Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

No One Else but You (A French FairyFail #3)
No One Else but You (A French FairyFail #3)
No One Else but You (A French FairyFail #3)
Ebook246 pages3 hours

No One Else but You (A French FairyFail #3)

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

“I can’t date anyone other than the man I’m in love with, I don’t like having substitutes.”
“I know, that’s why I’m trying to win your love. Because when I finally have your heart, I know you would never falter.”

Kahit na ilang beses nang masaktan si Sandra dahil hindi humigit sa kaibigang pagturing sa kanya ni Léonce, inakala pa rin niyang ito lamang ang lalaking patuloy na maghahari sa puso niya. Subalit lumabo ang lahat sa pagdating ni Ryder, isang misteryosong Englishman na determinadong makuha ang pagmamahal niya, at ni Dawn, ang panibagong rival niya sa atensyon ni Léonce. To make her used to be peaceful life into a complete mess, she also have a stalker who knows about her dark past.

LanguageTagalog
Release dateOct 15, 2016
ISBN9781370243662
No One Else but You (A French FairyFail #3)
Author

Jessica E. Larsen

Jessica E. Larsen is a Filipina writer based in Spain. As of May 2021, she decided to only write Filipino stories and publish her English stories under Jessie Winterspring.More than anything though, she devours romance like an addict who needs drugs. This can be seen a lot in her writing.She loves spending time reading and falling in love with fictional characters. Enjoy watching Japanese anime while eating noodles with chopsticks and drool at the 80s and 90s music videos.She lives near the Mediterranean coast with her husband and mischievous but adorable son, where she gazed to the ocean and scheme how to torment annoying goody-two-shoes or straight-out murder bitchy exes.

Read more from Jessica E. Larsen

Related to No One Else but You (A French FairyFail #3)

Related ebooks

Reviews for No One Else but You (A French FairyFail #3)

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    No One Else but You (A French FairyFail #3) - Jessica E. Larsen

    No One Else but You

    special volume

    Jessica E. Larsen

    Copyright © 2021 by Jessica E. Larsen

    First published September 2017

    This is a second edition

    All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, scanning, or otherwise without written permission from the publisher. It is illegal to copy this book, post it to a website, or distribute it by any other means without permission.

    This novel is entirely a work of fiction. The names, characters and incidents portrayed in it are the work of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or localities is entirely coincidental.

    Contents

    1. Zero

    2. One

    3. Two

    4. Three

    5. Four

    6. Five

    7. Six

    8. Seven

    9. Eight

    10. Nine

    11. Ten

    12. Eleven

    13. Twelve

    14. Thirteen

    15. Fourteen

    16. Fifteen

    17. Sixteen

    18. Seventeen

    19. Eighteen

    20. Nineteen

    21. Twenty

    22. Twenty-One

    23. Twenty-two

    24. Twenty-Three

    25. Twenty-Four

    26. Twenty-Five

    27. Twenty-Six

    28. Twenty-Seven

    29. Twenty-Eight

    30. Twenty-Nine

    31. Thirty

    Afterword

    About Jessica

    Zero

    WHERE DO YOU THINK YOU’RE GOING?

    Nanigas si Sandra sa malalim na tinig na nagmula sa likuran niya. It was a masculine voice thick with English accent.

    Nang makabawi ay alangan ang tawang isinuklay niya ang mga daliri sa maikling blond na buhok. Ibinaba niya ang kamay na nakahandang umabot sa seradura ng pinto at saka hinarap ang binatang nakahiga sa kama niya.

    His normally swept back wavy blond hair now attractively messy around his handsome face. Para itong sexy portrait kung tingnan sa ayos. Natatakpan ng kumot ang kalahating hubad na katawan, nakatukod ang siko sa kama, nakapatong sa palad ang mukha at titig na titig sa

    kanya ang silver-blue eyes na muling nagpapahina sa mga tuhod niya.

    G-Good morning, Ryder, bati niya pero tinaasan lang siya nito ng isang kilay.

    I said, where are you going? Ryder repeated his question in a more demanding tone.

    Bumangon paalis sa kama ang binata at napilitin siyang umiwas ng tingin. Sa kabila nang mga nangyari sa pagitan nila, hindi pa rin niya makayang titigan ang katawan nitong sariwa pa rin sa alaala niya. How his somewhat broad body felt on her fingers as he—ipinilig niya ang ulo.

    Pilit niyang binura ang larawan ng mga naganap sa pagitan nila ng binata at hinigpitan pa ang pagkakatali ng sash ng bathrobe niya.

