P. 1
Group 3

Group 3

|Views: 47|Likes:
Published by Ceejhay Cee

More info:

Published by: Ceejhay Cee on Aug 05, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/05/2012

pdf

text

original

Mga Balitang Nalathala sa mga Pahayagan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo simula 2010 - 2012

 Mula sa Pahayagang Abante Tonite
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Snooky, naging stable dahil sa Iglesia Iglesia Ni Cristo, suportado si Yasmien laban kay Baron! Hindi umubra ang Iglesia Iglesia, kay Noynoy? PNOY ‘COOL’ SA INC GATHERING Mapalad ang aming pamilya at salamat po! Relasyon ng Malacañang at Iglesia matatag pa rin Salamat, Ka Erdy PAG-ATRAS SA 5 ARTICLES NG IMPEACHMENT ‘DI KONEKTADO SA INC – TUPAS 10.INC TUMUKOD SA RH BILL 11.PNoy ‘di kabado sa pagkilos ng INC 12.13 toneladang basura iniwang kalat ng INC 13.Metro traffic nagkabuhul-buhol sa INC 14.Erap dismayado sa Iglesia, aasa na lamang sa masa 15.Noy-Mar nagpasalamat sa INC

Abante Tonite

Snooky, naging stable dahil sa Iglesia
(ALLAN DIONES) MAGANDA ang aura ni Snooky Serna nang makausap namin siya sa special screening kamakailan ng Regal flick na Summer Love sa CCP. Ayon sa aktres ay okey siya ngayon, masaya siya at mas at peace ang kanyang buhay. Mas naging stable daw siya nang maging kasapi siya ng Iglesia ni Cristo. Sa ngayon ay nasa Blusang Itim siya ng GMA, tapos ay may guestings siya sa TV5 at may offer daw sa kanya roon na teleserye. Natapos na rin niyang gawin ang dalawang indie films, ang Road to Ampatuan na dinirek ni Jigz Recto at Bangkang Papel na dinirek ni Bong Ramos. Natuwa si Snooky na 30 years after ay napanood niyang muli ang Summer Love kung saan neneng-nene pa sila ng kapanabayan niyang si Maricel Soriano. Tandang-tanda pa raw niya na 15-anyos lang siya nu‟ng time na „yon kaya inosente pa siya at virginal. Puro happy memories daw ang shooting nila ng nasabing pelikula sa Taal, Batangas. Aniya, pangatlong movie niya pa lang ang Summer Love as a teenager. Nagsimula siyang mag-artista nu‟ng 3-anyos pa lang siya. Sa nauna nilang movie ni Maricel na Underage ay sobrang klik na raw silang dalawa. Ang fans nila ang nag-aaway-away. Halos magpatayan daw ang mga ito nu‟ng panahon na „yon, na nagbabatuhan ng pako at kung anu-ano pa. Close daw sila ni Marya at tagapagtanggol niya ito dahil mahiyain siya noong araw. Dahil bagets pa siya roon sa Summer Love, wala pa bang malisya noon si Snooky sa boys kahit pagkaguguwapo ng co-stars nila na sina Gabby Concepcion at William Martinez? “Meron na rin. Kasi, sinagot ko si Albert Martinez habang ginagawa ko „yung Summer Love, eh. First boyfriend ko si Albert! Ha! Ha! Ha!” kikay na sagot ni Cookie. May konek pa rin daw maging ang lovelife nila ni Maricel dahil syota naman nito nu‟ng time na „yon ang kapatid ni Albert na si William.

