You are on page 1of 5

Unibersidad ng Santo Tomas Fakultad ng Parmasiya Espaa, Maynila A.Y.

2011 - 2012

Antifungal Activity ng Lemongrass Extract (Mungkahing Pananaliksik)

Bilang bahagi ng pangngailangan sa kursong Filipino II sa pamamatnubay ni Gng. Teresita Meer, Ph.D.

Inihanda ng Pangkat IV (1A Pharmacy) Sa pamumuno ni Bautista, Timothy John S. At sa tulong ng kanyang mga miyembro de Leon, Quennie Fae F. Francia, Anescia Belle N. Manzano, Aylah Angelie D. Quimio, Reuben Leo M. Santos, Kenneth David R. Velasquez, Zarita F.

Marso 2012

Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang isang masiglang tao ay may kakayahang makaiwas sa sakit. Ang kanyang katawan at utak ay magkaugnay na pinagkukunan ng benepisyo upang makakilos (Shryock, 1990). May mga parasitic fungi na karaniwang nakapamiminsala sa ating katawan. Madalas itong nakikita hindi lang sa mga paa, kung hindi maging sa mga kamay. Ilan sa mga ito ay ang athletes foot (alipunga), ringworm infection (buni), tinea infection (an-an) at jock itch o hadhad. Karaniwan, ito ay nakukuha sa maruruming mga bagay o lugar na pinamumugaran ng mga fungi at bacteria. Kadalasan, ang mga problema sa paa ay nakikita o nararanasan ng mga matatanda. Kasama nito ang arthritis, metatalsalgia, warts at iba pa. Ang fungi ay isang malaking grupo ng mga mala-halamang mga organismo. Kabilang sa mga ito ang mga mildews, molds, morels, kabute, puffballs, rusts, smuts, truffles at yeasts. Hindi sapat ang chlorophyll ng mga fungi kayat hindi sila maaaring lumikha ng sarili nitong pagkain tulad ng kakayahan ng mga halaman.. Sila ay karaniwang nagpaparami sa pamamagitan ng mga spores. Lumalago ang mga fungi sa pamamagitan ng pagbuo ng mga branched at mala-sinulid na filaments na tinatawag na hyphae. Tulad ng mga halaman, mayroon silang mga cell walls at organisadong mga nuclei na naglalaman ng mga material na sumasaklaw sa mga namamanang katangian. Hindi tulad ng ilang mga bakterya, ang ibang fungi ay nangangailangan ng oxygen. Maraming yeasts at ilang mga fungi ay lumalaki sa pamamagitan ng budding (Benjamin, 2002). Ang fungi ay mahalaga sa maraming paraan, mapanganib man kung minsan ay mayroon naman itong mga katangian na kapaki-pakinabang. Sila ay lubhang napakahalaga sa likas na katangian ng proseso ng pagbulok, na nagbabalik ng mga kemikal sa lupa, itinataas ang pagyabong ng lupa, at iniaalis ang mga bundok na mga labi ng mga halaman at hayop. Ito rin ay sanhi ng humigit-kumulang 30,000 na sakit ng mga halaman, na nagreresulta sa pagkalugi ng sektor ng agrikultura. Ang ilang mga fungi, tulad ng mga kabute, morels, puffballs at truffles, ay maaaring maging masarap na pagkain; ang ilan tulad ng Amanita phalloides ay nakalalason. At ang ilang naman tulad ng Penicillum ay naglalaman ng sangkap para sa mga antibiotics. Ang Penicillin na makukuha sa amag na Penicillium notatum ay nakatulong sa pag-angat ng antas ng parmasyutikong mga industriya. Ngunit, ang ilang mga fungi naman ay nagdudulot rin ng mga sakit sa mga tao (Benjamin, 2002). Ang mga parasitikong fungi ay umaatake sa lahat ng uri ng mga bagay na nabubuhay. Ang iba tulad ng Colleetotrichum at Rhizoctonia ay kayang mag-parasitize ng ibat ibang mga hosts. Ang mga uri naman ng Elsinoe, Cercospora at Chitinomyces ay may kakayahan ring umatake sa napakaraming bilang ng mga halaman at hayop (Benjamin, 2002). Ang mga fungi na may abilidad na mag-parasitize ay bilang at hindi ganoon karami hindi tulad ng mga bakterya, ngunit ang mga sakit na naidudulot nito ay maaaring maging seryoso at napakalubha. Ang pamilyar na halimbawa ay ang athletes foot na resulta ng pag-atake ng Epidermophyton floccosum o iba pang uri ng mga Trichophyton, at ang Candida albicans na sanhi ng rushes nito (Benjamin, 2002).

