You are on page 1of 6

Roma

Heograpiya at Ekonomiya Matatagpuan ang Tangway Italya, pinagmulan nga sinaunang Roma, sa pagitan ng dalawa ring tangway-ang Tanway Iberian sa timog at ang Tangway Balkan sa silangan. Nagmula ang pangalang Italya sa salitang Latin na italus, ibig sabihin, botas. At totoo naman na ang Italya ay hugis sapatos na bota. Sa tatlong paligid ng Tanway Italya matatagpuan ang mga dagat Adriatico, Ionian at Tyrrhenian, at ang kabundukan naman ng Alps sa hilaggang hangganan. Mabundok ang malaking bahagi ng Italya ngunit maramin rin itong mga lambak na angkop sa agrikultura at pagpapastol. Masagana ang Italya sapagkat mayroon itong napagkukunan ng tubig-ang Ilog Tiber at Ilog Po sa hilaga ng bansa. Ang matabang lupa, banayad na klima at kakulangan sa magagandang daungan ang mga dahilan kung bakit nagiging mga magsasaka ang mga pinuno nga sinaunang tao nga italya-di tulad nga ng mga sinaunang Griyego na nagging mangangalakal at manlalakbay-dagat. Dahil sa estratehikong lokasyon nito sa Dagat Meditaranya, ngabunsod ito sa pagtatatag ng isang imperyo. Ang pagkakaharap nito sa kanluran ay nakatulong upang masupil niya ang mga Kanlurang Mediteranya sa mga panahong ang mga Gresya naman ang kinikilalang panginoon o puno ng Silangang Mediteranya.

(Quirante-Radford, 2003 pahina 84-85)

Ang malaking bahagi ng Imperyong Romano ay nakapalibot sa Dagat Mediterranean. Lahat ng lupaing na tutubigan ng Mediterranean ay nasa ilalim ng control noon ng mga Romano. Dahil ditto, ang Dagat Mediterranean ay tinawag ng mga Romano na Mare Nostrum Nangangahulugan ito ng Ang Dagat Natin, sa wikang Latin. Ginamit nila ang dagat bilang lagusan ng mga kalakal at mga paglalakbay patungo sa mga daungan sa kahabaan ng baybaying dagat. Naglakbay sila hanggang sa ibayo ng Pillar ni Hercules, ang tinawag nila sa Kipot ng Gibraltar. (Barrientos, at Buefete, 2001 pahina 114)

Sa simula ng kasaysayan, ang Roma ay isang maliit na nayon sa may Ilog Tiber sa gitnang bahagi ng peninsula ng Italia. Nakatulong sa Roma ang magandang lokasyong ng

peninsula ng Italia. Ang matabang kapatagan ay nakasuporta sa malaking populasyon. Ang ilog ng Tiber ay nakatulong sa Roma na magamit ang dagat para sa pakikipagkalakalan. Dahil nasa pusod ito ng Italia, ang Roma ay madaling nakapagpalawak ng kanyang nasasakupan. (Cabiles, at Santiago, 1998, pahina 91)

Pamahalaan Ang simulain ng Imperyo ng Roma ay pinangunahan ni Agustus, kilala rin bilang Octavian (27 B.C.-A.D. 140). SUya ang apo at tagapagmana ni Julius Caesar. Ang emperador ay may ganap na Kaharian nag nagpapatupad ng ehekutibo, lehislatura at hudikaturang pamahalaan. Siya rin ang pinakamataas na komander ng sandatahang-lakas ng Imperyo Ang sumunod sa emperador ay ang Senado, na ang mga kasapi ay binubuo ng matatandang lalaki, na kumakatawan sa tanyag na pamilya. Ang katagang senado ay buhat sa salitang Latin senex, nanangangahulugan ng old man. Bukod sa tungkuling gumawa ng batas, ang senado ay nagpapatupad ng dalawang mahalagang kapangyarihan-(1) suriin ang pagmamalabis ng emperador (2) magtalaga ng bagong emperador sa sandaling mabakante ang pagkaka emperador. (Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide. 1985 pahina 194)

Ang mga mamamayang Romano noong araw ay nahati sa dalawang uri: yaong mga Aristrokrata at yaong mga karaniwang tao o masa, na tinawag ding Plebeyo. Ang mga aristokrata ay mula sa angkan ng mga unang pinuno ng pamayanan, mga pinuno ng mga hukbo at yaong mga mayayamang asendero. Ang mga masa ay yaong mga walang maipagmamalaking magagaling o mayayamang ninuno. Ang iba sa kanila ay yaong mga kaapu-apuhan nga mga dating nanirahan sa Roma na napailalim sa mga Romano pagdating ng mga ito sa Italya. Yaong iba pa ay mga nabaon sa utang at nawalan ng mabuting pangalan. Ang ilan pa ay mga dayuhan o mga criminal na umiiwas sa batas. Sa ilalim nga Republikang Romano, yaong may lupa lamang ang pinayagang sumali sa mga hukbong pandigma. Ang katwiran ng mga awtoridad ay kung may lupa ang isang tao, mas magiging masigasig siya upang ipangtanggol ang republika laban sa mga kaaway nito sapagkat may mawawala sa kanya. Subalit nang lumaki ang sakop ng Roma at maging imperyo na ito, pinawalang bias na ang patakarang ito. Mahigpit ang pangangailangan ng Roma para sa mga dagdag na sundalo kayat napilitan narin siyang tumanggap ng mga taong

walang pag-aaring lupa. Ang mga aristrokrata naman , sa kabilang dako,ang humawak sa pamahalaan ng Republikang Romano. (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002, pahina 52-53)

Pinamahalaang mabuti ng Roma ang mga nalupig na bansa, na tinawag na mga Probinsya ng Roma (Roman Provinces). Bawat isa ay pinamumunuan ng isang panlalawigang gobernadorna itinalaga ng emperador. Ang bayan ng bawat lalawigan ay pinamumunuan ng katutubong opisyal na likal, pinili ng gobernador na panlalawigan. Ang pagkamamamayang Romano ay pinagkakaloob sa mga taong nasasakupan niya na matapat sa Roma. Maraming hindi taga-Romang buhat sa mga probinsya ang nagtungo sa Roma, ang nagtamo ng katanyagan dahil sa taglay nilang kaalaman at talino. (Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide. 1985 pahina 194)

Edukasyon Mga aliping Griyego ang ngaing tapagturo sa mga anak mayayamang Romano. Nagsimulang mag-aral ang mga batang lalaki at babae sa gulang na anim na taon. Dooy natututuhan nila ang pagbabasa, pagsulat, matematika at wastong paguugali. Pagkatapos ng ani, na taong pag-aaral, mga lalaki na lamang ang nagpapatuloy. Pagsapit sa labin-dalawang taong gulang, pinag-aaralan nila ang retorika, pananalumpati, anitikang Griyego at Latin, at higit na maunlad na aritmetika at heometriya. Sa pangatlong antas ng kanilangpag-aaral, tinuturuan sila ng pagsasalita at pananalumpati sa publiko, isang kakayahang itinuturing mahalaga upang maging matagumpay sa pulitika at sa mga husgado. (Quirante-Radford, 2003 pahina 90)

Relihiyon Gaya ng nasabi na, mayroong mga diyos at imaheng kumakatawan sa kanilang mga ninuno ang bawat tahanan. Sumasamba sila sa marming diyos at diyosa: si Vesta ang diyosa ng apuyan(hearth) at ang Lares ang mga ispiritung bantay ng bawat tahanan. Hiniram ng mga Romano ang mga diyos at diyosa ng mga Griyego binigyan ng Romanong pangalan. Si Jupiter ng mga Romano ay Zeus sa mga Griyego; si Juno ng mga Romano (Hera ng mga Griyego) ang

asawa ni Jupiter. Si Mars (Ares sa mga Giyego) diyos ng digmaan at paborito ng mga paladigmaang Romano; si Phoebus (Pebo o Apollo) ang diyos ng araw, tula at musika, ang paboritong diyos nga mga Griyego. Si Minerva ng mga Romano, ang diyosa ng karunungan/katalasan, Athena sa mga Griyego; si Poseidon ng mga Griyegoay nagging Neptuno; at si Mercurio, ang mensahero ng mga diyos ay si Hemes ng mga Griyego. Sa paglipas ng panahon, nagin Kristiyano ang mga Romano. Sa simula, inuusig ng mga emperador ang mga Kristiyano. Panahon na ni Constantino nang mabigyan ng kalayaang sumamba sa kanilang mga diyos ang mga Kristiyano. Pinahintulutang lumaganap ng mga sumunod pang mga emperador ang baging pananampalataya at di nagtagal ay nagging pangunahing relihiyon ito sa buong imperyo. (Quirante-Radford, 2003 pahina 90-91)

Pagbagsak ng Imperyong Romano Ang pagbagsak ng imperyo ay hindi biglaan. Unti-unti, sa loob ng mga 200 taon, nanghina at namatay ang mga umiral na sibilisasyon at ang kinahantungan nito ay ang tuluyang pagkawasak ng imperyo. Nang manungkulan ang orihinal na Agustus, ang dating Octavian, isa sa mga ginawa niya ay ang alisin ang pataw na buwis sa mga probinsya ng imperyo. Dahil dito, sa mismong Italya ay napilitang itaas ng pamahalaan ang buwis ng mga tao. Nasanay na kasi ang mga opisyal ng imperyo sa maraming luho at ayaw nilang mawala ang mga ito sa buhay nila, na siyang mangyayari kung mawawala ng tuluyan ang mga buwis. Sa bagong sistema, nabangkarote ang maliliit na mangangalakal ngmangangalakal ng italya at yaong malalakas ang negosyo ay naghirap. Ang bailing ng mga tao ay lumiliit din dahil sa mga sakit na karaniwan ay uwi ng mga sundalong galing (Gonzalez, FSC, Velez, Bernardino, 2002, pahina 63)

Noong 350 A.D., ang mga Hun, isang mabagsik na pagkat ng tao mula sa Asya, ay sumalakay sa Europa. Upang makaligtas sa mga Hun, nagtago sa Roma ang mga tribung Aleman. Sa pag pasok nila sa imperyo, sinira nila ang mga gusali roon. Nang dumating ang mga Hun sa mga lupaing Romano, nagapi sila ng mga kawal ng imperyo. Ngunit nagpatuloy pa rin sa pagpasok sa Roma ang iba pang mga pangkat ng manlulupig. Nagkani-kanya ng pook na maaangkin. Ang pinaka huling dagok na sinapit ng Roma ay naganap noong 476 A.D. nang

mgakaroon ng mga digmaang sibil sa imperyo. Unti-unting bumagsak ang Kanlurang Imperyo. Napalitan ito ng maliliit na kaharian. (Barrientos, at Buefete, 2001 pahina 119-120) Ambag sa Kabihasnan

Inhinyeria at Arkitektura Ang daang Apian ay isa sa mga tanyag na daanang ginawa ng mga Romano. Pinagdutugtong nito ang mga kolonya sa peninsula ng Italia sa lungsod-estado ng Roma. Nagtayo rin ang mga inhinyerong romano ng mga bobida, hanay ng mga arko (vault) at daanang tubig (aqueduct). Ang labi ng mga daan at daanang tubig ay makikita parin sa Italia, France st Espanya. Sa arkitetktura, nagging tanyag ang bukas na teatro (ampitheatre) at mga olumna. Kinilalang obra maestro sa arkitektura ang Pantheon at Colloseum. Ang Pantheon ay isang simbahang katoliko sa Roma na ang bubong ay may habang 43 metro samantalang ang Colloseum ay isang bukas na arena na may upuan para sa 50,000 katao. Ang Colloseum ay may habang 187 metro at may taas na 49 metro. (Cabiles, at Santiago, 1998, pahina 104)

Panitikan Katulad ng Greece, may mahusay na mananalaysay, manunulat at manunula sa Roma. Si Cicero, isa sa magagaling na orador ng Roma ay nagpamana ng mga nakapupukaw na talumpati. Sumulat din siya ng mga liham na naglalarawan ng pamumuhay ng mga matataas na tao sa kanyang panahon. Si Caesar na isang mahusay na heneral at pinuno ay isang ring mananalaysay. Ang kanyang mga Komentaryo sa Digmaang Gallic ay malinaw na nag salaysay ng kanyang mga nakita at ginawa sa kanyang pakikidigma sa gaul. Dalawang historyador ang nakilala bilang mahusay na manunulat ng Roma. Si Livy, na sumulat ng kumpletong kasaysayan ng Roma at si Tacitus, sumulat ng isang paglalarawan sa naging kalagayan ng Roma sa panahon ng mga emperador. (Cabiles, at Santiago, 1998, pahina 104-105)

Pagbabatas

Ang pinakamahalagang ambag ng Roma sa kabihasnan ay ang sistema ng pagbabatas ng pinagbatayan ng mga kasalukuyang bansa sa pagbuo ng kanilang konstitusyon at paggawa ng mga bagong batas. Nag-ugat ang Batas Romana sa Law of the Twelve Tables na ipinahayag ng mga mahistrado sa Ilalim ng Republika. An mga batas na nasulat sa tanso ay kumikilala sa paggalang, katapatan, katarungan at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harap ng batas. Naniniwala ang mga Romano sa prinsipyo na ang batas ay dapat mangalaga sa mga mamamayan at ari-arian. Ayon kay Cicero, ang pagsunod sa batas ay isa sa mga sangkap sa pagiging sibilisado. Ang Batas ng Bayan, isang sanga ng Batas Romano, ay sinusunod ang lahat ng mamamayan sa imperyo. Sa ilalim ng batas na ito, ang isang tao ay hindi isang Briton, Kastila, Italyano o Griyego- siya ay isang Romano. Ang batas-ayon sa mga Romano ay para sa lahat anuman ang uri o nasyonalidad. Ito ang pangunahin at pinakamahusay na ambag ng Roma sa makabagong kabihasnan. (Cabiles, at Santiago, 1998, pahina 105)