Iglesia Ni Cristo, suportado si Yasmien laban kay Baron!
JOJO GABINETE

Republic Act 3018 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang bagong kaso na isinampa ni Baron Geisler laban kay Yasmien Kurdi. Ang legal counsel ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan ang nagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman noong Lunes, January 24. Ayon kay Atty. Alentajan, naghahanap siya ng katarungan para sa kanyang kliyente na masyado nang inaapi dahil mga conclusion lamang ang mga pahayag ng mga saksi ni Yasmien sa kaso ng mga unjust vexation at acts of lasciviousness na isinampa ng aktres noong May 2009. Buo ang paniniwala ni Atty. Alentajan na walang kaso laban kay Baron. Hindi sinasadya na nakita namin si Yasmien noong isang araw at tulad ng nakararami, clueless siya sa kaso na iginanti sa kanya ni Baron at ng abogado nito. “Ayoko na siyang isipin, nakakapagod siya!” ang unang sagot ni Yasmien nang tanungin namin tungkol sa problema na ibinigay sa kanya ni Baron bago ito pumasok sa rehabilitation center, pero tiniyak niya na may sagot at aksyon sila ng kanyang legal counsel. Faithful member si Yasmien ng Iglesia Ni Cristo at nabanggit niya na suportado siya ng mga member ng simbahan sa kanyang kaso laban kay Baron. *** Bukod sa kaso nila ni Baron na dinidinig sa municipal trial court ng Bocaue, Bulacan, abala sa pag-aaral si Yasmien dahil sa kanyang dalawang kurso sa college. Graduating na si Yasmien sa kanyang foreign service course at nasa second year na nursing course niya. Hinahangaan si Yasmien dahil sa kanyang desisyon na mag-aral ng nursing para maalagaan niya ang ina sa pagtanda nito.

Hindi umubra ang Iglesia

Malaking panalo para sa administrasyong Aquino ang nangyaring pag-impeach kay Ombudsman Merceditas Gutierrez noong nakaraang Lunes. Hindi inaasahan na aabot sa 212 ang mga kongresista na sumuporta sa impeachment laban kay Gutierrez dahil na rin sa mga balitang umiikot daw ang ilan sa mga matataas na opisyal ng Iglesia ni Cristo (INC) para hikayatin ang ating mga mambabatas na huwag suportahan ang pagpapatalsik kay Gutierrez. Laking gulat na lamang siguro ng mga taga-INC nang makita nilang tila hindi umubra ang kanilang ginawa dahil talagang napakalaki ng pagkapanalo ng tropa ni Pangulong Noynoy Aquino sa Kongreso.

Bakit nga ba nakialam ang INC? Sabi ng ilan sa aking mga malalapit na kaibigan ay may mga hiniling daw ang grupong ito kay PNoy na tila hindi napagbigyan. Dahil daw dito kaya tila nagmaktol ang INC at ninais nilang ipahiya si PNoy sa pamamagitan nang paggamit ng impluwensya nito sa ating mga kongresista. Tama naman ang ginawa ni PNoy na pagtanggi sa mga hiling ng INC dahil alam naman ni PNoy na kahit hindi siya ang sinuportahan ng INC nitong nakaraang halalan ay sigurado na ang kanyang pagkapanalo. Nasanay marahil ang INC sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang lahat ng hilingin nitong puwesto at kontrata sa gobyerno ay naibibigay sa kanila. Sa matuwid na daan ni PNoy ay hindi uubra ang ganitong sistema, kitang-kita naman na talagang sinusubukan ng ating Pangulo na kumuha ng mga magagaling na pinuno para sa ating pamahalaan. Kabilang na riyan sina DILG Sec. Jesse Robredo, DBM Sec. Butch Abad at DOJ Sec. Leila de Lima. Sana sumuporta na lamang ang INC sa mga balakin ni PNoy na sugpuin ay korapsyon at kahirapan sa ating lipunan. Hindi nakakatulong na sinusuportahan pa nila ang isang katulad ni Gutierrez na alam naman nating lahat ay siyang nagiging protektor ng mga kurakot na kakampi ng nakaraang administrasyon.

Isa raw sa mga hiniling ng INC ay gawing permanente na sa kanyang posisyon si DENR Sec. Ramon Paje ngunit si PNoy na mismo ang nagsabi na isang taon lamang si Paje sa posisyon dahil mukhang si dating Congressman Neric Acosta ang kanyang ilalagay bilang DENR Secretary pagkatapos ng “one year election ban”. Kasamahan din namin si Acosta sa Kaya Natin at talagang kilala si Acosta hindi lamang dito sa ating bayan sa larangan ng pagsasaayos at pangangalaga sa ating kalikasan. Noong siya ay nasa kongreso pa ay si Acosta ang siyang gumawa ng batas para siguraduhing mapapanatiling malinis ang hangin at tubig sa ating bayan. Sigurado akong magiging maganda at malaki ang kanyang magagawa sa posisyon kung ilalagay siya rito ni PNoy.

Iglesia, kay Noynoy?
(Rey Marfil/Boyet Jadulco) Bacacay, Albay --- Anumang araw ay ihahayag ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang endorsement sa presidential bid ni Liberal Party (LP) bet Benigno „Noynoy‟ Aquino III. Sa mismong campaign sortie, umikot ang senaryong “done deal” ang suporta o endorsement ng Iglesia Ni Cristo (INC) kay Aquino kung saan maaaring ihayag bago mag-Huwebes subalit tumangging magsalita ang LP bet. Naunang kinumpirma ni Aquino ang pakikipag-meeting sa INC, kasama ang apat pang kapatid na sina Ballsy, Pinky, Biel at Kris kung saan tatlong beses nangyari. Bagama‟t may napili nang kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang INC ayon sa mensaheng natanggap ni Nacionalista Party (NP) standard bearer Manny Villar handa siyang tanggapin ang bagay na ito tulad ng ginawa niyang pagtanggap sa naging desisyon ni Pastor Quiboloy.

PNOY ‘COOL’ SA INC GATHERING

Ipinagkibit lang ng balikat ng kampo ni Pangulong Benigno „Noynoy‟ Aquino III ang patuloy na intriga hinggil sa diumano‟y pagkilos ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang isang malaking puwersa sa likod ng “people‟s support” kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Kahapon ay mabilis na iwinaksi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang mga insinuwasyon at anumang haka-haka sa gagawing pagtitipon ng INC sa Pebrero 28 na gaganapin sa Quirino Grandstand.

Mapalad ang aming pamilya at salamat po!
Arnel Petil

Unang araw ng Setyembre, nagulantang ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo nang kumalat at napa-balita sa mga kaa-nib ng Iglesia Ni Cristo ang pagpanaw ni Kapatid na Eraño “Ka Erdy” Manalo. Bilang isang masiglang kaanib ng INC, ibinalita sa akin ang pagpanaw niya kaya agad akong nalungkot at napaluha sa nasabing balita. Napakalungkot na balitang ito sa pagpanaw ng nakamulatan ko at kinikilala kong tunay at katangitanging spiritual leader ng Pilipinas. Si Ka Erdy ang tangi at nag-iisang spiritual leader na iminulat na relihiyon at itinuro ng aming mga magulang sa akin at sa aking mga kapatid mula ng ako ay magkaisip. Tandang-tanda ko pa ng ikuwento sa akin nang nabubuhay pa ang aking tatay at ng nanay ko na ang aking tiyuhin na siyang nag-akay para mapasok sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Sabi niya makaraan maglayas mula sa probinsya nila sa Bicol napadpad siya sa bayan ng Capaz, Tarlac at nabalitaan ng aking tiyuhin na si Henrico B. Petil at Rodrigo Tortoles ang a-king tatay na nasa Tarlac na nagtatanim ng kamote at nagsasaka kaya agad itong pinapunta sa kanyang trabaho at hinikayat sa loob ng “Construction” ng Iglesia Ni Cristo bilang isang manggagawa o trabahador ng kapilya. Halos buong buhay ng aking mga tiyuhin at aking ama ay inilaan nila ang kanyang lakas sa paggawa ng mga bahay sambahan kasama ang aming buong pa­milya sa mga destino sa iba‟t ibang dako ng Pilipinas. Dahil sa mga aral na itinuro ni Ka Erdy, kahit may karamdaman ay hindi umalis sa kanyang trabaho hanggang sa magretiro ang aking tiyuhin at ang aking ama. Ang isang napakagandang aral at leksyon na itinuro sa pagsamba ni Ka Erdy ay nang ito po ay nabubuhay pa ay may kinalaman sa ugat ng kasamaan ng mundo o kung bakit patuloy ang paglaganap ng mga pagpatay, pagnanakaw, korapsyon at iba pang uri ng kasamaan. Binalangkas at ipinaliwanag ni Ka Erdy, ang ugat ng kasamaan ay ang kasakiman ng tao. Ang nagtutulak sa tao na gumawa ng masama. Katakawan sa kapangyarihan, katakawan sa katanyagan at katakawan sa pera. Ang pagiging sakim at sobrang katakawan ang maglalayo sa tao sa hina-hangad na kaligtasan. Napapanahong aral hindi lamang para sa mga kaanib sa Iglesia kundi maging sa mga tao nga-yon sa gobyerno.

Si Ka Erdy ang tanging religious leader na kahit minsan ay hindi nabahiran ng pagsasamantala sa kapangyarihan at hindi kailanman nasilaw ng pulitika. Ang tanging hinangad ni Ka Erdy ay pangunahan ng buong puso at kaluluwa ang Iglesia tungo sa buhay na walang hanggan. Maraming hula sa Biblia tungkol sa tunay na Iglesia ang natupad habang ito ay nasa ilalim ng pamamahala ni Ka Erdy. Sa panahon ng kanyang pamamahala lumaganap nang husto ang INC na sinimulan ng kanyang ama, ang kinikilala naming sugo sa huling araw na si Kapatid na Felix Y. Manalo. Mula sa silangan (Pilipinas) ang Iglesia Ni Cristo ay nakarating sa Kanluran (Amerika) noong July 27, 1968 sa pangunguna ni Ka Erdy. Sa ngayon, ang Iglesia Ni Cristo ay nakapagtatag na ng 5,400 kapilya sa 90 bansa sa buong mundo at kinaaniban ng 102 lahi ng tao. Kaya mapalad po kami at isa po ang aming angkan na napabilang sa Iglesia Ni Cristo. Kaya buong puso po kaming nagpapasalamat sa inyo Ka Erdy at kasalukuyang namamahalang pangkalahatan na si Ka-patid Eduardo Manalo kaya ipagpapatuloy po namin ang inyong iniwan na pa-nanampalataya hanggang sa aming mga anak.

Relasyon ng Malacañang at Iglesia matatag pa rin
(Eralyn Prado)

Nananatili pa rin umanong maayos ang relasyon sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino III at Iglesia ni Cristo (INC). Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda kaalinsunod na rin sa pagdalo ng karamihan sa mga miyembro ng INC sa isinagawang rally noong nakaraang linggo sa Korte Suprema para suportahan si Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Binigyang-linaw ni Lacierda na sa ngayon ay wala pa namang ipinalabas na pahayag ang liderato ng INC ukol sa posisyon nito sa impeachment. Bukod dito, wala rin namang kumpirmasyon mula sa INC leadership kung may basbas nito ang pagdalo sa rally ng kanilang mga miyembro. Matatandaang nabahiran ng pagdududa ang relasyon ng Palasyo at INC dahil sa pagsang-ayon ni Pangulong Benigno Aquino III sa rekomendasyon ni Justice Secretary Leila de Lima na pagsibak kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula at ang impeachment kung saan ay isa sa prominenteng miyembro ang pinuno ng depensa ni CJ Corona ay si dating Associate Justice Serafin Cuevas.

Salamat, Ka Erdy
Gerry Baja

Madaling-araw ng Martes, unang araw ng Setyembre ng magsimulang lumaganap sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ang pagpanaw ni Kapatid na Erano “Ka Erdy” Manalo. Bilang isang masiglang kaanib ng INC, ako po ay isa sa mga unang nakaalam ng napakalungkot na balitang ito sa pagpanaw ng kinikilala kong tunay at katangi-tanging spiritual leader ng Pilipinas. Si Ka Erdy ang tangi at nag-iisang spiritual leader na ipinakilala ng aming mga magulang sa akin at sa aking mga kapatid mula sa pagkasilang. Bilang isang matandang ministro, maraming hindi malilimutang kuwento tungkol kay Ka Erdy ang aking ama na si Felipe “Ka Peping” Baja. Halos buong buhay ng aking ama ay ibinuhos sa mi-nisteryo kasama ang aming buong pamilya sa mga destino sa iba‟t ibang dako ng Pilipinas. Dahil sa mga aral na itinuro ni Ka Erdy, kahit may karamdaman ay hindi bumitiw sa kanyang tungkulin at hindi pumayag na magretiro ang aking ama. Natatandaan ko pa ang malimit sabihin ng tatay ko na turo ni Ka Erdy: Ang tungkulin sa ministeryo ay hanggang kamatayan. Kaya‟t hanggang sa siya‟y malagutan ng hininga a­nim na taon na ang nakakaraan, hindi naalis sa aking ama ang pagiging ministro ng Iglesia ni Cristo. *** Noong linggo, a-trenta ng Agosto isang araw bago pumanaw si Ka Erdy ay isang napakagandang leksyon sa pagsamba ang kanyang iniutos na ituro sa mga kaa-nib ng INC. Ito po ay may kinalaman sa ugat ng kasamaan ng mundo o kung bakit patuloy ang paglaganap ng mga pagpatay, pagnanakaw, korapsyon at iba pang uri ng kasamaan. Ang sabi sa leksyon na binalangkas ni Ka Erdy, ang ugat ng kasamaan ay ang kasakiman ng tao. Ang nagtutulak sa tao na gumawa ng masama ay ang katakawan. Katakawan sa kapangyarihan, katakawan sa katanyagan at katakawan sa pera. Ang pagiging sakim at sob-rang katakawan ang maglalayo sa tao sa hinahangad na kaligtasan. Napapanahong leksyon hindi lamang para sa mga kaanib sa Iglesia kundi maging sa mga tao ngayon sa gobyerno.

Si Ka Erdy ang tanging religious leader na kahit minsan ay hindi nabahiran ng pagsasamantala sa kapangya-rihan at hindi kailanman nasilaw ng pulitika. Ang tanging hinangad ni Ka Erdy ay pangunahan ng buong puso at kaluluwa ang Iglesia tungo sa buhay na walang hanggan. *** Maraming hula sa Biblia tungkol sa tunay na Iglesia ang natupad habang ito ay nasa ilalim ng pamamahala ni Ka Erdy. Sa panahon ng kanyang pamamahala lumaganap nang husto ang INC na sinimulan ng kanyang ama, ang kinikilala naming sugo sa huling araw na si Kapatid na Felix Y. Manalo. Mula sa silangan (Pilipinas) ang Iglesia ni Cristo ay nakarating sa Kanluran (Amerika) noong July 27, 1968 sa pangunguna ni Ka Erdy. Sa ngayon, ang Iglesia ni Cristo ay nakapagtatag na ng 5,400 lokal sa 90 bansa sa buong mundo at kinaa-niban ng 102 lahi ng tao. Apatnapu‟t anim na taong pinangunahan ni Ka Erdy ang INC hanggang sa ito ay pumanaw sa edad na 84. Kinikilala ng mga kaanib sa Iglesia ang kadakilaan ng puso ni Ka Erdy sa pagpapagal at pagsasakripisyo alang-alang sa aming mga kaluluwa. Salamat Ka Erdy.

PAG-ATRAS SA 5 ARTICLES NG IMPEACHMENT ‘DI KONEKTADO SA INC -- TUPAS
Itinanggi ng House prosecution panel na may kinalaman ang kanilang pag-atras sa natitirang limang articles of impeachment sa isinagawang malakihang Bible exposition ng Iglesia Ni Cristo (INC) kahapon.

Siksikan --- Maging ang istasyon ng LRT sa UN Avenue sa lungsod ng Maynila ay hindi nakaligtas sa masikip na daloy ng trapiko kung saan hanggang kalsada na ang pila ng mga pasahero dahil sa pagdagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na dumalo sa evangelical mission kahapon. (Kevin dela Cruz)

INC TUMUKOD SA RH BILL
Nina Noel Abuel, Bernard Taguinod, Saida Sabiano at Rose Miranda sa kabila ng tahasang pagtutol ng Simbahang Katoliko at ng ilang kongresista ay umani naman ng suporta sa maimpluwensyang Iglesia Ni Cristo (INC) ang isinusulong na kontrobersyal na Reproductive Health bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa sulat na ipinadala ni INC executive minister Eduardo Manalo kay Bili-ran Rep. Rogelio Espina, chairman ng House committee on population and family relations, noong nakalipas na Oktubre 12, ng nakalipas na taon, inihayag ng una ang suporta ng libu-libong miyembro ng INC sa RH bill.

Ipinagtulakan papalabas ng mga security guards ng Citra Metro Manila Tollways ang mga raliyista nang makapasok ang mga ito sa kanilang tanggapan sa Parañaque upang ipakita ang kanilang pagtutol sa gagawing pagtataas ng toll fees ngayong buwan. (Jonas Sulit)

“We are ready to support the bills on Reproductive Health as long as there would be no immoral elements in them,” ayon pa sa sulat ni Manalo. Ngunit agad namang nilinaw ng INC na tutol ang mga ito sa natural family planning method na tinawag nitong immoral. Ipinaliwanag din ni Manalo na naniniwala ang INC na dapat na siguruhin ng mga magulang na mapagkakalooban ng mga ito ng maayos na pamumuhay, pagkain edukasyon at relihiyon ang magiging anak kung kaya‟t suportado ang RH bill. Maliban sa INC, suportado rin ang RH bill ng iba pang religious group tulad ng Jesus Is Lord, National

Council of Chur-ches in the Philippines, Uni-ted Church of Christ of the Philippines, Phi-lippine Council of Evangelical Churches, United Metho-dist Church, Philippine for Jesus Movement, Iglesia Filipino Indepen-diente, Christian and Missionary Alliance Chur-ches of the Philippines, Seventh-Day Adventist, Salvation Army, Catholics for Reproductive Health at Episcopal Church of the Philippines. Ito ang napag-alaman kay House minority leader Edcel Lagman, ang orihinal na nagsusulong sa RH bill matapos ibunyag ang lahat ng mga grupong tumutulong para sa pagpapatibay sa nasabing panukala. Ayon kay Lagman, bukod sa INC at JIL, suportado rin umano ng Protestante at mga Muslim Leaders ang nasabing panukalang batas na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko. Nangangahulugan lamang umano, ayon kay Lagman na halos lahat ng nais na maipasa ang nasabing panukala maliban sa Simbahang Katoliko dahil sa hinala ng mga ito na ang RH bill ay abortion bill. Samantala, iginagalang din umano ng Malacañang ang ulat na maging ang Iglesia Ni Cristo (INC) at iba pang Christian groups ay pabor sa RH bill na nagtutulak sa artipisyal na birth control. Nilinaw naman ng Malacañang na ang sinusuportahan nila ay ang Responsible Parenthood (RP) bill na nagbibigay-kalayaan sa mag-asawang Filipino na pumili kung ano‟ng uri ng family planning method ang gagamitin ng mga ito upang mas maalagaan ang bilang ng kanilang mga anak. Samantala, naging po-sitibo ang dating sa Malacañang kaugnay sa napaulat na ilang pari ang palihim na sumusuporta sa RH bill. Samantala, hindi na ikinagulat ng ilang kongresista ang pag-amin ng ilang matataas na opisyal ng Catholic Bishops‟ Conference of the Philip­pines (CBCP) na ilang pari ang sumusuporta sa kontrobersyal na RH bill.

PNoy ‘di kabado sa pagkilos ng INC
(Eralyn Prado)

“Wala akong ginaga­wang mali para ako‟y ka­bahan.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Benigno „Noynoy‟ Aquino III sa sinasabing nilulutong ma­lakihang pagtitipon ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang pagpapakita umano ng kanilang suporta kay Chief Justice Renato Corona.

Paglilinaw ng Pangulo, sa kanyang pagkakaalam ito‟y isang regular religious activity na ginagawa ng INC at ito‟y binibigyan lamang ng kulay pulitika ng ilang mga walang magawa.

“So it is... „yung ka­nilang regular religious activity binibigyan ng political color. So inuulit ko, marami talagang pagsasamantala. Eto siguro ay media war at saka spin war,” ayon pa sa Pangulo.

Ngunit ayon pa sa Pa­ngulo na walang dahilan upang siya‟y mabahala o kabahan sa mga sinasabing pagkilos dahil wala naman umano siyang ginaga-wang mali.

