay ang susunod na misyon natin.

Oo nga... Wala na ngang mga tao rito. Pumunta na tayo sa Bondore! wika ni Cyan. Mukhang nag-aalala kayo sa ‘kin sa pagsama ko sa inyo eh ayos lang ako! ‘Wag kayong mag-alala, me alam rin ako sa pakikipaglaban! Pangako.

Ayaw maniwala ni Isagani. "Talaga lang ha? Baka mamaya eh umiyak ka lang du’n! Valedictorian ka nga, eh ibig sabihin ay magaling ka lang sa utak. Baka naman pakikipaglaban lang sa pag-aaral ang alam mo!"

Ah hinde, buti na lamang at pinagtanggol ni Genji si Cyan. Nagkakamali kayo. Marunong ‘yang si Cyan. Tinuruan ko siyang lumaban kahit kaunti lang. Ako rin, marunong din ako sa pakikipaglaban.

Alam namin ‘yon kuya, nakangiting wika ni Kenji. Alam na naming marami ka na ring karanasan.

"O, ano na? Shall we go na? tanong ni Shingue. Kailangan na nating pumunta doon. Gusto kong makita ang Bondore. Tayo na."

Tayo na!

Ituro mo kung saan ang daan patungong Bondore mula dito ha?

Sige, sumunod kayong lahat sa akin.

Buti na lamang at may buo pa silang jet na iisa. ‘Yung jet nina Shingue. ‘Yung kina Lucky, kahit may sira na ang isang pakpak nito ay gagamitin pa rin nila. Mukhang mapapakinabangan pa raw nila.

Mas marami ang nakasakay kina Shingue dahil buong-buo pa ang sa kanila. Nandoon sina Kenji, Genji, Reinhardt, Claude, Tyrone, Shingue, Cyan, at Clio. Samantalang sina Isagani, Lucky, at Jon sa jet pa rin ni Lucky na E47J.

Sa totoo lang, panlimahang tao lang talaga ang dapat sa isang UE mini jet. Nakaalis na silang lahat na hindi pa rin namamalayan ng Pioneer.

Mainit sa loob ng jet nina Shingue dahil overcrowded na ang jet. Uy Genji... baka naman mamaya sa dami natin dito eh maano... ano... nalilitong wika ni Shingue habang nagpa-pilot. "...Baka mamaya eh bumigay ‘tong jet natin. Malayo ba ‘yon?"

Hindi. Isang minuto lang ang biyahe natin. Sigurado na ‘ko do’n. Tapos kung Camoria naman mula Hunsterdam, medyo malayo ng kaunti.

Ibig mong sabihin, isang minuto lang pala ang biyahe natin do’n?

Oo, ganu’n na nga. Sampung kilometro lang naman ang layo di ba?

Talaga lang ha? Tapos tinakbuhan mo lang? Galing nga ng mga tuhod n’yo!

Wala na ang lahat sa buong Hunsterdam nang magising ang isang Pioneer upang silipin ang mga nakakulong ngunit wala na sila. N-Nasaan na ang mga tagarito, pati na rin ‘yung nahuli naming mga UE? at luminga-linga. At isa pa... ‘yung mga Mercury na nagbabantay dito ay wala na rin, sabay sumbong. "Sir, nakatakas po ang mga UE!!!"

Ano? gulat na reaksyon ni Akira. Nakatakas ang mga UE pati ‘yung mga tagarito? Eh ‘yung mga Mercury? Anong ginagawa ngayon?

‘Ayun, umalis din. Sumama pa ‘ata sa kanila!

Mga damuho lang talaga ang mga Mercury na ‘yan. Mga walang kuwenta!

Nag-utos si Alexander. Tingnan ninyong mabuti ang buong paligid kung may iba pang mga tao riyan! Dali, pupunta pa tayo sa Bondore!

Tumakbo ang mga Pioneers nang kumalat na sila sa buong paligid.

Totoo ngang mga walang silbi ang Mercury! galit na wika ni Akira sa ama. Nagpasarap lang tayo kanina eh nagpauto na ‘ata sila sa mga Explorers. Alam ko na, si Kenji mismo ang magaling sa ganyanan! Me utak ‘yung buwisit na ‘yon!

Bumalik ang isang Pioneer. Ginoong Akira, wala na rin ‘yung mga tao dito!

Bumalik rin ‘yung isa pang Pioneer. "Pati ‘yung mga walang kuwentang nagbabantay sa unibersidad ng Hunsterdam ay wala na rin. Merong isang Mercury do’n sa Weapon Room, ‘ayun, tulog!"

Pati rin ‘yung isa pang Pioneer. ‘Yung mga sandata nila, wala na rin doon! Mukhang nakuha na nila!

"Sige, pabayaan n’yo na lang! Ang mahalaga’y nakaisa na tayo sa kanila. Me napabagsak na tayong isang Explorer jet. Iyon na ang babala sa kanila upang maging handa na sila sa susunod. Ang kailangan ko lang talaga ay si Maximillian! wika ni Akira. Ang kailangan ko ay ang Holy ni Maximillian!!!"

Pupunta pa ba tayo doon sa Bondore? tanong ng isang Pioneer. "Di ba ang kailangan mo lang du’n ay ‘yung mga Divine Stones na hawak-hawak ng isang tagaroon?"

Masama na ang ngiti ni Akira. "Oo, ‘yun na nga. Iyon nga ang dahilan. Ang mga Divine Stones na nasa kamay na ng matandang mangkukulam. Alam niya na pupunta ako doon dahil nagbabala na ako sa kanya na iyon ang mga kukunin ko mula sa kanya. Pagkatapos kong makuha ang mga iyon ay saka ko naman kukunin ang Holy Element ni Maximillian! Tapos, saka ko na siya papatayin… Alam na niya iyon dahil sinabi ko sa kanya na maghanda siya sa susunod na magkita kami!"

"Hindi alam ng mga Explorers na doon na tayo magtutungo sa Bondore hindi ba? Hah, magugulat sila ‘pag nalaman nila na ang mga Divine Stones ay nasa atin na! Nakuha na nating lahat sa matandang mangkukulam!"

Hindi nila alam iyon. Tara na, mga Pioneers! Magtungo na tayo sa Bondore! sigaw ni Akira sa kapwa mga Pioneers. Kunin na natin ang mga sagradong bato!

Nakarating na sa Bondore ang grupo ni Kenji at nakita nila na ibang-iba na ang Bondore ngayon kaysa sa dati. Ang mga tao doon ay naghahanda na uli sa kanilang pag-alis patungo sa ibang lugar. Lilikas na naman sila bago pa sila abutan doon ng Pioneer. Alam na nila ang mangyayari dahil sinabi iyon sa kanila ng matanda na may lihim na kapangyarihan. Ang matanda ay may kakayahan ring malaman ang mangyayari sa hinaharap, at natukoy niya ang eksaktong lokasyon ng mga nakabaong bato sa tulong ng mga kapwa nilalang at agad natagpuan. Ngayon ay hawak na niya ang mga Divine Stones.

Naghahanda na rin pala ang mga tagarito oh! wika ni Jon. Tama, dapat wala na sila rito bago dumating ang Pioneer.

Tinulungan nina Claude ang mga tao na makaalis sa Bondore ng ligtas. Dalian ninyong lahat! Papunta na rito ang mga Pioneers. Kami nang bahala sa kanila, masyado nang delikado rito!

Abala rin sina Cyan sa pag-aasikaso sa mga tao, pero itong si Kenji ay hinahanap naman ang matandang babae na tumulong sa kanya noon. Tara kuya Genji, hanapin natin ‘yung matandang babae na tumulong sa ‘kin! Alam kong nandito lang siya sa kung saan-saan.

