Kris Aquino, may ‘pagnanasa’ kay Sen. Chiz Escudero?!

SHOWBIZ PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS Duremdes, Williams wala pa ring kupas Vol. 1 No. 141 ‘Pagpag’ patok sa Baseco P10
PAHINA 7
SPORTS PAHINA 10
TSISMIS PAHINA 4

ISSN-2244-0593

Nagpatikim kapalit ng iPad
No.1
TODAY’S WEATHER Scattered thunderstorm 29°C
www.pssst.com.ph

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

TSISMIS PAHINA 4

BIYERNES • HULYO 20, 2012

Gabinete ni PNoy piniling matulog sa SUV kaysa makita si VP Binay TSISMIS PAHINA 4
6/42 LOTTO 06 37 16

Babala ni Floyd Sr. Pacman madadali
SPORTS PAHINA 10

CHACHA NA!
Lotto Results • 6/49 SUPERLOTTO

48 07 35 11 22 13

35 12 21

1$ = P41.630

PULITIKA PAHINA 2

Floyd Mayweather Sr.

Bea Binene at Barbie Forteza, may tensyon sa pagsasama?!

kay Mayweather!
Bea Binene

SHOWBIZ PAHINA 8 SHOWBIZ PAHINA 6

Dawn, urongsulong sa kissing scene kay Goma Sharon Cuneta, kamag-anak naman ang kaaway sa twitter!
‘RICH’ NA TALENT MANAGER, P2-M ANG UTANG SA KANYANG MALE TALENT?!

SHOWBIZ PAHINA 7

Zsa Zsa at mga anak SHOWBIZ magbabakasyon, Eric lumarga na sa HK at US PAHINA 8
SHOWBIZ PAHINA 8

John Lloyd ipinakilala na si Angelica sa mga magulang niya! P7-M hospital bill ni Dolphy sinagot ni MVP!
SHOWBIZ PAHINA 7 SHOWBIZ PAHINA 6

Magsyota na yata talaga...

BAYANIHAN

Muling nanaig ang diwa ng bayanihan sa mga residente ng Barangay Vasra, Quezon City kahapon matapos na tupukin ang ilang mga kabahayan sa nasabing lugar. Nasa larawan ang mga residente na tulung-tulong sa pag-iigib ng tubig para punuin ang mga trak ng bumbero na abala sa pag-apula ng sunog. Dingdong Riviera

HOLLYWOOD BITZ JANET JACKSON AYAW PAG-ARTISTAHIN ANG PAMANGKIN+SOFIA VERGARA•HALLE BERRY+BEYONCE
SHOWBIZ PAHINA 9

PULITIKA
PSSST NEWS BITS

DOLE nilusob
NILUSOB ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang kondenahin kaugnay ng umiiral na contractualization sa hanay ng mga manggagawa sa bansa. Ayon kay KMU chairperson Elmer Labog, matagal nang nagtitiis ang mga manggagawa dahil sa sistemang ito pero tila binabalewala lang ng DOLE. Ang contractualization din aniya ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho at ang pagkalugmok ng mga manggagawa sa kahirapan kaya nararapat lamang na aksyunan na ng gobyerno. Kasabay ng panawagang tuldukan na ang contractualization ay iginiit din ng grupo ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa lalo na’t patuloy ang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin at gayundin ang bayarin sa serbisyo kagaya ng kuryente at tubig. Ira Corvera

NAGKASUNDO na ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para amyendahan ang Saligang Batas na naging urung-sulong sa pagpapatupad noong panahon ng liderato ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang ginawang kumpirmasyon ni Senate President Juan Ponce na nagkumpirmang nakapag-usap na sila House Speaker Feliciano Belmonte sa nasabing usapin. Gayunman, binigyang-linaw ng Senate President na tanging economic provisions lamang ng Saligang Batas ang aamyendahan. Ang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas o pagpapatupad ng Charter change ay isasagawa sa kabila ng hirit na ng ilang mambabatas na isama na rin dito ang pagsilip sa political structure at usapin sa seguridad ng bansa. Bilang pasimula ng hakbangin ay isang resolution umano ang ihahain sa Kamara at nakasaad doon na tanging economic provision lamang ang babaguhin at wala nang dapat iba pang isisingit. Naniniwala ang dalawang lider ng Kongreso na magiging magulo ang Cha-cha kung isasama dito ang political structure. Sinabi pa ni Enrile na pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino ay hihingi sila ng dayalogo sa Malacañang upang personal na ipaliwanag sa Pangulo ang dahilan kung bakit kailangan nang amyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas. Ang pagdulog ay gagawin ng Senado dahil aminado itong kailangan nila ang suporta ng Palasyo sa pag-amyenda ng Konstitusyon lalo’t mangangailangan ito ng pondo pagdating sa plebisito. Kung tututukan ay inaasahang matapos ang pag-amyenda sa Konstitusyon bago ang 2013 midterm elections. Matatandaang nagpahayag ang Malacañang na hindi prayoridad ng Aquino administration ang Charterchange dahil maaari namang umunlad ang bansa kahit hindi baguhin ang Saligang Batas pero kumpiyansa si Enrile na mababago nila ang posisyon ni PNoy. Samantala, isa namang paring Katoliko ang nagpahayag ng pagpabor sa pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Fr. Ranhillo Aquino, Dean ng San Beda Graduate School of Law,dapat nang baguhin ang Saligang Batas partikular na dapat palitan ang mga probisyon na nagbibigay ng maraming problema o loopholes sa batas na umiiral ngayon.

ChaCha na!
Ni Julie Santiago

www.pssst.com.ph

2

BIYERNES • HULYO 20, 2012

Pondo ng state U at colleges, nag-triple
LUMOBO ng 44% ang inilaang budget ng pamahalaan para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa paparating na 2013, ayon sa Department of Budget and Management. Sinabi ni DBM Secretary Florencio Abad na mula sa dating P11.3 bilyong budget ng SUCs ngayong 2012 ay itinaas ito sa P34.1 bilyon sa susunod na taon. Ang pagdadagdag sa pondo ay ipinatupad upang mapalakas at mapaganda ang kalidad ng edukasyon at mapahusay pang lalo ang kapakanan ng mga mag-aaral na bahagi ng kampanya ni Pangulong Benigno Aquino III na gawing globally competitive ang mga paaralan sa bansa. Patricia Oamil

-44 points kay Corona
WALANG sinabi ang dating -28 points na ‘poor rating’ na naitala ng pinatalsik na si dating Chief Justice Renato Corona sa isinagawang survey hinggil sa may pinakamataas na satisfaction rating ng mga opisyal ng gobyerno sa pinakabagong resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nagtala ng -44 points na ‘bad rating’. Gayunman, inaasahan na ang resulta ng nasabing survey dahil noong Mayo 24 hanggang 27 ito ginawa, ilang araw bago magtapos ang impeachment trial kay Corona. Samantala, napanatili naman ni Vice President Jejomar Binay ang pinakamataas na satisfaction rating sa apat na iba pang matataas na opisyal ng bansa at napanatili ang kanyang excellent rating na +70 points. Bumababa naman sa “good” na +48 points ang dating “very good” na +56 points ni Senate President Juan Ponce Enrile. Bumulusok din pababa ang satisfaction rating ni House Speaker Feliciano Belmonte mula sa dating “moderate” na +18 points sa ngayo’y +8 points o “neutral.” Patricia Oamil

Partikular na tinukoy ng pari ang naging suliranin sa impeachment trial kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaugnay kung ilang miyembro ng mambabatas sa Judicial and Judicial and Bar Council (JBC) ang pipili sa susunod na Chief Justice. Una ng kinuwestiyon ni dating Solicitor General Frank Chavez ang dalawang kinatawan ng Congress sa JBC na ayon sa kanya dapat ay isa lamang na siyang nakasaad sa 1987 Constitution. “Charter change but not necessarily re-writing the entire Constitution pero dapat repasuhin natin yung mga bahagi ng Saligang Batas na nagbibigay ng napakaraming problema, like yung sa nangyaring impeachment kay Chief Justice Corona, pinapakita lang na talagang kinakailangan nang baguhin ito, i-verify kasi there are many ambiguous provisions. For example, pinagdedebatehan ngayon `yun bang lahislatura natin, ilan ang representative niyan sa Judicial and Bar Council (JBC) na namimili sa Chief Justice? Isa ba o dalawa? Kasi dalawang Kamara yan eh. So all of those leads to a point to the necessity to revisiting the Constitution,” paliwanag ni Fr. Aquino.

HINDI ibubuking sa publiko ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga kandidato sa pagka-chief justice ng Supreme Court (SC) na madidiskubreng may ‘sayad’ sa isasagawang psycho test.

JBC hirap mamili ng 3 nominees

Nilinaw ni Senador Francis “Chiz” Escudero, miyembro ng JBC, isasalang sa psychiatric test ang lahat ng nominado sa puwestong binakante ni dating chief justice Renato Corona upang makasiguro na karapat-dapat sila sa puwesto. Pero sa sandaling may matuklasang lumagapak sa psycho

test ay walang balak ang JBC na isapubliko ang pangalan ng nominado “Hindi po kasama yun sa live coverage at hindi rin puwedeng itanong sa live interview,”paghahayag ni Escudero. Kasabay nito ay inamin ni Escudero na hirap ngayon ang JBC sa pamimili kung sino ang tatlong pangalang irerekomenda nila kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Samantala, ang 22 aspirante sa pagka-chief justice ay isasalang sa interview mula Hulyo 24 hanggang 27 at ito ay isasaere ng live ng radyo at telebisyon. Julie Santiago

kay Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III.

