P. 1
News

News

|Views: 9|Likes:
Published by Krizza Marie Bati
aaaaaaaaaa
aaaaaaaaaa

More info:

Published by: Krizza Marie Bati on Aug 11, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/11/2012

pdf

text

original

Pagpapabalik ng mga barko ng PHL sa Panatag Shoal, paguusapan ng 5 ahensya

Mandy Fernandez /LBG, GMA News Pag-aaralan ng limang ahensya ng gobyerno kung kinakailangan pa ang redeployment ng mga barko ng pamahalaan sa pinag-aagawang Panatag (Scarborough) Shoal, ayon sa Malacañang nitong Linggo. Kasama na sa limang ahensya ang Office of the President, ayong kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa panayam ng dzRB radio. Iginiit din ni Valte na walang kinalaman sa standoff ng Pilipinas at China ang utos ni Pangulong Benigno Aquino III na umalis muna ang mga barko ng Pilipinas sa lugar. “The reason for the pullout was to make sure the Coast Guard and Bureau of Fisheries and

Aquatic Resources personnel will not be in danger. There‟s nothing else to that but the safety of PCG and BFAR personnel,” ayon kay Valte.
Noong Biyernes ng gabi, inatasan ni Aquino ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na lisanin muna ang Panatag Shoal dahil sa masamang panahon dulot ng bayong "Butchoy" (Guchol). Ayon sa Department of Foreign Affairs, magsasagawa ng reevaluation sa sitywasyon sa oras na gaganda na ang panahon sa lugar. Ayon kay Valte, ang mga ahensyang tatalakay sa usapin ng redeployment ay:

- ang Office of the President - Department of Foreign Affairs - Department of National Defense - Armed Forces of the Philippines - Philippine Coast Guard Nang tanungin kung anong partikular na usapin ang kanilang tatalakayin, sinabi ni Valte, "It is something we will have to refer to the Department of Foreign Affairs.” “[The talking points] will also depend on what sort of presence you need in that area. It‟s not aniya.

the only part of our coastline we need to be monitoring. Once the weather improves according to Secretary of Foreign Affairs Albert del Rosario, there will be a reevaluation of the situation,"

Samantala. ang shoal ay napapaloob sa 200-nautical-mile exclusive zone ng Pilipinas. Ayon sa China. inihayag ni Valte na inaasahan din ng Pilipinas na alisin ng China ang kanilang mga barko doon dahil. GMA News Maaapektuhan ang mga kolehiyo at pamantasan sa bansa sa pagpapatupad ng Department of Education ng programang K+12. pamantasan. ang Panatag Shoal ay 470 mula sa Hainan province ng China. bahagi ang shoal (na tinatawag nilang Huangyan Island) ng kanilang teritoryo. DepEd Secretary Armin Luistro explains the effects of the K+12 basic education program on college enrollment. FSC. Ngunit bago pa man maganap ang panghuhuli ng mga tauhan ng Navy lulan ng BRP Gregorio del Pilar. Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). . Matagal na itong kinokonsidera ng Pilipinas na bahagi ng kanyang teritoryo at tinatawag itong Bajo de Masiloc dahil ito ay bahagi umano ng bayan ng Masinloc sa probinsya ng Zambales. Nagsimula ang pinakahuling alitan ng China at Pilipinas noong Abril 10 kung kailan tinangka ng mga tauhan Philippine Navy na huliin ang walong Chinese fishing boats na umano'y ilegal na nangisda at nanguha ng endangered marine species sa Panatag Shoal.Samantala. that‟s what we‟re waiting for." ani Luistro sa panayam ng GMA News Online sa pagtatapos ng Centennial Celebration ng De La Salle University noong Biyernes. ito ang dapat na gawin ng Beijing. "Definitely. naniniwala pa rin ang China na pagmamay-ari nila ang Panatag Shoal. Armin Luistro. maaaring maapektuhan ang bilang ng enrollment ng mga kolehiyo at pamantasan ng bagong basic education program. Sa kabila ng pagiging signatory nito sa UNCLOS. dahil nauna umano itong nadiskubre noong 13th century sa panahon ng Yuan Dynasty. “Secretary Del Rosario already said there‟s an arrangement to that effect. ayon kay Del Rosario. Ito'y matatagpuan 124 nautical miles mula sa western Luzon coast. humarang ang dalawang Chinese marine vessels. Ayon kay Lusitro. Dito na nagsimula ang standoff. maaapektuhan ng K+12 Roehl Niño Bautista.” aniya. there will still be an effect in terms of enrollment figures for the School Years 20162017 and 2017-2018. — DepEd chief: Enrollment sa kolehiyo. ayon kay DepEd Secretary Br.