Ah... si Genji. A-Ayok--

Kenji! pasigaw na tawag mula sa malayo. Boses ng matandang babae. Kinabahang bigla si Genji. P-Patay... Sa loob-loob niya.

Natuwa si Kenji sa narinig niya. Nabobosesan pa niya si lola. Lola!

Biglang sumulpot sa kanyang harapan ang matandang babae na nakasuot na ng puting damit. Nagulat siya at hindi na niya namukhaan ang matanda. Maganda ang damit nito at may mahabang buhok na kulay puti rin, pero medyo bumata ng kaunti ang kanyang mukha.

K-Kayo po ba ‘yan lola? Parang...

Niyakap ng matandang babae si Kenji. "Nagulat ka sa itsura ko ano? Oo, ako nga ‘to. Ang nakilala mo noon sa Dakar. Aaminin ko na sa ‘yo na hindi ako isang ordinaryong tao. Isa akong engkantada sa mundong ito na may kapangyarihang alamin ang mangyayari sa hinaharap at kaya ko ring basahin ang isip ng tao. Aba, nakikita ko sa iyo na isa ka na palang Holy Wielder at Explorer!"

Magkayakap pa rin sila, at mabilis nang tumitibok ang puso ni Genji. Maya-maya ay nagsalita si Genji sa kanyang isip. ‘Wag mo nang sabihin pa sa kakambal ko ang nangyari sa atin noon, tanda! at tumingin siya sa mata ng matanda. Ayoko lang mapahiya sa kakambal ko!

Shocked si Genji nang biglang tumingin ang matanda sa kanya habang kayakap pa rin si Kenji. Nababasa ng matanda ang laman ng kanyang isip, at dahil doon ay lalo siyang kinabahan.

Sumagot ang matanda sa isip ni Genji. Sige... Isikreto na lang natin ang lahat ng nangyari noon at tayong dalawa na lang ang nakakaalam. Hindi ko akalaing kakambal mo pala ang batang ito... May atraso ka pa sa akin... At kikilalanin na kita, tandaan mo iyan!

Pinagpawisan ng malapot si Genji. Nag-uusap sila ng matandang babae sa isip.

Nagsalita uli ang matanda sa isip ni Genji. Tandaan mo ‘yan. Sana’y maging aral na sa ‘yo ang mga ginawa ko sa ‘yo noon. Hawak ko na ang buhay mo, Genji. Maninira ka na lang, sa kapatid mo pa!

Sumagot din si Genji sa isip at nagsisi. P-Patawad...

Tumigil na ang yakapan ng dalawa at pagkatapos ay nagbabala si Kenji. Pupunta raw po ang Pioneer dito ngayon dahil narinig po namin kanina. Umalis na po kayo. Atsaka... at gusto na niyang sabihin ang kanyang pagsisisi. ...g-gusto ko po sanang humingi ng paumanhin sa... pagkabigo ko po noon na iligtas ang Bondore. Pero, huwag po kayong mag-alala. Ito na po ang pagkakataon kong makabawi! Gaganti po tayo, hayun, sinabi na niya. At pagkatapos ay hinawakan na niya ang magkabilang kamay ng matanda. Me sapat na po akong kapangyarihan.

Lumuha ang matanda. Alam ko ‘yon, iho... Hindi ka pa pala nagbabago. Mabuting bata pa rin ang Kenji na nakilala ko. Malinis ang iyong puso. Dahil diyan ay mas malayo pa ang iyong mararating at mas nalalapit pa sa mabubuting tao.

Salamat, wika ni Kenji. Mga kaibigan ko po sila lola. Ito po si Genji, ang kakambal ko.

Sumamang bigla ang tingin ng matanda kay Genji pero hindi na niya pinahalata pa iyon kay Kenji. Ah, gano’n ba? Oo nga, kamukhang-kamukha mo! at mabilis na nagbawi ng tingin.

Lola, papunta na po rito ang Pioneer. Umalis na rin po kayo. Baka maabutan pa kayo rito ng mga kalaban. Delikado na dito. Lumikas na ang lahat!

Biglang nag-react ang mga sagradong bato sa katawan ng matanda at napansin niya ito. I-Iho, bago muna ako umalis dito ay may ibibigay muna ako sa inyo... at nagliwanag ang dibdib ng matanda. Lumabas dito ang pitong Divine Stones na mga nakuha na niya.

Gulat na gulat sina Reinhardt at Shingue. "Iyan ay ang mga... Divine Element Stones!"

Si Tyrone. "Ano? Divine Stones ni Haring Jethro? Pa’nong…"

"Tama kayo mga iho, ito nga ang mga nakuha kong Divine Stones sa tulong ng mga kapwa ko engkantada na nabubuhay rin dito sa ating mundo. Ang mga ito kasi ang nais lang ng Pioneer kaya sila pupunta rito. Gagamitin nila ang mga ito sa masamang paraan, pero ang mga ito ay malaking tulong sa inyo. Gamitin ninyo ang mga ito sa pakikipaglaban, at ngumiti. Nakikita sa inyo ng mga batong ito na mukha kayong mapagkakatiwalaan, kaya kayong lahat na ang ipinili ng mga batong ito upang maging mga Element Wielders ni Haring Jethro."

Hindi makapaniwala ang buong grupo ni Kenji.

Hindi ko ibibigay ang mga ito sa Pioneer. Sasama lang ang takbo ng mundo. Pinili na nila kayong lahat. May tiwala ako sa inyo, lalung-lalo ka na Kenji... Alagaan ninyo ang bago ninyong kapangyarihan!

Tumango sila.

Lumapit muna ang matandang babae kay Lucky at kinuha ang sagradong bato na nakuha nito. Sa tulong niya ay nagbalik na muli sa tunay na kaanyuan ang bato at naging ganap nang elemento. "Ang bato na kinuha mo ay isang elemento ng ‘Time and Space’. Ngayong isa na uli siyang ganap na elemento ay maaari mo na siyang gamitin bilang kapangyarihan," at pagkatapos ay pumasok na ang Element of Time and Space sa dibdib ni Lucky.

Gayundin ang ginawa ng matandang babae kina Tyrone at Isagani na pareho na ring may nakuhang tig-isang Divine Stones, at nagbalik-anyo na muli ang mga ito bilang mga elemento.

Kay Isagani: "Sa ‘yo naman ang ‘Element of Light and Blessings’. Bagay sa kabaitan mo."

Kay Tyrone: "Ang ‘Element of Trinity’ naman ang para sa iyo," at pumasok na rin ang dalawang elemento sa kanilang dibdib.

Sumunod ay lumapit naman siya kay Claude at ibinigay ang isang Divine Stone na akma sa kanya. "Iho, tanggapin mo ang ‘Element of Earth’. Tutulungan kita na maging elemento na ito upang ikaw ay maging Element Wielder na rin kagaya nila," at pagkatapos ay naging elemento na uli ang Divine Stone ng Earth, at pumasok na rin ito sa dibdib ni Claude.

Nag-ibang bigla ang buong pakiramdam ni Claude. Lalo na siyang lumakas. Parang si Gala ng Earth!

Maraming salamat po... masayang wika ni Claude.

Kay Shingue: "Ingatan mo ang ‘Element of Poison’. Ang elementong ito ay masyadong delikado."

Kay Genji. Kahit masama pa rin ang loob niya kay Genji ay ibinigay pa rin niya ang sagradong bato: "Ito namang ‘Element of Lightning’ ang bagay sa ugali mo," parinig niya dito.

Kay Jon: "Sa ‘yo ito, ang ‘Element of Fire’. Pero mag-ingat ka iho, dahil maaari ka ring masaktan ng sarili mong elemento. Matuto kang kumontrol nito."

