You are on page 1of 1

AUG.

1, 2012

NR # 2818

Blood for sale?


Totoo ba to? Maniwala man kayo o hindi, nagbebenta (daw) ng dugo, as in DUGO ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia na walang trabaho para masustinahan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. ANOOOOO? Umaabot sa 300 hanggang 500 Saudi Riyals per 500cc ang blood donation na ibinebentang dugo sa Saudi Arabia hospital. Napupwersang magbenta ng dugo on a monthly basis ang mga unemployed OFW para lamang maka-survive at makalikom ng pondo para sa kanilang araw-araw na gastos at para may maipadala sa kani-kanilang pamilya. Sa report ng Migrante Middle East, isang non-governmental group tinatayang nasa 8,000 hanggang 10,000 undocumented OFWs sa Saudi Arabia ang unemployed. Karamihan sa unemployed OFWs ay umaalis sa trabaho dahil na rin sa pang-aabuso ng employers o dahil hindi sila pinapa-sweldo ng tama. Illegal immigrants o TNT (tago ng tago) at undocumented dahil ang kanilang passports at travel documents ay nawala o kinumpiska ng kanilang dating employers. Inihain ni Cagayan de Oro Congressman Rufus Rodriguez ang House Resolution No. 2542 para hilingin sa House Committee on Overseas Workers Affairs na imbestigahan ang nasabing isyu at imbitahan ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration POEA), Migrante Middle East at iba pang ahensiya para magbigay ng linaw sa bagay na to. (30) eag