Pulis na nang-hassle sa convoy ni PNoy, nagtala ng record
UNA sa kasaysayan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagharang ni SPO2 Ricardo Pascua sa convoy ng isang lider ng bansa partikular

Dahil dito sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, na ikinukunsidera ngayon ng PNP ang pinakamabigat na parusa na maaaring laban kay SPO2 Pascua na una nang humarang sa convoy ni Pangulong Aquino III sa Quezon City. Nilinaw ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na ito na ang pinakamabigat na pagyurak sa Pangulo na ginawa ni Pascua maliban pa sa kasong “gross disrespect to the commander in chief.” Patricia Oamil

NANGALAMPAG gamit ang mga plato at kaldero ang mga mangingisda at magsasaka sa tanggapan ng National Food Authority (NFA) Central Office sa North Avenue, Quezon City upang igiit ang tuldukan ang krisis sa pagkain at pangisdaan. Dingdong Riviera

BIYERNES • HULYO 20, 2012

MAGTUTULONG-TULONG ang mga public school teacher na gumawa ng aksyon upang itaas ang kanilang sahod na matagal na nilang pinaglalaban. Sabay-sabay na patutunugin ng mga guro ang mga kampanilya ng kanilang paaralan para sa kanilang panawagan.
Ito ang ipinahayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. Antonio Tinio kahapon. Ayon kay Tinio, lahat ng mga guro sa buong bansa ay makikiisa sa nasabing “School Bell Ringing Day for Salary Upgrading” na hakbang. Bilang suporta, mismong si Tinio umano ang magpapatunog ng kampanilya ng Batasan National High School dakong alas-dose ng tanghali, sa loob ng 15 minuto alinsunod sa hiling ng mga ito na

‘Ring a bell’ para sa dagdag-sahod
i-upgrade sa Salary Grade (SG) 15 ang kasalukuyang SG 11 minimum monthly pay ng public school teachers. Kung maipatutupad ito, magiging P24,887 kada buwan ang entry-level ng mga titser sa halip na ang kasalukuyang P18,549. Papayagan din umano ang mga estudiyanteng mag-ingay bilang suporta sa kanilang mga guro kung kanilang nanaisin. Honey Rodriguez

3

www.pssst.com.ph

NEWS
Scarborough issue, madaraan sa mabuting usapan
NANINIWALA ang ilang mga mambabatas na ang isyu sa Scarborough Shoal sa pagitan ng China at Pilipinas ay mareresolba sa diplomatikong paraan na hindi na kinakailangan pang dalhin sa international judicial bodies.
Sinabi ni House Deputy Speaker at Zamboanga City 1st District Rep. Maria Isabelle Climaco na ang Pilipinas ay dapat gumawa ng paraan upang magkaroon ng maayos na pakikipag-usap sa bansang China. “Our basis is the United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS. The Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) could be a strong lobby group, it is a big market,” pahayag ni Climaco. Dugtong pa niya, habang dinadagdagan ng gobyerno ang budget ng militar para sa pagtatanggol ng bansa, ang Department of National Defense (DND) ay kinakailangan umanong isakatwiran ang mga paglalaanan ng nasabing pondo. “We have internal and external security concerns. The government can increase the DND budget but rationalize the allocation not only for the Philippine Navy. In my district, the Army has to maintain security and needs allocation for POL or petroleum, oil and lubricants for patrol,” paliwanag ni Climaco. Ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, ang Scarborough Shoal ay pagmamay-ari ng Pilipinas at maaring lumapit ang ating bansa sa international judicial bodies kung ating nanaisin kasabay ng paggamit ng diplomasya. “The territory is ours, and we must assert our rights to the false claims of China. The solution is bringing the case to the International Court of Justice (ICJ) or the International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) coupled with very proactive diplomacy to convince the international community of our rightful claim,” sabi ni Colmenares. Giit niya, wala umanong maitutulong ang pagdadagdag ng pondo para sa ating militar at pangdepensa ng bansa kundi ito ay aabusuhin at gagamiting paraan lamang ng ilang mga opisyal ng bansa para makapangurakot. “China is so far ahead of the AFP which cannot even destroy the Abu Sayyaf or catch Palparan. Militarist solution is the martial law vintage philosophy which won’t work. The AFP in fact has to account for the modernization fund,” aniya. Matatandaang pumutok ang iringan ng dalawang bansa noong Abril nang sitahin ng Philippine Navy ang mga Chinese fishing vessel sa Scarborough. Honey Rodriguez

TINUGIS Iniharap ng mga awtoridad ang inarestong suspect na si Jordan Ramis 25 yrs. old (kanan) ng Fronda St. Tondo, Maynila kay Manila Mayor Alfredo Lim kahapon kaugnay ng diumano’y panggagahasa sa isang menor de edad na babae sa lungsod. Dingdong Riviera

SA kabila ng pagtanggi ng Palasyo na magbigay ng kahit konting patikim sa magaganap na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa darating na Lunes ay nagpahayag naman ang ilang mga mambabatas ng ilang isyu at programang nais nilang marinig na tatalakayin nito. Ito ay ang maayos na pamumuno at matatag na ekonomiya ng bansa.

Good governance, strong economy ibida sa SONA

UMAASA ang isang senador na talakayin ni Pangulong Benigno Aquino III ang matagal nang isinusulong na ‘legislated wage hike’ para sa mga manggawang Pinoy.
Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla Jr., ilang beses na umanong naihain sa Senado ang ‘legislated wage hike’ subalit tila hindi umano pinapansin ng gobyerno. “Hindi ako nawawalan ng pag-asa na tatalakayin ng Pangulo ang usapin ng makatarungang sweldo ng ating mang-

Wage hike isingit sa SONA
gagawa,” sabi ni Revilla, chairman ng Senate committee on public service. Bagama’t bumaba na ang ‘unemployment rate’ sa bansa, umaasa si Revilla na ihahayag din ni Pangulong Aquino sa SONA ang mga programa para magkaroon ng dagdag- trabaho para sa mga Pinoy na base sa ulat ay nasa 2.8 milyong Pinoy na. “At the end of 2011, there were still 2.8 million who had no jobs, at gusto nating malaman kung ano ang plano ng pamahalaan para sa kanila,” sabi pa ni Revilla. Candido C.

Ayon kay House Senior Deputy majority leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, ang dalawang bagay na ito ay dapat isama ng pangulo sa kanyang talumpati taun-taon. “The President’s SONA will probably tackle the economic achievements of the administration and the progress on its transparency and good governance agenda, and their good effects

on our country,” pahayag ni Garin. Umaasa din umano si Garin na Vice Chairperson din ng House Committees on Health and on Population and Family Relations, na katigan ng pangulo sa kanyang SONA ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill na ipinanukala noon pang May 17, 2011. Dagdag pa ng mambabatas, ang mga programa at proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pagtulong sa mga kapus-palad na kababayan, at issue sa Scarborough Shoal ay maisama rin sa ulat. Ang maayos na estado ng ating ekonomiya ang nais ding marinig ng chairman ng Committee on Transportation at Southern Leyte Rep. Roger Mercado mula sa pangulo. “The SONA will be about sustaining the right and straight path, and also about patriotism, all meant for our nation’s progress,” sabi ni Mercado. Honey Rodriguez

UMABOT sa pitong revisions ang kopya ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa darating na Lunes, Hulyo 23.

SONA ni PNoy, 7-ulit nang nirebisa

Sa kabila ng makailang ulit na pagrebisa ay sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang na mas konti ito kumpara sa unang dalawang SONA ng Pangulo. “We have six up to seven drafts, naipakita

na namin kay Pangulong Aquino. Last year, 16 drafts; the year before that umabot kami ng 19 drafts,” aniya. Idinagdag pa ni Carandang na magpupulong mamaya ang Presidential Communications Group upang maisapinal ang talumpati ng Pangulo. Tulad ng nakagawian, muling gagamitin ng pangulo ang wikang Filipino para mas maintindihan ng mas maraming tao ang SONA na inaasahang tatagal ng 30 hanggang 40 minuto. Patricia Corvera

TSISMIS

www.pssst.com.ph

Gabinete ni PNoy piniling matulog sa SUV kaysa dumalaw kay VP Binay
KUNG may isang opisyal ng gobyerno ang napapaso o ayaw na ayaw tumapak sa Coconut Palace, ito ay ang isang cabinet official na very close kay President Benigno Aquino III.
lang siya kanyang sports utility vehicle (SUV) kesa tumapak sa Coconut Palace. Kaya ang nangyari, naghintay ng halos isang oras ang kalihim sa kanyang SUV’s at naglaro na lang nga angry ng birds sa kanyang Ipad. Sa tagal ng pag-uusap, nainip ang kalihim at gusto nang iwanan ang Presidente subalit nangako itong hihintayin hanggang matapos ang meeting. At nang matapos ang pagpupulong, nalaman ng President na nakatulog na sa paghintay ang kalihim sa kanyang SUV. Siyempre bukas Sa nakuhang tsismis ni Bugzie, last week ay nagpasama raw si President Aquino sa kalihim para dalawin si Vice President Jejomar Binay sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace sa CCP Complex. Pero bago ito, kagagaling lang ng Pangulo sa isang speaking engagement at patungo na sa Malacanang nang maisipan nitong dalawin ang Vice President sa kanyang office. Subalit kahit ano raw pilit ng Pangulo sa kalihim ay hindi raw niya ito nakumbinsi at sinabing magpapalamig na ang aircon at naghihilik pa raw ang kalihim sa pagtulog. Nagising lang daw ang kalihim nang makarating na ito sa Malacanang at pinasunod sa tanggapan ng Pangulo. Sino siya? Clue: Ang cabinet official na “hate” tumapak sa Coconut Palace ay laging nakabuntot kay Pangulo Aquino. Close daw kasi sila. Para sa iba pang blind items bumisita sa aming website sa www.pssst.com.ph Candido C.

4

BIYERNES • HULYO 20, 2012

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! ‘Pagpag’ patok sa Baseco Nagpatikim kapalit ng iPad
HI po sa inyong lahat. Ako po si Miriam, meron lang akong gustong i-tsismis about may kapit-bahay na ang negosyo ay pagtitinda ng mga ‘pagpag’ na pagkain. Sa mga hindi ho nakakaalam ang ‘pagpag’ ay mga pagkain na nakukuha sa basurahan ng mga fastfood chains, like chicken and burgers. Ganito pa ang negosyo ng magasawang Greg at Tina, taga- Baseco, Tondo. Mga collector ng basura ang mga ito at mula sa kanilang nakukuhang basura nakakita sila ng pagkakakitaan. Ang siste ng mag-asawang ito, kapag gabi, kukunin nila ang mga mga leftovers sa mga fastfood chains. Kausap na nila nila ang mga crews sa fastfood kaya pag pupunta sila doon ibibigay na lang Hello to all followers of PSSST. I have a tsisang basurang pagkain. Nakalagay iyon mis about my friend na malandi, si Angelique, sa malaking plastic. ganda ng pangalan pero malandi naman. Halos gabi, mga 10 fastfood chains Isusuko niya ang katawan niya para lang isang ang kinukunan nila ng pagpag. Siyemmaterial na bagay. pre pinakamarami ang chickens, konti Ganito po ang kwento niyan. Physical Theralang ang burgers. phy student si Anqelique, fourth year. Siyempre Pag-uwi nila sa bahay, pipiliin ang marunong siyang mag-massage. Lahat nga kami mga chicken na maraming laman, sa barkada namin mina-massage niya. lilinisin at huhugasan. Yung Greg ang Eh itong si Angelique, may pagkaharot, magluluto ng pagpag, parang i-a-adobo. palibahasa marami ng naging boyfriend. Pati May puwesto sila sa harap ng kubo nila barkada naming si Aaron, hinaharot niya. Eh at ibebenta sa halagang P15 per order. loko din itong si Aaron, game sa harutan. Ganoon din sa burger, igigisa lang ni One time daw, humirit si Angelique kay Greg sa bawang, sibuyas at toyo, ayos Aaron na arbor na lang daw Ipad niya. Sagot na pera ng maliwanag. naman daw ni Aaron, bibigay lang daw niya Dahil squatter, mahirap ang mga ang kanyang Ipad kung ibibigay niya ang gusto tao kaya ayon patok ang negosyo ng niya ang sex. Game naman daw si Angelique. mag-asawa. Wala naman nagrereklamo, Sumama kay Aaron, at nangyari ang dapat masarap naman daw. At hindi naman mangyari. daw marumi ang pagkaluto. Ang kwento ng pinsan ni Aaron, five hours Isang taon na ang negosyo ng daw sa motel ang dalawa at talagang sinulit daw mag-asawa at kumikita naman daw ni Aaron bawat oras. sila. At mula sa kanilang dirty Bigay- todo rin nabusiness, nakapundar na sila Kung kayo ay may kakaiba, na- man daw si Angelique ng ilang gamit. Wala naman dahil umaming type kakagulat at nakakaawang kwento sumisita sa kanila, wala rin din naman pala niya si ng inyong kapit-bahay i-share dito PROTESTA SA K+12 lang nagrereklamo kaya tuloy Aaron. sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Nagprotesta angnila. Ito lang po, sa Mo at i-email sa pssst.blind@yahoo. negosyon Kilusang Mayo Uno Kinabukasan za Miranda sa Quiapo, Maynila para com at manalo ng mga sorpresang thank you PSSST! nagtaka kami may tulan angMiriam of Tondo, Manilana K+12 education program papremyo. Ipad na si Anqelique, sabi niya padala raw ng sister niya from abroad. Tapos si Aaron wala na ang kanyang Ipad. Saka parang nag-iilangan ang dalawa pag nagkikita. Nang makakuwentuhan naming yung pinsan ni Aaron na si Mark, ikinuwento niya na ibinigay ng pinsan niya ang Ipad niya kay Angelique, at ang kapalit sex. Ok lang naman kay Aaron kasi meron naman pambili siya ng bagong Ipad. Noong malaman naman iyon, parang na-turn off kami kay Anqelique. Pumapatos pala ito ng barka, cheap di ba? Para lang magka-Ipad, nakipag-sex, pambihira lang, nakakahiya siya. Since then medyo iwas na ako sa kanya, kakawalang gana kasi. Parang pokpok ang dating niya. Eh ang balita ko, balak niyang ibenta ang Ipad, wala raw kasi siyang pera! Salamat PSSST, next time ulit. Frances of Sampaloc, Manila

Platu-

BIYERNES • HULYO 20, 2012

5

www.pssst.com.ph/beta

WALANG SABLAY
MARLO DALISAY
Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Martes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

Kakapusin si Kiko
bong alkalde ng Maynila si Erap dahil wala naman siyang dahilan para kalabanin si Lim dahil mayroon namang sariling balwarteng pampulitikal ang mga Estrada, ito ay ang San Juan. Mas pinag-uusapan na ngayon ng mga taga-Tondo at mga taga-Sampaloc, ang dalawang lugar sa Maynila na mayroong pinakamaraming talang botante, kung sino ang makakalaban ni Vice Mayor Isko Moreno matapos itong harapang makipagbanggaan kay Lim sa kabila ng katotohanang ang alkalde ang kanyang naging sandalan sa nakaraang halalan. Isa sa mga lumulutang na pangalan na maaring makabangga ni Moreno ay isa ring artistang mas naging sikat sa kanya at mas maraming gawad-parangal ang nasungkit kung ang industriyang kanilang pinanggalingan din lang naman ang pag-uusapan sa katauhan ni Cezar Montano. Mismong si Moreno ay aminadong magiging mabigat ang kanyang laban kung matutuloy ang napapabalitang pakikipagtandem ni Montano kay Lim kahit pa wala pa itong record ng serbisyo-publiko sa lungsod ng Maynila dahil wala naman itong naging masamang imahe sa publiko, mapababae, mapalalaki o maging ang napapabilang sa third sex ang tatanungin. Kung ang legalidad naman ng pagiging mamamayan ng Maynila ang pagbabasehan, pasok din sa kategorya si Montano dahil tinanggap naman at aprubado na ng Commission on Elections ang pag-a-apply nito bilang residente at botante sa lungsod. Halatadong dinadaga ngayon si Moreno dahil alam naman niyang buhat nang makipagbanggaan siya kay Lim ay hindi na rin niya maaasahan ang suporta ng mga botanteng panatiko ng alkalde na nagbigay ng maraming boto nitong nakaraang halalan.

OPINYON
ing sa ilang mga lugar kagaya ng gilid ng Manila Bay sa harap ng Cultural Complex of the Philippines (CCP). Ang tanong ngayon, saan kukuha si Moreno ng mga botong ipapalit sa mga nawalang suporta sa kanya bunga ng mga nabanggit na pangyayari? Hindi na rin niya puwedeng asahan si Lito Atienza dahil matapos itong makaranas ng sunod-sunod na pagkatalo, kabilang na sa kaso ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona at sa huling laban ni Congressman Manny Pacquiao ay siguradong nakapag-isip isip na ito para pansamantalang mamahinga sa larangan ng pulitika. Kaya kung matutuloy ang pagtakbo ni Montano bilang bise alkalde sa lungsod ng Maynila ay hindi malayong magamit niya ang kanyang abilidad para matulungan si Lim na itama ang mga maling sistemang umiiral doon.

HINDI na gaanong pinag-uusapan ngayon sa lungsod ng Maynila kung sino ang makakalaban ni Mayor Alfredo Lim sa darating na halalan dahil unti-unti na ring nababatid ng mga botante ng lungsod na mayroong ibang pakay ang paglipat ng tirahan doon ni dating Pangulong Joseph Estrada maliban sa sinasabing pagtakbo nito bilang alkalde. Marami naman talaga kasi ang naniniwala na hindi naman tatak-

Hindi rin malayong sa kalaban ni Moreno ibigay ng Iglesia ni Cristo ang solidong boto nito dahil hindi man kausapin ni Lim ang pamunuan ng naturang sekta ay siguradong nakikisimpatiya ito sa kanya sa nangyaring sigalot sa pagitan niya at ng kanyang bise alkalde. Sa katunayan ay may mga negosyante pa nga na nagpapasalamat sa naganap na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Moreno at Lim dahil buhat nang maupo ito bilang bise alkalde ng Maynila ay puro na lamang daw kaibigan at kaalyado niya ang nakakuha ng puwesto ng kainan sa Rajah Soliman Park sa Malate sa harap ng Roxas Boulevard. Nagtataka pa nga ang ibang negosyanteng hindi makakuha ng puwesto sa naturang lugar dahil mayroon pa umanong mga taga-ibang lugar na nabigyan ng puwang para makapagtayo ng kainan sa Rajah Soliman Park at mag-

