ANG PANITIKANG CAMBODIAN Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sa pamamagitan ng salindila.

Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga epiko mula sa India. Nang maipakilala ng mga Pranses sa Cambodia ang limbagan noong mga 1930s, sumulpot na rin ang mga nobela. Nagsimula muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sa pahayagan hanggang sa tuluyang ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ng bersyon ng mga ito sa pelikula. Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon ang nailathala sa Cambodia. Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga panitikan sa mga tula ukol sa agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong awit. Walang mga nobelang naisulat sa Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay nasulat ng mgar ef ugee sa Pransya at Thailand. Sinira rin ang mga kagimbal-gimbal na mga taong iyon ang sinaunang panitikan ng Cambodia. May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang namatay sa ilalim ng kalupitan ng rehimeng Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol Pot. Daan-daang libo ang tumakas sa Thailand at iba pang bansa. Sa pagsisikap na magtatag ng isang komunistang lipunang pantaypantay, malupit na pinatay ng Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri. Kabilang dito ang mga opisyal, negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho sa mga komyun (commune) sa lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya. Ipinasara ang mga paaralan, monasteryo, bangko, tanggapan at aklatan. Kinumpiskang lahat ng mga pribadong pagaari. Pinawi ng Khmer Rouge ang lahat ng makapagpapaalala sa nakaraan ng Cambodia kabilang na ang mga libro at panitikan at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawang libong taon na kasaysayan ng Cambodia. Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang Cambodia. Bagaman noong dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado, may mgar ef ugee na rin na nagsikap na muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng mga kuwentong bayan.

ANG PANITIKANG CAMBODIAN Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa sa pamamagitan ng salindila. Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang buhay ni Buddha at mga epiko mula sa India. Nang maipakilala ng mga Pranses sa Cambodia ang limbagan noong mga 1930s, sumulpot na rin ang mga nobela. Nagsimula muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sa pahayagan hanggang sa tuluyang ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ng bersyon ng mga ito sa pelikula. Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon ang nailathala sa Cambodia. Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga panitikan sa mga tula ukol sa agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong awit. Walang mga nobelang naisulat sa Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay nasulat ng mgar ef ugee sa Pransya at Thailand. Sinira rin ang mga kagimbal-gimbal na mga taong iyon ang sinaunang panitikan ng Cambodia. May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang namatay sa ilalim ng kalupitan ng rehimeng Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol Pot. Daan-daang libo ang tumakas sa Thailand at iba pang bansa. Sa pagsisikap na magtatag ng isang komunistang lipunang pantaypantay, malupit na pinatay ng Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri. Kabilang dito ang mga opisyal, negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho sa mga komyun (commune) sa lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya. Ipinasara ang mga paaralan, monasteryo, bangko, tanggapan at aklatan. Kinumpiskang lahat ng mga pribadong pagaari. Pinawi ng Khmer Rouge ang lahat ng makapagpapaalala sa nakaraan ng Cambodia kabilang na ang mga libro at panitikan at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawang libong taon na kasaysayan ng Cambodia. Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang Cambodia. Bagaman noong dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado, may mgar ef ugee na rin na nagsikap na muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng mga kuwentong bayan.