Ang fungus infection o impeksyong fungal ay kahit anong uri ng sakit o karamdamang nagmula sa isang fungus. Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing grupo at isa sa mga ito ang dermatophytes na nakakaapekto sa balat, buhok at kuko (Benjamin, 2002). Ang dermatophytoses ay matatagpuan sa kahit saan mang parte ng mundo. Ito ay nakaaapekto sa paa (athletes foot), singit (jocks itch), buhok o balbas (barbers itch), sa mga kuko, anit at iba pang parte ng katawan. Ang mga sintomas nito ay unang namamarkahan at napapansin sa mga inisyal at maliliit na mga paltos at paglagas ng buhok na may kasunod na pagbabalat at pagkapal ng mga kuko. Madalas ding nagkakaroon ng malubhang pagkati at iritasyon mula sa pagkamot nito. Ang isang espesyal na katangian nito ay ang paglitaw ng mga lesions na kulay berde kapag itoy napag-aralan sa isang filtered ultraviolet light na mas kilala bilang Woods light (Benjamin, 2002). Isa ang alipunga sa mga pangunahing sakit sa balat dito sa Pilipinas. Ang alipunga ay isang karaniwang kondisyon ng balat na nakakaapekto sa sakong ng paa at sa balat sa pagitan ng mga daliri nito. Ito ay karaniwang isang makaliskis, pula, makati na parang sasabog. Nakakaapekto ito hindi lamang sa mga paa ng mga atleta kung hindi sa pati na rin sa kapwang hindi atleta (Alai, 2008). Ang medikal na pangalan ng athletes foot na nagmula sa isang uri ng fungus ay tinea pedis. Mayroong iba't ibang mga fungi na maaaring maging sanhi ng athletes foot at ito ay maaaring makuha sa napakaraming mga lugar kasama na ang mga gym, locker rooms, swimming pool, mga salon ng kuko at mula sa mga nahawahan na medyas at damit. Ang fungi ay maaari ring kumalat nang direkta mula sa tao sa tao sa pamamagitan ng contact o pakikihalubilo. Karamihan sa mga taong nakakakuha ng ganitong klase ng impeksyon ay ang mga taong naglalakad o nakapaglakad ng yapak sa mga lugar na nalakaran na ng mga apektadong mga atleta o tao. Madalas rin itong nakukuha sa mga lugar o bansa na ang klima ay tropiko o napakainit (Alai, 2008). Gayunpaman, kung mabubuhay ang fungus sa isang lugar na walang wastong kondisyon upang siya ay mabuhay tulad ng mainit at mamasa-masang lugar, maaaring mapigilan at hindi makahawa sa balat ang naturang na organismo (Alai, 2008). Ang ganitong klase ng impeksyon ay hindi rin basta-basta sapagkat ito ay maaaring kumalat sa mukha, singit, mga genitalya at sa buong katawan (Alai, 2008). Maraming mga indibidwal ang hindi nakararanas ng kahit anong sintomas sa ganitong impeksyon. Ang iba naman ay lingid sa kanilang kaalaman na may ganito silang sakit. Marami rin ang nag-iisip na simpleng panunuyo at pangangati lamang ito ng balat sa paa. Ganunpaman, ang mga karaniwan nitong mga sintomas ay ang pamumula, pangangaliskis, paggagalis, pangangati at pagmamaga. Dahil dito, maaaring magtuklap ang balat at sa mga mas malubhang kaso, maaaring itong magdulot ng hapdi, kirot at sakit na may kasamang pagdurugo. Sa mga bihirang kaso naman ay nagdudulot rin ito ng pagpapaltos (Alai, 2008).