Kay Reinhardt: "Hawak mo naman ang anino at kadiliman iho, ang ‘Element of Darkness’."

Kay Clio: "Sa ‘yo naman ang ‘Element of Gravity’. Ikaw naman ang magkokontrol ng grabidad ng mundo."

At ang huli, kay Cyan: "Sa talas ng iyong utak at talino, nararapat lamang na mapunta ang ‘Element of Air’ sa ‘yo..."

Pagkatapos. Pitong elemento ang lahat na nakuha ko. Ngayong wala nang makukuha pa ang mga Pioneers mula sa akin ay maaari na akong umalis. Ingatan ninyo ang lahat ng mga elemento ha?

Opo, sagot ni Kenji. Handang-handa na kami. May mga elemento nang tutulong sa ‘min sa pakikipaglaban. Nasa ‘min na ang tagumpay!

Paalam... Alam kong magtatagumpay kayo! at nawala na ang matandang babae na parang bula.

"Totoo ngang isa siyang engkantada. Nawala siya sa tulong ng kanyang magic," wika ni Claude.

Natawa si Genji. "Eh tingnan n’yo naman ‘tong si Cyan. Sumama lang sa ‘tin eh nabigyan na rin ng power! Ibang klase ano?"

Oo nga ano? biro ni Tyrone. Andaya!

Pinatulan sila ni Cyan. Bakit? Si Genji rin naman e!

"Ibig sabihin nito. Kung Wielder na pala tayong lahat, pwede na tayo sa DDE. Kaso, dapat tapusin muna natin ang UE at EUE. Ano ba ‘yan, tagal pa!" wika ni Shingue.

Ngayong wala na ang lahat dito, maghanda na tayo, wika ni Kenji. Mag-ensayo muna tayong lahat. Hah, ‘la na ‘kong lagnat!

Oo!

At nag-ensayo na muna ang labing-isang lalaki. May kanya-kanya silang mga moves. Bukod sa mas lumakas sila ay may kapangyarihan na rin sila. Puwede na nga sila sa DDE... sana.

Maging si Kenji ay handang-handa nang harapin ang kanyang mortal na kalaban na si Akira. Mukhang kaya na niya ito. Kaya kapag dumating na si Akira ay haharapin na niya ito kaagad!

Sa totoo lang Kenji, si Claude. Hindi pa namin alam gamitin ‘tong kapangyarihan namin. Eh pa’no kung mamayang kalabanin na natin ang mga Pioneers eh pumalpak kami? Eh di napahiya pa kami!

Eh di hanggat maaga pa’t nag-eensayo pa tayo ay subukan n’yo na.

Anong sasabihin namin?

Natawa si Kenji. "Alangan namang sabihin ko sa inyo eh hindi naman ako Wielder ng mga elemento ninyo ano? Sa ‘kin nga eh, kahit matagal na sa ‘kin ang Holy, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisadong gamitin."

S-Sige... Huhulaan na lang namin.

Ayos lang, nakangiting wika ni Kenji. Malay ninyo eh matsambahan n’yo pa.

Nagwarm-up muna ang mga bagong Element Wielders. May kanya-kanya silang hawak na mga sandata. Susubukan na nilang gamitin ang kanilang elemento sa unang beses. Ang nakakatawa nga lang ay hindi naman nila alam kung paano nila ito palalabasin. Kaya manghuhula sila.

Tulad na lang nitong sina Jon at Tyrone.

"Ok, tingnan nga natin kung may galing ‘tong elemento na bigay sa ‘kin ni lola engkantada, si Jon. Ano kayang sasabihin ko? Ah, alam ko na! ‘Fireous Vonolamora’!" at pagkatapos, walang Fireous Vonolamora na lumabas. Eh, di mali!

Nanukso sa kanya si Tyrone. Waaaahhh! Walang lumabas na apoy, at nagmayabang. "Itong sa ‘kin eh madali lang ‘atang palabasin. Tingnan mo ‘to... ‘Labasaceous Elementos Ng Trinitritos’!"

