You are on page 1of 1

Nalilito ba sa gamit ng 'ng' at 'nang'? Ito ang mga tutunin sa paggamit ng 'nang': (1) Kasingkahulugan ng 'nong'. (Hal.

, Nang umagang iyon ay nagkasakit si Pedro.) (2) Kasingkahulugan ng 'upang' at 'para'. (Dapat dalhin sa ospital si Pedro nang magamot.) (3) Bilang pinagsamang 'na' at 'ng'. (Sobra nang hirap ang inabot ni Pedro.) (4) Nagsasabi ng paraan o sukat. (Namayat nang todo si Pedro sa sakit.) (5) Bilang pang-angkop ng inuulit na salita. (Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.) Ang hindi sakop ng limang tuntunin ay nangangahulugang dapat gamitan ng 'ng'. (Hango mula sa "Mag-NG at hindi mag-NANG?" ni Virgilio S. Almario sa librong "Fi lipino ng mga Filipino", inilathala 2009.)

You might also like