You are on page 1of 1

OCT.

16, 2012

NR # 2894

Posisyon sa OSCA
Hiniling ni House Deputy Majority Leader Mar-Len Abigail Binay (2nd District, Makati City) ang mabilis na pag-aapruba ng Kongreso sa panukalang batas na magbibigay-linaw sa kwalipikasyon ng taong magiging nominado para pamunuan ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA). Sa kanyang House Bill No. 2759, sinabi ni Binay na mahalagang posisyon ang OSCA na punong-puno ng resposibilidad at kakayahan para sa serbisyong panlipunan. Ang pamunuan ang OSCA ay isang hangad na posisyon at nabigo naman ang batas na banggitin ang basic requirement para sa OSCA na pamunuan ito, sabi ni Binay. Layunin ng panukala na amiyendahan ang Section 6 ng Republic Act 9994, kilala bilang Expanded Senior Citizens Fact of 2010. Sa kasalukuyan, pinapayagan ng RA 9994 senior citizens na pamunuanan ang OSCA para sa tatlong taong termino at bibigyan ito ng honorarium matapos itong aprubahan ng local government. Sa ilalim ng panukala, ang nominado para pamunuan ang OSCA ay Filipino citizen, naninirahan at rehistradong botante ng lungsod o munisipyo, may mabuting pag-uugali, marunong bumasa at sumulat, at isang bona fide member ng duly accredited senior citizens group ng tatlong taon mula sa araw ng nominasyon. (30) eag