P. 1
Here's my SHIT.

Here's my SHIT.

|Views: 11|Likes:
Published by Faith D. Baisa

More info:

Published by: Faith D. Baisa on Oct 18, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/19/2012

pdf

text

original

[_______________________________________________________] (Lagyan mo ng Title, Klasmeyt) By Faith Baisa Ayun, pagkakataon ko na para magpasikat, ay mali, maglahad pala ng opinion tungkol

sa buhay kolehiyo. Gasgas na ang topic na napili ko ‘di ba? Ano naman? Hindi pa naman kasi bukas ang isipan ng iba nating mga klasmeyt tungkol sa ganitong usapin. Oras na para mamato, ilan kaya ang matatamaan? “DotA? Tara!” Madalas kong marinig sa mga blockmates ko. Ewan, ano bang meron sa DotA at lagi nilang pinagtutuunan ng pansin? Masaya? Exciting? Napagkikitaan ng pera? Tapos? May exam ka pa bukas, magdoDotA ka pa. May practice kayo ng grupo mo ngayon, DotA pa inuna mo. Yan tayo sayo Klasmeyt e. Walang masama sa pagdoDotA, ilugar mo nga lang. Isipin mo ung panahong sinasayang…este… ginugulol mo kakaDotA. Kung nagreview ka nalang, o kaya sumama ka sa practice nyo, edi happy happy pa kayo ng mga magulang mo dahil blooming ang grades mo. Saka ka na magDotA, ung tipong wala ka nang grades na poproblemahin. Tito ko nga pastime un after work e. *toot toot* *toot toot* *Bukas ng selpon at basa ng text* From: <INSERT *crush’s/suitor’s/boyfriend’s/girlfriend’s name/call sign/codename/o kahit ano pang kachakahan ang trip mong itawag sa kanya* HERE.> Message: Darling ko, hihintayin kita sa SM mamayang alas tres ha. Sabay tayo umuwi. I lab yow! ;** Ganda ng love life natin ah, `musta grades? Minsan, sa sobrang kilig na natin e nakalimutan na natin na meron pa pala tayong mga bagay na dapat gawin. Text kayo ng text, usap kayo ng usap, nakakapag aral ka pa ba ng matino? Minsan nga e, pati ung depression mo sa break up naapektuhan na ung performance mo sa Academics. Tsk tsk tsk. Yan tayo senyo ng ‘Darling’, ‘cutiepie’, ‘sweetheart’, ‘honeybunch’, o ‘*kung ano man ang tawag mo sa kanya*’ mo e. O kung wala ka namang lovelife, at gusto mo magkaroon, payong kaibigan, wag mo muna atupagin yun. Busy pa si Lord kakasulat ng lovelife mo kaya wag mo na muna syang kulitin at baka ma-delay pa lalo. At sa mga single na kagaya ko…APIR! Sa darating na pasko, magsama-sama tayo sa Tropang SMP… Samahan ng Malulutong ang Pera. Sponsored by *drumroll* *tenenenent tenen!* Ninong at Ninang! (Pauso ko yan, korni na kung korni, wag mo nalang tangkain basagin ung trip ko.) Mabalik tayo, ayun na nga. Ang point ko lang, balansehin mo ang lovelife at studies mo. Kapag nasa ganyan kang klase ng relasyon at kasabay nun ay nag-aaral ka rin, isipin mo na hindi pwedeng puro ka landian…este…lovelife. May mga assignments at requirements ka pa na kelangang atupagin. At syempre, di karin naman pwedeng school lang ng school, aral lang ng aral. Tandaan mo, may kasintahan kang kelangan mong bigyan ng atensyon at pagpaparamdaman ng pagmamahal. Kung di mo kayang balansehin, break break din, simple. Ganun naman sa buhay e, kapag hindi mo kayang pagsabayin,

kelangan mo pumili. Para na rin maayos mo ung mga bagay na kelangan mo i-improve sa sarili mo. Mahirap? Sige, magdusa ka na. Tres. Cinco. Two point seventy five. *CLAP CLAP* Ang ganda ng grades mo Klasmeyt! Magiging proud talaga ang magulang mo nyan sayo, at bibigyan ka pa nila ng award, ang “Magtino ka sa school o Lumayas ka sa Bahay” Award. Dahil dyan e paniguradong sinisisi mo na ang professor mo. Ansarap ba manuntok ng prof kasi mahirap sya magbigay ng quiz at exam? Masyado ba mabilis magturo? Nakakaantok ba? Walang awa sa mga estudyante nya? Puro nalang pabasa tapos magpapaquiz? Feelingerang o feelingerong minor ba ito? E ung kuripot pa sa mga Ilokano magbigay ng score? Pati ba ung mga prof na ang estudyante lang ay ung white board? Yan tayo sa mga prof natin e. Ansarap nila pag uuntugin minsan no? Pero nasa kanila nga ba ang problema o nasa atin? Isipin din natin minsan ang side nila. Ang mga prof naten ay may mga kanya kanya ring ginagawa. Akala mo basta lang sila nagtuturo? Hindi, nagchecheck din yan ng mga pinaquiz, pinaseatwork, at pina-assignment nila. Inaayos ang class record, at laging nirereview ang mga lessons na ituturo nila kinabukasan. Ung iba nga e, may Masteral Classes pa. Kaya nga Klasmeyt, wag na natin dagdagan pa ung sakit ng ulo nila. Mag-aral nalang tayo ng mabuti at wag natin silang sisihin sa mga kapalpakan natin. Hindi naman mahalaga ang grades e, and mahalaga e natuto ka. Isa pang nakakaapekto ng buhay kolehiyo natin ay ang problema sa pera. Masalimuot pag usapan ang mga ganitong usapin. Hindi kasi pwedeng birubiruin ang ganitong sitwasyon. Madaming hindi nakakapag-aral dahil dito. Pero kung gusto mo talaga mag-aral, gagawa at gagawa ka ng paraan para makapag-aral ka. Di naman kasi dahilan na hindi ka makapag-aral kasi mahirap lang kayo. Ano yun? “Financially Deprived” <dahil masyadong harsh ang term na “Mahirap”> na nga kayo, di ka pa gagawa ng paraan para umangat ung estado nyo. Yan tayo sayo e. Isip isip din. Maraming scholarships ang pwede mong pasukan. Apply apply din at wag sayangin ang oportunidad na makatulong sa pagtitipid. Suggestion lang, mag SA ka (Student Assistant). Bukod sa hawak mo ang oras mo, pwede ka ring makipag usap sa mga Heartthrobs at Chickabebes ng AdU. Di lang yan, binabayaran ka pa ng school! Oha? Tara na sa tropang SA! Pinakahuli, ang Pamilya. Sila ang kinikilala bilang mga taong maaari mong lapitan sa oras ng kagipitan. Pero paano kung ito ang maging hadlang para hindi ka makapag-aral ng maayos? Broken Family, Grade-Conscious Parents, OFW ang (mga) magulang, at laging busy. Ano pang problema sa mga magulang at pamilya ang meron ka? Name it. Sa totoo lang, dapat matuwa tayo kung ganito sila satin. Broken Family o lagi silang busy? Simple lang, alam na nilang kaya mo na at may tiwala sila sa iyo kaya hinahayaan ka nalang nila. GradeConscious Parents? Pressure to, dyahe pa pag bumagsak. Lahat nalang ata ng perpektong katangian ng estudyante gusto nilang maisakatupara mo. Pero gusto lang nila ang mas makakabuti para sa iyo. Nakakasakal, pero worth it naman yan kapag nagkatrabaho ka na. OFW ang magulang? Isa lang ang conclusion ko dito. Paniguradong natutugunan nila ang mga pangangailangan mo. Pera, pagkain, libro,

gadgets, luho, lahat. Maliban sa kalinga. Pero Klasmeyt, lumayo sila para bigyan ka ng maginhawang buhay. Pakiusap, wag kang tatamaring mag-aral dahil dito. Isipin mo rin sila, hindi sila tinatamad magtrabaho at kumayod para lang makapag-aral ka. Andami kong sinabi, pero simple lang naming ang gusto kong iparating… College student na tayo at kelangan na nating umasta ayon sa kung ano ba dapat ang isang college student. Magkaroon ka ng disiplina na unahin ang mga dapat unahin. Ilayo ang sarili sa mga tukso. At ung mga Bad Vibes sa buhay mo? Gawin mong motivation yan para maimprove ang sarili mo gayon din ang pag-aaral mo. Dahil alam natin, na kahit na bigyan tayo ng brutal nating prof ng isang mapait na Cinco sa ating mga grado, hindi ibig sabihin nun ay bobo ka na. Walang taong walang alam. Standard lang ng mga prof at systema ng Kolehiyo ang numerong Cinco. Gaya nga rin ng sermon ko kanina, hindi naman mahalaga ang grades, ang mahalaga e natuto ka. Ang pagkatuto ay hindi lamang makikita at nakakulong sa apat na dingding ng klasrum, dahil nasa labas pa rin ang mas maraming aral na kelangan nating tuklasin.

To whom it may concern, Sinadya ko po talagang wag lagyan ng title, bahala na ang mga Klasmeyts magsulat ng title nyan, kaya dapat wag na guluhin ung format ng essay ko, dahil ung linya para sa title ang kanilang susulatan. Hehe. Thank you.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->