aniya. magiging anim na taon sa elementarya. Inaasahang makatutulong ang dagdag na dalawang taon sa senior high school ay maghahanda sa mga mag-aaral para sa paghahanap ng trabaho. bilang pagbibigay linaw sa mga naglabasang espekulasyon na tinutulugan ng PNP ang kaso. Supt. "For example. at dalawang taon para sa senior years.Ipinag-utos na kahapon ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagdismis sa 11 opisyal ng pulisya at pagsuspinde sa anim na iba pa kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang pagbili ng tatlong Robinson R44 Raven helicopter noong 2009 na overprice umano ng mahigit P104 milyon. Ipatutupad ng ilang mga kolehiyo at pamantasan ang senior high school program na magsisilbing Grade 11 at Grade 12 o dagdag na dalawang taon ng mga mag-aaral. Sa halip ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school.Ngunit. apat na taon sa junior high school. the two or three models on how to mitigate the effects of the decline of freshmen entrance in the School Year 2016-2017 come from the colleges themselves. Senior High School Program Samantala.. Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesman Sr. na nagdaragdag ng dalawa pang taon sa kasalakuyang 10-taong basic education program. kasalakuyan namang tumutulong na rin ang Commission on Higher Education (CHED) upang gumawa ng panibagong curriculum sa kolehiyo na nakabatay sa K+12 program. Kinder 2 at Grade 7 sa kanilang curriculum. Generoso Cerbo Jr. inihayag ng DepEd na handa na itong ipatupad ang programang K+12. "[the K+12 program] will not result in zero enrollment because of the private schools and those with two years pre-school and grade 7. "One of which is for them to start their own senior high school program." dagdag niya. . Pinalabas na mga bago pero segunda mano ang dalawa sa chopper. Para sa ilang mga pribadong paaralan na mayroon nang Kinder 1. makapapasok na agad ang kanilang mga graduates sa basin education sa kolehiyo at hindi na kinakailangang kumuha ng dagdag na dalawang taon sa high school. the University of Makati which had started Senior High School and had consequently revised its curriculum. Noong nakaraang taon." paliwanag niya. Philippines ." aniya. "In fact." ayon sa kanya. — 11 PNP officer’s sibak! Ni Joy Cantos Manila.

