You are on page 1of 7

Samahan ng mga Manunulat na PLMarian

Sampal ng Katotohanan
ni Xelfualize

Gwapo talaga ni Justin, kaya lang may kasintahan na siya, wika ni Kimberly sa sarili habang pinagmamasdan niya ang magkasintahan na naglalakad sa harapan niya. Bagay na bagay talaga sa isat isa ang magkasintahan. Gwapo, matangkad at matalino si Justin, samantalang si Jade naman ay mahinhin at simple lang ang ayos, na siya namang kabaligtaran niya. Pinaghalong inggit at sakit ang nararamdaman ni Kimberly sa tuwing nakikita niya kung gaano kamahal ni Justin ang kasintahan nito. Sa simula pa lang ay minamahal na ni Kimberly si Justin ng palihim. Madalas niyang natatagpuan ang sariling pinagmamasdan ito sa malayo kasama ang kaniyang kasintahan. Isang umaga, habang naglalakad si Kimberly sa koridor papuntang librari, ay hindi niya maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Oo nga, sayang talaga ang relasyon ng dalawang iyon. Akala ko nga sila na talaga hanggang sa huli. Sabi ng isang babae. Akala ko nga rin e, ang sabi raw ay may iba ng mahal si Jade. Malandi rin pala ang isang iyon. Akala mo kung sinong mahinhin may tinatago rin pa lang baho. sabi naman ng isang pang babae. kahit na parang sinasaksak ang puso niya ng paulit-ulit sa tuwing makikita sa magagandang mata nito ang kaligayahan kapag

Sampal ng Katotohanan| 1

Natulala siya sa kanyang mga narinig. Hindi niya malaman kung matutuwa ba dahil magkakaroon ng pag-asang mapansin din siya ni Justin, o maaawa at masasaktan dahil nasasaktan ngayon si Justin sa nangyari. Nang mabunggo siya ay saka lamang siya natauhan na nasa gitna pa pala siya ng koridor. Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo at hinanap si Justin. Halos malibot na niya ang buong eskwelahan ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa, hinanap pa rin niya ito at natagpuan na niyang na nakaupo sa ilalim ng puno sa likod ng gym. Naawa siya sa kalagayan nito. Tulala ito habang umiiyak at tila ba pinagsakluban ng langit at lupa. Inabutan niya ito ng panyo, ngunit para bang wala ito sa sarili kung kayat kusa na lang niyang punasan ang mga luha nito. Sa pagdampi ng panyo sa kanyang mukha, ay tila ba itong natauhan at biglang tumingin sa kanya ng masama. Umalis ka dito! Wag mo akong kaawaan! bulyaw nit okay Kimberly. Kung ayaw kong umalis? May magagawa ka ba? At saka hindi naman kita kinakaawaan, pinupunasan ko lang naman iyang mga luha mo. Sagot naman ni Kimberly. Ganoon na rin iyon. Parang kinakaawaan mo na rin ako. Sino ka ba? Ako si Kimberly. Huwag ka na ngang umiyak, para ka namang bading e. pabirong sabi niya kay Justin. Hindi ako bading. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi umiyak. Ang sakit e. pabulong na sabi nito. Sa tingin mo, ikaw lang ba ang nasasaktan kapag nasasaktan ka? Isipin mo na lang na maraming taong nagmamahal sa iyo na mas nasasaktan dahil ipinapakita mong mahina ka, na nasasaktan ka. At isa ako sa nasasaktang iyon, dagdag ni Kimberly sa sarili. Ganoon ba iyon? Hay, salamat sa sinabi mo, kahit kasi parang nawirdohan ako sa mga sinabi mo, kahit papaano napagaan nito ang pakiramdam ko. Sabi nito at

Sampal ng Katotohanan| 2

sabay ngiti ng pilit. Kahit papaano, nasiyahan si Kimberly dahil napangiti niya si Justin kahit na pilit na ngiti lamang iyon. Walang anuman. Sagot niya.

Nang mga sumunod na araw ay naging madalas ang pagkikita ng dalawa tuwing bakanteng oras. Madalas silang magkwentuhan ng kung ano-anong mga bagay na may kinalaman sa kanila. Sa pagkukwentuhan nila ay hindi miminsang mapunta ang kanilang pag-uusap tungkol kay Jade. Sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Jade ay nakikita ni Kimberly ang kakaibang kislap sa mga mata ni Justin na dahilan kung bakit parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya. Naging matalik na magkaibigan sila. Madalas din silang magkasamang namamasyal at sa tuwing magkasama sila ay madalas silang napagkakamalang magkasintahan na lihim namang ikinatutuwa ni Kimberly. Bakanteng oras nila ngayon, kaya napagpasyahan nilang maupo sa ilalim ng puno kung saan sila unang nagkakilala. Kimberly, may gusto sana akong ipagtapat sayo. Parang ninenerbyos na sabi ni Justin sa kanya. Ano naman iyon, aber? pabirong sabi ni Kimberly. Sa tingin ko, gusto na kita. Natulala lang si Kimberly. Para siyang naestatwa sa narinig Alam kong nabibilisan ka sa mga pangyayari. Kahit naman ako, nabibilisan din sa mga nangyayari. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Natutulala pa rin si Kimberly sa kanyang mga narinig. Hindi siya makapagsalita, tila ba nalunok niya ang kanyang dila. Matagal na niyang pinangarap na marinig iyon mula sa lalakinh mahal niya. Tuwang-tuwa siya.

