You are on page 1of 4

Tarlac State University

Paaralang Laboratoryo
Tarlac City

Pagsusuri ng Pelikula

– A Very Special Love-


Ni Cathy Garcia-Molina

Ipinasa Ni:
Michael Angelo M. Sugui
Ikalawang taon sa Matematika at Agham

Ipinasa Kay:
Gng. Juvy
Galamay
Guro sa
Filipino 2
Mga Tauhan:

Sarah Geronimo as Laida Magtalas


John Lloyd Cruz as Miggy Montenegro
Dante Rivero as Luis Montenegro
Rowell Santiago as Art Montenegro
Johnny Revilla as Roger Montenegro
Bing Pimentel as Alice Montenegro
Daphne Oseña-Paez as Anya Montenegro
Al Tantay as Tomas Magtalas
Irma Adlawan as Baby Magtalas
Arno Morales as Stephen Magtalas
Miles Ocampo as Rose Magtalas
Andre Garcia as Lio Magtalas
Matet De Leon as Zoila
Gio Alvarez as Vincent
Joross Gamboa as John Rae

-A Very Special Love-


Cathy Garcia-Molina

Noong nakaraan na taon, nag handog nanaman ang Star Cinema ng isang
napaganda at nakakikilig na pelikula na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John
Lloyd Cruz. Hindi pa naipapalabas ang pelikula, marami ng mga intriga ang lumabas
tungkol sa tambalan nila. Hindi ito naging hadlang upang ito’y maging pangalawa sa
may pinakamataas na kinita sa lahat ng pelikula na ipinalabas. Napakagaling na
director ni Cathy-Garcia Molina, marami na siyang mga pelikula na ginawa katulad ng
“My Only U’’, Bcuz of U, Close to you, You are the one,You got me, One more chance at
iba pa.Sa pagsisimula ng pelikula, ipinakita nila rito ang panaginip ni Laida na muntik na
niya mahalikan ang kanyang “prince charming”, ngunit ito’y nawala nang gisingin siya
kanyang kapatid at sabihing “late” na siya. Si Laida ay isang masipag na anak na
patuloy na itinataguyod ang kanyang pamilya. Ang kanyang pamilya ay nagpapakita ng
masayahin na pagsasamahan. Si Laida ay nangangarap na makita at mahalikan niya
ang kanyang prince charming na si Miggy Montenegro, na isang anak ng napakatanyag
na Businessman, at may isa itong hinahawakan na kompanya ng kanyang ama, na
ipinangalan niyang “The Bachelor”, patay na ang kanyang pinakamamahal na ina, ang
kanyang ina ang naging sandalan niya sa kanyang paglaki, ngunit ng ito’y mamatay
nawalan ito ng pag-asa sa buhay.
Nangarap si Laida na makita niya ang kanyang “prince charming in the making”.
Nag-aplay siya sa isang kompanya ng magasin, hindi niya alam na ang inaplayan niya
ay ang kompanya na pinamumunuan ni Miggy.
Habang siya ay naglalakad, na patulala siya habang dumadaan ang kanyang
“prince charming”, si Miggy. Si Miggy ay isang taong hindi madaling i-approach dahil sa
masungit siya. Hindi siya marunong tumanggap ng “suggestion” galing sa mga assistant
niya. Palagi niya itong sinisigawan kapag may konting pagkakamali. Gusto niya lahat ng
bagay ay perpekto, gusto niya ipakita sa kanyang ama at sa kanyang kapatid na
patuloy na ibinababa siya, na kaya niya mag-paunlad ng kompanya. Hindi madaling
matanggap sa trabaho si Laida dahil sa ugali ni Miggy, pero natanggap siya ng sabihin
nito sa kanya na “you, bring me a coffee!”, dali-dali niyang ito tinimpla. Tinanong siya
nito na pasok siya sa kompanya bilang assistant niya. Muntik ng mahimatay si Laida ng
marinig niya ito, araw-araw na niya itong makikita. Sa paglipas ng mga araw, nagbago
ang panananaw ni Miggy sa kanyang kompanya at sa sarili sa pamamagitan ni Laida.
Si Laida ang nagbukas ng kanyang isipan at puso. Hindi madaling tanggapin ng
kanyang ama at kuya ang mga desisyon nito. Isang araw, kailangan ni Miggy na
gumawa ng isang magasin ng “The Bachelor” na kailangan niyang iprisenta sa kanyang
pamilya. Hindi nila ito natanggap dahil sa mga pagkakamali sa pagtatanghal.
Napagsabihan ni Miggy si Laida na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Hindi matanggap ni Miggy na wala sa piling niya si Laida, piling nito nawala siya
ng isang pinakamamahal na tao. Sa huli sila rin ang nagkatuluyan.

Wala akong maihahalintulad na pelikula rito dahil natatanggi ang kwento nito.
Wala itong kahalintulad sa mga maikling kwento at mga nobela. Ang reaksyon ko ay
kakaiba ang paghahalintulad ko sa penikula kaysa sa iba, dahil ipinahahayag ko sa
aking “movie review”, ang mahahalagang pangyayari sa pelikula.
Nakakainlove ang istorya, dito rin sumikat ang dance move ni Sarah Geronimo
na “ Sun Dance”, na naging patok sa mga manunuod. May mga parte rin ang pelikula
na nakakaiyak, nakakatawang pangyayari. Hindi kayo mabibigo sa panununuod ng
pelikulang ito dahil may katuloy ito. “You Changed my Life”, pangalawang parte ng
istorya nina Laida at Miggy.
-END-