SONA
ISA sa taunang routine ng ating bansa ang SONA o State of the Nation Address ng ating pangulo. Ginagawa ito tuwing ikatlong linggo ng Hulyo. At ngayong taon, magaganap ito sa Lunes, July 23. Sa unang taon ng pag upo sa puwesto ng isang pangulo, inilalatag niya sa kanyang SONA ang kanyang mga plano para sa bansa, at sa mga susunod na SONA ay iniuulat na niya sa bayan ang resulta ng mga inilatag niyang programa. Sa Lunes, ilalahad ni Pangulong Noynoy Aquino kung nasaan na ang ating bansa pagkaraan ng dalawang taong pag-upo niya sa puwesto. Tatangkain ng pangulo na kumbinsihin ang taumbayan na patuloy na magtiwala sa kanyang administrasyon. Dapat siguro ay maging laman ng SONA ng pangulo ang pagtiyak na kasama siya ng taumbayan sa kanilang pakikibaka tungo sa pagsasaayos ng kanilang kabuhayan. Ano nga ba ang kalagayan ngayon ng ating bansa? Nasaan na ba tayo matapos ang halos isang dekada ng nakaraang administrasyon na nakilala dahil sa talamak na katiwalian. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng mga kritiko ni Pangulong Aquino, hindi puwedeng isantabi ang kanyang accomplishments sa pagpapanumbalik ng kredibilidad ng gobyerno dahil sa kanyang matagumpay na kampanya kontra korupsyon. Maaaring mahaba pa ang proseso para tuluyang matanggal ang tila naging kultura na ng katiwalian sa pamahalaan. May mga kaso pa rin ng katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan . Pero ang mahalaga ay mabigyan ng paulit-ulit na katiyakan ang ating mamamayan na hindi kayang patumbahin ng kahit anong batikos ang kampanya na linisin ang katiwalian sa pamahalaan. At ang pinakamabisang paglaban sa katiwalian ay ang tiyakin na mananagot ang mga nagkasala. Sa unang SONA pa lamang ng Pangulo ay nahiwatigan na kung saan patungo ang kanyang administrasyon. Sa kanyang unang SONA, ibinunyag ng pangulo ang sobrasobrang mga suweldo, allowances at perks ng mga opisyal ng MWSS at ang napakamahal na kape sa PAGCOR. Sa kanyang ikalawang SONA, inihayag ng Pangulo ang pagkakapili niya kay retired Justice Conchita Carpio-Morales bilang bagong Ombudsman. Kaya naman sa ngayong ikatlong SONA ng pangulo, dapat nating abangan ang resulta ng pagkakabunyag niya sa mga katiwaliang nabanggit natin at kung naging epektibo ang pagkakatalaga niya kay Morales bilang Ombudsman. Kung susumahin mula noong unang SONA, parang teleserye ang naging SONA ng pangulo. Bagama’t marami siyang inilalatag hinggil sa mga programang pang-ekonomiya, hindi niya kinaliligtaan ang bahagi ng kanyang CELY BUENO kampanya para sa “tuwid na daan”. Sa kampanyang ito siya nakilala kaya’t malamang na ito ang aabangan sa kanya ng sambayanan. Layunin ng SONA na bigyan ng AWARENESS ang taumbayan sa tunay na kalagayan ng isang bansa. Kung aware nga naman ang mamamayan sa tunay na mga nangyayari sa ating bansa, mas alam nila ang dapat gawin, alam nila kung paano makatutulong sa pamahalaan at alam nila na hindi binibitiwan ng gobyerno ang kanyang mga pangako hanggang sa magkaroon ito ng resulta.

ISYU

MAITUTURING na mabuti ang layunin ng ELY SALUDAR Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na maipatupad ang universal health care para sa lahat ng mamamayan. Pero maganda at mabuti man ang layunin nito ay hindi naman yata reyalistiko dahil kailangang plantsahin muna ang napakaraming problema at ayusin ang sistema. Dapat ay bayaran muna ng PhilHealth ang pagkakautang nila ng bilyong piso mula sa mga private hospital bago sila magsulong ng panibagong programa. Nag-aalburuto na ang mga pribadong pagamutan na matagal nang naghihintay ng kabayaran mula sa PhilHealth. Nababayaran lang sila sa mga press release o pahayag sa media pero ang katotohanan ay maraming ospital ang hindi nabayaran at naghihikahos kaya maaaring mapilitang magsara ang mga ito dahil sa pagkalugi.

STRAIGHT TO THE POINT

Ambisyoso ang Philhealth?
At paano magiging matagumpay ang proyektong ito ng PhilHealht na universal health care para sa lahat eh napakaraming probinsiya lalo na sa mga liblib na lugar ang wala pang ospital at kung mayroon man ay wala namang sapat na kagamitan maging mga doktor at nurse. Sa proyektong ito ng PhilHeatlh ay katumbas ng unti-unting pag-alis ng mga tinatawag na charity wards na kasalukuyang napakikinabangan ng mga mahihirap na pasyente . Huwag na tayong magpunta sa mga liblib na lugar, dito lang sa Metro Manila tulad sa Quezon City na sinasabing bilyong piso ang pera sa kaban ng siyudad pero hindi pa rin nito naibibigay ang sapat na serbisyong pangkalusugan. Sa katunayan, ang mga government hospital ay laging puno at ang masaklap pa, ang ilang mga pasyente ay nakaupo na lang at walang kama dahil sa dami nila. `Yan ay sa Quezon City pa lang na sinasabing marami raw pera ang lokal na pamahalaan, paano pa ang mga liblib na lugar at mahihirap na munisipalidad?. Hindi masama ang mangarap at magpatupad ng mga proyekto pero sana naman ay ng espasyo sa ating column. tiyakin muna na magiging maayos at magiging Sana ay rebyuhing mabuti ng PhilHealth matagumpay ito. ang programa nila para hindi naman mahataw Hindi na bago sa mga mamamayan na sa kahihiyan ang buong Aquino administration. maraming pinanukala ang gobyerno tulad ng Sa inyong reaksiyon o impormasyon mga pag-aapruba ng batas na gaganda raw ang ay maaaring mag-email sa ely_saludar@ kabuhayan ng mga Pilipino pero kabaliktaran yahoo.com at laging makinig sa radio station ang nangyari. DZXL RMN 558 Khz sa ating programang Isang ehemplo na lang ang sinasabing TAUMBAYAN NAMAN 8:30-10:00 ng oil deregulation law at pagsasapribado sa umaga Lunes hanggang Biyernes at laging kumpanyang langis na Petron na mas bababa manood sa TV station NET 25 sa ating pa nga raw ang presyo ng produktong petrolyo newscast na MATA NG AGILA 6:00-7:00 ng dahil sa kumpetisyon pero kabaliktaran ang gabi Lunes hanggang Biyernes. nangyari. Isa pa rito ang EPIRA law ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELES na magpapababa raw sa singil sa Publisher MANUEL TRIA AUN kuryente at kabaliktaran din ang Managing Editor nangyari matapos na maging ganap Tru-Brew Media, Inc. na batas samantalang nagamit lang 259 15th Avenue, Cubao, Q.C. ito ng mga pulitiko na ginawang Tel: 7107416 e-mail: pssstreact@gmail.com behikulo para manalo sa eleksyon. Kung iisa-isahin natin ang lahat Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng mga nagawang hakbang ng ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at gobyerno na sa huli ay kabaliktaran kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon. ang resulta ay baka maubusan tayo

www.pssst.com.ph

6

BIYERNES • HULYO 20, 2012

Editor: Fernan De Guzman Associate Editor: Eric Borromeo

SHOWBIZ
RK VILLACORTA

BIYERNES • HULYO 20, 2012

‘Wag naman total newsblackout kay Annabelle

RONNIE CARRASCO III

CHUTZPAH!

MAY kapaniwalaan na ang anumang labis ay dapat nang kalusin, but there are certain limitations to this exercise of justice. Isinusulong ng isang Kongresista sa Kamara ang “Anti-Rama” Bill that seeks to impose a ban on Annabelle Rama sa pag-attend ng mga burol, this following at least two successive incidents at separate wakes. Bukod sa napabalitang enkuwentro nina Annabelle at Amalia Fuentes sa laAnnabelle Rama may ng asawa ng huli (si Joey Stevens), what triggered the proverbial trigger was Annabelle’s violent assault on showbiz columnist Chito Alcid sa burol naman ni Mang Dolphy noong Biyernes, July 13. Now, back to the bill. Para sa amin, this is a violation of Annabelle’s constitutional right to condole with any bereaved family. Paano naman kung ang pupuntahang lamay ni Annabelle ay wala ang presensiya ng kanyang mga kaaway? The bill is unjust as it is ridiculous. Napakinggan namin ang bersiyon ng kuwento ni Chito sa Umagang Kay Ganda nitong Lunes. Sa panayam ni Anthony Taberna, inilahad ni Chito ang mga kaganapan noong gabing inieskandalo’t pinagbantaan ni Annabelle ang kanyang buhay, habang supported ang kuwentong ‘yon ng footage ng pagwawala ng talent manager. Ilang sandali, hiningan ng pahayag ng programa ang dating pangulo ng National Press Club na si Jerry Yap, also a tabloid publisher. Ayon kay Ginoong Yap, isinusulong naman daw nila sa NPC ang pagdedeklarang persona non grata si Annabelle. Sir Jerry—as we address him—also enjoins both the Philippine Movie Press Club and the Entertainment Press Society, Inc. to exercise a ban on Rama, her talents, her business transactions and alike in print. Para sa amin, there are needs to a well-defined set of rules in such imposition. Halimbawa, kung promo lang ‘yon to advance Annabelle’s business interests as a talent manager ay sang-ayon kami. Isama na rito ang kanyang pagpasok sa pulitika via a congressional entry in her native Cebu sa May 2013 elections. However, news blackout on her should not include newsworthy materials tulad ng mga kinasasangkutan niyang asunto laban kina Nadia Montenegro, sa anak nitong si Ynna Asistio at sa asawa nitong si Boy Asistio, Amalia Fuentes at Chito Alcid, although the least that the members of the entertainment press can do is to downplay or totally strike out Annabelle and give more editorial prominence/importance to her opponents. In fairness to ABS-CBN’s early morning program, tinangka nilang kontakin si Annabelle at ang kanyang abogado para sa kanilang panig, but to no avail. Nagsagawa rin ang UKG ng poll survey sa tanong kung sa tingin ba ng publiko ay dapat ideklarang persona non grata si Annabelle. Ninety five percent ang sumang-ayon, and a wide margin of 5% said “no.” Hindi pa nakuntento ang UKG, Anthony read the editorial stand of the program kung saan ang bottom line ay pagkondena rin kay Annabelle. This writer reiterates his stand on the issue. Anumang sobra ay nararapat lang kalusin, pero dapat ding ikunsidera ang ilang limitasyon sa pagpapatupad ng anumang hakbang sa makatarungang pamamaraan.

TILA nag-aalangan pa si Dawn Zulueta na makipag-kissing scene sa dating boyfriend na si Richard Gomez sa teleseryeng Walang Hanggan. Kahit nakaplano na ang naturang eksena at plantsado na sa script, urongsulong ang aktres sa inaabangang eksena ng mga fans ng dalawa. Kahit papaano, may kiliti pa rin sila on the TV screen. Sa mga baguhang fans, sina Goma at Dawn ang isa sa mga sikat na loveteams noon, lalo na’t ang screen romance nila ay naging makatotohanan; naging magkarelasyon ang dalawa. “I have not talked to Anton (Lagdamaeo, her husband) regarding the scene. Siyepmre, as a married woman, I need to consult my husband kahit eksena lang yun. I want the approval from my husband para walang intriga,” paliwanag ng aktres sa pagdadalawang isip niya kung itutuloy ang eksena. Dahil sa magandang feedback ng mga manonood at sa magandang ratings ng show, extendedang teleserye na supposed to be ay hanggang August na lang. Richard Gomez & Dawn Zulueta -------oOo------ALL-OUT na si Melissa Ricks sa kanyang lovelife. Kung dati-rati, noong sila pa ni Jake Cuenca, parang napakalaking sikreto ang relasyon nila. Kahit buking na at ang daming mga witness, kuntodo deny pa rin si Melissa sa relasyon nila ni Jake noon. Kahit nahuli na sila na naghahalikan sa isang trip ng Star Magic sa USA, deny-to-death pa rin si Melissa. But now, all out siya at hindi na niya itinatago ang bagong boyfriend na si Paul Jake ng Pinoy Big Brother fame. Sa katunayan, the other night nagkaroon ng blow-out ang cast and staff ng show. Sort of a Thanksgiving Party na rin para sa magandang ratings na nakukuha nila sa ratings game. Sa party, karay-karay ni Melisa si Paul Jake. Siguro, mature na siya para ipagmalaki naman ang boyfriend na puwede nang bumuhay sa kanya. -------oOo------ALMOST P7-M pala ang sinagot na gastos ni Manny V. Pangilinan sa hospitalization ng Hari ng Komedya na si Dolphy noong na-confine ito sa Makati Medical Center. Sa pamamagitan ng tulong ni Willie Revillame ay nai-connect si Salee Quizon, na nagpatulong sa TV host/comedian na makakuha ng discount sa hospital, thru MVP, walang kaimik-imik na sinagot ng Big Boss ng Kapatid Network ang bill ng King of Comedy. Tahimik lang si Willie, pero gumagawa siya ng mga magagandang bagay sa mga kaibigan niya. Hindi lang ito ang mga nagawa ni Willie sa mga taong tinutulungan niya. The rest ay ayaw nang ikuwento pa ng komedyante o ibalita sa iba. Nice gesture. No wonder tuloy-tuloy ang biyaya kay Willie. -------oOo------PANIS daw ang pelikulang Migrante. Sa mga nakapanood last Sunday sa Robinson’s Galeria, wala raw bago sa pelikula. Kuwentong OFW na minalas ang buhay sa ibang bansa; OFW na ni-rape o ‘di kaya’y nagpakamatay o sinasaktan at ginugutom ng mga amo. Halos lahat ay galing sa mga kuwento ng mga totoong OFW na itinuhog at sinalansan para makabuo ng isang pelikula ang scriptwriter. Sey ng isang press ng nakapanood ng gala screening nito, “Ang mahal ng sine ngayon. Wala namang bago na ipinakita. Yung ibang pelikula na lang sa Cinemalaya ang panonoorin ko.”

Dawn, urong-sulong sa kissing scene kay Goma

HOY!

CoRYTICo
CORY CRISTE

mga paa ni model-actor saksakan ng dumi!

Kris Aquino may ‘pagnanasa’ kay Sen. Chiz Escudero?!
MATAAS marahil na pamantayan ang ganda at linis ng paa ng aktor na si John Lloyd Cruz dahil isa na yata siya sa may pinakamaganda at malinis na paa amongst our local celebrities, babae man o lalaki. At super tall order ito para sa mga baguhan dahil ang kalinisan ay tila nakakalimutan nila sa pagmamadaling matupad ang kanilang mga pangarap. May nakasabay kaming isang actor/model at endorser sa isang derm clinic sa Quezon City na talaga namang kapag iyong tinitigan ay mai-in love ka Kris Aquino dahil sa kakisigan at kaguwapuhan niya. Pero sa pagsipat mo at pagbaba ng tingin sa kanyang mga paa ay parang delubyo na babagsak ang paghanga mo dahil saksakan ito ng dumi na tila nagsaka sa bukirin. Ang baguhang model/actor ay bahagi ngayon ng isang afternoon drama series na nagbook II kailan lang. Sayang, dahil sa kabila ng kakisigan niya ay mas nangibabaw ang karumihan niya sa suot niyang tsinelas na goma. -------oOo------Sen. Chiz Escudero EXTENDED ang co-hosting gig ni Sen. Chiz sa Kris… o, rhyme, ‘di ba? Ito ang ibinalita ni Kris Aquino sa kanyang show dahil hanggang August na niya makakasama sa kanyang morning talk show ang magaling na senador. Dahil dito ay lalo tuloy nalalagyan ng kulay ang relasyon ng dalawa na ayon sa Papa Chen kanila ay friendship lang. Remember na nali-link din si Chiz kay Heart Evangelista at may mga nakakita sa dalawa na nagde-date. Pero kung ang pagbabasehan ay ang body language at verbal insinuations, mas iisipin ng viewers na si Kris ang higit na may pagnanasa sa senador. Well, hindi naman namin masisisi si Kris dahil bukod sa gwapo si Sen. Chiz ay super sexy ang dating para sa mga kababaihan ng kanyang ‘utak’, plus factor pa ang natural wit niya sa exchanges nila ng hindi naman patatalong talk show queen. -------oOo------FIRST time po ng inyong lingkod na ma-experience ang diamond peel sa La Estetica Derm Clinic sa IL Terrazo Mall sa South Triangle,sa QC., at hindi ako nabigo dahil ang sarap ng feeling after the treatment. Damang-dama ko ang linis ng aking skin at batak powers nito sa aking pores. Thank you very much kay Dr. Almond L. Derma for the wonderful experience!

SOBRANG happy si Bebe Gandanghari sa kasikatang tinatamasa ngayon ng pamangkin niyang si Daniel Padilla. “I’m very happy for him. I’m very proud of this boy. I remember, alam n’yo nasa America ako nung first time may nagsabi sa akin na ‘Uy, may Padilla na artista!’ Sabi sa akin ng kaibigan ko doon. Sabi ko, ‘Sino?’ ‘Baka kapatid mo yun?’ Sabi ko, ‘Bakit ilang taon na?’ ‘Mga sixteen or seventeen.’ “Sabi ko, ‘Gaga, patay na ang tatay ko twenty five years ago, paanong magkakaroon ng 16 year na bata?’” kuwento ni Bebe nang makausap namin sa launching ng bagong shows ng TV5. Isa na rito ang eco-fantasya na Enchanted Garden na kasama siya. Dagdag pa niya, “Nalaman ko eventually, anak ni Rommel. Nung nakita ko, sabi ko, sisikat itong batang to. That was last year.” Nagkita na ba sila ni Daniel? Nabigyan niya ba ito ng payo ? “Oo nagkita na kami,” sagot ni Bebe. “Yung immediate na advice ang sabi ko sa kanya. ‘Huwag kang magpapalaki ng katawan, huh! Okey na muna yan. Kasi bata pa e, di ba? Kaya fresh na fresh siya.” Wala bang sinasabi si Daniel sa kanya o ibang mga pamangkin niya na parang mas gusto ng mga ito na makilala pa rin siya as Rustom Padilla? “Hindi! Mas okey ako sa kanila as Bebe, e. They don’t even dare. They do respect me. And I guess, they’re happy for me as well. At saka siguro parang nakikita naman nila sa akin how comfortable I am sa kanila. So, tinatanggap na lang nila yun,” -------oOo------HINDI pa pala kumpirmadong tatakbong bise alkalde ng Manila sa susunod na eleksyon ang actor/TV host na si Cesar Montano. Although may offer daw sa kanya, hindi pa siya nakakapagdesisyon. Kung nakikita man daw siya na nakakasama ni Mayor Alfredo Lim, yun ay sa dahilang nag-uusap sila para sa life story ng alkalde na isasalin sa pelikula na si Cesar ang gaganap. -------oOo------MAY kaaway na naman sa Twitter si Sharon Cuneta. But this time ay hindi na ang fans ni Piolo Pascual kundi ang mga kamag-anak niya. Pinatatamaan ni Sharon ang mga ito dahil naghahabol daw ito sa mana ng namayapa niyang ama na si dating Pasay Mayor Pablo Cuneta. Si Sharon talaga ‘pag masama ang loob ay inilalabas niya sa pamamagitan ng Twitter. Kaya lang, hindi ba niya naisip na magiging dahilan yun para maging kontrobesyal siya ulit? Lalo na at mga kamag-anak niya pa ang involved. -------oOo------MUKHA yatang totohanan nang may namamagitan kina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, huh! Napapadalas kasi ang pagdi-date nila at napapadalas din ang pagdalaw ng aktor sa condo ng ex-girlfriend ni Derek Ramsay. At nagawa na rin palang ipakilala ni Lloydie si Angel sa pamilya niya. Kung basta magkaibigan lang sila, hindi naman siguro aabot na dadalhin pa ni Lloydie si Angel sa bahay nila, di ba?