Sampal ng Katotohanan| 3

Makalipas lamang ang ilang lingo ay naging magkasintahan na ang dalawa. Tumagal ang relasyon nila ng dalawang buwan. Katulad lang din ng pangkaraniwang magkasintahan ay nagkakaroon din sila ng tampuhan at hindi rin naman mawawala ang matatamis na sandali. Bakit? pabulong lamang ang tanong ni Kimberly kay Justin dahil nasa loob sila ng silid-aklatan. Wala naman, pansin ko lang kasi palagi kang may kolorete sa mukha. Maghilamos ka kapag labas natin, a. sabi ni Justin sa kanya. Ano namang masama kung may kolorete sa mukha ko? Gusto ko lang kasing makita ang mukha mo kapag walang kolorete para lumabas ang tunay mong ganda. Mas simple, mas maganda. Sagot nito sa kanya.

Habang tumatagal, napapansin ni Kimberly na para bang may iba siyang pakiramdam sa relasyon nila, parang may kulang. Noong una, sinabi niya sa sarili na kuntento na siya sa pagmamahal ni Justin sa kanya. Pero unti-unti ay natatabangan na siya sa relasyon nila, sa nangyayari sa kanila. Parang may iba talaga, ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ang nararamdamang iyon.

Naglalakad silang dalawa sa koridor ng biglang may tumawag sa kanila, si Jade. Niyaya sila nito para sa gaganaping kasiyahan para sa kaarawan nito. Hindi naman sila nagpatumpik-tumpik at agad silang pumayag sa paanyaya nito dahil kahit papaano ay naging magkaibigan na rin sila ng dalaga. Agad-agad naman siyang niyaya ni Justin na pumunta sa department store upang bumili ng regal okay Jade. Nakahanap naman agad ng pangregalo si Justin para

Sampal ng Katotohanan| 4

kay dio. Isang Silver na bracelet na napapalawitan ng bulaklak. Medyo nainggit si Kimberly, dahil kahit minsan ay hindi pa siya nabibigyan ng regalo ni Justin. Maganda ba? tanong sa kanya ni Justin. Oo, maganda. Bagay sa personality niya. Mapaklang sagot naman ni Kimberly. Iyon nga rin ang pumasok sa isip ko ng makita ko ito. kanya. simple lang pero maganda. Natigilan si Kimberly ng marinig niya ang huling sinabi ni Justin. Para siyang sinaksak ng patalikod. Ang sakit, sobra. Bagay talaga ito sa

Ngayon ang kaarawan ni Jade, kaya lang mukhang hindi makakarating si Kimberly dahil hinika siya at sa ospital muna mamamalagi ngayong gabi. Tini-text niya si Justin na huwag na lamang tumuloy kina Jade sa halip ay bantayan na lamang siya nito sa ospital, ngunit hindi ito nagrereply. Tinawagan na lamang niya ito. Hellow? Justin? Sorry Kimberly. Hindi ako makapupunta diyan sa ospital. Nakapangako na kasi ako kay Jade na dadalo ako sa kaarawan niya kahit anong mangyari. Pasensya na ah. Sabi sa kanya ni Justin. Pinipigil lang ni Kimberly na humikbi dahil sa narinig. Please? Kelangan kita ngayon. Pumunta ka na dito? Sorry. Binaba na ni Justin ang telepono. Bigla na lamang na paiyak si Kimberly. Mas pinili nito si Jade kaysa sa kanya na kasintahan nito. Mas pinili nitong magpakasaya kasama si Jade kaysa alagaan siya. Sino nga ba naman siya? Ano nga ba naman ang laban niya sa first love? Ang sakit pala malaman ang katotohanan. Ang sakit!

Sampal ng Katotohanan| 5

Kinabukasan, agad siyang nakipagkita kay Justin. Nakipagkita siya sa ilalim ng puno, sa may likod ng gym. Kailangan na niyang tapusin ang lahat hanggat maaga pa. Hanggat kaya pa niya ang sakit.

Hi? Ayos ka na ba? medyo naiilang na bungad sa kanya ni Justin. Maayos naman. Kamusta kina Jade? tanong niya. Masaya naman. Nakangiting sabi ni Justin. Ganoon ba? Kaya ba hindi ka man lang nakapunta sa ospital, kasi mas masaya ka doon? mapaklang ng sabi ni Kimberly. Sorry. Nakayukong sabi naman ni Justin. Tapusin na natin ito. Seryosong sabi naman ni Kimberly. Makikita sa mukha ni Justin ang pagkabigla sa narinig niya. Alam kong mahal mo pa rin siya. Sana hindi mo ako ginamit para kalimutan siya dahil alam kong alam mo na hindi mo siya kayang kalimutan sa pamamagitan ko. Dagdag pa ni Kimberly. Yumuko lang si Justin. Huwag kang mag-alala, hindi ako kailan magagalit sayo kahit na pinagmukha mo lang akong tanga. Kahit na sinaktan mo ako. Salamat nga pala dahil tinuruan mo akong magmahal. . . . ng lubos at tapat. Pilit na pinipigilan ni Kimberly ang pagpatak ng kanyang luha. Sobra na siyang nasasaktan sa nangyayari ngayon. Gustong-gusto niya magalit dito pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya dito. Alis na ako. Paalam na. sabi ni Kimberly.

Sampal ng Katotohanan| 6

Sa pagtalikod ng

niya, ay pagtulo naman ng mga luhang kanina pa niya

pinipigilan. Oo, masakit pero kailangan niyang tanggapin ang lahat.

Sa pagmamahal, dalawang bagay lang ang mahalaga: kung paanong magmahal ng lubos at kung paano bumitaw at tanggaping hindi siya ang bubuo ng kwento mo.

Sampal ng Katotohanan| 7