PEN: ANG PAMAMAHALA NG ORAS NG MGA ESTUDYANTENG NAG-AARAL HABANG NAGTATRABAHO

DIZON, Christine Desiree P., MARFIL, Jomille D., RACELIS, Trisha Jennifer P., RAZ, Hazel Joy M., TORIO, Kristel Mae O.,VALDEZ, Ma. Regina De Jesus J., mula sa 1BSN 8 UST Kolehiyo ng Nursing. Sa patnubay ni Prop. Zendel M. Taruc, M.Ed.

Panimula
Hindi maitatangging ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang kayamanan nating mga tao. Ito kasi ang tanging pamana sa atin ng ating mga magulang na hindi basta-bastang makukuha sa atin. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na humarap sa ibang tao dahil nagkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili at sa ating kaalaman. Ngunit sa lahat ng rason kung bakit napakahalaga ng edukasyon, ito na marahil ang pinaka-angkop sa panahon ngayon: ang edukasyon na ang nagiging batayan natin sa pagasenso at pag-unlad. Isinisiksik sa utak ng karamihan, lalo na sa utak nating mga kabataan, na upang tayo ay maging matagumpay sa buhay, kailangan nating makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo. Ito nga maraahil ang nag-uudyok sa karamihan ng mga estudyante sa kolehiyo na pumasok sa buhay ng isang working student. Ang mga working students ay mga estudyanteng pinagsasabay ang kanilang pag-aaral at ang kanilang pagtatrabaho. Ang kalimitang trabaho nila ay maaring sa loob mismo ng kanilang unibersidad. Ang pamanahong papel na ito ay nagtatalakay sa mga working students at kung paano nila pinamahalaan ang kanilang oras sa pag-aaral at pagtatrabaho. I. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura A. Mga Karaniwang Dahilan na Nag-uudyok sa mga Mag-aaral na Pagsabayin ang Pagtatrabaho at Pag-aaral Ayon kay Tessin (2001), sa bansang Amerika, ang patuloy na pagtaas ng tuition fee ay ang pangunahing dahilan kung bakit nauudyok ang mga estudyanteng pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral. Maraming kolehiyo at unibersidad ang nag-aalok ng mga student jobs sa mga iba’t ibang departamento. Ang pagkakaroon ng ganitong trabaho ay nakakatulong sa mga estudyante upang matustusan ang mga akademikong gastusin at iba pang personal na gastusin. Isa pang dahilan ayon rin kay Tessin ay ang hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang ang kanilang anak sa kadahilanang kakulangan sa pera. Ayon naman kay Pahuntalan (2001), ninanais ng estudyanteng makatulong sa kanilang magulang at maging responsable kung kaya’t sila ay napipilitang magtrabaho. Sa Pilipinas, isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinapasok ng mga estudyante ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay upang magkaroon ng karanasan ayon kay Savillo (2002). Ayon naman kay Villanueva (2004), ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin gaya na lamang ng tuition fee ang pangunahing ring dahilan kung kaya naman pinagsasabay ng mga estudyante ang pag-aaral at pagtatrabaho. B. Mga Karaniwang Trabaho na Pinapasukan ng mga Working Students Ang campus jobs tulad na lamang ng mga private tutor, receptionist, campus resident advisor at ang pagiging library assistant ang karaniwang pinapasukan ng mga estudyante sapagkat ang mga ganitong uri ng trabaho ay ang umaangkop sa kanilang iskedyul ayon kay Tom (2003). Ang iba pang mga trabahong kanilang pinapasukan ay ang magagaang gawain lamang sapagkat isinasaalang-alang nila ang mga iba pang gawain bukod sa pang-akademikong bagay ito ay ayon naman kay Allen (2000). Ang pagiging fastfood crew naman ang kadalasang pinapasukan ng mga estudyanteng Pilipino ayon kay Cabatuando (2004).

Ayon kay Constandse (2004). Ang mga nasabing estudyante ay may mataas na potensyal sa paggastos. mas natutuon ang kanilang isip sa pagseseryoso sa pag-aaral at nabibigyan ng importansya ito higit sa ano pa man. Dahil dito. Iba pang bagay na kanilang isinasaalang-alang ayon din kay Tessin ay ang kanilang panahon sa pamilya at ang social life. E. maiisip ng iba na makahahanap naman sila ng trabaho kahit hindi sila nakatapos ng kolehiyo. sa katunayan. Sa kabilang banda. naiisip din nila na dahil kumikita na sila ng pera. ang kinakaharap ng mga working students na mga suliranin ay ang paglimot sa paggawa ng mga iba pang mahahalagang bagay sapagkat naibubuhos ang kanilang oras sa mga ibang bagay na sa tingin nila ay mahalaga rin ngunit hindi pala. Ang panahon naman para sa ibang bagay na hindi importante ay kanilang panghuling isinasaalang-alang. .) Tumutulong sa Pagpapahalaga sa Edukasyon Ayon kay Walt (2003). Mga Isinasaalang-alang ng Isang Working Student Pag-aaral ang pangunahing isinasaalang-alang ng isang working student sapagkat ang dahilan kung bakit sila ay nagtatrabaho ay upang matustusan ang kanilang mga pang-akademikong gastusin (Tessin. 2005. tulad ng paghasa ng kanilang hidden talents ayon kay James (2005). 2. Ang kalusugan ay isa ring bagay na isinasaalang-alang ng mga estudyante pagdating sa pagtatrabaho at pag-aaral ayon kay Valarao (2000). nagkakaroon sila ng mga credit cards na may mataas na limit. mas malayo ang kanilang mararating kung sila ay makakatapos.) Nagpapataas ng Kasanayan Ang trabaho ay hindi rin natin lahat mapipili kaya ang oportunidad sa mga estudyante ay nagsisilbing kasanayan upang mahasa ang kanilang kaalaman sa mga bagay-bagay. Nakapupulot din sila ng mga karanasang hindi matatawaran at magsisilbing daan upang mamulat sila sa mas mataas na kaledad ng gawain (Demetria. tumataas din ang antas ng kapaguran (stress) ng mga mag-aaral na nagtatrabaho. Calleja. 2001). Sila ay nakakaranas ng iba’t ibang sakit o disorders tulad ng insomnia. pansamantala. depresyon at iba pa. D.C. 2006). 3.) Kumikita ng Pera Ayon kay Demetria (2005). Ang isang estudyanteng may trabaho at mahusay dito ay napapansin ng mga taong may kaalaman na siyang nagbibigay oportunidad na magkaroon siya ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo ayon kay Raymundo (2005). Mga Adbentahe ng Pagiging Working Student 1. Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Working Students Sa pagdami ng gawaing pang-akademiko at ng trabaho.) Nagbibigay Oportunidad Ang pagtatrabaho ay nagbubukas ng pinto sa pagkakakilanlan ng mga tao. ang pinakamabigat na dahilan kung bakit maraming estudyante sa kolehiyo ang nagtatrabaho ay upang maagang kumita ng pera. Ang pagtatrabaho ng kahit kaunting oras ng mga estudyante ay nakatutulong upang maiwasan ang pangungutang at ang pagbabadyet nang maayos ay naisasakatuparan. 4.

) Pagiging Bugnutin Ayon sa isang pag-aaral. Mas panatag ang loob nila kung sila ay kukuha ng taong may kasanayan na sa naturang gawain dahil naroon na ang pag-asang may magandang serbisyong magmumula sa kanila (Eduardo. Unang-una sa lahat. napopokus sa pagtatarabaho ang isang bata. II. Ang isang estudyanteng nakakayanang ibalanse ang kanyang oras sa tamang paraan ay isang taong may disiplina sa sarili. Isa pang dahilan sa pag-aasal na ito ay dahil nagiging seryoso ang estudyante.5. nagagamit din nila ang kanilang pisikal na enerhiya sa pagtatrabaho (Miller. Ang pagod mula sa trabaho ay isang dahilan kung bakit hindi na sila nakakapag-aral at nakakatugon sa mga pangangailangan sa klase pagdating sa bahay (Miller. Mercado. Metodolohiya Ang ginamit na metodolohiya ng grupo ay ang paraan ng pakikipanayam at pagpapasagot ng mga talatanungan sa mga napiling respondente.) Nagbibigay Lalim sa Resumé Mas nagbibigay pansin ang mga kumukuha ng empleyado sa mga may karanasan sa pagtatrabaho sa kolehiyo. Pangalawa. Ang sobrang oras ay nagiging panahon upang ipahinga ang sarili para sa pagsabak sa panibagong araw (Ricardo. napakahirap ng oras sa kolehiyo. Sila ay nakadadalo sa klase. Mga Disadbentahe ng Pagiging Working Student 1. Sa pag- . ito ay parehong madaling gamitin at hindi masyadong kumakain ng oras ng grupo at ng mga respondente. Ang paraan na ito ay tinatawag na Convenient Sampling. 2002). 3. Nakakaramdam sila ng pagkabugnot dahil bukod sa paggamit ng kanilang utak sa pag-aaral. 2004. lahat ay planado at ang bawat araw na dumaraan ay halos pare-pareho lamang. 2. umiikot ang mga katanungan ng pag-aaral na ito mula sa tanong na “ano” hanggang “paano” at hindi sa “iilan”. F.) Kakulangan ng Oras sa Iba pang Gawain Dahil sa limitadong oras. 2005). ang taong kadalasa’y pagod at kakaunti ang oras ng paglilibang ay nagiging bugnutin. 6. at dumarating ng tamang oras sa trabaho. 2006). Umiikot ang bawat sandali sa pag-aaral at pagtatrabaho.) Humuhubong ng Pagkakaroon ng Disiplina sa Sarili Ayon naman kay Mendoza (2003).) Pagbaba ng Marka Ang bagay na ito ay nangyayari sa mga working students na nagsisimula pa lamang sa pagaangkop ng sarili sa mga pagbabagong masasabi nating hindi ganoon kadali. Dahil sa biglaang pagsasabay ng mga mabibigat na gawain. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral A. nakapokus ang utak nila na kailangan nilang mag-aral upang maisaayos ang kanilang marka at ang pagiging episyente pa rin sa kanilang trabaho. dahil ang pokus ng pag-aaral na ito ay isang descriptive analysis ukol sa pamamahala ng oras ng mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral. 2004). nagagawa ang mga kailangan.

nang siya’y tanungin tungkol dito. na nagtatrabaho bilang mga working scholars at student assistants sa mismong paaralan sa loob ng isa hanggang dalawang taon. sa ibang mga estudyante na hindi working scholar. Sila-sila ay sina (1) Patrick James A. Arbilon. Ang talatanungang isinagawa ng mga mananaliksik ay binubuo ng dalawang bahagi: (1) personal nga mga impormasyon at background ng respondente. Isyu Ukol sa mga Grado Ayon sa nakararaming mga respondente. Ang mga respondente ay pawang mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo ng Unibersidad ng Santo Tomas. nasa ikalawang taon ng BSE. 18. at (2) mga open-ended questions kung saan malayang magpahayag ang mga respondente ng kanilang mga palagay at karanasan. (3) Joanarose N. Delfin. Hindi sa pagmamayabang. upang mapagbalanse nang mabuti ang pag-aaral at pagtatrabaho. nasa ikalawang taon ng BS ECE. Salazar. Nakakapag-aral ako ‘pag mayroong breaks sa klase at pagdating sa bahay” Ito ay mga patunay na ang epekto ng pagtatrabaho sa grado ay hindi talaga isang malaking isyu para sa mga working scholar ng Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat ang pagkataas o pagkababa ng grado ay karaniwang nakadepende sa kakayahan at pagpupursigi ng isang estudyante upang balansahin o sabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho sa paraan na walang napapabayaan. Ayon pa sa kanila.” Ayon naman sa isang respondenteng si Michelle. hindi gaanong nakaaapekto ang kanilang estado bilang isang working student/scholar sa kanilang grado. Natatawa nga nang sinabi ni Kuya PJ. at (5) Michelle A. nasa ikalawang taon ng BS Pharmacy. Barrion. (4) Joseph Bryan Tilos. (2) Kristine Marie Y. pero nagtataka lang ako dahil napapansin ko na minsan pagdating sa grado. talino at sipag. Ang sumusunod ay iilan sa mga katanungang pinasagutan sa mga respondente: (1) Sa napiling trabaho. “Natatawa nga ako eh.aaral na ito nalaman ng grupo ang mga paraan ng pamamahala ng oras ng mga estudyanteng nagtatrabaho at kung ano ang mga epekto nito sa kanilang buhay at magiging buhay. . nasa ikalawang taon sa College of Commerce. kinakailangan lang talaga magkaroon ang isang indibidwal ng disiplina. paano mo pinamamahalaan ang iyong oras para sa oras ng pag-aaral at pagtatrabaho? Hindi po ba kayo nahihirapan sa pagtatrabaho habang nag-aaral? Bakit?. mas nalalamangan pa ng mga working scholars ang mga ordinaryong estudyante. B. Sabi nila nakadepende lamang ito sa kakayahan ng isang estudyante na mapagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. mas marami pa silang bakanteng oras kaysa sa amin. (2) Ano po ang mga isinasaalang-alang ninyo nang pinasok ang pagtatrabaho?. Eh kung tutuusin. Ang pangkat ay gumamit ng mga instrumento kagaya ng voice recorder at kamera upang maging mas epektibo at episyente ang pangangalap at pagtatala ng datos mula sa mga respondente. Presentasyon. sanay na ako. na nasa ikalawang taon ng BSE: “Medyo nahihirapan ako nung umpisa pero kasi dalawang taon na ako sa ganitong gawain. nasa ikatlong taon ng BSE Social Studies. Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos Ang pagtalakay sa mga datos ay umiikot sa mga napili na tema at ito ay ang mga sumusunod: 1. Limang pili na respondente ang kinapanayam at binigyan ng talatanungan ng mga mananaliksik.

ang isang working scholar ay buwan-buwan silang nakatatanggap ng isang libo at tatlong daang piso (P1300) bilang allowance. oo. Batay sa mga kasagutan nila sa mga talatanungan. nakasama roon ang mga katanungang ukol sa kanilang pamilya. Kahirapan o kakulangan sa pera ang tila pangunahing dahilan na nag-uudyok sa mga mag-aaral na pasukin ang pagtatrabaho. Nakukuha daw nila ito tuwing ika-lima o ika-dalawampu ng buwan. Ayon kay Kristine Salazar. nakatutulong ang mga benepisyo na nakukuha nila bilang mga working scholar pero hindi pa rin ito sapat upang masabi na talagang sila’y nakakatulong sa usapang pinansyal sa kanilang pamilya. Kaya naman sa nakitang sitwasyong ito.. Batay sa kanilang mga kasagutan sa talatanungan. kasama sa mga benepisyong natatanggap ng mga working scholars ang kanilang buwanang allowances. Sa talatanungan na ibinigay. . pagkain. “Siyempre mga teenagers pa rin kami. Wika ng isang respondenteng si Joseph Bryan. Para naman sa mga working scholar. naitanong sa mga respndente kung sila ba ay nagkakaroon pa ng oras o panahon para sa kanilang pamilya o kanilang sarili o kung sila ba ay nagkakaroon pa ba ng tinatawag na recreation time. 18. Aniya ng isang respondente. masasabi na ang mga working scholars ay di masyadong nalalayo mula sa isang ordinaryong mga kolehiyalo o kolehiyala. Kung ano man ang sitwasyon na meron sila. sa karanasan bilang isang working scholar ay natutunan niya ang halaga ng pera.” May mga iba naman na inilalaan ang kanilang sobrang oras sa paggimik kasama ang mga kabarkada at kadalasan ang perang ginagamit nila dito ay mula sa allowance na buwan buwan rin nilang natatanggap mula sa kanilang trabaho. may mga social life pa rin naman kami. Siyempre gusto naming ma-enjoy ang buhay kabataan. Isyu Ukol sa Usapang Pinansyal Bukod sa full scholarship o libreng matrikula. kailangan may fun time rin. at kahit na mga working scholar kami. Kaya naman karamihan sa mga respondente ay ginagawang sariling pera o nilalaan na lang sa personal na gastusin ang buwanang allowance na kanilang nakukuha sa trabaho. Kung iisipin. mahigit kumulang na mga anim (6) na oras sila kung magtrabaho o mag-duty. ang limampung porsyento na ito ay mababawasan pa ng kanilang panahon na nailalaan para sa trabaho. 3. Ginagamit nila ito sa mga bagay na kakailangin sa paaralan o mga pansariling bagay tulad ng mga gadgets. Para sa mga ordinaryong mga estudyante.. Karamihan sa kanila. Isyu Ukol sa Pamamahala ng Oras sa Pamilya at sa Sarili Halos lahat ng mga kinapanayam na mga working scholar ay araw-araw kung magtrabaho o magduty. ito’y isang paraan para makabawas sa gastos dahil labindalawa kaming magkakapatid”. halos (50%) limampung porsyento ng kanilang panahon ay nailalaan para sa oras ng pag-aaral o para sa oras pang-akademiko.” Kaya naman mula sa mga pahayag na ito. Karamihan sa mga respondente na aming nabigyan ay mula sa mga malalaking pamilya o mula sa pamilya kung saan ay hindi lamang sila ang anak na pinagkakagastusan. sinisiguro pa rin nila na mae-enjoy nila ang kanilang pagkabata.2. 17 ng College of Commerce: “Nais ko lamang tulungan ang aking mga magulang sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid. nasabi na kung ano mang sobra pang oras na meron sila ay “siyempre nilalaan ko na lang ito sa tulog noh. Hindi pwedeng puro aral trabaho na lang. ipon o mga gimik.

tiyaga. Hindi din ako makasama sa lakad ng klase dahil may trabaho pa ako. KONGKLUSYON Bawat working scholar ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit sila pumasok sa pagtatrabaho habang nag-aaral. REKOMENDASYON Buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga working students ang mga sumusunod: . “Minsan gusto ko nang umuwi kaso hindi ko magawa dahil may trabaho pa ako. mayroon ding iba sa kanila na mas nabawasan ang panahon na makipaghalubilo sa ibang tao at lalo na ang panahon sa sarili. Isyu ukol sa mga Adbentahe at Disbentahe ng mga Working Students Ang pagiging isang working scholar.”. A. ang pagiging working scholar ay may katumbas ding iba pang mga disadbentahe maliban sa kakulangan ng oras ng pagtulog. marerealize mo ang tunay na halaga ng pera.Joanarose Arbilon. Mas mahusay nilang napagsasabay ang mga iba’t ibang gawain. Ngunit sa kabila ng mga adbentaheng nararanasan nila. 18. sa sarili. Hindi ito madaling kitain. Nakukulangan sa oras sa pag-aaral. idisiplina ang sarili at ang magbalanse ng oras upang hindi maging pabaya sa kanilang mga tungkulin. dito ay nakakapulot din sila ng mga aral at karanasan na madadala nila hanggang sa kanilang pagtanda—mga bagay na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera. ang sarap ng pakiramdam. Iba Pang Mga Disadbentahe Nahahati ang kanilang atensyon. Ilan sa kanila ay sinasabing ang pangunahing dahilan kung bakit nila pinasok ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay upang makatulong sa kanilang mga magulang. sa mga kaibigan. kapag ginagastos na namin ito para sa bagay na talagang gusto naming. tulad ng lahat ng bagay. Subalit lahat sa kanila ay may isang salita tungkol sa pagiging isang working student— depende lang talaga sa tao. mag-prioritize. mahusay na pamamahala sa oras. Kaya naman. Talahanayan ng mga adbentahe at disadbentahe ng pagiging working scholar o student assistant • • • Iba Pang Mga Adbentahe Nagkakaroon sila ng mga karagdagang karanasan sa pagtatrabaho. Nagkakaroon sila ng mga panibagong mga kaibigan o lumalawak ang kanilang circle of friends. at magandang diskarte ang susi sa kaunlaran. Sa aming panayam. 18 • Maaring maapektohan ang grado at performance sa klase • • III. Mayroong iba sa aming mga nakapanayam na nagsabi na isa rin sa mga dahilan niya ay upang magkaroon ng bagong karanasan. Sa kabilang dako. Hindi mababakas sa kanilang mukha ang kapaguran sa klase at maging sa kanilang trabaho. Dala na rin ng pagiging isang working scholar ang lakas ng loob na makipaghalubilo sa ibang tao. B. mahusay na pakikisama. nakitaan namin sila ng kasiglahan habang nasa lugar ng trabaho. ay mayroong mga adbentahe at disadbentahe.”-Michelle Delfin.“Kapag working scholar ka. Sipag.18 4. 17 at Michelle Delfin. Dahil dito. Nabanggit din nila na bukod sa nagkakaroon sila ng sense of fulfillment. mas naeengganyo silang magtrabaho. Nahuhubog ang kanilang pagkatao sa paraan na sila’y natututong makitungo sa iba’t ibang uri ng tao. Figure 1. Bukod sa mga benepisyong materyal tulad ng nabanggit na mga buwanang allowances at libreng matrikula. nagiging mas makabuluhan ang mga dumadaan na mga araw dahil sa serbisyong kanilang naibibigay. Ito ang naging pangunahing dahilan nina Joseph Bryan Tilos.

ekstra http://brockreport.acenet. College Students Working: The Choice nexus.com.i.acenet. Ito ay importante para sa iba pang aspeto ng buhay kagaya ng sa social aspect.answers. MGA SANGGUNIAN http://sustar. 2008.cfm&contentHD=13270 http://www.pdf http://www.acenet.edu’workingstudenbriefpdf Jonathan M.2008.timemanagement.asp http://ph.http:/www.http://www.edu/am/template. Mas palawakin ang pagtugon sa mga salik na nakakaapekto sa pagiging isang working student. 2.Oct.www.brockport.asp O working Students have an edge over full-time students?Dec.com/yho/new/pf/20011022a.cfm&contentD=13270 Lucy Lazarony.answers.edu/career01/unpromise.Dec.More students juggling work and higher education.2008. 2001.net/print/print. 2.www. C. 12. Dec 14.1. Whitemore. Isa ring bagay na di dapat kalimutan ay ang matinding panalangin at paniniwala sa Diyos upang ang lahat ng mga gawain ay mahusay na magampanan. Para na rin sa iba pang mga mananaliksik kaugnay sa paksang ito.Working students: What higher education needs to know.com.html http://www.edu/~ipas1/workinstudent. 2008. 14.htm http://www.indiana. Mas maganda rin na magkaroon ng mas malalim na pananaliksik sa aspeto ng pakikipanayam sa mga respondente upang magkaroon ng mas malawak na basehan ng mga datos.edu/career01/upromise.htm Tina Tuttle w/ Jeff Mckinney & Melanie Rago.indiana.edu/AM/template=/CM/HTMLDisplay.2008.id=5726 http://vlawid.multiply.com/epekto-ng-gawain.edu/career01/unpromise.com/journal/item/52 http://www.html http://www. 22.brockport.edu/caree01upromise.ph/static/ilo/2003/10/14/Feat/workingstudents. Makakatulong kung magiging bukas ang relasyon nila sa isang working student dahil sa ganitong paraan.pdf http://www.pphp?article. Peter R.indiana. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming mga respondents para may mas maraming impormasyong makakalap.htm Laura ullane.April 2005.cfn?section=search&%template=/cm/htmldisplay. Orszag.com/question/index?qid=20080112094602AA7L7Eh .freoninresearchpapers.brief.edu/~ipas1/workingstudentbrief. 14.Dec.bankrate.edu/AM/template/CM/HTMLDisplay. 14.yaoo.com/yho/news/p/20011022a. nais din naming irekomenda na: 1.bankrate.htm http://www.com/question/index?qid=2008011094602AA7L7Eh http://www.brockreport.cfn &%contentid=13270 http://services . Learning & Earning:working in College. 2. Orszag & Divine M. Kailangan magkaroon ng sapat na oras para sa pahinga at paglilibang.Dec. mas madaling makapagbahagi ng ano mang bumabagabag sa kanila.inquirer. Para sa mga propesor ng mga working students: 1.http://ph. Mainam kung mas mapapalawak ang kanilang pang-unawa sa kalagayan ng mga estudyante.August 2001.yahoo.ph/blogs/clawid/?p=76 http://jvbnep.