SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Sex Education: Mabuti sa Mag-aaral? Bukod sa mga paninigarilyo, paglalasing at iba pang school rules and violations, isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon ay ang plano ng Department of Health (DOH) ukol sa sex education para sa mga batang mag-aaral sa elementarya. Labis lamang naging usapin ito nang mapabalitaang sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 15 ay sisimulan nang ipamulat ito. Sa kabila ng mga angal at pagsalungat ng mga magulang ng bawat estudyante, matatag pa rin si DOH Secretary Esperanza Cabral at walang balak na umatras sa kanilang plano. “Ibig ko lamang na ipabatid sa mga tao ang dapat nilang malaman”, ani Cabral ukol sa usaping ito. Sa opinyon din naman ng mga estudyante, marami sa kanila ang tutol dahilan sa marami sa kanilang kamag-aral ang siguradong hindi seseryusuhin at pagtatawanan lamang nila ito, sapat na raw ang kanilang magulang na ipamulat sa kanila tungkol sa “sex”. Gayunpaman, sang-ayon naman ang mga guro at maging mga magulang dahil hindi naman oras-oras ay nasa tabi nila ng kanilang mga anak upang mapangaralan. Bakit daw sa mga batambata pa ituro? batikos kay Cabral sa isyung pagtuturo ng sex education. Isa sa bumabatikos ay ang Simbahang Katoliko. Hindi raw nararapat ituro ang mga ito sa eskuwelahan sapagkat may mga magulang na dapat magpamulat sa usaping ito. Ngunit paninindigan pa rin ni Cabral na gagawin niya ang inaakala niyang tama at nakabubuti para sa lahat. Ngayong marami na ang mga kabataan ang nakikipag-engage sa premarital sex at maagang nagkakabuntisan, walang nakikitang masama sa pagtuturo nito sa mga bata kailangan lamang nilang ang masamang kahahantungan ng kanilang gagawin. Maituturo rin sa mga kabataan na hindi dapat makipagtalik nang walang kahandaan ang bawat isa at wala rin sa tamang edad. Tama nga naman si Cabral. Kung maipamumulat sa lahat ang kaalaman ukol sa sex education, maiiwasan ang labis na paglobo ng populasyon dito sa ating bansa. Hindi ba’t karapatang malaman ng mga kabataan ukol dito sa murang edad at malaman nilang hindi ito tama?

AVOID PLAGIARISM

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful