LEONORA L.

YAMBAO , PhD

INTRODUKSYON

“Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Filipinas, isang pangunahing pagsukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at kaganapan ng wikang pambansa. Hanggang hindi nakabubuo ng isang aklatan ng mga salin mula sa iba‟t ibang katutubong wika ng Filipinas at mula sa mga pangunahing wika ng daigdig, mga saling magtatanghal sa salimuot ng karanasan at kasaysayang bansa at sisinop sa pinakadakilang mga tagumpay ng sangkatauhan, ay hindi maipagmamalaki ang lusog ng Filipino bilang wikang pambansa.” -Almario, 2004

• “ Kung magkakaroon lamang tayo ng isang panitikan na sadyang kumakatawan sa ating pambansang kaisipan, matatagpuan natin ang ating sarili at hindi tayo matatawag na mga „nawawalang kaluluwa sa sariling bayan‟”. - Santiago, 1976

Karanasan ng manunulat

NOBELA

Tagpuan

Kultura

Karanasan ng manunulat

Juan Crisostomo Soto
(27 Enero 1867 – 12 Hulyo 1918)

-A.K.A Crissot
-“Ama na literatura ng Pampanga” -manunulat, makata, mandudula, periodista at rebolusyonaryo

Karanasan ng manunulat

-nagsasalin din siya ng mga
literaturang nasusulat sa wikang Espanyol, ang isa rito ay ang Lovers of Teruel Faust at Nero and the Gladiators -noong 1896, si Soto ay tumulong kay Maximo Hizon sa pagpapalaganap ng mga ideyolohiya ng mga kapampangan.

TAGPUAN

KULTURA

Tulad nang dati, pinagsama-sama sa masayang fiesta sa Culiat ang mga ilaw, musika, bulaklak, iba‟t ibang kasuutan, ingay, saya at kulay. Makikitang lahat ang kabutihan, kagandahan at karangyaan sa kafyestahan nitong bayan ng mga Angelo, Henson, Mesina, at iba pang mga kabataang tubo dito. Ang Culiat ng kasipagan nang araw na iyon ay nagmistulang kopang ginto kung saan inilulan ang libu-libong kislap, liwanag at kulay, kagandahan at kayamanan. Umaagos at lumulutang ang maniningning na kagandahan at kariwasaan sa mga kalye nitong malalapad, malilinis at patag.

Ang mga babae ay nakasuot ng iba’t ibang pinyang pinintahan at pinalamutian ng mga brillantinas. Inihanda ng mga babae ang kanilang mga belo at ipinailalim ito sa kanilang balabal.

Nagsisilabasan na ang mga tao, nagsisipag-unahan sa dalawang pintuan ang mga kalalakihan at bawat lumabas na babae ay kanilan g niyuyukuan. Pagkalampas ng prosesyon, nagyaya nang maghapunan ang may tahanan. Naunang nagsiupo ang mga kababaihan, tulad nang nakagawian dito sa Pampanga, na kahit saang kainan ay pinauunang lagi ang mga kababaihan.

Ang marami sa daan ay ang mga kalalakihang nagsisipagdala ng manok. Silang mabibisyong maagang ipinapasok sa sabungan ang kanilang mga manok, na inaalagaang higit pa sa kanilang mga anak, upang makapagpahinga at masanay sa ingay at sigaw ng mga taong nagsisipagtipon doon. •

LIDIA

Lidia (1907)
 Pinakapopular na nobelang Kapampangan  Naglalaman ng kulturang Kapampangan  Naglalarawan ng Culiat (Angeles City) Sarbey sa mga mag-aaral kung may nakakaalam o nakabasa ng nobelang Lidia

Layunin
Pangungahing layunin ang maisalin ang nobelang “Lidia” na may dalampu’t dalawang kabanata (22) at mataya ang bias ng salinngakda.  Ano ang paraan na akma sa pagsasalin ng nobela?  Ano ang mabisang hakbang sa pagsasalin?  Paanong tinaya ang saling-akda?

HAKBANG SA PAGSASALIN
1.Masusing pagbasa ng orihinal na akda

2.Paggawa ng unang draft
3.Pagbasang muli kaagapay ang orihinal 4. Pagbasang muli nang hindi kaharap ang orihinal 5. Pagbasa nang malakas 6. Pagrebisa

-“Pre-translation” -Salita-sa-salita -Literal

Lacad neng lacad, ena balu nung nuya diquil, nung nuya ume, mengari ya qng metung a saquen a ala nang manibala, lutanglutang ya libutad ning malat a malimbuyu. Lakad nang lakad, hindi niya alam kung saan siya haharap, kung saan siya pupunta, tulad ng sasakyan na wala nang namamahala, lutang-lutang siya sa gitna ng maalat na nagngangalit.

Lakad siya nang lakad, hindi niya alam kung saan haharap, kung saan tutungo. Nagmistula siyang isang abandonadong barkong lulutanglutang sa dagat na nagngangalit.

Gagalgal ya mabilug a katawan… mangaligguig ya. Itang calulu, atin yang 40 grados qng termometro: macacaduan ya qng lagnat!

Nanginginig ang buo niyang katawan…nangangatal siya. Iyong kaawa-awa, mayroong 40 grado sa termometro: nagdidiliryo siya sa lagnat!

Macanian man y Lidia, uling ya ing matang danum queta karela, ing ditac nang nasa, mipacamalan, mipacundanganan ya sabi; at uli na niti, ipasarina ing burina.

Ganyan man si Lidia, dahil siya ang matang tubig doon sa kanila, ang kaunti niyang nasa, napahahalagahan, napakukundanganan ang kanyang salita, at dahil dito, ginagawa niya ang gusto niya.

* Magkaganyan man, dahil si Lidia ang hiyas sa kanilang tahanan, napahahalagahan ang bawat naisin niya at iginagalang ang kanyang salita; kung kaya’t ginagawa niya ang gusto niya.

Y Lidia, eya minapun man quetang benging ita: migculung ya qng silid na.

Si Lidia, hindi man lamang naghapunan nang gabing iyon.

*Hindi man lamang naghapunan nang gabing iyon si Lidia.

Lepitaneng Hector panaquit na canita; ena abata, at ngana:

Nilapitan siya ni Hector pagkakita doon, hindi niya natiis, at sinabi niya:

*Nilapitan siya ni Hector pagkakita sa mga luhang iyon , hindi na niya ito natiis pa, at kanyang sinabi:

Qng misan a bengi, masala yanaman ing bulan, ang bulan a macarungut murin quetang oamisumpanan da, y Lidia, macalucluc ya quetang lele ning auang, qng awang mu namang nung mula misisabing Hector qng misan a bengi.

Isang gabi, maliwanag rin ang buwan, ang buwang nakamasid rin sa pagsusumpaan nila, si Lidia, nakaupo siya doon sa may tabi ng bintana, sa bintana rin kung saan sila nag-uusap ni Hector isang gabi.

*Isang gabing muling maliwanag ang buwang siya ring naging saksi ng kanilang pagsusumpaan, nakaupo si Lidia sa may bintana, kung saan sila nag-usap noon ni Hector.

Ing sugat a iniwa na qng caladua yu
Ang sugat na hiniwa niya sa inyong kaluluwa

*Ang sugat na kanyang nilikha sa inyong kaluluwa

Evalwasyon

Evalwasyon (Almaryo, 1996)
 Pansariling-subok  Pagsangguni sa eksperto  Balik-salin  Subok-pang-unawa  Subok-konsistensi  Hambingang-pagsubok

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful