Prayer Rally: Short Speech on the Sex Ed Provision of RH Bill

 Magandang hapon sa inyong lahat, mga kapatid!

 Ako ay isang maybahay, ina, guro, mangagamot at sikolohista.

 Mahigit na dalawampung taon na po ako nagtuturo sa mga magulang kung paano kausapin ang kanilang mga anak tungkol sa sex na tama ang mensahe at tama ang paraan ayon sa gabay ng Simbahan at mga prinsipyo ng edukasyon.

 Ang simbahan ay hindi po kontra na turuan ang kabataan tungkol sa sex kung ito ay ginagawa sa tamang edad ng bata, tamang paraan, at may tamang mensahe.

1

 Ang classroom sex education na binabatas ng RH bill ay hindi po tama.

 Base sa totoong layunin ng bill na ito, madaling hulaan na ang maging paksa ng curriculum nito ay population control, pag-gamit ng kontraseptibo, at ang mga tinatatawag ng Reproductive Health Rights, na unti unting inaalis ang mabuting impluwensya ng mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak. Halimbawa, kasali sa Reproductive Health Rights na ang isang teen ager ay may karapatang humingi sa health center o sa doktor ng kontraseptibo na walang pakialam ang magulang. Gusto ba natin ang mga ganitong leksyon?

 At sa pagsuri ko nga ng mga lesson plans ng pilot sex ed classes ng Dep-ed, ito nga ang laman ng mga leksyon.

2

 Yung sex ed na itinutulak ng RH bill ay hindi ituturo ang dangal ng bawat tao bilang imahen ng Diyos. Hindi ituturo nito ang kabanalan ng sex. Hindi ituturo nito ang kakayahan ng tao na pagtagumpayin ang hatak ng senswal.

 Ituturo lang nito kung paano umiwas ng pagkabuntis at umiwas ng magka STD sa pag sex.

 Sa mga nakita kong lesson plans, may mga paksa din naman na parang ok lang. “Aba,” sasabihin ng magulang na walang kamalay-malay, “ mahusay naman pala itong sex education na binibigay nila”.  Ihahambing ko po ito sa paghanda at pagsilbi ng pagkain:

 Maaring lagyan ng masasarap at mga pampapalusog na sangkap ang ulam, o palagay mo sandwich – maaring lagyan ng masasarap na
3

palaman - ngunit kung haluan mo ito ng ano mang bulok na, kahit nga isang bagay lang na sira na, ang buong putahe, ang buong sandwich, ay masama na sa kalusugan. Ito ay walang kwenta na, dapat itapon na.  Ang sex ed ng RH bill ay maling sex ed, maraming nakahalong bulok na mga turo. Maraming lason ang laman, mali pa ang paraan.  Sabi ng mga backer nito, ito raw ay para maprotektahan ang mga kabataan sa mga sex abuse, sex violence at sex crimes, at para mabawasan ang pagbuntis bago pakasal, at mabawasan pati ang STD. Ang tanong ko: bakit sa mga bansang matagal nang may classroom sex education, base sa mga consepto ng Reproductive Health, ay dumadami pa lalo ang sex crimes, premarital sex, STD at abortion?  Nakikita na natin na hindi naging sagot ang classroom sex education sa mga problemang ito sa
4

mga bansang ibig gayahin ng mga backer ng RH bill.  Sa totoo lang, para sa akin, ang probisyon ng RH bill, na dapat may classroom sex education, ang pinakakatakot at pinakamalubhang problema sa bill na ito.  Ang magiging epekto kasi nito ay ang pagsisira ng pinakamahalagang asal at moralidad ng ating kultura.  Unti unti, ang ating mga kabataan at mga sumusunod na henerasyon ay ihahanda nilang maging bukas ang kaisipan sa ano mang turo – kahit mali - upang madali nilang tanggapin ang mga masasama at hindi makatotohanang paniwala tungkol sa sex.  Huwag po tayong pumayag na sirain ng maling sex education ang ang mga kabataan at ang moralidad ng ating bansa. Huwag po tayong pumayag sa RH bill ! Salamat po!
5

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful