You are on page 1of 1

OCT.

18, 2012

NR # 2896B

Dagdag na retirement benefits sa hudikatura


Hiniling ni Rep. Carmelo Lazatin (1st District, Pampanga) ang pagpapatibay sa panukalang dagdagan ang retirement benefits ng miyembro ng hudikatura. Hiniling ni Lazatin na aprubahan ang House Bill No. 1436 na ngayoy nasa konsiderasyon ng House Committee on Justice. Ayon sa kanya, kahit na napakaimportante ang kanilang papel para mapanatiling parehas ang hustisya para sa lahat at ang propesyonalismo na kanilang ginagawa, hindi pa rin sapat ang kanilang seguridad matapos silang magretiro. Ang mga huwes sa ating bansa ay kinokonsiderang mga pinuno at tagapagtanggol ng Konstitusyon. Ang kanilang pagganap bilang tagapagtaguyod ng hustisya at kaayusan sa ating lipunan ay talagang kailangang-kailangan, sabi ni Lazatin. Sinabi ni Lazatin na ang kasalukuyang batas sa pagreretiro na ibinibigay sa retirement benefits para sa miyembro ng hudikatura ay hindi papantay sa kondisyon ng ekonomiya ng bansa. Ang biyayang natatanggap nila ay hindi sapat o ng mga makabuluhang serbisyo ng mga huwes ng Korte Suprema, Court of Appeals at iba pang miyembro ng hudikatura, wika ni Lazatin. (30) eag