“Bakit ho ba tayo kaka­bahan? Wala ho tayong ginagawang mali,” ayon pa sa Pangulo.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Deputy Presi-dential Spokesperson Abigail Valte ang balitang may pinakikilos na umano ang Malacañang na mga Local Government Units (LGUs) para pangunahan ang anti-Corona rallies na bahagi na rin ng people power kontra kay Corona.

13 toneladang basura iniwang kalat ng INC
(Juliet de Loza)

May 13 toneladang ba-sura ang nakolekta ng Department of Public Service (DPS) ng Manila City Hall, pagkatapos ng Grand Evangelical Mission, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ang nabatid kay DPS chief ret. Col. Carlos Baltazar, matapos magpakalat ng may 100 street swee-per sa lugar para magtrabaho ng dalawang shift sa pangu-nguha ng basura ng INC.

Nabatid sa mga nagwawalis na hindi nagpabanggit ng pangalan, ordinaryong nakakakuha sila ng isang toneladang basura sa lugar kada araw pero umabot sa 13 tonelada ang nakolek-tang basura matapos ang evangelical mission ng INC.

Ayon kay Baltazar para maging mabilis ang trabaho ay ginamit na rin ang mga sweepers ng Leonel Waste Management ang garbage contractor ng city hall.

Nalaman na alas-11:00 pa lamang ng gabi bago ang Bible mission ng INC ay ikinalat na ang mga sweepers at nang makauwi ang mga miyembro ng INC ay natapos ang paglilinis ng mga sweepers dakong alas-11:00 ng umaga sa Luneta.

Metro traffic nagkabuhul-buhol sa INC
(Juliet de Loza/Armida Rico/Aries Cano/Boyet Jadulco)

Pumalo sa halos 600,000 mga miyembro ng maimpluwensyang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang dumagsa sa Quirino Grandstand sa Maynila para makiisa sa kanilang evangelical mission kahapon. Ang nasabing bilang ay base sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) - National Operations Center (NOC) hanggang alas-6:30 kagabi. Ayon sa Manila Police District-District Tactic and Operation (DTOC) alas-5:17 ng hapon ng magdagsaan ang bultu-bultong mga miyembro ng INC kasabay ng pagsisimula ng programa ganap na alas-singko ng hapon dahilan para lalong tumindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pa-ngunahing lugar sa Maynila. Napag-alamang bukod sa daang libong mga INC na dumagsa ay nakapagpasikip din sa mga pangunahing kalye sa Maynila hanggang sa Pasay ang mga pampasaherong bus at jeep na inarkila ng INC para sakyan ng kanilang mga miyembrong dumalo sa bible exposition. Sinasabing umabot hanggang sa Macapagal A-venue sa Pasay City ang trapiko kaya‟t libu-libong mga pasahero ang na-stranded at mga motorista ang naipit ng mahabang oras sa kalye dahil sa pagka-kabuhulbuhol ng mga sasakyan. Sinabi naman ni MPD Director Chief Supt. Alex Gutierrez na sa kabuuan ay naging matiwasay ang pagtitipon ng INC. Samantala, taliwas sa balitang pagpapakita ng puwersa ng INC kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na nahaharap ngayon sa impeachment ang pagtitipon ay hindi nabahiran ng pulitika ang grand evangelical mission. May mga dumalong personalidad pero ang mga ina-asahang sina CJ Corona at Pangulong Benigno „Noynoy‟ Aquino III ay hindi pumunta sa religious event upang hindi umano mahaluan ng pulitika ang pagdiriwang. Samantala, nauna nang sinabi sa isang panayam ng INC Lay leader na si Moises Tolentino na posibleng matalakay ang ilang social issues pero hindi na ito nagkaroon ng katuparan dahil tumutok na lamang sa pagpapahayag ng salita ng Diyos ang pagtitipon. Para naman kay Senate President Juan Ponce Enrile, walang dapat ikabahala ang Malacañang sa ipinakitang puwersa ng INC sa kanilang religious rally. Inamin naman ng Senate President na posibleng sakyan ito ng ibang partido para haluan ng kulay pulitika ang religious rally, lalo pa‟t nasa kalagitnaan na ang paglilitis ng kaso ni Corona.

