You are on page 1of 9

TULANG TRADISYONAL Amor ang Tanging Nais ni: Marianne C.

Yap

Oh, aking kahilingan, Ating pagmamahalan, Sana'y walang hangganan, Kahit may humadlang man. Hirap man pagdaanan, Hindi ka iiwanan. Mag-isa sa kawalan, Hindi pababayaan. Kung ikaw ma'y lilisan, 'Di ka malilimutan. Gabi at umaraw man, May puwang sa isipan. Iwan may kataksilan, 'Di ako masasaktan. Pagkat pag-iibigan, Ang tanging kasiyahan.

TULANG MALAYA

Kailan Ngingiti ang Buwan ni: Avon Adarna (Isang Tulang Malaya) Nakatanaw ang buwan Sa kawalan At nagmamasid Sa palag ng kasamaan Nitong daigdig, At napapailing Sa ilap ng buting nilalang, Hindi matagpuan

Sa tumpok Ang mga puting tupa, Puro sungay ng kambing Ang nakakapiling At nakakatalik Kaya nga napapapikit Sa hibik Ang langit! Nagtapon ng titig Ang buwan Sa kawalan, Hanggang sa walang hanggan At napaigtad, Sa nasaksihan, Pagkat ang mga pag-asa ng bayan Na kailangan at dapat Na tugma at sukat Hayun sa sulok, At nabubulok! Hindi makabawi, Sa pagkalugami At sa pagsisisi, Sapagkat nalango Sa bisyo ay gumon Na sukat ipagwalang-bahala Kahapon, bukas at ngayon! Kailan mangyayari, Na ang buwan Ay ngingiti, Habang tanaw sa gabi, Ang kapatagan At kabundukan Na uhaw sa mabuti? At kailan mapapawi Ang lungkot, Na ayaw kaakbay Sa igting ng lumbay? Kailan mapapatango Ang buwan at magsasabi Na tunay na mabuti Ang nilalang

Sapagkat sadyang kawangis Ng Dakilang Lumalang! Halakhak lamang sana Ng buwan Ang pumailanlang Sa dilim at lamig Ng daigdig Upang pumintig, Hindi isumpa Ni Bathala At pakinggan Ang bawat dasal Na umiiral. At napakainam Na ang lahat Ay hindi salat Sapagkat Buhay at gumagalaw, Maligaya't sumasayaw!

Ako ang daigdig ni Alejandro G. Abadilla


I ako ang daigdig ako ang tula ako ang daigdig ang tula ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig

ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig II ako ang daigdig ng tula ako ang tula ng daigdig ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aking daigdig ng tula ako ang tula sa daigdig ako ang daigdig ng tula ako III ako ang damdaming malaya ako ang larawang buhay ako ang buhay na walang hanggan

ako ang damdamin ang larawan ang buhay damdamin larawan buhay tula ako IV ako ang daigdig sa tula ako ang daigdig ng tula ako ang daigdig ako ang tula daigdig tula ako

TULANG BLANKO-VERSO

Ang mga Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz ni Jose F. Lacaba Isang gabing madilim puno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz pusturang-pustura

kahit walang laman ang bulsa BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng konduktora at minura si Juan de la Cruz. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz ang buong Avenida BAWAL PUMARADA sabi ng kalsada BAWAL UMIHI DITO sabi ng bakod kaya napagod si Juan de la Cruz. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz tumapat sa Ma Mon Luk inamoy ang mami siopao lumpia pansit hanggang sa mabusog. Nagdaan sa Sine Dalisay Tinitigan ang retrato ni Chichay PASSES NOT HONORED TODAY sabi ng takilyera tawa nang tawa. Dumalaw sa Konggreso si Juan de la Cruz MAG-INGAT SA ASO sabi ng diputado Nagtuloy sa Malakanyang wala naming dalang kamanyang KEEP OFF THE GRASS sabi ng hardinero sabi ng sundalo kay Juan de la Cruz. Nang dapuan ng libog si Juan de la Cruz namasyal sa Culiculi at nahulog sa pusali parang espadang bali-bali

YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH sabi ng bugaw sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura Kahit walang laman ang bulsa naglibot sa Dewey si Juan de la Cruz PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY sabi ng neon. Humikab ang dagat na parang leon masarap sanang tumalon pero BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nagbalik sa Quiapo si Juan de la Cruz at medyo kinakabahan pumasok sa simbahan IN GOD WE TRUST sabi ng Obispo ALL OTHERS PAY CASH. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz dala-dala'y gulok gula-gulanit na ang damit wala pa ring laman ang bulsa umakyat sa Arayat ang namayat na si Juan de la Cruz. WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng PC at sinisi ang walanghiyang kabataan kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz

Sa Aking mga Magulang ni: Jerome Apilla Kayo ang dahilan ng aking hininga Ako ay nabuo sa inyong kalinga, Pag-ibig na wagas, totoo't dakila, Ang siyang nagbigay ng lakas ko't sigla Hinubog ang aking damdamin at diwa, Kasama ko kayo sa ngiti ko't luha. Sa aking pagtulog sa gabing madilim, Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing, Hindi hahayaang lamok ay kagatin, Pati na ang init, pilit papawiin, At kung ako ma'y tuluyang magising, Nakangiti kayong sasalubong sa akin. Hindi nga maliit ang sakripisyo n'yo. Simula nang ako'y maging isang tao, Kaya naman ako'y may mga pangako Mga utos at hiling ay susundin ko, Igagalang kayo at irerespeto, At mamahalin sa buong buhay ko!

PROYEKTO SA FILIPINO
IPINASA NI;

JEAN CARLO B. BUCAYU

IPAPASA KAY:

MS. ARMIDA MACARUBBO