Edgar Paatan. Ermilando Villafuerte. 2012. Job Nolan Antonio. 17. Linda Padojinog. 2012 at Supt. Sinampahan na ng Ombudsman ng kasong graft and corruption sa Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo kaugnay ng kontrobersyal na chopper scam. Mansue Lukban. nagretiro noong Peb. SPO1 Avensuel Dy at Non-Uniform Personnel (NUP) Ruben Gongona. SPO3 Jorge Gabiana. Jeffrey Antonio at Orlan De Leon. Ginagamot rin sa nabanggit na ospital si Criss Ryan Garcia. Sr. 13. 3 binatilyo niratrat ng 3 lasing na parak Ni Lordeth Bonilla MANILA.. Supt. . Supt. na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center. naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa Progreso St. Supt. Edwin Chavarria at Edwin Maranan. Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.. NUPs Emilia Aliling.. tinanggalan ng retirement benefits at diskuwalipikado ring magtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno sina Chief Supt. sanhi ng tama ng bala sa mukha at si Mark Kevin Lintag. Supt. 2. SPO4 Ma. Pinaghahanap naman ng Caloocan City Police ang mga suspek na sina PO1‟s Jelson Eugenio. na nagretiro noong Marso 16.Sinabi ni Cerbo na ang pagpapataw ng kaparusahan sa nasabing mga opisyal ay bilang tugon sa resolusyong isinumite ng Ombudsman noong Mayo 30. 17. Supt. Sr. P/Director George Piano. Binawasan naman ng halos isang taong suweldo ang payment ng mga „accumulative leave credits‟ at pagtatanggal sa retirement benefits at hindi na rin mabibigyan pa ng pagkakataon na magserbisyo sa tanggapan ng gobyerno alinsunod sa inilabas na resolusyon ng Ombudsman noong Mayo 30 sina dating P/Director Leocadio Santiago Jr. Pinatawan naman ng anim na buwang pagkakasuspinde epektibo Hunyo 15 hanggang Disyembre 15 ng taong ito sina Sr.Patay ang isang binatilyo at nasa kritikal naman na kondisyon ang dalawa pa matapos na pagbabarilin ang mga ito ng tatlong lasing na bagitong pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Luis Saligumba. ng Pag-asa St. Sa inisyal na pagsisiyasat ng Caloocan City Police. Epektibo nitong Hunyo 15 ay dinismis sa serbisyo. Sr. Supt. Chief Supt. Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si James Pagar. 2012. nagretiro noong Abril 8. PO3 Dionisio Jimenez. Claudio Gaspar Jr. Joel Crisostomo Garcia. Josefina Recometa. Chief Inspector Ma. 2012. Philippines . 2012 na inaprubahan noong Hunyo 1. Herold Ubalde. Bagong Barrio. Roman Loreto.

Nabatid na unang hinahabol ng putok ng mga suspek si Lintag sa nabanggit na lugar hanggang sa maabutan sa isang tindahan. Subalit nangangamba naman ang tanggapan.Inaasahan na sa susunod na linggo ay tuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo nito sa world market. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. na tinatayang may kabuuang P7.77 kada litro para sa gasolina at P7. Rollback uli sa petrolyo. Krus. Ayon sa Department of Energy (DoE). Nabatid na ito na ang ika-11 rollback na naitala. kung patuloy aniya ang kaayusan sa mga lugar na tinaguriang oil producing countries ay inaasahan na magpapatuloy ang pagpababa ng presyo ng langis sa bansa. Philippines .Gusto ng isang kongresista na ipagbawal ang paglalagay ng mga krus at santo sa mga ahensya ng gobyerno maging ang pagdaraos ng mga misa o anumang seremonya ng anumang relihiyon. Sunod-sunod na putok pa rin ang pinakawalan ng mga suspek kung saan nadamay si Pagar na nagpapa-load at si Garcia na bumibili lamang ng burger sa tindahan. Nabatid na bago ang insidente ay nakitang nag-iinuman ang mga suspek sa nabanggit na lugar.06 kada litro naman para sa krudo nabawas na presyo ng naturang mga produkto. dahil kung mabilis ang rollback sa presyo ng langis ay mabilis din ang pagtaas nito. Matapos ang insidente ay dinala ng mga suspek ang mga biktima sa MCU bago nag-alisan kung saan inilipat sa JRMMC si Lintag. Raymond Palatino dahil nakasaad sa Konstitusyon na wala dapat binibigyan ng pabor na relihiyon ang gobyerno kaya dapat ipagbawal ang pagdaraos ng religious ceremonies at religious symbol sa mga ahensya nito. santo sa gov't offices gustong ibawal Ni Butch Quejada Manila. inaasahan next week Ni Lordeth Bonilla MANILA. Philippines . Naghain ng panukala si Kabataan party-list Rep. .

Maging ang pagdarasal bago ang isang pagpupulong o pagdinig ng korte o pagkatapos ng flag ceremony ay nais ring ipagbawal ni Palatino. . “The State cannot be seen to favor one religion over the other. Hindi raw dapat mapaboran ang isang relihiyon dahil nakararami sila sa isang ahensya ng pamahalaan. bawal na magdaos ng misa kahit pa ito para sa patay at maging ang pagdadala ng Bibliya o Koran sa anumang tanggapan ng pamahalaan. in allowing the prominent conduct and display of religious ceremonies and symbols. respectively.Napag-alaman na kapag naisabatas ang panukala.” sabi ni Palatino sa kanyang House bill 6330. in public offices and property.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->