Dahil sa paghahangad ng mga tao ng kaginhawahan at agarang mabisang gamot na lulunas rito, nagkaroon at naglabasan ang ibat ibang uri ng mga antifungal na gamot. Isa sa mga ito ay ang Lemongrass ( Cymbopogon citratus) na isang natural na halamang gamot na may napakaraming gamit. Ang dahon, tangkay at ugat ng Lemongrass ay kadalasan ring ginagamit dahil sa taglay na nito ang halos lahat ng kalunasan (Frann, 2011). Ang Lemongrass, o mas kilala bilang tanglad ng mga Tagalog, ay isang mataas na halaman na mayroong limamput limang uri na maaring mabuhay sa loob ng mahabang panahon. Ayon kay Cheel et al., ito ay matatagpuansa mga maiinit na rehiyon at sa ibat ibang tropikong bansa. Ang aktibong biyolohikal na sangkap ng tanglad ay citral na mayroong higit na 75% ng essential oil (Hyunh et al., 2008). Ang tanglad ay karaniwang ginagamit na mahalagang sangkap sa pagluluto ng mga Asyano dahil sa taglay nitong citrus lemon na amoy at lasa. Ang halamang tsaa naman ng tanglad ay ginagamit bilang pampatulog o sedative, febrifuge, at immunostimulant sa India (Pearson, 2010; Brian and Ikhias, 2002). Ang essential oil naman ng tanglad ay maaaring gamitin bilang gamot sa acne, scabies, kabag, pagsakit ng ulo, mga sakit na may kaugnayan sa pagdaloy ng dugo at sobrang pagpapawis (Lawless, 1995). Ito rin ay may abilidad gumamot ng taong may fever, ringworm infection, nausea, problema sa digestion, ubo, kuto, alipunga, at arthritis. (Frann, 2011). Ang essential oil ng tanglad ay mayroong antimicrobial properties na maaaring gamtin bilang isang mabisang gamot sa bacterial at fungal na impeksyon. Ito ay maaaring gamitin sa paglinis at paghilom ng ng mga sugat at iba pang mga sakit na may kaugnayan sa balat (hal. ringworm). Ito rin ay maaaring gamot sa food poisoning, staphylococcal infections at iba pang impeksyon sa tiyan at pag-ihi. Ayon sa pagsusuri ni Matasyoh (2010), ang essential oil ng tanglad ay nagpapakita ng antifungal activities laban sa mga mycotoxigenic fungi tulad ng A. flavus, A. parasitious, A. ochraceus, at A. fumigates. Ang antifungal activity na ito ay maaaring nagmula sa mga sangkap na kilala sa biyolohikal nitong gawain. Ang mga pangunahing active components na ito ay ang geranial, neral at geraniol na naiulat na mayroong mataas na antifungal activity (Lee et al., 2008). Ang natural na pinaghalong geranial at neral, na dalawang isometric acylic monolerpene aldehydes, ang siya ngayong bumubuo sa citral. Sa linya ng kemistri, ang essential oil nito ay naglalaman rin ng myrcene tulad ng dilerpenes, methylneptenone, atrenellol, linalcel, tarnisol at iba pang alcohol, aldehydes, linaiocel terpineol at iba pang pabango (www.drugs.com). Mayroon ring mga halamang kahalintulad ng tanglad batay narin sa mga sangkap nito, maging ang mga gamit nito. Ang ilan sa mga ito ay ang lavender oil na may taglay ring antifungal property (Celiz, 2011), pati ang bawang o garlic na may ajoene na isang active component upang malunasan ang alipunga (Knowles, 2011). Mayroon ring mga tradisyunal at nakaugaliang mga natural na paraan upang maiwasan ang alipunga (MedlinePlus, 2011). Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Hugasan ang paa araw-araw. Panatilihing tuyo ang mga paa, lalo na sa pagitan ng mga daliri. Laging magsuot ng malinis na medyas. Iwasang maglakad ng nakayapak o walang tsinelas at sapatos sa pampublikong mga lugar.

Mayroon ring pag-aaral patungkol sa conventional air-drying na kadalasang gingamit sa dehydration na operasyon sa pagkain at kemikal na industriya na kung saan kanilang natutunghayan na may potensyal at abilidad ang halamang tanglad para rito (Ibrahim, M., Sopian, K., David, W. R. W., 2009).

You might also like