    Ryder, I told you already, didn’t I? I’m meeting Lé—

    If it’s because of him, humakbang si Ryder patungo sa tabi niya at hinawakan ang baba niya. Pilit siya nitong pinatingala. Then you’re staying here…with me, bulong nito bago yumuko at pinaglapat ang mga labi nila.

    Sinubukan niyang tumutol sa ginawang pagkalas ni Ryder sa sash ng robe niya, pero napaungol pa rin siya sa sarap nang matagpuan ng kamay nito ang dibdib niya. Kaya wala ni konting pagtutol na namutawi sa bibig niya nang buhatin siya nito pabalik sa kama.

    How the hell did it come to this? tanong ni Sandra sa sarili habang unti-unti na namang na-aanod sa panunukso ni Ryder.

    She was in love with Léonce whom she has known for many years, but here she was bewitched like an inexperienced teen by a man she only met a little more than half a year ago.

    One

    Six and a half months earlier…

    TULAD NG NAKASANAYAN, alas singko pa lamang nang umaga ay gising na si Sandra at nakaharap na sa full-length mirror, bihis sa bago niyang maid uniform. Tinitigan niya ang sarili at medyo nangunot ang noo niya sa kulay ng kasuotan.

    Matapos manganak ng Filipina niyang amo na nakapangasawa ng isang French—ang business partner daw ng nakatatanda nitong kapatid—napagpasyahan nitong palitan ang uniform nilang mga katulong. Celebration daw para sa pagkakaroon ng mga ito ng anak matapos ang mahigit fifteen years na pagsasama.

    Pinalitan ng diagonal grey and white stripes ang dating traditional black and white French uniform nila. Umabot sa tuhod niya ang hemline ng skirt na may white lace at puffed up sleeves. Sa dibdib niya nakalaso ang isang stylish gray-blue tie na halos kasingkulay ng mga mata niya.

    Huminga si Sandra ng malalim at naglakad patungo sa drawer ng nag-iisa niyang closet. Nasa paanang bahagi niyon ang single bed niyang nakaharap naman sa malaking bintanang may manipis na puting kurtina.

    Inilabas niya ang suklay sa drawer at bumalik sa harap ng salamin. Blanko ang isipan na marahan niyang sinuklay ang medyo mahaba nang bob haircut. Pati ang bangs niya medyo humahaba na rin.

    Looking at her twenty-two year old self now, four years after she left the Philippines, made her felt that the time she spent in shame was really just a dream.

    Sa France inaakala ng lahat na isa siya sa mga ito, isang Frenchwoman. Walang ibang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao maliban kay Francesca at Auguste Perault, ang mag-asawang tumanggap sa kanya bilang live-in maid sa tulong ni Alexandros.

    Si Alexandros o mas kinasanayan nilang tawaging ‘Xander.’ Binatang pamangkin ni Auguste. Padalaw-dalaw lang ito noon ng sa Paris pa nakatira ang mag-asawa, pero ngayon kasama na nila itong nakatira sa mansion ng mga amo niya sa Ardenne.

    Nanginig ang mga labi ni Sandra habang nakatingin sa reflection sa salamin. Konti na lang at siguradong iiyak na naman sana siya nang biglang may kumatok sa pinto.

    "Sandra, dors-tu encore?" kung natutulog pa siyang tanong ni Celeste, ang mayordoma sa mansion na mas istrikta pa sa amo nila.

    "Non, Madame, je suis éveillée," sagot niya.

    Madalian niyang tinapos ang pagsusuklay at pinagbuksan ng pinto si Celeste. Agad nitong pinadilim ang umaga niya. Like always Celeste wore a stiff expression. Ang buhok nito na mas marami nang puti kaysa sa itim ay nakataas na parang pugad ng ibon sa tuktok ng ulo.

    Agad na ipinaalam ni Celeste ang mga mahahalagang bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ng araw na iyon, at hindi iyon mga gawaing bahay tulad ng mga karaniwan niyang gawain.

    You’ll be watching over Tristan, patapos na sabi ni Celeste. Tigagal siyang sumunod palabas ng kwarto.

    Tristan ang pangalan ng pitong buwang anak ng amo nila.

    But why? Where’s Laure? tanong niya nang makabawi. Si Laure ang isa pang katulong maliban kay Celeste. Unlike her, hindi ito live-in maid at kasisimula pa lang magtrabaho sa mga Perault noong lumipat ang mga ito mula sa Paris patungo sa bagong tayong mansion dito sa Ardenne.

    Tumigil si Celeste sa paghakbang at nilingon siya na nakasunod pa rin dito patungo sa foyer. Laure has a cough, until then, she will be doing your chores. Lumiko si Celeste sa kaliwa patungong kusina. Sa loob ng library, ang pintong pinakamalapit sa malaking main door ng mansion, narinig niya ang paminsan-minsang pag-ubo ng isang babae sa loob.

    But I’m not good with babies! patuloy niyang protesta pero pinandilatan lang siya ng mga mata ni Celeste at itinuro ang hagdan patungo sa second floor. Napabuntong-hininga na lang siya at tahimik na umakyat sa hagdan.

    Sobra ang nadama niyang panlulumo nang buksan niya ang kwarto ng mag-asawa at makita si Francesca. Masayang nitong karga ang anak at nilalaro ang nga daliri nito habang nakatayo malapit sa bintana.

    Si Laure madalas ang tumutulong na mag-alaga sa baby kapag parehong abala ang mag-asawa, bagay na hindi naman madalas mangyari. Si Francesca na dating French teacher ay nagtatrabaho na ngayon bilang work-at-home French tutor, online—not that she needed to work of course. Wala man itong gawin kayang-kaya na buhayin ni Auguste ang asawa at anak. Ito yata ang nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaking vineyard sa Ardenne. Katulong na pinamamahalaan iyon ni Alexandros.

    Nginitian siya ni Francesca at sinenyasang tumuloy bago nito maingat na inilapag ang bata sa crib.

    Pasensya ka na, ha, pabulong na sabi ni Francesca. Tinatagalog lang siya nito kapag walang ibang nakakarinig. Alam kong sinabi mo na dati na ayaw mong mag-alaga sa bata, but don’t worry, hindi naman ako magtatagal sa office. Mag-aala-una na kasi ngayon ng hapon sa Pilipinas kaya tatawagan ko lang ang isang estudyante ko roon, patuloy ni Francesca na saglit sinulyapan ang table clock kung saan nasasaad na eksaktong alas-sais na ng umaga. I should ask her parents if we can rearrange our time para naman ako na ang mag-aalaga kay Tristan sa umaga, bulong nito bago iniwan sa kanya ang sanggol.

    Nilingon niya ang natutulog pa ring si Auguste sa kabilang bahagi ng kwarto.

    Older men and babies, equals bad memories, saloob-loob ni Sandra.

    Inalis niya sa tabi ni Tristan ang maingay na laruan at bahagyang nagulat nang tumatawang inabot ng bata ang kamay niya. Wala sa loob na saglit na bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan matapos niyang unang makatuntong sa France four years ago.

    image-placeholder

    DAHIL SA PAGSUWAY ng mama ni Sandra sa kagustuhan ng mga magulang na huwag makipagrelasyon sa ama niya, itinakwil ng lolo at lola niya ang kanyang ina. Kaya nang magpakita siya sa tahanan ng mga ito sa France, hindi rin siya tinanggap ng lolo at lola niya.

    "Wala kaming anak na nagngangalang Sandra." Patapos na wika ng Filipinang lola niya nang ipakilala niya sa mga ito ang sarili. Kapangalan niya yumaong ina, pero unlike her mom, Sandra Bellamy ang sa kanya. Nahanap niya ang address ng mga ito dahil sa iniwang sulat ng yumao niyang ama.

    Subalit hindi naman nabalewala ang pagpunta niya sa tahanan ng mga ito, dahil nagkataong sa araw na iyon dumalaw sa bahay ng lolo at lola niya si Alicia, ang nakatatandang kapatid ng mama niya.

    Ang trenta’y syete anyos na tiyahin ang kumupkop sa kanya. Isinama siya nito pabalik sa Paris at pinatira sa bahay nito at ng Filipino nitong mister. Walang anak ang mag-asawa kaya sa kanya ipinaramdam ng tiyahin kung paano magmahal ang isang ina. Pinag-aral siya ng mga ito sa isang kilalang music school sa Paris.

    Sa paglipas ng mga araw, unti-unti niyang nakalimutan ang tinakasang madilim na nakaraan sa Pilipinas at naghilom ang sakit na dulot ng pagkamatay ng ama niya. Bumalik ang saya sa puso niya, tuwa na buong akala niya magpapatuloy hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral at magkaroon ng sarili niyang pamilya. Subalit talaga sigurong nakatakdang mawala sa kanya ang lahat ng nagugustuhan niya sa buhay.

    Matapos ang mahigit isang taon niyang pamumuhay kasama ang tiyahin ay naganap ang isang bagay na hindi niya inaakala. Pinagtangkaan siyang gahasain ng tiyuhin na buong puso niyang pinagkatiwalaan at itinuring na isang ama.

    Sabado nang mangyari ang hindi malilimutang araw na iyon. Isang buwan matapos manganak ng tiyahin niya. Natutulog noon sa silid ng mga ito ang tiyuhin niya nang umalis si Alicia para mag-shopping kasama ng mga kaibigan. Iniatas nito sa kanya ang pag-aalaga sa pinsan niyang babae.

    Alas-onse nang umaga nang magising ang tiyuhin niya at nagtanong kung may pwede ba itong makain. Nagpresenta siyang ipaghanda ito ng merienda dahil sa natutulog naman ang pinsan, ngunit matapos niyang ihain sa sala ang pagkain nito, hinawakan ng tiyuhin niya ang kamay niya.

    Naging napakabilis ng mga sumunod na pangyayari. Sa isang saglit nasa ibabaw na niya ito sa sofa ng sala at madaling nahubad ang blouse niyang hinablot nito pabukas.

    Nanlaban siya sa tiyuhin habang paulit-ulit na hiniling dito na itigil ang ginagawa, pero tila wala itong narinig kaya naman napilitan siyang gamitin ang natutunang self-defense. Salamat sa pamimilit ng yumao niyang ama.

    Hindi siya kaliitan at may taas na five-eight, kaya madali siyang nakawala sa pagkakadagan ng tiyuhin bago pa nito matanggal pati ang panloob niya. Binanatan niya ito ng sky uppercut at mabilis na sinundan ng pag-sikmura rito. Umalis siya sa sofa habang namimilipit ang tiyuhin, doon dumilim ang paningin niya. Nag-flashback sa kanya ang nangyari sa Pilipinas at biglang hindi na ang tiyuhin ang nakikita niyang naghihirap kundi ang walang respetong maniac ng mga adult-film producers na palagi niyang nakakasama.

    Nawalan siya pakialam kahit naka-bra na lamang siya, binalikan niya ang tiyuhin sa sofa at muli itong sinuntok ng paulit-ulit. Nahulog na sa sahig ang lalaki at nagsumikap na makalayo mula sa kanya. Nagmakaawa ito pero wala siyang narinig at pumaibabaw pa rito.

    Hinawakan niya ang leeg ng tiyuhin at unti-unti itong sinakal, noon bumungad sa pintuan ng sala ang tiyahin at gilalas na sumigaw.

    "Mon Dieu!" sabi Alicia at mabilis siyang binaklas paalis sa ibabaw ng asawa.

    "SANDRA, qu’est-ce qui ne va pas?"

    Biglang bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Sandra at medyo nagpaatras nang makita si Auguste. Sa lalim ng pag-iisip niya, hindi niya namalayang nagising na pala ito at nakalapit sa crib ng anak.

    "Yes, I- I’m fine, Monsieur," sagot niya habang dama ang pagtakas ng dugo mula sa mukha.

    Walang alam ang among lalaki tungkol sa nakaraan niya at lalong alam niyang napaka-respectable nito, ngunit parang may sariling pag-iisip ang katawan niya at awtomatiko na nagre-react.

    Kunot-noong binuhat ni Auguste ang anak, hinalikan ito sa pisngi at binati ng good morning bago muling inilapag para salubungin ng halik ang asawang bumalik na sa kwarto.

    "Bonjour, ma chérie," sabi nito na malambing namang binalik ni Francesca ang pagbati.

    Good morning. Are you going with Xander to the vineyard today?

    Yes, but only in the afternoon. Let’s have breakfast first, I’m so starved I might eat you instead.

    Hee! kinurot ni Francesca sa gilid ng natawang mister, sinulyapan siya ng babae at pinagtulakan ang asawa patungo sa private bath ng mga ito Go and shower.

    Nang wala na si Auguste, lumapit si Francesca sa kanya noon unti-unting naramdaman ang pagdaloy ng dugo sa katawan.

    I’m sorry Sandra, nakalimutan ko—

    No, Ma’am, please, Nakataas ang kamay na awat niya sa babae. Alam nito ang tungkol sa buong pagkatao niya dahil napilitan siyang magtapat nang minsan siya nitong matagpuang umiiyak. "Alam ko naman pong hindi ako aanuhin ni Monsieur, medyo nagulat lang po ako."

    But it doesn’t change the fact that I ended up reminding you of something horrible. I’m sorry, malungkot pa ring sabi ni Francesca na nagpaalab sa puso niya. Huwag kang mag-alala, hahanap na lang kami ng temporary babysitter hanggang sa gumaling si Laure sa ubo niya. Please, just help me out until then.

    Talagang okay lang po ako ma’am, and thank you.

    O sige, shoo… baka lumabas na nakatapis lang si Auguste. I wouldn’t want to see you stealing glances at him, biro pa ni Francesca na siyang tuluyang nagpangiti sa kanya.

    Lumabas siya sa kwarto ng mga ito at nangingiting lihim na muling pinasalamatan si Lèonce. Dahil sa katarantaduhan nito napadpad siya kina Francesca.

    Hindi isang normal na boy-meets-girl ang unang pagkikita nila ni Léonce, in fact, even with his breathtaking beauty, Sandra hated him. Paano ba namang hindi, eh, isang pervert ang unang naging impression niya kay Léonce. Papauwi na siya noon sa inuupahang boarding house nang yakapin siya nito mula sa likuran at pisil-pisilin ang dibdib niya habang nasa gitna sila ng kalye. To make matters worse, matapos niya itong suntukin, kumapit ito sa binti niya at binalaan siyang huwag maging malupit sa kuya niya. Narinig iyon ng mga dumaraan at inakalang magkapatid sila at kasalukuyan niyang sinisipa ang kuya niya.

    Nakaingos na nasapo ni Sandra ang mukha dahil sa alaala. It’s been three years since and she still felt embarassed how it nearly ended into a scandal inside the police station, but if she had to do it all over again, she would never change a thing.

    Two

    MULA SA KWARTO NG MGA AMO, tumuloy si Sandra patungo sa living room kung saan natagpuan niyang naka-on ang flat-screen TV. Malamang naiwan na naman itong bukas ni Liberty, ang dalagang pamangkin ni Francesca na malapit nang ikasal kay Xander.

    Liberty at first seemed like a naive twenty-three year old woman when she arrived in France, but she’s more than that.

    Kahit na sheltered itong pinalaki ng widowed father nito, nagawa nitong mapa-ibig si Léonce. Sa unang pagkakataon, hindi ipinaalam sa kanya ni Léonce ang pagkakaroon ng bagong nobya. Nalaman lamang niya ang tungkol roon nang minsang hindi sinasadya niyang marinig ang pag-uusap ni Francesca at Celeste.

    Pero dahil sa paglilihim ni Léonce, isang misunderstanding ang naganap. Nasobrahan sa pangungulila ni Liberty at nagpasya itong dalawin si Léonce. Noon natagpuan ni Liberty na may babaeng kasama ang binata. Sa hangaring ilihim ang totoong pangyayari, isang scandal ang naganap.

    Nabaling kay Xander ang pagmamahal ni Liberty dahil si Xander ang naroon at dumamay sa tabi nito. Kasabay noon nagalit rin ng husto ang lahat kay Léonce, maliban na lamang sa kanya.

    Sa puso ni Sandra lihim pa ring siyang naniwala na hindi magagawang lokohin ni Léonce si Liberty. Alam niyang mahal nito ang dalaga hanggang sa puntong parang naging estranghero na ang kaibigan sa kanya.

    Kaya hindi na siya nagulat nang ibulgar ni Katrina, ang babaeng kasama nito sa silid, na nagkamali ang lahat ng akala.

    Nagpaubaya noon si Xander para sa kapatid. Of course he will. Mahal na mahal ni Xander si Léonce, kaya nga nito ginawan ng paraan para maipasok siyang katulong sa mag-asawang Perrault para lang iurong niya ang demanda para sa kapatid three years ago. Pero huli na ang lahat. Nagbago na si Liberty, hindi lamang sa panglabas na pag-aayos kundi pati puso nito, bagay na hindi lamang siya ang nakahalata kundi maging si Léonce na sa huli ay nagpasyang magparaya.

    "I guess the Princess had a change of heart," sabi sa kanya ni Léonce matapos tuluyang putulin ni Liberty ang kung anumang pag-asa nito na magkabalikan sila ng dating nobya.

    Sa tulong ni Léonce muling nagkabalikan sina Liberty and Xander who got engaged noong magkasamang bumalik ang mga ito sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1