Wala ring lumabas.

Tumawa si Jon. "Wahahahahahaha!!! ‘Lang lumabas na apoy... este... power niya, nyaaaahhh!"

Napahiya si Tyrone. "Eh siyempre, first time ko lang no?"

Eh, ganu’n din naman ako ah!

Hindi lang naman sila ang ganoon, kundi pati na rin sina Genji, Cyan, at ang iba pa. Hindi rin nila mapalabas ng kani-kanilang kapangyarihan.

Sana lumabas... pa-cute na wika ni Cyan. "Ano bang mga salita ang related sa hangin? Ah! ‘Winda No Hanginin Ng Lumabasaki Ka Na’!!!" hay, naku.

Ayaw niya! Oh ito, si Genji. "Um… ‘Thundara Balabana... Mona’..."

Isa pang nakakatawa ay itong si Shingue. Napakahaba na ng mga sinabi ay wa epek pa rin.

At nangulit pa. "...’Poisonous... Dangerous... Poisonamita... Volteramos... Pultik... Mo... Mo-Mokonami..." ayaw pa rin. "’Manami... Puteramosan... Itaronaminatox... Xoton...’ Ayaw pa rin! ‘Walaxinat... Poison...’ Labas... Ayaw pa rin!!!"

Ang haba na ng mga sinabi ni Shingue. Nabubuwisit na sa kalokohan niya.

"AHHH! ‘POSONATOCALOXIDAMUNITA’, AYAW PA RINNN! ‘POISON LUMABAS KA’, AYAW MO! ‘POISON NAMU TOXAMITIC’! AYAW PA, AHHHHH!!!"

Narinig ng lahat ang sigaw ni Shingue at sabay-sabay na nagtawanan. "HAHAHA!!!’

"’POISONAMOUS’, AYAW LUMABAS! ‘PULTEXAMIX’, SUKO NA ‘KOOOO!!!"

Trying hard silang lahat pero nakakatawa. Pinipilit nilang hulaan kung ano ba ang dapat nilang sabihin upang mapalabas nila ang kanilang elemento. Malay daw ba nila at baka matsambahan pa nila? Sinasabi na lang nila ang mga salita na related sa elemento nila.

Si Claude: "Mundomundo Vataxicus!"

Si Genji: "Thundara Lomotoma!"

Si Clio: "Sariling isip! Este... ‘Gravity’ ah... labas!"

Si Lucky: "Timenatix Motrix!"

Naririndi na si Kenji sa mga samu’t-saring ingay ng kanyang mga kakampi kaya hindi na tuloy siya makapag-concentrate sa kanyang ensayo. Tinatakpan na nga niya ang magkabilang tenga niya pero natatawa pa rin siya sa kalokohan nina Lucky. Ano ba ‘yan, palpak pa rin! Hayyy... dagdag lang sila sa noise pollution.

Si Tyrone: "Trinitritos Ng Makah-Makah!"

Si Reinhardt: "Cloud of Darkness!" seryoso kasi siya eh.

Si Cyan: "Tormadomos... Tornado Mokoh-Mokohhh..."

"Wanatoxan Mortixa!"

"Monocath Monocattthhh..."

"Doom of Darkness!"

"Heavenatic Magnetismmm!"

"Galacotic Forsia!"

Buwisit, ayaw pa ring lumabas!

"Parang awa mo na, Element of Earth... Labas ka na (hik!)."

"Magonte Tajajajajamamamanamo!" ewan.

Ewan ko sa inyo d’yan! natatawang wika ni Kenji at nagmayabang pa. Basta ako, me alam na ‘ko ng kaunti dahil tinuruan na ‘ko ni Haring Jethro.

Pero kahit ano talagang pilit nila ay useless pa rin. Sa totoo nga, nauubos lang ang oras nilang lahat doon sa kaeensayo na puro kabungangaan! Ilang oras na lang at mamaya’y dadating na ang mga Pioneers.

37 PIONEER

Suko na si Claude sa mga kalokohang ginagawa nila. Nagmumukha na nga silang mga tanga pero ‘yung iba ay nagpupumilit pa rin. Ayoko na, wika ni Claude habang papalapit kay Kenji. Hindi lang laway ko ang nasasayang dito, kundi pati na rin ang oras, Kenji!

Oo nga.

"‘Lam mo, wala rin pala kung ipagmamayabang naming lahat sa mga Pioneers ‘tong mga elemento namin kung useless muna. Baka hindi pa sila maniwala na Element Wielders na rin kami."

Pakialam nila.

Wala pang alas-dos ng hapon ay dumating na ang Pioneer sa Bondore. Sinadya pa nilang ibaba ang kanilang malaking aircraft sa tapat pa mismo nina Kenji. Nagsialisan tuloy ang mga Explorers at nainis sa nakitang Pioneer.

Aba! Wala pang alas-dos eh nandito na sila! sigaw ni Shingue. Siguro paggising nila kanina eh wala nang mga tao du’n. Mga hangal kasi sila e!

Bumaba ang mga Pioneers. Nakita sila ni Akira. Mga Explorers, b-ba’t ‘andito kayo???

Sumagot si Cyan. Inaantay namin kayo. Anong kelangan n’yo dito?

Sabi ko na nga ba’t wala talagang kuwenta ang mga Mercury na ‘yan! Alam naman naming matatalino kayo eh... lalo ka na, Maximillian!

Nang-asar si Kenji. Ang sabihin mo lang, mas matalino pa sa ‘yo!

Tumawa si Akira at saka luminga-linga. ‘A-Asan nang mga tagarito? ‘Asan na rin ‘yung matandang babae?

Pasensya ka na, Akira. Pinaalis na namin ang mga tagarito. Alam naming dito kayo magtutungo. At sa matanda... Ang mga kailangan ninyo sa kanya ay wala na!

Ano? W-Wala na sa kanya? Bakit? Alam n’yo ba ang bagay na kailangan namin sa kanya?

Mga kasama? nakangiting tawag ni Kenji sa sampu niyang mga kakampi at ipinakita nila ang kanilang mga tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. "Ang mga Divine Stones na kailangan ninyo sa kanya ay nasa amin na, Akira! pagmamayabang ni Kenji. Nalaman namin sa kanya ang lahat, na ang mga bato raw ang kailangan lang ninyo dito. Kaya sa halip na isuko lang niya sa inyo ang mga bato ay ibinigay na niya ang mga iyon sa amin. Ngayon, umalis na kayo rito at wala na ang hinahanap ninyo!"

Hindi makapaniwala ang buong Pioneer sa narinig kaya nagalit si Akira. At bakit pa sa lahat ng binigyan niya eh sa inyo pa?! Hindi siya nag-iisip! Kalaban rin niya kayo, mga mang-aagaw na Explorers!

Tumigil ka Akira, at baka ikaw ang HINDI nag-iisip! galit na sagot ni Kenji. Hindi nararapat sa iyo ang lahat ng mga ito, at naglabas na ng kanyang sandata. Hindi nararapat ibigay ang biyaya ng kabutihan sa mga taong walang puso. Magdusa kayo!

Hmpt... Aangkinin namin ang lahat ng ‘yan sa inyo, Maximillian. Makikita mo!

Lahat sila ay nagsipaghanda na para sa posibleng labanan. Inilabas na rin nilang lahat ang kani-kanilang mga sandata.

You've reached the end of this preview. Sign up to read more!
Page 1 of 1

Reviews

What people think about The Explorers (Tagalog Edition)

5.0
1 ratings / 0 Reviews
What did you think?
Rating: 0 out of 5 stars

Reader reviews