SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Time is Gold Napakagandang kasibihang dapat isaisip ng sinuman. Kung may plano, dapat matapos kaagad upang makita ang kalalabasan ng trabaho. Iyon ay kung may pagpapahalaga ka sa oras. Ngunit sa buhay ng mga Pilipino sadya ba o sinasadyang binabale-wala ito? Ang naatasang maging panauhing pandangal sa isang palatuntunan malimit mangyari siya’y hinihintay. Lagpas na ang isang oras kung siya ay dumating sa pagdarausan. Kung nakikipagkumprimiso ang isang tao sa isang tipanan, namumuti na ang mata ng naghihintay kung darating ang hinihintay sa mga trabaho sa bahay o anu paman, kadalasa’y ipinagpapaliban pa bago galawin o tapusin ito. Sa paaralan, nakakaalarma na ang mga estudyante nahuhuli sa pagparuk. Pinagsasadya bang gawin ito para ma-excuse sa klase at upang uupo nalang sa mga shed? Tandaan, minsan lang dadaan ang mga opurtunidad sa buhay pag pinalagpas ito, baka din na muling darating ang ganitong pagkakataon. Kung laging late sa klase, paano ka makakapag-aral ng mabuti? Sadya ngang ang oras ay ginto. Oras na para gumising na tayo. Ito sana’y magsilbing batingaw na tatapik sa matagal mo ng pagkahimbing. Gising na!

AVOID PLAGIARISM