You are on page 1of 5

Gillian Wyn E.

Amba

III-Lithium

Filipino 3

Sino si Jose Rizal sa Buhay ko Ngayon?

Pag sinabi kong Jose Rizal, ano ang unang salita ang maiisip ninyo? Pambansang Bayani, modelong estudyante, ulirang kapatid at anak, doktor, artist, isportsman, writer, teacher, chickboy, piso, at ibat iba pang pangalan. Ilan lamang ito sa mga bagay at katawagan na nakilala si Rizal. Ako, ang una ko talagang naisip ay ang barya na kung tawagin ay piso. Sikat na sikat siya sa amin noon kasi dahil sa kanya, nabibili talaga naming ang aming mga paboritong pagkain sa tindahan gaya ng lollipop, chippee, hot na hot, safari at muncher, at marami pang iba. Pero nung pumasok na ako ng elementarya, doon ko na natuklasan na napakasikat talaga ng taong nasa piso ko. Akalain mo bang lahat ng mga klasrum sa paaralan namin ay mayroon talagang pinapaskil na mukha ni Jose Rizal. Para sa akin, ang Pilipinong hindi nakakakilala kay Jose Rizal ay hindi talaga lubusang matatawag na Pilipino. Pero sino ba talaga itong si Jose Rizal? Ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861 ang ikapito at ikalawang lalaking anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda na si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos sa Calamba, Laguna. Kilala siya at tinatawag siya sa pangalang Pepe.

Natuto siyang bumasa sa edad na lima at nakapagsulat na ng tula, Sa Aking mga Kabata, sa edad na walo. Nagtapos sa Ateneo ng excellente at nag-aral sa UST. Dumaan muna siya sa ibat ibang pagsubok at masasakit na pangyayari, gaya ng mga panunukso at pagmamaliit dahil sa kanyang kataasan, bago siya naging isang doktor, manunulat, magsasaka, pintor, iskulptor, inhinyero, arkitekto, guro, mapagmahal sa mga magulang at marami pang ibang abilidad at katangian na kanyang taglay kaya siya hinangaan ng marami. Nagpunta lang talaga siya ng Europa para lang mag-aral ng Kastila. Para sa kanya, napakahalaga ng edukasyon kaya nagtiis talaga siyang nag-aral sa ibang bansa upang matuto. Binuo niya ang La Liga Filipina para magrebelde, tungkol sa maling pamamalakad ng gobyerno, sa pamamagitan mapayapang paraan at hindi sa paghihimagsik. Tinanggihan pa nga niya ang alok na sumali sa Katipunan kasi alam na niyang hindi magtatagumpay ang paghihimagsik. Hindi man siya sumali sa Katipunan, pero lumaban din siya sa kanyang sariling paraan na alam niyang tama. Ang lahat ng mga nagawa ni Rizal ay naglaho nang siya ay dinakip at ipinatapon sa Dapitan. At bago pinatay si Jose Rizal, nagsulat siya ng liham na pinamagatang Mi Ultimo Adios para sa kanyang kapatid na si Trinidad. Noong ika-30 ng Disyembre, 1860, si Jose Rizal ay binaril sa Bagumbayan. At ang kanyang mga huling salita ay Consummatum Est, ibig sabihin ay Naganap na. Naganap na ang inaasahan ni Rizal. Sino ba si Jose Rizal sa buhay ko ngayon? Sa karamihan, bantog siya at itinuturing bayani at martir na tinitingala ng mga Pilipino at maging ng mga dayuhan. Masasabi nating pinapahalagahan talaga siya sapagkat mayroon

talagang mga librong isinulat na tungkol lang talaga sa kanya, pinag-aaralan at ipinakikilala na talaga siya sa atin simula pa nung tayoy mga musmos na bata pa, at hanggang naging asignatura na ito sa kolehiyo. Bilang isang bayani, ipinaglaban niya ang karapatan ng mga Pilipino upang tayo ay maging malaya. Ngunit kahit ganito siya katanyag sa ating bansa, hindi talaga siya lubusang tinanggap ng mga Pilipino dahil sa mga kontrabersya at mga isyu na nangyari noong buhay pa siya. Isa na rito ang pagiging pagka-chickboy niya at pagkaroon ng mga anak sa iba-ibang babae. Sa totoo lang, hindi ko talaga naisip si Jose Rizal na maging paboritong bayani ko at ng karamihan. Ang alam ko lang, noong nasa elementarya pa ako, siya ang sikat at kinikilala ng lahat kaya kung tinatanong ako kung sino ang paborito kong bayani, sagot koy palaging Jose Rizal. Pero naglipas ang mga taon at marami ang nangyari at isa na rito ang unti-unti kong paghanga sa kanya. Hinangaan ko talaga siya dahil sa kanyang mga angking abilidad at talento. Ang ilang mga kasabihan niya na minsay ating pinaniwalaan, gaya ng Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda at Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, ay nagpapahiwatig na mahal talaga ni Rizal ang ating bayan ano man ang mangyari. Mas humanga pa talaga ako sa kanya nung pinag-aralan namin ang kanyang dalawang sikat na mga nobela na Noli me Tangere at El Filibusterismo. Napakahusay niya upang maisulat ang mga nobelang ito. Nailarawan talaga niya ang tunay na nagaganap sa ating bansa sa pamamagitan ng mga ito. Nabighani talaga ako sa kanyang mga likha dahil sa ikinumpara niya ang mga ito sa kanyang buhay; tilang isang propesiya na ginawa niya para may script ang buhay niya, parang

siya na mismo ang nagtakda sa kanyang buhay; at ang pinakamasakit na parte ay tinakda niya itong ibuwis para sa ating bayan, para sa lahat. Napakarami talaga akong natunan mula sa kanya na napakaimportante at talagang nagdulot ng malaking pagbabago sa aking sarili. Isa na rito ang huwag paggamit ng mga dahas sa kabila ng mga pangyayari at mga bagay na nananakit sa atin. Kailangang kainin natin ang ating galit at huwag na lamang magpadala sa ating mga nadarama. Hinangaan ko talaga siya dahil sa kanyang mga prinsipyo sa buhay. Kung paano niya ito itinataguyod, kung paano niya hinaharap ang bawat problema at pagsubok na nagpatatag sa kanyang pagkatao. Ni walang isang superhero ang makakalagpas at papalag sa kanyang katapangan at lubos na pagmamahal sa bayan. Kung ang tanging nakikita ninyo ay ang Rizal na isang rebulto na lamang o naging dekorasyon na lang sa plaza, isang tao na mula lang sa kahapon, pwes ako, hindi. Kahit na hindi ko talaga siya paborito dahil mas nagustuhan ko yung mga naghihimagsik na handa ring magbuwis ng kanilang buhay at yung mga nagsayang ng dugo, naging malaking bahagi pa rin si Jose Rizal sa kasaysayan nating mga Pilipino. Kahit marami ang hindi talaga sumang-ayon na Pambansang Bayani si Rizal, hindi parin natin maitatanggi na malaki ang kanyang naitulong sa pagbabago ng ating bansa at sa ating tinatamasa ngayon. Parte o bahagi na talaga siya ng ating mga buhay magpakailanman, sa ating dugo at kaluluwa.

Nagpakamatay lang siya para buhayin o pukawin ang mga karamihang natutulog na mga puso at isipan ng mga tao sa bansa. Kung hindi sa kanya, marahil isa pa ring alipin ang Pilipinas hanggang ngayon. Si Jose Protacio Rizal y Alonzo Realonda ang bayani ng mga Pilipino.

You might also like