Erap dismayado sa Iglesia, aasa na lamang sa masa
(Bernard Taguinod) Bagama‟t iginagalang ang posisyon ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Liberal Party (LP) standard bearer Benigno „Noynoy‟ Aquino III ang inendorso sa May 10 elections, aminado si dating Pangulong Joseph „Erap‟ Estrada na nasorpresa ito sa desisyon ng nasabing religious group. “Nagulat lang ako, but I still respect their decision. I respect them,” reaksyon ni Estrada dahil sa kaunaunahang pagkakataon ay hindi siya binitbit ng INC na mayroong milyun-mil-yong solid votes. Sa kabila ng kabiguang natamo sa INC, mataas pa rin ang tiwala ni Estrada na siya ang iboboto ng karamihang Filipino sa araw ng halalan batay na rin sa pagtuloy na pagsirit ng kanyang pangalan sa mga pre-election surveys. Ayon pa kay Atty. Ralph Calinisan, spokesman ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), malinaw sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na hindi kaila-nman iniwan ng mahihirap na Filipino ang tinuturing nilang „Ama ng Masa‟. Bukod sa SWS survey, lumabas din sa dalawa pang pre-election surveys ng Partido Magdalo at ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong isang buwan na tuluyan nang iniwan ni Erap si Nacio-nalista Party (NP) standard bearer Sen. Manuel Villar at patuloy ang pagdikit nito kay Noynoy.

Noy-Mar nagpasalamat sa INC
(Rey Marfil) Katulad ng inaasa-han, abot-langit ang pasasa-lamat ni Liberal Party (LP) presidential bet Benigno „Noynoy‟ Aquino III sa kapatiran ng Iglesia Ni Cristo (INC) matapos makuha ang suporta nito. Ayon kay Aquino, na-pakalaking bentahe sa kanyang presidential bid, ma-ging kay vice presidential bet Manuel „Mar‟ Roxas II ang endorsement ng INC. Unang pinasalamatan ni Aquino si INC Minister Ka Eduardo Manalo dahil ipinagkatiwala sa kanilang tambalan ni Roxas ang buong suporta ng kapatiran. “Napag-alaman namin kaninang umaga na sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo, ang tambalang Noynoy at Mar ang siya nitong inendorso. Lubos po kaming nagpapasalamat sa kapatiran ng Iglesia Ni Cristo, lalong higit sa kanilang Punong Tagapamahala, kay Ka Eduardo Manalo sa tiwalang ipinag-kaloob nila sa amin,” ani Aquino. Bilang tugon sa suporta, ipinangako ni Aquino na makakaasa ng matinong liderato kapag nanalo at pagiingatan ang pagtitiwalang ipinagkaloob nito. Bukod kina Aquino at Roxas, sinuportahan din ng INC ang senatorial candidates na sina Franklin Dri-lon, Ralph Recto, Ruffy Bia-zon, TG Guingona III ng LP; Pia Caye-tano, Bongbong Marcos at Miriam Defensor-Santiago ng Nacionalista Party (NP) at Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Ito po ang mga nakalap naming mga balita na nalathala sa pahayagan tunkol sa Iglesia Ni Cristo. Halos lahat ng mga tao ay nabibilib sa kaisahang nasasaksihan nila sa atin na mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Sa pag boto man o kaya‟y sa pagsasagawa ng mga pagtitipon katulad ng malaking pamamahayag o “ Grand Evangelical Mission “ ngunit mayroon din naming mga tao na puro paninira ang kanilang ibinabato sa INC, siguro ito ay dahil sa kanilang inggit sa nakikita nilang kaisahan ng mga kaanib sa INC na hindi matutularan ng sinumang organisasyon na nakatatag ditto sa lupa ngayon. Ang Iglesia Ni Cristo ay may patnubay ng Panginoong Diyos kaya tayo ay nagtatagumpay sa mga gawain na inilulunsad ng Pamamahala, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.

March 19, 2012 College of Evangelical Ministry New Era University

Mga Balitang Nalathala sa mga Pahayagan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo simula 2010 – 2012

Submitted by: Group 3 – Dyornalistik na Pagsulat Oliver Wendel Luzara Mark Edward Manangkil Ryan Mark Javier Mark Noel Macasero

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->