INTRIGA TO! ROMMEL PLACENTE

Sharon Cuneta kamag-anak naman ang kaaway sa twitter?!
Sharon Cuneta

7

www.pssst.com.ph

Photo by Andrei Macatangay

Melissa Ricks

John Lloyd ipinakilala na si Angelica sa mga magulang niya!
Angelica Panganiban

Magsyota na yata talaga ...

P7-M hospital bill ni Dolphy, sinagot ni MVP
Dolphy

Photo by Andrei Macatangay

Manny V. Pangilinan

John Lloyd Cruz

SHOWBIZ
AKO PA?!
LOLIT SOLIS

www.pssst.com.ph

HANGGANG ngayon ay nakatutumuloy na ito ng Amerika. tok pa rin ang karamihan sa Kuwento naman ni Nene Riego, si pamilyang naiwan ni Mang Vandolph daw nung Lunes ay buong Dolphy. Sabi ni ZsaZsa Padilla araw ding natulog. Tingin daw niya, sa interview sa kanya ni Boy doon na lang sa pagtulog nito inilalaAbunda sa The Buzz, pagkatabas ang sobrang depression. pos ng libing ang simula ng Ang alam ko si Vandolph ang isa battle niya; kung paano niya sa pinakapaborito ni Mang Dolphy at malalampasan ang matinding sa mga babae, si Zia dahil bunso ito. kalungkutan sa pagkawala ng Sabi ni Alma Moreno, inalalalapinakamamahal nila. yan niya si Vandolph dahil nakikita Ang nakarating na kuwento niyang apektado ito nang sobra. sa amin, buong araw daw na Si Lorna Tolentino ang isa sa mga nagkulong si Zsa Zsa sa kuwarto kamag-anak na pinakamalapit kay Zsa Zsa Padilla at mga anak niya. Ang hirap kaya nun! Ang Zsa Zsa at nakatutok din ito sa pinsan para kahit mga anak nilang sina Nicole at Zia na sobrang apektado rin, papaano ay mapagaan ang kalooban nito. kailangan din niyang patibayin ang loob nila. Ayaw na ni Lorna na magkuwento, pero nagkakaintinNakikita naman sa dalawa nilang anak humuhugot ng dihan daw sila ni Zsa Zsa. Hindi raw siya nagkukulang sa lakas si Zsa Zsa, pero sobrang apektado rin ang dalawang pagtawag at pag-text para kumustahin ito. Ayaw na niyang bata kaya mahirap din naman ‘yan. Ang alam ko pinaplano idetalye dahil hindi naman daw kailangang ikuwento pa. nina Zsa Zsa na magbakasyon, pero hindi pa alam kung Basta nandiyan lang daw siya para sa kanyang pinsan. kailan at kung saan. Pati si Amy Perez ay ganoon din, kaya hindi naman nila Dapat na magbakasyon sila para medyo maiba naman ang ito pinababayaan. kapaligiran nila, ‘di ba? Ang alam ko, next month na ang showing ng pelikula ni Si Eric Quizon ay umalis na raw pa-Hongkong at baka Zsa Zsa na Idobidoobidoo kaya kailangan na niyang bumalik

Zsa Zsa at mga anak magbabakasyon, Eric lumarga na sa HK at US
sa trabaho dahil may mga ilang eksena raw ito na kukunan at kailangan niyang mag-promote ng pelikulang ito. -------oOo------PARANG bongga ang tatlong bagong programa na inilaunch ng TV5 kamakailan lang. Sa tatlong ‘yan, kasali din ang alaga kong si Lorna Tolentino. Kasama rin siya sa horror series na Third Eye, at judge siya sa bagong talent-reality search na Artista Academy. Ibang-iba ang look ni Lorna sa Third Eye kaya medyo challenging ito sa kanya. Sa Artista Academy naman ay nagawa na niya ito sa Starstruck, pero ibang-iba raw talaga ito dahil parang nasa school ito na Asian Academy of Television Arts ni Wilma Galvante. Naku, sana ay maganda ang kalalabasan nito dahil bongga ang paghahanda rito ng TV5. Kasali rin pala ang alaga kong si Gladys Reyes sa Enchanted Garden na bale first Eco-Fantasya ng TV5. Sa presscon nito nung Martes, wala silang tinanong kay Lorna kundi ang tungkol sa pagpapa-stem cell namin. Si Lorna ang mas maraming alam sa stem cell dahil talagang pinag-aaralan niya, ‘day! Kaya parang nag-lecture ito sa mga reporters na curious sa stem cell. Balak ni Lorna na bumalik ng Germany after 6 o 8 months siguro para may follow-up sa stem cell niya dahil nararamdaman daw niya talaga ang magandang epekto. ‘Yun na!

Nagandahan sa effect, Lorna magpapa-stem cell ‘uli

8

BIYERNES • HULYO 20, 2012

PUMASOK na sa book 2 ng Luna Blanca sina Bea Binene at Barbie Forteza. Medyo may tensyon sa dalawa dahil aminado silang hindi sila ganoon ka-close, pero sinisigurado nilang walang magiging problema sa pagtatrabaho nila. “Hindi naman kailangang maging close, pero okey kami ni Bea,” giit ni Barbie. “Mas close ako kina Joyce Ching at Lexie Fernandez kesa kay Barbie, pero okey naman po kami,” sey naman ni Bea. Excited ang dalawa lalo’t pang-primetime ang programa. Siyempre, mas marami ang makakapanood sa kanila. Ang GMA-7 management ang nagbigay ng proyekto sa dalawa lalo’t may napatunayan na dahil hit na hit ang Nita Negrita ni Barbie at ang Alice Bungisngis ni Bea. Sila rin ang pumili sa kung sino ang makakapareha ng dalawa, si Kristoffer Martin kay Bea, at si Derrick Monasterio naman kay Barbie. Dahil doon, nagri-react daw si Joshua Dioniso pati na rin si Jake Vargas dahil feeling naitsapwera sila. “Wala po akong magagawa do’n, eh. Nung ibinigay po sa akin itong project, hindi ko po alam kung sino ang makakapareha ko. Sa set ko na lang po nalaman na si Kristofer

RONALD M. RAFER

NEWSFEED! Bea Binene at Barbie Forteza may tensyon sa pagsasama?!
‘yon. Siyempre po, nalungkot din ako kasi ito ‘yung first time na hindi kami magkaka-partner ni Jake. “Actually, nagdalawang-isip din po ako nung una sa role, kasi, mahirap po ‘yung karakter na gagawin ko. Maitim po ako dito, eh. ‘Yung sa mukha po, make-up ‘yun, ‘yung sa buong katawan, air-brush po. Malagkit at mainit po ‘yun sa mukha na ayaw na ayaw ko, pero naisip ko rin na ito ‘yung ibinigay sa akin at blessing po ito,” sabi ni Bea. Nung si Barbie naman ang tanungin namin kung bakit hindi si Joshua ang ka-partner niya, umiling lang ito at parang ayaw magsalita. Inulit namin ang tanong sabay kinumusta sa kanya ang dating ka-loveteam. “Hindi po kami nagkakausap, matagal na. Hindi rin kami nagkaka-text. I think, busy siya sa school, kasi, regular student siya. Alam ko, okey naman kami,” sagot nito. Totoo bang nagpadala na ito ng feelers sa ABS-CBN at gusto nang bumalik sa dating network? Tipong nagsi-senti daw ito kasi’y pinaghiwalay na sila, wala pang project sa Kapuso network? “Hindi ko po alam. Wala akong alam,” sey lang ng teenstar. Okey lang ba na si Derrick ang kapareha niya? “Okey lang, kasi close kami niyan, eh”, sabay turo kay

Parehong aminadong hindi close sa isa’t isa ...

Barbie Forteza

Bea Binene

Derrick na katabi lang niya. “Kahit si Kristofer, close din ako sa kanya.” Paano kung kay Derrick naman siya ma-link? Sumimangot muna ang dalagita sabay sabing, “Hindi puwede, kasi, hindi ako ang type niyan.” Kasama pa rin sa Luna Blanca sina Camille Prats, Gina Alajar, Yassi Pressman, Allan Paule, Marissa Delgado at Chynna Ortaleza sa direksyon ni Dominic Zapata.

PUNUNG-PUNO ng mga nagbabagang balita ang apat na sulok ng showbiz, kabi-kabila ay pulos awayan at eskandalo na sa demandahan humahantong. Sa kabila nun ay isang kuwento ang nasagap namin na hindi nakaligtas sa aming matalas na pandinig.

‘Rich’ na talent manager, P2-M ang utang sa kanyang male talent?!
Ang sabi-sabi, umutang daw ang isang talent manager sa kanyang male talent ng 2M. Yes, 2M as in 2M! May ‘K’ naman daw na magpautang si male talent dahil ito raw ang highest paid sa mga talents ni talent manager. ‘Di ba nga may mga negosyo din si male talent, so may pera!

Ang nakakaloka lang, ‘di ba sinasabing mayaman at maraming pera itong si talent manager, ba’t umabot sa puntong ngayon ay nangungutang na siya? Naku, kapag nakarating ang balita sa mga kaaway niya, tiyak na pagtatawanan siya’t lalong lalaitin. Hay, giyera na naman iyan! ‘Kalurkey!

BIYERNES • HULYO 20, 2012

Hollywood Bitz
GALIT at hindi sang-ayon si Janet Jackson sa pagpasok ng kanyang 14-year-old niece na si Paris sa pagawa ng pelikula. Ayon sa Huffington Post report, tinanggap ni Paris ang inalok sa kanyang role para sa 2014 movie na “Lundon’s Bridge and the Three Keys.” “We’ve spoken about the fact that you’re only a child once. I think there’s a time for everything, and now is not the time to act in films. I told her I thought she should enjoy being a kid, possibly go to college—or not—but wait till she turns 18,” ang pahayag ni Janet sa kanyang interview sa Prevention Magazine. Dagdag pa ni Janet, hindi ito magugustuhan ng kanyang yumaong kapatid na si Michael Jackson dahil noong nabubuhay ito ay ayaw niyang ma-expose sa limelight ang mga anak hanggang wala pa sila sa edad na 18.

9

www.pssst.com.ph

SHOWBIZ
Nina MARA at CLARA

Sophia Vergara top paid TV actress
TINALO ng Sophia ‘Modern FamiVergara ly’ actress na si Sofia Vergara ang isa pang tv reality star na si Kim Kardashian sa listahan ng Forbes Magazine para sa category ng highest-paid tv stars. Ayon sa report ng Us Magazine, kumita si Vergara ng $19 million between May 2011 and May 2012 kaya’t siya ang nanguna sa listahan. Ilan sa mga pelikula niyang ginawa for the past year ay The Smurfs, New Year’s Eve, Happy Feet 2 at The Three Stooges. Bukod sa tv series at movies ay may mga endorsement deals din ang Colombian actress sa Pepsi, CoverGirl at K-Mart. At hanggang ngayon ay pinapatakbo ng 40-year-old actress ang kanyang media company na ‘Latin World Entertainment’ na itinayo noong 1996. Pumangalawa naman sa listahan ang E! reality tv star na si Kim Kardashian na may earnings na $18 million for the past 12 months. Bukod sa tv series nilang “Keeping Up With The Kardashians” ay nagkaroon din ng more than 63 magazine covers Kim. Kasama sa mga kita ni Kim ang kanyang sariling perfume line, clothing line at specialty store sa Las Vegas’ Mirage Hotel. Ang 37-year-old ‘Desperate Housewives’ star na si Eva Longoria ang nasa top 3 lists. Kumita siya ng $15 million between May 2011 and May 2012. Ayon sa report, $375,000 per episode ang kinikita ni Longoria sa ABC series at ngayon ay may bago siyang TV shows na “Ready for Love” at “Devious Maid.” Mayroon din siyang endorsements sa L’Oreal Paris at Pepsi. Kasama rin sa Top 10 highest-paid TV actress sina Bethenny Frankel ($12M), Kloe Kardashian ($11M), Tina Fey ($11M), Mariska Hargitay ($10M). Sina Zooey Deschanel, Felicity Huffman, Ellen Pompeo ay pareparehong may $9 million earnings.

Janet Jackson ayaw pag-artistahin ang pamangkin
Maaalala na tuwing lalabas si Michael kasama ang mga anak na sina Paris, Prince at Blanket ay pinagsusuot sila ng masks or veils para itago sa media. Noong October 2011 ay may mga lumabas na personal tape recordings ang “Thriller” singer at doon sinabi niya kung gaano kasakit na hindi niya na-enjoy ang kanJanet Jackson at Paris Jackson yang childhood stage. know he could act,” ang kuwento ni Paris Pero si Paris ay gustong talagang sa interview niya kay Elen DeGeneres sundan ang yapak ng kanyang ama. last December. “I saw that and I said, “When I was really little, my dad was ‘Wow, I want to be just like him.’” in the movie ‘Moonwalker’ and I knew he could sing really well, but I didn’t

Halle Berry naaksidente sa set ng pelikula
ISINUGOD ang 45-year-old actress na si Halle Berry sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles matapos umano itong ma-aksidente sa shooting ng kanyang pelikula ayon sa report ng E! Online. Nagkaroon ng minor head injury ang aktres habang ginagawa ang action scenes sa latest film na “The Hive.” Isang 911 operator ang role ng aktres sa pelikula kung saan ililigtas niya ang isang teenager na dinukot ng serial killer. “Halle Berry suffered a minor head injury while shooting a fight sequence on the set of her film, The Hive. She was taken to the hospital as a precaution, but she checked out healthy and was released. She’ll continue production as planned,” ang pahayag ng representative ng Oscar winner actress. Hindi naman bago kay Berry ang mga injuries na natatamo habang nasa shooting ng mga pelikula. Matatandaang noong 2002 sa James Bond movie na “Die Another Day” ay nagkaroon siya ng eye injury. Nabalian naman siya ng buto sa braso sa shooting ng “Gothika.” Sa set naman ng “Catwoman” noong 2004 dinala rin sa ospital ang aktres dahil nabagsakan siya sa ulo ng lighting equipment. Last year, kahit day-off sa shooting ng pelikulang “Cloud Atlas” hindi rin nakaligtas si Berry dahil nagkaroon siya ng foot injury habang hinahabol niya ang kanyang anak na si Nahla habang namamasyal sa Spain.

Halle Berry

Beyonce Knowles

KUNG ang ibang Hollywood stars ay nagpapa-dye ng iba’t ibang hair color at ang iba naman ay nagpapagupit ng maikli, ang “Love on Top” singer na si Beyonce Knowles naman ay ibinabalik ang kanyang Destiny’s Child days! Sa report ng People Magazine, isang golden brown braided- beehive-bun ang hairstyle ngayon ng pop singer. Nakita ang hairstyle ni Beyonce nang lumabas ito kasama ang anak na si Blue Ivy sa

Beyonce balik sa braided hair-do
New York nito lamang Miyerkules. Malayo ito sa nakagisnan ng kanyang mga fans na long flowy wavy hair. Ngayon ay same style ang buhok nila ng sister niyang si Solange at mukhang doon siya nakakuha ng inspiration kaya’t nagbago ng hairdo. Samantala, noong isang araw lang ay ibinahagi ni Beyonce sa Obama campaign video ang sulat niya para kay First Lady Michelle Obama. Una itong

lumabas noong April sa blog ng singer. Malaki ang paghanga at respeto nito sa First Lady kaya’t isa siya sa tinitingala ng singer. “Michelle, thank you so much for every single thing that you do for us. I am proud to have my daughter grow up in a world where she has people like you to look up to,” ang isang linya sa sulat ng singer para kay First Lady Obama.

SPORTS
PBA knock-out sa Friday
HINDI magiging rason para sa Ginebra Gin Kings at B-Meg Llamados na sila ay sister-company upang magbigayan at hindi maglaro ng pisikal sa kanilang do-or-die game mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum. Ang paglalabanan ng Gin Kings at Llamados ay ang 2nd slot sa finals para Governors Cup, saan naghihintay na ang Rain or Shine Elasto Painters kung sino sa kanilang dalawa ang mananalo. Nakuha ni E-Painters ang 1st slot sa finals matapos talunin noong Miyerkules ang B-Meg, 92-82. Nagkabuhay naman ang Ginebra makaraang idispatsa ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 73-71, noong Miyerkules at tuloy makaharap sa isa na namang sudden death ang Llamados. Dawalang beses ng nananaig ang mga

www.pssst.com.ph/beta

10

BIYERNES • HULYO 20, 2012

Walang kapa-kapatid

alipores ni coach Tim Cone sa mga alagad ni Siot Tanquingcen na ang una ay sa elimination round at pangalawa ay nitong semifinal. Sa pagkakataong ito, hindi na papayag ang Gin Kings na matatluhan pa ng Llmados. Tiyak na ibayong depensa ang gagawin ng Ginebra sa B-Mrg kagaya ng ginawa nila sa TNT. Hindi na rin papayag si MVP candidate Mark Caguioa na muli na naman siyang malimitahan sa pag-iskor ng Llmados. Noong nakaraang Miyerkules, tatlong puntos lamang ang ginawa ni Caguioa, malayo sa kanyang average na 20,2 kada-laro. Kung sino ang magwawagi sa dalawang team, sa Linggo na sisimulan ang best of seven series sa finals ng Governors Cup, saan ang makakaharap ang bagong mukha E-Painters. Ella C. Linde

NAGKANYA-KANYANG eksena ang mga manlalaro ng NBA All-Stars at PBA legends sa harap ng libu-libong nanood ng exhibition game sa SM Mall of Asia (MOA) Arena kamakalawa ng gabi. Pinangunahan ng walang kupas na dating Miami Heat point guard Jason Williams at Chicago Bulls star Scottie Pippen ang panalo ng NBA stars. Kenneth Duremdes Si Williams

Duremdes, Williams wala pa ring kupas
ay nagtala ng 26 points natalo ang PBA stars sa iskor na 112-93. Kabilang naman sa mga dating alamat ng PBA na nakipagsabayan sa kanilang mga idolo ay sina Nelson Jason Williams Asaytono, Bong Hawkins, Marlou Aquino, Noli Locsin at Kenneth Duremdes na nangibabaw sa laban matapos na makapagtala ng 29 puntos. PSSSTnewswires

PHL Azkals haharapin ang Chicago at US Virgin Island sa exhibition game
SASABAK sa serye ng exhibition games ang Philippine Azkals sa football team ng Chicago at US Virgin Islands sa Estados Unidos sa susunod na buwan. Ang pagsabak ng PHL Azkals ay bahagi ng P/E Capital Investments Invitational Cup kung saan ay ang Chicago Inferno ng United Soccer Leagues at US Virgin Islands National Team ang kanilang babanggain. Nakatakda ding lumaban ang PHL Azkals sa nalalapit na 2012 AFF Suzuki Cup na magaganap naman sa pagtatapos ng taong kasalukuyan. Ang sagupaan ng Chicago Inferno at Azkals ay magaganap sa Wheateon’s Joe Bean Stadium sa Agosto 11. Habang haharapin naman ng Inferno ang US Virgin Islands’ Dashing Eagle sa Agosto 14. Ella Linde

Pacquiao madadali kay Mayweather
PINAYUHAN ni Floyd Mayweather Sr., ang karibal nitong si trainer Freddie Roach na baguhin ang kanyang fighting style upang hindi mapahiya sa kanyang anak sakaling matuloy ang kanilang paghaharap ni People’s champ Manny Pacquiao. Ayon pa sa nakakatandang Mayweather, madali lamang talunin ng kanyang anak na si Pretty Boy Floyd ang number 1 boxer ni Floyd Mayweather Sr. Roach na si Pacquiao dahil wala itong depensa. Minaliit din ni Mayweather si Roach at tinawag na hindi defensive boxer kaya napaka-imposibleng maturuan umano nito ang alagang si Pacquiao na maging defensive boxer. Kasabay nito ay kinantiyawan ni Mayweather Sr., si Roach matapos matalo ang bata nitong si Amir Khan. Ella Linde Rep. Manny Pacquiao

Babala ni Floyd Sr.

Bradley at Marquez puntiryang iluluto
PERSONAL na magtutungo sa Pilipinas si Top Rank Promotions CEO Bob Arum, upang bisitahin si eight- division world boxing champion Manny Pacquiao at paguusapan ang susunod nitong makakalaban sa Nobyembre 10. Sa mensahe ni Arum, sasadyain nito si Pacman sa Agosto at ilalatag ang mga kundisyon sa magiging kalaban nito. “I will probably meet with Manny in the beginning of August. I’ll be coming over to Manila,” wika ni Arum. Sinabi pa ni Arum, sa ngayon ay wala pang indikasyon kung sino ang gustong makalaban ni Pacman dahil hindi pa nito nakakausap si Mike Koncz. Sa ngayon sinasabing ang pinagpipilian ng pound-for-pound king na susunod na makalaban ay ang rematch kay Timothy Bradley Jr., at ang Part IV kay Juan Manuel Marquez. Marami ang nagsasabing si Marquez ang makakaharap ng Pambansang Kamao, dahil tila ayaw ni Arum na makaharap muna ni Pacquiao si Bradley. Sa ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng mga Pinoy ang kontrobersiyal na pagkatalo ng kanilang idolo kay Bradley. Ella C. Linde

Negosasyon sa laban ni Pacman ikinasa sa Nobyembre

8-buntis puputok sa London Olympics
WALANG takot na sasabak sa 2012 London Olympics partikular sa 10-meter air rifle event ang isang Malaysian athlete na walong buwan buntis. Ayon kay Nur Suryani Mohamed Taibi, inakala niyang magtatapos na ang kanyang Olympic dream dahil kailangang tutukan ang kanyang pagdadalang tao subalit laking tuwa nito nang payagang ng magpartisipa sa kabila ng kanyang kalagayan. “But when I eventually qualified for the 10-meter air rifle event on merit, it made me re-think that perhaps I am supposed to go all the way despite my pregnancy,” pahayag ng atletang buntis. Si Nuryani na isang buntis ang kaunaunahang Malaysian rifle shooter na sasabak sa Olympics. Ang 10-meter air rifle event na lalahukan ni Nuryani ay gaganapin sa Hulyo 28. Ella Linde

LUMIPAD na kagabi patungong London ang huling batch ng Filipino Olympians upang sumabak sa 30th Olympic Game. Ang mga archers na sina Mark Javier , Rachael Anne Cabral at Fil- Japanese Judoka Tomohiko Hoshina ay dadaan muna sa Hongkong bago didiretso sa London para samahan ang walo pang Pinoy Athletes na nauna ng tumulak doon. Kababalik lamang sa bansa nina Javier at Cabral makaraang ang 10 araw na pagsasanay sa South Korea sa ilalim ni Korean coach Chung Jae Yun. Si Hoshina ay sa Tokyo nagsanay kasama

Huling batch ng Pinoy Olympians, tumulak na ng London kagabi

ang Japanese mentor na si Yasuhiro Sato. Pagdating sa Heathrow Airport ay agad na didiretso ang tatlo sa Olympic Village kasama ang halos 16,000 atleta. Inaasahan namang ngayong araw ang pag-check-in sa Olympic village nina long jumper Marestella Torres, long distance runner Rene Herrera, shooter Brian Rosario, boxer Mark Anthony Barriga, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna. Ang BMX rider na si Danny Caluag na nag-training sa Netherlands ay magtutungo sa London sa susunod na linggo. Ella C. Linde

BIYERNES • HULYO 20, 2012

11

www.pssst.com.ph
Jeremy Lin

Mara at Clara

Nina:

Rajon Rondo: I’m the best point guard
IPINAGMALAKI ni Boston Celtics star Rajon Rondo na siya ang pinakamagaling na point guard sa NBA. Habang dumadalo sa Nike World Basketball Festival sa Paris, sinabi ni Rondo na nag-improve na ang kanyang performance at naging lider ng Celtics team kahit hindi naman niya inaasam ito. “My position of point guard promotes my leader status at the same time. Doc (Rivers) and I have been working together for 6 years now. I know what he wants, when he wants it. It is on me to pass the message on the court. Doc gives me great trust, I know what he wants without his saying it,” sinabi ni Rondo. Ayon kay Rondo, tumaas ang kanyang kumpyansa sa sarili sa nakaraang dalawang taon. “I have matured a lot and my game has also. I think I am one of the best playmakers in the League. I think I’m the best point guard in the League,” ani Rondo. Ngunit iginiit ni Rondo na na hindi niya pinili na maging lider ng grupo at nais lamang niya magtrabaho ng maigi para sa team. “I must be one for my team. Every day, I get up telling myself I want to be better. I worked hard to get to this point and I continue to work hard,” sinabi ng Celtics player. Gusto rin ni Rondo na manatili sa Boston Celtics kung maaari ngunit wala sa kanya ang final decision. “What will happen will happen,” Rajon Rondo ayon sa basketbolista.

SPORTS
Pag-alis ni Linsanity sa Knicks, ikinagulat ng ex-coach at players

S P O R T S B I T Z

NAGULAT si ex-New York Knicks coach Mike D’ Antoni sa paglipat ni Jeremy Lin sa Houston Rockets. Inamin ni D’ Antoni na akala niya na tatapatan ng Knicks ang $25-million contract offer ng Houston kay Lin. “No. Not when the kicker was they can match. I’m thinking, for sure,’’ sinabi ni D’ Antoni. ‘’Even when I was there, well at least we got him, we don’t have to worry about him blowing up and us not being able to afford it.’’ Inakala din ni Carmelo Antony at Tyson Chandler na mananatili si Lin sa Knicks. ‘’I know the Knicks organization wanted him back, I know his teammates wanted him back, I felt like Jeremy wanted to come back, but can’t pass up what Houston threw out there,’ sinabi ni Chandler. Si D’Antoni ang nagbigay ng chance kay Lin na maglaro sa Knicks noon Pebrero. Nag-resign ang coach matapos ang isang buwan nang humina ang performance ng Knicks sa NBA season.

Jason Kid at Porschla

Bago ang vehicular accident na kinasangkutan ni New York Knicks player Jason Kidd, nag-away pala sila ng asawa niya dahil gusto pa umano mag-party ng lasing na basketbolista. Nagtalo pa si Kidd at asawa na si Porschla habang pauwi sa bahay mula sa nightclub na SL East noong Linggo ng madaling araw. Ayaw pa umuwi ni Kidd at nais pang makasama ang mga kaibigan sa bar samantalang gusto na magpahinga ng kanyang misis. Nang dumating sila sa kanilang bahay sa Water Mill house, pumasok na sa loob si Porschla habang tumakas naman si Kidd sakay ang kanilang SUV. Ilang minuto naman ay nabangga ni Kidd ang 2010 Cadillac Escalade sa isang poste ng telepono. Ayon sa mga pulis, lasing na lasing si Kidd at hindi pa nga alam na total wreck ang sasakyan nang dumating sila. Kinasuhan na si Kidd ng drunk driving dahil sa insidente.

Jason Kidd at asawa, nag-away bago ang aksidente

Dagdagkaalaman sa Olympics
*Gawa sa silver, at hindi ginto, ang gold medals sa Olympics. Ang London Games medal ang pinakamalaking Olympic medals na may bigat na 400 grams. Sa gold selling rate na $1,571 bawat ounce, may halaga na $20,000 ang isang Olympic gold medal.. Hindi ancient na tradisyon ang Olympic torch relay. Nagsimula ang torch relay sa 1936 Berlin Olympics bilang propaganda ng Nazi Party para ipakita ang superiority ng Aryan race. *Tatlong modern Olympic Games ang nakansela na noon World War I (1916) at World War II (1940, 1944). *Makikita ang isa sa Olympic Ring colors -- blue, green, yellow, black at red -- sa bawat national flag.. *Nakahubad ang mga atleta ng ancient Olympic Games noon. Ang salitang “gymnasium” ay mula sa Greek root na “gymnos” o “nude.”

Foto-zisero
Rumampa ang 30-kandidatang kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2012 kasabay ng pagpapakilala sa mga ito sa mga mamamahayag sa isang hotel sa lungsod Quezon. Kasunod ng pagrampa at pagpapakilala ng mga naggagandahan kalahok sa Mutya ng Pilipinas ay nayanig ang SM Mall of Asia Arena sa exhibition game ng NBA All stars at PBA legends sa PLDT Allstar basketball challenge na pinagwagian ng mga dayong NBA stars. Jhay Chavez Dingdong Riviera

BEAUTIES AND LEGENDS!

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful